Isang Fairy Tale... mula sa isang lukaret na Ninang!
Noong unang panahon, sa isang malayong kaharian, may isang prinsesang ipinanganak na napakaganda, napakatalino, napakabait at napaka-lahat na. Si Princess Cianne. Siya ay anak ni bathala, este ni Haring Tholits sa isang karaniwang mamamayan ng palasyo, si Bb. Sha-me.
Kilalang-kilala ang hari sa kaharian ng Quiapo at sa mga karatig na palasyo at call centers. Si Haring Tholits ay palalo, mapaglaro sa pag-ibig, at walang pakundangan sa damdamin ng mga babae. Kilalang-kilala naman ang kanyang ina sa mga medical transcription centers at sa Kaharian ng Taguig. Mahal pa rin ni Bb. Sha-me ang hari, at nabubuhay siya sa pait ng nakaraan, hindi matanggap na nawala na ang tamis ng dati nilang pag-ibig, at ngayon ay sya na lang ang kumakapit. Alamat lang to ha! Alamat! (Peace!)
One time, may isang wicked witch na nagbalat-kayo na isang magandang dilag at nabihag na naman ang atensyon ng malanding hari. Dahil sa kalandian lamang nagsimula ang lahat, eventually the king broke the witch's heart. Galit na galit ang wicked witch at nangako sya sa sariling maghihiganti sa hari! Tyempo lang ng moment ang kailangan, para swak sa Revenge 101!
Sa araw ng binyag ni Princess Cianne, of course imbitado lahat ng magagandang fairy at isang goddess-goddessan para tumayong mga ninang ng magandang prinsesa. Nagbigay ng kanya-kanyang mga regalo ang mga sosyal na ninang. Si Fairy Skathy gave her poise and grace para kahit anong okasyon at eksena, poised pa rin.. Si Fairy Popsie, memory para magamit nya sa kanyang pag-aaral. Si Fairy Engel, metabolism para kahit anong kainin nya at kahit gano pa karami ang kainin nya eh manatili ang kaseksihan. Si Fairy Alou, katatagan ng loob sa pagsubok at british accent. Si Fairy Zia, legs na walang hanggan at pagkakaroon ng mabulaklak na pananalita. Si Fairy Diwata, katatagan ng daliri, damdamin at isipan, at pagpapahalaga sa mga compute-compute at priyoridad sa buhay. Si Fairy Pam, galing sa sining at braiding. Si Fairy Ria, pagiging madiskarte at maabilidad. Si Fairy Grace, pagiging maalalahanin at malambing. Si Fairy June, paninindigan sa mga desisyon sa buhay. Si Fairy Joya, sa pagkakaroon ng iron liver at sa pagiging maasikaso at karinyosa -- para ligawin ng mga prinsipe!
Nagdagsaan din ang mga Knights of the Parian at nagsipagbigay ng kani-kanilang handog sa Prinsesa. Si Knight Francis, galing sa pamamahala ng kabuhayan at tatag ng kalooban kung sakali mang mapalayo sya sa kanyang pamilya. Si Knight Patrick, pagiging mapagbigay sa mga mahal sa buhay, at pagiging matapang sa harap ng mga abusado sa kapangyarihan. Si Knight John, pagkakaroon ng perfect diction at elocution, at pagka-madiskarte at masipag. Si Knight Antonio, para sa mga ilong na nakakasinghot ng ginto at marmol, at pagiging mapagbigay. Si Knight Allan, galing sa iba't ibang wika -- English (na may iba't ibang accent para di na wrong grammar ang prinsesa), French, Jejemon, Bekimon, Kantonese (salitang kanto) -- galing sa teknolohiya, at katalinuhan.
Shempre magpapa-importante ang goddess-goddessan na si Goddess Gwen, at ibibigay ang kanyang natatanging regalo kay Princess Cianne -- Rank 2 sa walang kapantay na kagandahan, Rank 1 shempre ang goddess herself -- gandang major-major; gandang no need sa make-up forever; gandang magla-launch sa thousand jeeps; gandang pang-Disney Princess.
Humahangos na dumating ang Fairy BM. Late na naman kasi! Traffic sa MRT! Bakit ba?! Me tumatawid na matanda, kelangang tumigil nung tren sa gitna ng Ayala at Buendia! Ang bukod tanging Fairy na naka-puke shorts. Magbibigay na rin sana sya ng regalo nya sa Prinsesa, nang biglang...
Bumalagbag pabukas ang malaking pinto ng palasyo, at dumating ang Scorned Witch of the West! She was so mad at the king, she cursed him, saying that his first-born will be turned to a golden statue when she turns 21. Nagprotesta ang Hari! "Ako na lang ang parusahan mo! Wag ang anak ko!" Pero tumawa lang ng malakas ang bruhilda. Tawang Luka sa Okay Ka Fairy Ko. Tawang Luz Fernandez! Tawang kontrabida!
Buti na lang di pa tapos magbigay ng gifts ang isang Ninang, si Fairy BM. Pero dahil nag-iisa sya, kinailangan nya ang tulong ng powers ng Kadenang Bulaklak. Sina Mamaru, Mamagan, Mamalin, Mamagal, Mamatrony. "Teka! Gagawan namin ng paraan! Because of the unkindness of the curse, you will be a golden statue, but the purest of love will break the spell."
Sumingit ang ina ng prinsesa, "Fairy BM, di ba pwedeng bawiin nyo na lang ang sumpa? Kelangan pahihirapan pa ang anak ko?!"
Umiling ang Kadenang Bulaklak, ang lahat ng fairies, at lahat ng knights. "Walang maaaring makabawi ng isang sumpa, kundi ang taong nagbigay nito. I just softened the blow, pero wala akong magagawa para bawiin ang sumpa."
When she turned 20, to prevent the spell before she turns 21, she went on a journey to find the purest of love. And so her quest for happiness began with a single step down the yellow brick road...
Princess Cianne went to a grand ball in a nearby kingdom. Not long enough, she was dancing with the prince himself! Pagsapit ng alas dose, biglang kumalam ang sikmura nya! Hmmm, it must be the ginataang shrimp! Kaya di na nya nagawang magpaalam sa prinsipe, bigla shang tumakbo papunta sa CR. Naiwan pa nya yung glass slippers sa hagdan. Kung lumingon lang sana sya. Ipinahanap ng prinsipe ang babaeng nagmamay-ari ng glass slippers. Nakisukat pa sha, pero di sumakto sa kanya yung shoes. Maluwag kasi talaga yun, kaya nga nalaglag nung tumakbo sya! Next thing she knows, he's marrying some domestic helper named Cinderella. Hay, it could have been her fairy tale!
Sa depression sa nangyari sa kanya, nagkulong ang Princess Cianne sa isang tore. Akala nya, wala ng pagasa kaya nagmukmok na lang sya sa kwarto at nakinig sa iTunes. Pakanta-kanta pa ang dilag, with matching choreography na pang-GForce! Sa ibaba ng tore, naulinigan sya ng isang prinsipeng naglalakbay. Umakyat ang prinsipe at naabutan nya ang babaeng tagalinis ng chimineya. Napagkamalan nyang ang babae ang kumakanta. Sila ang nagkainlaban! Next thing she knows, he's marrying some chimney sweeper named Rapunzel. Hay, it could have been her fairy tale!
Sinubukan na rin nyang matulog at ma-preserve ang kanyang katawan para wag syang umabot sa takdang edad. Cryogenics?! Nabalitaan ng isang magiting na prinsipe ang tungkol sa pagtulog nya, at sumugod agad one week pa lang. Paghalik, ambaho na ng hininga nya, isang linggo ba namang hindi mag-toothbrush! Palpak na naman... Nabalitaan nya na sa kabilang kaharian yung isang prinsesa eh kagigising lang matapos matulog ng 100 na taon, ayun at ginising ng halik ng isang prinsipe! Bago pala matulog, naglagay ng mentos sa bibig yung prinsesa, antaray! Next thing she knows, he's marrying some sleeping beauty named Aurora! Hay, it could have been her fairy tale!
Ang hindi nya alam, kahit may sumpa, takot pa rin ang witch na baka mahanap nya ang pure love, kaya nag-disguise si witch na isang matanda, at pinuntahan si Princess Cianne sa isang kingdom din. Binigyan nya ng poisoned apple ang prinsesa. Kasi daw milagroso ang apple, eh kahit naman isinumpa, di naman PG si Cianne, kaya dinedma nya ang apple, tinanggap lang para wag magdamdam yung matanda. "Mukhang bruha, kaorkot! Me kulugo pa sa ilong at sa labi! Pano naman ako maniniwala na powerful yung apple, eh di nya nga mabigyan ng milagro yung sarili nya?! Para syang Jean Garcia sa papel na Impaktita!" Pagtalikod ng matanda, ibinigay nya sa tindera ng mga piko at pala yung apple. Umuwi yung tindera sa mga friendship nyang unano, eh gutom si ate kaya nilapang nya yung apple. Ayun, nategi onor. Dead on arrival sa ER. Dumating yung isa pang prinsepe, hinalikan sa lips si tindera at nabuhay ulit. Next thing she knows, he's marrying some pick axe vendor named Snow White. Hay, it could have been her fairy tale!
Kakalakbay, napadpad sya sa isang kaharian na pagmamayari ng isang halimaw sa banga -- napakapangit pero napakabait. Gabi-gabi eh niyayaya syang magpakasal ng halimaw, pero tumatanggi sya palagi. Napapanaginipan kasi nya ang isang gwapong prinsipe gabi-gabi, at akala nya eh ikinulong ito ng halimaw somewhere in the castle. Kahit busog sya sa karangyaan sa palasyo, naiinip pa rin ang Princess Cianne, kaya gusto nyang mag-unwind. Pinayagan sya ng halimaw, sa kondisyon na babalik din sya agad. Napasarap nga lang ang bakasyon nya sa Palawan, kaya di nya namalayan ang panahon. Nabalitaan na lang nya na may napadpad na anak ng mag-uuling sa kaharian, at silang dalawa na naman ang nagkainlaban. Next thing she knows, he's marrying a charcoal vendor's daughter named Belle. Hay, it could have been her fairy tale!
Dinayo nya pati ang kaharian ng reynang OC, neurotic at metikulosa. Nagpa-cute at nagpa-sweet sya sa prinsipe, at sa wakas! Nagkagusto ang prinsipe sa kanya! Taglay kasi ni Princess Cianne lahat ng katangian na gustong gusto ng prinsipe -- maabilidad, maaasahan, me pagka-cowboy, malakas ang loob, mapagmahal, matalino, at higit sa lahat, hindi maarte at hindi banidosa. Pero pag inaalat nga naman, ayaw naman ng reyna sa kanya dahil ang gusto nito para sa anak ay isang matimtiman, malumanay, at sanay sa karangyaan na prinsesa, nararapat lamang sa isang prinsipe. Isang gabi ay may nakitulog na babae sa kaharian, basang-basa at animo sisiw na ligaw. Pinagpatung-patong ng reyna ang sandaang kutson, at nilagyan ng isang butil ng munggo sa ilalim. Kinabukasan, nag-inarte ang babae na hindi nakatulog nang maayos dahil hindi komportable ang higaan. Idineklara sya ng reynang isang tunay na prinsesa dahil dito. Imagine?! Dahil sa munggo, naging royalty agad?! Pano kung me scoliosis pala kaya di nakatulog?! Wala na shang nagawa, dahil hindi kaya ng prinsipe na kalabanin ang sariling ina. He became her first heartbreak. Next thing she knows, he's marrying an unnamed scoliotic Princess. Hay, it could have been her fairy tale!
Marami pa syang nakilalang prinsipe, na pawang sakit ng kalooban ang idinulot sa kanya.
May isang palaka na nagpapahalik dahil isa daw syang prinsipe, pagkahalik nya, nadulas sya sa batuhan at nalaglag sa tubig. Pag-angat ng ulo nya, kayakap na ng isang gwapo at hubad na nilalang yung babaeng naglalabada sa ilog. Ambilis naman nun?! Anu yun, 10 months syang nakalubog sa tubig?!
Nandyan na yung napagkamalan syang wolf at tinugis ng mga taumbayan na may dalang sulo... Nagdilig sa magic beans para lang mabagsakan ng higanteng barya at mawalan ng malay... Nag-isip ng happy thoughts, kaso kinulang sa fairy dust, kaya hanggang Morayta lang sya nakalipad...
At kung anu-ano pang mga kamalasan sa pag-ibig. Dahil sa kanyang kabiguan na mahanap ang puro at dalisay na pagmamahal na kailangan para maiwasan ang sumpa, tinanggap na lang nya ang kanyang kapalaran -- sa kanyang ika-21 na kaarawan, sya ay magiging isang ginintuang estatwa.
Limang araw bago sumapit ang takdang araw ng kaganapan ng sumpa, umuwi ang prinsesa sa kanilang kaharian, at nagbalik sa kanyang pamilya at mga magulang. Ang laki na ng ipinagbago ng lahat! Ang kanyang amang hari ay hindi na mapanakit ng kalooban ng mga babae. Naranasan nya ang sakit kung pano mawalan ng minamahal, kaya natutunan nya kung pano pahalagahan ang damdamin ng iba. Ang kanyang ina ay natutunan ang pagpapatawad, at pagbitaw sa nakaraan. Nawala na ang pait sa kanyang buhay, at nagbago ang kanyang pananaw. Hindi na mawawala ang pagmamahal nila sa isa't isa, at napanatili nila ang kanilang pagkakaibigan kung kaya masaya na silang naghihintay sa pagbabalik ng kanilang nag-iisang anak.
Habang papalapit ang takdang araw, unti-unting nawawala ang takot ni Princess Cianne sa sumpa. She has lived a full life! Nakapaglakbay sya sa iba't ibang lupain at kaharian. Nakakilala ng mga kaibigan. Nagmahal at minahal, hindi man nagtagal, hindi man nagkatuluyan, ganun talaga. May mga bagay na nakakapagbigay sayo ng ligaya, kahit hindi mo nakuha.
Bisperas ng kaarawan ng prinsesa, nagdaos ng isang engrandeng piging ang kaharian. Isang piging na dinaluhan ng iba't ibang prinsipe at prinsesa ng ibang fairy tale. Ng mga hari at reyna. Ng mga engkantado at engkantada. Ng mga mamamayan ng kaharian. Ng mga hayup na nagsasalita, halamang gumagalaw, at mga estatwa. Libo-libong estatwa!
Sa araw na ito, inihanda na ni Princess Cianne ang kanyang sarili. Sa araw na ito, magiging isang ginintuang estatwa ang mabait na prinsesa. Inihanda ng kanyang dama ang kanyang isusuot, pati ang platform na kanyang tutuntungan, ang kanyang make-up at hairdo, inayos na ng baklang royal beautician. At hinanda na rin nya ang kanyang kalooban.
Nang sumapit ang ika-sampu ng gabi, sinimulan ang 21 roses. Isinayaw si Princess Cianne ng mga prinsipe, knights, at engkantado.
Sa ika-20 sayaw, nahawi ang mga tao at dahan-dahang lumapit ang kanyang ama, si Haring Tholits. Niyakap at binuhat ng hari ang prinsesa, at tila ba bumalik ang ikot ng oras, at sila'y nagbalik sa panahon, noong pitong taong gulang pa lang ang prinsesa, at ang lahat ay simple pa. Naluha ang hari habang yakap-yakap nya ang panganay na anak. "Anak ko, anak ko..." Bulong ng hari. "Mahal na mahal kita, anak." At saka tinaniman ng taimtim na halik ang anak. Habang papalayo, pinawi ng hari ang kanyang luha, at saka nagwika... "Patawarin mo ako."
Sa ika-21 sayaw, pumagitna ang kanyang ina, si Bb. Sha-me. Mahigpit na nagyakap ang mag-ina, kapwa may luha sa mga mata. "Kaylaki na ng anak ko," bulong ng Binibini sa prinsesa. "Tandaan mo anak, ano man ang mangyari, nandito lang ako para sayo. Mahal na mahal ka ni Mommy, Cianne." Nagsayaw ang mag-ina, animo'y hinehele ang bawat isa. Na sana'y mapawi ng luha ang sumpa. Na sana'y sapat na ang pagmamahal ng isang ina.
Nagliwanag ang buong katawan ng prinsesa. Marahil, iyon ang hudyat na magkakatotoo na ang sumpa! Inakay ni Bb. Sha-me si Prinsesa Cianne patungo sa kanyang tutuntungan. Bawat hakbang, bawat usad palapit sa tuntungan, ay katumbas ng isang libong punyal na tumatarak sa kanyang puso't kaluluwa. Patakbong lumapit ang amang hari, at sinamahan ang kanyang mag-ina sa kanilang paglalakad. Bent or broken, it's still her family tree. Paunti-unti, pausad-usad, paulit-ulit na paghakbang... Hanggang makarating sila sa takdang tuntungan ng prinsesa.
Matatag na tumayo ang prinsesa sa kanyang pedestal. Pinawi ang mga luha, ngumiti ng pagkatamis-tamis, tumingin sa kanyang mga magulang, at saka nagwika...
"I love you, Mommy, Dad--." Hindi na natapos ang kanyang sasabihin, tuluyan nang nanigas ang katawan ng prinsesa. Nagsimula na ang katuparan ng sumpa!
How do you end a fairy tale? With the breaking of the curse? With the death of the witch? With a prince charming? With a happy ever after?
How do you create a happy ever after?
Nagluksa ang buong kaharian. Sinaksihan ng bawat mamamayan kung paanong unti-unting naging ginintuan ang bawat parte ng katawan ng prinsesa. Mula sa mga daliri hanggang sa dulo ng buhok. Mula ingrown hanggang split-ends. Mula takong ng stilettos hanggang brilyantitos sa koronang headband. Lahat ng mga mata ay basa ng luha, dahil sa kanilang pakikihati sa sakit na nararamdaman ng ama't ina ng mahal na Prinsesa. Unti-unti, unti-unti... Hanggang sa tuluyan nang mabalot ng ginto ang buong katawan at pagkatao ng prinsesa. Naganap na ang sumpa!
Isang napakagandang ginintuang estatwa. Animo'y inukit ng isang batikang eskultor! Buhay na buhay! Her quest is ended. She is at peace with her fate. She truly is happy. If you would look really closely, you would see a hint of a lopsided grin at the corner of her lips, and a little twinkling teardrop at the corner of her eyes. That single last teardrop slowly rolled down her cheeks, turning into liquid gold, rolled down and settled on top of her frozen chest, just above the heart.
The purest of love starts from yourself, the quest for happiness begins deep within you.
Nabalot ng shiny shimmery splendid na light ang ginintuang estatwa. Lahat ng miron ay napatakip sa kanilang mga mata. Kasabay ng nakasisilaw na liwanag, ay isang malamyos na musika ang pumailanlang, wari ba'y humuhudyat ng katapusan, at ng isang panibagong simula...
Nang mawala ang liwanag at nagmulat ng mga mata ang mga tao, lahat ay nagulat, napasinghap, na-amazeballs, na-shocking asia, na-its more fun in the palace, naluha, napanganga, namangha, naloka, natuwa. At nagtaka...
Sa ibabaw ng pedestal, ay nakatayo ang isang pagkaganda-gandang batang babae. Bilugan ang mga pisngi, kulot ang itim na itim na buhok, mahahaba ang mga biyas, may biloy sa kanang pisngi, at animo'y punong-puno ng karanasan ang mga mata. Isang perpektong replika ng mahal na prinsesa noong siya ay pitong taong gulang pa lamang! Ngumiti ang batang babae, at ang lahat ay napasinghap at napa-awww... Hindi kaya...?
"Mommy, Daddy?" Wika ng batang babae, at saka tumutok ang kanyang mga mata sa hari at sa binibini. "I love you..."
The purest form of love. When she has accepted her fate without hesitation, loved herself no matter what, and became happy despite and in spite of everything that has happened, no curse will be strong enough. Her inner goodness and her innate ability to love is what made her strong, able to fend off a curse fueled by hatred and bitterness -- it never stood a chance.
She has survived the curse. Marami pang witches, curses, could have beens, at failures ang naghihintay sa bida. Pero I'm sure, sa tulong ng kanyang mga Fairy Godmothers at Knights of Parian, all is well ang kalalabasan ng fairy tale na to.
And yes, they lived happily ever after... For now!
----
My dear Princess Cianne,
Happy birthday!
I'm sorry wala ako sa 7th birthday mo. I've known you since you were in your Mommy's tummy, and I've seen you grow from a teeny, tiny, little baby, to a lovely, respectful, intelligent child. You are so lucky to have both your Mom and Dad! And they are so lucky to have you, baby!
Take care of your Ninangs and your Mommy and Daddy for me. They may not say it, but they also need love, care, strength and encouragement. Be their angel, Princess Cianne!
I'm always praying for you, baby. Always. I hope pag-uwi ko, maalala mo pa rin ako.. At pag mejo kaya mo nang intindihin tong fairy tale na ginawa ko for you, I hope you can be a better version of my Princess Cianne.
I will always have your back. Just like I have your mom and dad's, and they have mine. We are not perfect, but we'll never leave you, no matter what. Kahit wala ako lagi sa tabi mo, you always have me, ok?
I love you Baby! I miss you so much!
Happy 7th Birthday!!!
PS:
I miss you, Kada ko...
wow! wow! parang masterpiece! wow!
ReplyDeletehihihi shempre para sa isang favorite na inaanak!
Deleteslamat B sa wlang sawang paammahal sa aming magina.... Miss ka na namin sobra.... We love you both.. mmmmwmaaaaahhhh!!
ReplyDeletetrulili i agree 100 percent masterpiece ito vaks!
ReplyDelete