5.14.2011

Namesakes

Sasamantalahin kong buhay na ang blogger. Eto ang isang post na kakasulat pa lang. At maya ng konti sa airport yung sinulat ko kagabi. =)



Adik na adik ako kay Yvonne. She's my new best buddy. Tabi kami lagi mag-sleep. Sha ang una kong hinahanap pag-open ng eyes ko, at bago ko magmumog. Sha rin ang kasama ko lagi sa travel, sa pagpupu, sa pagkembular, pag bored na akez, at pag feeling techy ang beki eh sha ang kaututang dila ng bakla.

Kaso mo, si Yvonne, nakakulong pa. May bond kasi si gandara sa company nya. Wit pa itey nyopenline! Kelangan pang itakas sa kulungan mez para magamit ng furfect na furfect.

At dahil loves ko si Yvonne, mega goraboomboomlei akez sa Farmers Plaza, the land na wala pa kong nakitang magsasaka ever. At ditey nga sa Farmers chararat eh nakipag-negotiation akeiwa para pakawalan si Yvonne. Ije-jailbreak ko na si potah.

Sa Farmers, me kilala na ko dati na pwedeng makatulong sa dillema kez. Si Epoy my "tropang kanasa-nasa" kasi ang lolo mo, bukod sa pagpapa openline eh pwede ka ring magpa-open sesame. Eto honest eksena nya, pag kembot na eh kumakanta yan lagi ng "bubuka ang pechay, sasara ang pechay, darating ang farmer, umaararo pa. boom tihaya boom tihaya boom yeye, ka-boom!" Wit ko knowsline wer nya naharbat ang song number nyang itu.

Nun andun na kez, di nya pala line of specialty ang pagpapakawala kay Yvonne. So dun sa kasama nyang mejo chaka dreyfuss ang refer a friend ng lolo mez. C kuya, dahil ugliness nga, naisip kong magbigay ng benefit of the doubt. "Ah, panget to. I'm sure magko-compensate to. Talented to, techy tsaka computer whiz to panigurado."

Eto na, kalikot, sundot, pindot, boom. Pagtingin ng beki, pak! Wala na lahat! Phonebookelya at messages kembular na lang ang natira. Ay uminit biglas ulo ng beki. Ratsada galore si bunganga, rumepeke na agad ang dakdak ko! Pano, kumpleto na yun eh. Andami ko ng nakuda na libro dun teh! Mga ebook na pinaghahanap ko talaga.

Tas biglang waley na lahat. Pati ang mga zombie na kaaway ng mga pakwan at mushroom, pati kamo mga galit na ibon na nang-aaway ng mga baboy. Ay ning, tinalo ko talaga mga angry birds from Rio. Kung pwedeng tukain ko ngala-ngala ng lolo mo, ginawa ko na.

Pinakalma naman ako ng Epoy na yumminess. Kundi lang nakakabusog smile ng lolo mo, na-jombag ko na si Chaka Dreyfuss eh. So ang naging usapan, go home na muna akeiwa, return of the comeback na lang sa umaga at yung may-ari na ng stall ang kukudain ko, este kukuda kay Yvonne.

Kinabukasan, canvas muna si beki kung magkano sa kompetisyon, para alam ko kung wichikelai ba akeiwa ginugulangan ni stall owner. Mahirap na. Me nadaanan akong cute na taga-install. Hmm, ask si beki how much, sabay flash ng aking mapang-akit/mapangharot/mapanglandi/mapanglinlang na smayl. Boom, 500 daw. Hanubey, wala man lang discount.

Eh di gora ako uli kay kuyang kahapon. Install installan uli, si mamong may-ari na. Pindot pindot ulit, parang dejavu lang. Maya-maya join force na yung isang kabilang stall. Maya-maya ulit, ay back-up ko daw muna files ko kasi mabubura lahat. Meaning, lapis at papel daw itu para sa contacts ko. At ang mga picturakka, waley na after, mas waley na ang messages, songhits, at mga kembot. Na naman?! Hay! Walkout na ko. Final answer na itu, susunugin ko na Farmers!

Hmmm, cooldown muna si bakla. Buysung ng Zagu. Zagu't gulaman sa fishball vendor hehehe. Naalala ko si kuyang gwapo. Mabigyan nga rin sha ng benefit of the face value. Akyat ulit si bakla, at nagpapansin sa kuyang nangangalikot ng mga oras na yun ng basag na LCD ng 5110i. Smayl uli for the camera.

Napaniwala naman nya ko na walang mabubura sa mga files kez, dadagdagan pa nya. Limang kembots lang, pasok na ko sa banga. SO pumayag ang baklang malandi, basta in-assure nya ko na wit ako magsusulat ng phonebook sa notebook ko.

Cutie si Kuya, impernes. At witty. Alam nyo naman ako, allergic na ko sa mga mala-budwire na karakas. Usually eh nagma-mike test muna ko bago ko kumembular. Pero mejo may edge si Kuya. As in 23 ang edge nya choz! Eto na naman ako sa #makapagjokelang moment.

Ayun, powerful naman si gwapo. Na-install nya ang dapat i-install, na-break nya ang nasa jail, nailagay nya ang bet kong ipalagay. At me intellectual combershation pa yun in between. Kung magkano mga puhunan galore, na acshuali eh research, basa, hack, trial and error, at kutingting lang ang totoong puhunan. Basta matuto kang mag-download ng libre at ibenta mo, kikita ka na.

Di ko magawang magpaulan ng charm, kasi ubos na yung baon kong isang garapon. Tagtuyot pa naman ako ng ganda ngayun. Kaya dinaan ko na lang sa pagka-listener at pagka-komentarista. Kwentuhan, landian, as if namang maiiuwi ko ang lolo mo, eh di pa naman kami close. Next time na, pag nagpalagay na ko ng sonic boom, laser sword at matrix projection sa phone ko.

Nung pauwi na ko, dun ko lang naisipang itanong ang namesung ng otoko.

"Ay kuya, anu nga pala name mo?" kuda ng bakla.

"..."

"..."

"Argel."

Umuwi akong tulala. Bangenge si bakla. Natulog akong hindi busy kay Yvonne. Magtampo na sha kung gusto nya. Basta ako, ngayong gabi... NGANGA.

Diyos na mahabagin, ikaw ba'y nananadya?

6 comments:

  1. magkano pa jailbreak BM, san banda sa farmers and wat applications mga pinalagay mo..hehehe..tnx

    ReplyDelete
  2. 500 lang makakalaya na c Yvonne... name it they have it ang apps eh hehehe...

    ReplyDelete
  3. hanapin mo c argel sabihin mo recommended ni BM... hehehe!

    ReplyDelete
  4. Mga ateh.. U dont have to pay 500 para magpajailbreak.. As long as may net connection kau pwede na kaung mag jailbreak.. As n abcd lang ang show.. Google nyo lang.. Or u can visit my favorite site www.redmondpie.com

    ReplyDelete
  5. yes na lang sa 500 dear... para naman makilala si argel... kung nandyan lang ako sa manila ngayon bibili na rin ako ng "yvonne" para mapa-jailbreak kay argel... ;-)

    ReplyDelete
  6. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete