Here's a man I haven't mentioned in this blogelya. And we go way back. Way, way, way back. Like 13 years. More than enough for him to be part of my separations.
He calls me Bee, I call him Baby.
Una ko shang nakita nung nasa "loob" ng kumbento pa ko. Nag-sleepover sya sa quarters namin, habang tumutugtog ng "Awit ng Alagad". Dati syang core group member nung org na kinabibilangan ko, pero mga 2 yrs na sya sa "labas". Ahead yung batch nya sa amin ng 4 yrs. After that brief overnight encounter, we became a part of each other's lives -- whether we both like it or not.
Makulit, me kakaibang sense of humor, sarcastic in a cute way, adventurous, risk-taker, NPA kasi kung saan saan nakakalat mga gamit at damit, kahit saan nakikitulog, at trying hard tumugtog ng gitara. And, vertically challenged -- bagay na model ng osh kosh bigosh at guess kids si bungol. Pero maangas, palibhasa sanay sa kalsada at sa iba't ibang tao. Oh by the way, he's also cute as hell. Parang kerubin na me pinagdaanang nakaraan, kasi kahit mejo hindi katangkaran ang lolo mo, makikita sa mga mata nya yung lalim ng alam sa mundo, yung lawak ng karanasan, at yung mga lihim na natuklasan.
Minsan, me nagtangkang mandukot sa isa kong kuya na ka-batch nya habang walklaloo sila sa overpass ng guadalupe. Bigla sha kamong sumigaw "Hoy! Anong ginagawa mo jan? Gago ka ah!" Sabay amba ng sapak ke kuyang pickpocket major with specialization in laslas-bag and laglag-barya. Ganun lang sha, pag kailangang umalma, aalma. Pag kailangang steady lang, kalma lang. Never ko shang nakitang nagwala, nagalit ng wala lang, nag-inarte, o nagdamot.
After namin sa kumbento, nagsi-join kami uli sa isa pang org, pero based na sa outside world, di na sa simbahan. Nung nasa labas na ko, nawalan na sha ng exposure. Shempre ako ang na-expose sa kung anu-anong kalandian, and since straight naman all throughout ang lolo mo, hindi sha isa sa mga na-explore ko hihihi. College days ko, graduating sha sa architecture so talagang waley kaming bonding. Nagkita na lang kami uli nung 2004, during the camp kung saan ko nakilala sila Kevin at Ka-te. Isa sha sa mga nag-organize nung camp.
Palitaw ang lolo mo eh. Most of the time eh waley sha sa sirkulasyon ko. Tsaka dati kasi di naman talaga kami close, nagsimula lang nung graduate na kami pareho, at nagsimula na kaming mag-bonding sa alak. Iinom kung saan-saan, madalas ako yung walang ambag hehehe. One time malasing-lasing ako sa Malate, nilandi ko talaga ang lolo mo. Kasi kahit naman kalahating dangkal lang ang tangkad ng ungas, naguumapaw naman ang self-confidence at manhood!
Ang di ko talaga malimutan sa inuman na yun, yung ketchonnaise na dip ng fries, dinawdaw nya yung isang daliri nya, at saka inumang sa bibig ko! Ako namang si malandi shinamcey supsup ko ng bongga yung daliri nya, tangay pati cuticle at ingrown! Me mga moment lang shang ganun, na sobrang secure sya sa pagkalalaki nya, kaya keri lang na lumandi sya sa beki ng walang kiber. And since ako lang ang nag-iisang beki sa grupo, akin ang buong atensyon nya hihihi!
Birthday ko ng 2006, sa Timog naman kami nagtipon-tipon. All throughout the night, ang pramis nyang gift sa kin eh torrid kiss pagsapit ng alas-dose. Salubong. Asalto. Empunto. So nomo, kwentuhan, anik-anik na normal nang ka-join force sa mga umpukan. Pagdating ng 12 midnight, birthday ko na, kiniss nga ako ng lolo mo. Torrid. Sa lips. Three minutes (ata!) Sya ang first straight kiss ko. My previous kisses were from PLUs kaya mejo special yung sa kanya. And after that kiss, I knew we'd go a long way. Partida sya pa nagbayad nung bill namin, kasi "di ako maka-withdraw" hihihi. Totoo naman!
Our closeness is always short-lived. Lie-low ulit for a while, kasi nagpakasal sa huwes ang lolo mo, nagpala at nagmaso sa Xiamen, China, at naglaho sa sirkulasyon. Nung 2010, rise from the ashes ang drama nya para sa church wedding naman. Nagkita kami uli ng madalas, kasi inimbita ko ang sarili ko. Aba effort naman, Dumaguete pa ang venue mam! NagBohol muna kami, saka dumirecho sa venue, and had a great time. Tinangay ko pa yung sangkatutak na souvenirs ng kasal nila, little rose-shaped soaps, at pinamudmod sa mga kaibigan ko bilang pasalubong. He-heh!
Matapos ang kasal, KKB (kanya-kanyang buhay) ulit ang newly wed couple. Si bilat sa Xibalbamen, si otokis sa Maynila, kayganda ng Maynila. At kami naman eh nanariwa ang nakaraan, choz! Napadalas lang ang bonding namin, nagmo-motor kasi si baby, kaya mega angkas ako lagi. I swear, I'm such a sucker for men in bikes. Pag me inuman kami, papasundo pa ko jan. Me helmet pa na nasa bahay, para di na sya magdadala lagi. At kapag nakaangkas akez, akala mo eh tuko! Ayaw pa nya na sa balikat ako nakahawak, mas bet nya na nasa bewang ang kamay ko! Ay, nagpapayakap?! Choz! Para daw di ako maiwan sa ere na parang cartoons hihihi!
Sa pink na balur pa lang ako, madalas na sya dati. Dun sha bumo-borlogs and everything. Minsan nagkasakit pa sya habang nasa poder ko. Shempre mega alaga naman ang bakla, nagpi-feeling jowa! Pag late na kami nagigising, sabay na kami lunch saka sha aalis pa-work. O kaya pagkarating, saka kami mag-dinner sa labas. Usually sa Slice n Dice, malapit kasi ng isang kembutan lang, at murayray ang mga fudams. Doonchi nabuo ang "Hawak-Kamay Series" ko sa Instagram. Basta holding hands lang while eating, pipiktyuran, then post. Pati yung buhok nya na pinutol, sa kin pa nya pinatago at baka daw matripan kong gawing wigaloo.
Not everything is peachy pie, of chors. Me moment shempre kami ng warlahan at LQ! Ibang level lang kasi sa anda mayora kami nagkatalo. Naki-ride sha nung una sa cc, tapos na-aksidente sa motorific, napasubo sya at napautang. Eh haggard pa naman ako maningil, tipong isusumpa ko na mula kulani hanggang cyst, lahat ng lahi mo, pati na kapitbahay hanggang sa mga kalapit na barangay within a 5 mile radius! What he doesn't know, baliw-baliw naman din ako maningil, habang hina-haggard at dinadaot ko ang buong pagkatao nya, humahagikhik ako na pang-tyanak, habang ini-imagine ko kung pano umikot ang tumbong nya sa kaka-harass ko. Probably, I just know the right buttons to push and when push comes to shove, I shove hard. Para swak sa banga! Kasi naman, umabot na halos ng kembang mil ung IOU nya sa kin, nawalan pa ko ng work! Nun sumunod na financial aid, ba-bam mil naman, pang-kembot ko sa agency ng mga Maid in Manhattan yung kinuda ni tangkad, kaya ang lolo mo hina-haggard sa kin araw-araw.
What I admire about him, kahit ano nang masasakit at maaanghang na salita ang naihagis ko sa kanya, never sya pumatol o umalma o nakipagsabayan sa kin. Kaya kahit pikon na pikon na sya, halatang halata pa rin ang tibay ng formation sa kanya ng simbahan. Effective naman kasi cleared sa lahat ng claims ang lolo mo! At ngayun, ako naman ang ina-ask nyang mangulit dun sa me utang sa kanya. Oh di ba, bongga?! Full circle ang drama!
Sya lang ang friendship ko na alam ko ang password sa fb. As in, madalas ino-open ko yun para lang magbasa-basa. Tsaka pala para maningil dun sa kupal na me utang sa kanya. Di naman ako nagbabasa ng mga messages nila ng kalaguyo nya impernes sa kin! Hehehe, kalaguyo talaga?! Charlie Davao!
Almost a year ago, nung lumaganap ang epidemya nina AIDA at HIVY, isa sya sa mga nagpaalala sa kin na gawin ang dapat kong gawin. "Bee, nagpa-test ka na ba?" Kunwari maang-maangan pa ko nung una. "Anong test? Graduate na ko ah!" Pero tumingin lang sya sa kin, tipong 'alam mo na kung anong test yun, kunin mo na para mapanatag ka, wag kang selfish' And I did, salamat at negative naman. I do it regularly now, kasi ayokong maging selfish.
Rumor has that it I know about his -- rumors ha -- indiscretions. Yung mga kwento nya, yung mga bilat nya, yung mga eksena nila ng wifey nya, yung mga kembot at cartwheel moments, yung mga sogo, anito inn at victoria court affairs. Pati na yung kalandian nya the very night of his wedding! Oops! Sabi nga pala wag na ko mag-ingay sa iba hihihi. Erase! Erase! Rumors lang naman! I fondly call him Hector, tawag nya ke bilat eh Rubi. Nung naaksidente sha, si Rubi ang angkas nya nun kaya napilay ang babaita. Ayun naging Maribel si ate! Napahuni na lang ako ng "Di lang ikaw! Di lang ikaw ang nahihirapan, damdamin ko rin ay naguguluhan, di lang ikaw! Di lang ikaw ang nababahala, bulong ng isip wag kang pakawalan ngunit puso ko... Ay kailangan kang iwan..." The views and opinions expressed in this post are...
Dahil nga meron kaming circle of friends na madalas naming kainuman, kasama sa mga imbitasyon, kasalo sa mga kainan, before ako umalis eh me dalawang kasal pa kaming napuntahan. Before yun, nag-sale ang isang factory sa Taguig kaya sugod naman kami para makihalukay-ube sa mga gamit at damit ni Manong Ben Chan. Nakahanap naman ako, an elegant ruffled black dress shirt, terno pa kami -- medium ako, small sya hihihi! Ayun, uniform kami sa kasal nung Bes nya, at nung Bes ko (me utang pa ko eh) hahaha! Yung una e planado, yung sumunod e nagkataon. Buti nagpalit ako ng scarf, red nung una, pink naman nung pangalawa!
Marami syang gamit sa balur dahil nung minsan na nag-away sila ni Rubi eh naghakot sya ng gamit at sa kin tumuloy for almost two weeks. Bukod pa sa bawat sleepover nya na anik-anik ang iniiwan. Nung malapit na kong umalis, napadalas ang pangha-haggard ko ke bungol para kunin na nya yung mga gamit nya sa bahay. Taray, live in?! Dahil sa ulan, dahil walang budget, dahil sa trabaho, hindi makapunta ang lolo mo. Jirita Avila! Akala nya kasi tinataranta ko lang sya dahil sa gamit nya. Di man lang makaramdam si gago na gusto ko lang sya makita. Of course I wouldn't want to leave without seeing him! Kahit naman kasi lagi ko syang inaaway sa mga duties nya sa bumbay, at kahit pa me kanya-kanya kaming ginagawa pag andito sya dahil madalas eh nasa school ako at sya eh paalis na paguwi ko, iba pa rin pag nasa balur sya. Ang bonding lang namin minsan eh inuman, or pagkain ng dinner, or panonood ng concert at pagpapa-picture sa maarteng si Pauleen Luna. Kaya importante pa rin sa kin na makita sya bago ko lumarga.
He is one of the people na alam kong mami-miss ko talaga ng bonggang bongga. Simply put, he's the love that never was. He is more than a friend, and less than a lover. Walang namagitan sa min ever, except for that kiss in front of our friends. For both of us, I believe it's a case of I love you because I need you, and not the other way around. And that was fine. We both needed each other. Pareho kaming malayo sa pamilya, I know how it was to be an NPA, we had each other's backs.
One night that loneliness found its way out, and we crossed the line. [Insert oohs and aahs here, put some twists and turns there, a little thrusting sound effects every little while, and let the music build up for the climax...] We shared a night full of passion and intimacy... I gave my everything! It was the sweetest thing, yet it had a bitter aftertaste. And it was never the same after that. Etchoz! Chararat lang! Wit ganun! Hahaha... Wish ko lang davah?! But no... Pag umarte ako ng wagas, ang sasabihin lang naman nyan eh 'ulul!' Hihihi!
My friend told me I shouldn't include him in my separations. Wala kasing backstory, wala ring history, sabi pa wala raw fan base ahahaha! Screw that! For me, I express myself more when I blog, so this is the best way to say goodbye. Although it's not really 'goodbye' with him, more of 'see you soon'. I still wanted him to know how much I have grown to love him. He will always be my baby.
With him, I don't need to write a spectacular blog, and I don't have to compose a post so compelling. I just need to tell him this:
I miss you Baby!
I'm glad you came into my life. Salamat sa pagpapaangkas. Hanggang sa muli kong pag-backride!
like it
ReplyDeleteno goodbyes
yep, separations can be temporary, right?
DeleteNice one BM!!! Sa dami ng baby mo di ko mahulaan kung sino sya... Hahahha.. It's really nice.... I bet, kung buhay pa si Diosa, magugstuhan nya rin ito... Keep it up friend!!!!
ReplyDeleteTC And God bless!
@jheng, sino ba laging nag0aangkas sa kin sa meeting?! hihihi... ka-org ko shempre!
ReplyDeletegusto ko ang story ni baby, romantic. bet ko din ang the love that never was ang peg, its hard finding that, you know?
DeleteI express myself more when I blog
ReplyDeletewow!!!
wow
ReplyDeleteang sweet nito! kinilig ako ng slight :-)
ReplyDeletegusto ko magkaron ng ganyan... huhuh.. pero duda ko maiinlove ako... grabe ahhh... napakarare ng ganyan...
ReplyDeleteswerte...
Very nice although i thought at first that your "love that never was" was referring to Owen, your FB friend who sang for you "Marry Your Daughter". Oh who would forget your posts about him? ;)
ReplyDelete