8.13.2015

Ang Rumu-Roselle Nava Kong Pag-Ibig

Nagbabalik ang Baklang Maton. Hindi na nagsawang magmahal ng lubusan. At dahil eto na naman ako at nasasaktan, I found myself picking up a pen and writing endlessly. Pardon me for leaving, Bekilandia. Here is another tale from my saga.




Pare pareho lang ang tema ng emote ko dati. Bakla, nagkagusto sa lalaki, nasaktan, iniwan. End of script. Una pa lang, hindi na ako palaban. Dahil alam kong eventually eh maghahanap ka ng babaeng ipapalit sa akin, ang approach ko agad sa buhay pag-ibig eh pa-victim. Talunan. Walang kalaban-laban.

Dati yun.

Nung naging close tayo, usual lang na approach ang meron ako sayo. Default landi. Customary flirting. Hindi personalized. Hindi customized. Walang personal touch. Scripted kumbaga, kalevel lang ng panlalandi ko sa lahat ng cute na online sa mga oras na yon.

Sa tinagal-tagal ng paglalandian natin online, tinanong kita ng seryoso. Ano ba tayo? Hanggang chat lang ba to? Pag nagkita tayo ulit in person, close pa rin kaya tayo? Sabi mo oo. Yung simple at customary flirting, naging totohanan at genuine friendship.

Milya-milya man ang layo natin, nagawa mong iparamdam na totoo ka. Kasi naman, ilang milyong tumbling ang kailangan kong bunuin makita ka lang. In the city that never sleeps, I always look forward to that small window na pareho tayong gising at pwede tayong mag-usap.

Kaya nung nagkita tayo ulit, excited na excited ako. Sakto pa sa birthday ko! Naks, special. Kaso parang anti-climactic yung eksena natin. Kasi sa lunch date, kasama si Dos. Ang girlfriend mo. Keri, three is a crowd, nung naghiwa-hiwalay tayo after kumain, parang wala lang. Kumaliwa sya, kumanan ka, dumirecho ako. So naisip ko, baka hanggang dun na lang yun. Hanggang online lang tayo close.

Sunod na uwi ko, di nga tayo nagkita eh. Malabo na kayo nun ni Dos. Medyo sinisisi na nya ako kasi mas loyal daw ako sayo. Eh wala naman akong dapat panigan kasi di naman ako part ng equation dapat. Di rin ako guilty kasi alam kong wala namang meron sa atin. Kahit tinutukso nila kung bakit mas close pa tayo ng gf mo, kesehoda. Wala akong malisya.

Anong nangyari bat ako nahulog ng todo sayo? Yung sabihin na pinaasa mo ako, at umasa naman ako, parang hindi naman. Basta ang alam ko, for three years ikaw ang support system ko. Walang makakaagaw sa kung anuman ang meron tayo. They can't deny the fact that what we have is something special.

We've talked about adoption, marriage, proposals, future plans, transitions, compromises and changes. Nandun na tayo sa point na wala na akong kino-consider na ibang option kundi ikaw.

In fairness to me, gugustuhin kong magkaroon ka ng pamilya, asawa at anak. I do not wish this kind of life to anyone, lalo na sayo na sobra kong mahal. Pero sana sa tamang panahon.

Blindsided. Wala man lang akong naramdaman. Bigla bigla na lang, nag-date kayo, nag-spend ng time together na inabot ng umaga, nag-dinner with other close friends, nag-sleepover, at ngayon nag-live in. All in a matter of two weeks. Tapos saka ka nya sinagot, saka naging kayo.

At nagsimula mo na akong patayin ng paunti-unti.

Birthday ko next week, ang tanong mo, "gusto mo mag-dinner tayo?" Kinilig ako agad. Akala ko kasi wala kang plano. Di pa pala tapos yung sentence mo. "Gusto ka kasi nyang makilala talaga." Paksyet, pati ba naman sa araw ko?!

Sa Bubba Gump mo pa dinala. Place natin yan eh. Pati ba naman yun ibibigay mo na rin sa kanya? Habang kumakain biglang tumugtog yung Jar of Hearts. After ng song sumigaw ako sa buong resto, nag-request ako kung pwedeng pakirepeat yung song ten times. "Who do you think you are?!"

Alam ko na kung bakit di kayo nag-work nung dati. Ma-pride sya, di nya gustong mag-adjust sayo. Wala na kong pride eh, kinain ko na lahat. Kaya hanggang ngayon magkasama pa rin tayo.

Yung peg na "someday it will get better." Dati may happy ending pero pinili ko sarili ko. Ngayon ang happy ending ko hindi mangyayari kasi mas pinili kita. Hanggang dun na lang. Makuntento. Sabi mo nga di ba, mapapagod rin ako at masasanay.

Dati sabi ko mahirap pag ang lalaki nagiisip kasi andaming kailangang iconsider bago makapagdesisyon. Mas mahirap pala pag ang bakla ang nagiisip. Kasi hindi ka papayag na nasasaktan ka lang. Hahanap ka ng paraan para makipag-compromise, makipag-haggle, makipag-bargain.

Para kang mangingisda eh. Ang galing mo mamingwit. Pag malapit na kong bumitaw at lumangoy palayo, ayan ka na naman, reeling me in, pulling and twisting til i can't even recognize myself.

Para na lang tayong tanga eh. Paulit ulit na lang.

Nung minsan, 6:12 pm ka nagsimulang magparamdam at mangumusta, magkwento at magsumbong. 6:27 pm di ka na nagreply. Seen zone na si Binibining Hugotera. 15 minutes. Yan ang sinasabi mong buddy for life at best friend at kapatid. Na-relegate ako sa 15 minutes a day. Ganyan akong ka-special sayo.

I wonder. Kapag nagwa-1:43 ka sa kin, anong tumatakbo sa utak mo? To appease me that we're ok? To let me know na may forever bilang magkasangga, magkapatid, mag-niggacake, magkaibigan? Naisip mo lang? Wala lang? Nakikiuso ka lang? Naka-alarm ka rin ba? O gusto mo talagang sabihin? Did you even mean it, kahit man lang once?

I don't wanna be an after thought. I don't wanna be Dos.

Anong karapatan ng mga songwriters na yan na ilagay lang sa isang kanta yung pinagdadaanan ko? E kahit sampung libong breakup playlist na tadtad ng Whitney Houston pa ang patugtugin mo hindi pa rin sapat yun para madescribe yung sakit na nararamdaman ko ngayon.

Law of association. Pano kita makakalimutan kung lahat na ata ng recent memories ko kasali ka? Yosi, max, coke sakto, coke mismo, texting, facebook, nike, big bang theory, diesel watches, grotto at landscape, redhorse, lighter, visa, birthday, lahat na. Kahit san ako lumingon, kahit anong panoorin ko, kahit anong basahin ko, kahit anong kainin ko, konektado sayo, sa atin, sa akin.

Pano naman ako makakalimot pag ganun?

How can I compete with my very nature of not giving up? Of holding on to a love I thought I had? Natural na sa kin ang magmahal, pano kung natural mo na rin pala ang manakit kahit hindi sinasadya?

Buti pa nga ang mga videoke galing Raon, may interlude, nagtatanong pa ng "Are you having fun?" Ikaw kuntento ka na sa "enjoy" at "ingat" at "salamat."

Probably the biggest lie that I've ever said was "I'm happy for u. I'll always wish and pray for your happiness. Yan na siguro yan, wag mo ng pakawalan. She's lucky to have you." Siguro in time, maging sincere yan, but not now.

I tried to help myself. Nagpakalbo ako ng buhok. Pagkatapos kong magpagupit, binigyan ako ng malaking puting brush para pagpagin ko yung mga buhok na pinutol. Sana ganun ding kadali na pagpagin yung mga bahagi ng buhay mo na nagpapasakit sa yo no?

Ganun pala kapag nagseremonyas ka ng new hair cut at yung pinutol na buhok eh isasaboy mo sa dagat, o sa ilog, o sa hardin, o sa kalsada. Kung pwedeng isaisahin mo bawat hibla gagawin mo. Kasi katumbas ng bawat hibla ng buhok na sinasaboy mo sa kawalan, katumbas din yun ng bawat pangarap, saya, karanasan at kaligayahan na na-accumulate mo nung nanjan pa sya.

Sa kakaisip nagiging dictionary ka na. Lahat na lang may meaning, lahat may kahulugan, lahat may significance.

May isa pa kong na-realize. Hindi mo pala ako kinakahiya. Ayaw mo lang mapahiya. You don't want people to think you're less of a man dahil sa relasyon mo sa isang bakla.

Kapag namatay ako gusto ko katabi kita. Eh kaso pano pag biglaan? Main character naman ako, hindi ako goon or extra. For sure magkakaron ako ng ilang minuto na makapag-moment at magpaalam. Hindi man ako ang nasa tuktok ng billing, alam kong isa ako sa mga cast na may direct involvement sa kwento mo. Siguro ako ang kailangang mawala para makuha mo yung happy ending mo.

Words that sting the most: "Straight kasi ako. Kung naging babae ka lang." Akala ko di ko na maririnig yun. Naulit lang ulit.

Sabi mo dun sa una nating pagsasama ng tayong dalawa lang, "may spark nga talaga".. Paano mo nagawang magka spark din sa kanya habang may spark pa rin tayo? Ambilis mo naman akong palitan. Di pa ubos ang talim ng pagmamahal ko sayo, kung ikikiskis mo sa puso mo, may spark pa rin to! Kaso binitawan mo eh. Sa iba ka kumiskis, kaya nasa iba na ang spark.

Sabi natin dati "Let's cross the bridge when we get there." I crossed the bridge. You weren't there. Naging masaya ka sa piling ng iba. Collateral damage lang pala ako sa kaligayahan mo. You're not the one who got away. You're the one who let go of me.

Totoo palang mahirap magsulat pag hango sa tunay na buhay. Kasi parang hinuhubaran mo ang kaluluwa mo sa harap ng mambabasa. Kaya eto na naman ako sa rumu-Roselle Nava kong pag-ibig. Nagtatanong kung bat nga ba mahal kita kahit di mo naman pinapansin ang damdamin ko, at kahit di mo man ako mahal heto pa rin akong nagmamahal ng tapat sayo.

I could hope for a great epilogue where everything turned out fine. But the truth is, there are no what ifs. Just what was. And what can never be.


Bakla lang ako pero minahal kita nang todo. My bad.

No comments:

Post a Comment