NOTE: I wrote this post months ago and sent it to Shakira Sison. I just found out it was also published in Rappler under the Unsent Letters section. I hope it's ok to post it here.
Tawag nila sa akin, Binibining Hugotera. Kasi tuwing tatanungin ako ng "Describe what you're feeling right now", ang sagot ko lagi ay isang linya ng hugot pa more at mapapasagot ka ng tangina. Tangina this, tangina that, tangina you, tangina us, tangina life.
Alam ko namang wala ako sa top ten ng list ng priorities mo sa buhay. Alam ko namang hanggang "brad" at "tol" at "buddy" lang ang papel ko sa script ng tanginang tadhana natin. Alam ko din namang kinukunsinti mo lang ako sa mga "labyu too" at "1:43" mo tuwing 1:43 am at 1:43 pm.
Alam kong nakikisakay ka lang nung ginaya ko yung "always" at "ok" ng The Fault in Our Stars. Ni hindi mo nga nabasa yung book, o napanood yung movie. Alam kong kahit "I got it" ang labyu natin, at lagi mong sinasabing I got it, nadadala ka lang ng pagka-yes man mo at wala ka na lang choice kundi maki-i got it.
Alam ko namang Ned at Bujoy tayo -- best friend mo LANG ako. And indeed, I was stupid enough to fall in love with my best friend. What's worse is nakikita mo naman, hindi mo lang kayang tugunan.
Alam mo yung nakakabuset? Yung sa chat na nga lang ako nakakapag-inarte, madalas hindi mo pa binabasa. Yung tanginang feeling na seenzone man lang, di mo ko mapagbigyan. At ang pinakamasakit? Yung if by some miracle eh basahin mo naman nga, ang sasabihin mo lang eh magpahinga na ako. Yung tanginang pahinga na lang ng pahinga na bat di na lang gawing permanent na pahinga para matigil na tong kagaguhan nating dalawa.
Alam ko ding tumotoplat ka pa rin ng ibang babae kahit masasaktan ako, kasi sabi mo nga, alam ko namang isa yun sa pangangailangan mo. Buti na lang magaling akong makipagusap sa hangin, kaya pag lumalandi ka na sa mga babaeng pinaparada sayo ng Kagawad ng barangay nyo, nakakaya ko pa ring magmukhang masaya at chill habang minumura ko ang sarili ko ng palihim.
Ang nakakatawa, alam ng lahat na may something tayo. Alam nila na pag sasakay sa jeep o sa van o sa trike, tayo ang magkatabi. Pag uwian na, tayo ang magkasabay. Pag kulang sa plato, tayo ang magkasalo. Pag nandun tayo sa kwarto, kahit bulungan lang ang paguusap natin, alam ng lahat na kung anuman yung kinginang something na yun, sa tin lang yun, hindi nila maaagaw, hindi nila maiintindihan, hindi nila kelangang malaman.
Ang hindi mo alam, at hindi alam ninuman, malapit na akong gumora. Umiskyerda, jumiskapo, mag-mi ultimo adios, umalis. At pag umalis ako, hindi ako lilingon. Direcho ang tingin. Mahati man ang kaluluwa ko hindi ako lilingon. Pinapalaya na kitang humanap ng iba. Palayain mo na rin akong lumigaya.
No comments:
Post a Comment