12.18.2010

The "Malay Mo" Theory



Para sa aking 3rd post sa Nine Mornings... Ahahaha mandaraya ako ng time ha... nakatulog kc ako habang tinatype ko tong blogelya na to hihihi... Sabi ko lang "pasandal nga" tapos pagmulat ko ng mata ang langit nakatawa na sa batibot ahehehe...

Baket?! 1:43 pa rin naman ah!!! Hihihi...

***************************************************

Nasa Divine-Soria akeiwa kahapon. Sime and Sulay on their Christmas shopping for 2010. Pak! Sa sobrang dami ng tao, di ka na kelangang humakbang para lumakad. Glide na lang talaga ito, aandar ka na ng kusa. Ning ingatan nga lang ang bagahe, baka mag-glide din sha palayo. Tuwing anditrax aketchi sa Divine, naaalala ko lagi yung time na nagmaganda ako ng bonggang bongga.

Nung college kami, binuksan ang Wow Philippines sa Jintramurax. Naaalala nyo pa ba yoonchi? Di ba naman panalo talaga ang mga eksena nun sa Intramuros? Me mga live band, me acoustic performers sa damuhan at batuhan, may mga tiangge kembular at mga fud trip sa mga kalesa.

One time eh gora kami ng college tropa kez sa Acoustic Section dun sa may open area. Nung time na yun eh favorite na favorite ko talaga ang "I'll Be" ni Kuya Edwin Mcain. Impernes yun lang ang alam kong kanta ng lolo mo. Heniweiz, mega request kami dun sa songer sa entablado.

Shempre mega sulat akeiwa sa tissue ng request song. Kahit waley kaming order na mani at kornik, request pa rin ang bakla. Nung pagtayo ko, yung isang table sa kabila nakiusap na iabot ko din yung request nila. Hmmm, cute si kuyang chinito! Kinuha ko yung tissue na pinapaabot nya ke kuyang songer, at ninamnam ang tinig ng ibong adarna.

Habang nagngungumiyaw si songer na parang pusang taglibog, me sulyapan factor kami ni kuyang chinito. Ewan ko ba, feeling ko eh matitikman ko tong si chinito. Maya-maya, biglang nagsitayo ang grupo nila. Syet! Jujuwetiks na si Chinito! Uuwi na wala pa kong nakekembular!

Nakantyawan tuloy ako ng tropa ko, kasi ang hina kong lumandi. Nung mejo malayo na sila at nakalagpas na sa damuhan, adrenaline rush si bakla. Humablot ng tissue, nagsulat ng number ko, at humabol sa grupo ni Kuya Chinito. Nung maabutan ko sila, kinalabit ko si kuya at iniabot ang magic tissue ko.

"Ano to?" tanong nya, mejo nakangiti.
"Secret, tingnan mo na lang pag uwi mo." sagot ng bakla. Pa-mysterious effect.
"Pa-mysterious ka pa. Number mo to noh?" yung ngisi ni kuya parang may sound effects ~ he he he.
"Basta. Sige, ingat!" sabay talikod na. Di sanay si bakla, mejo nanginginig tuhod kez!
"Wait! Anong pangalan mo?" mejo lumalakad na sha ng patalikod kasi naiwan na sha ng grupo nya. About face ako uli.
"Kenneth. Kenneth ang itawag mo sa akin." with matching delivery ala-Rosanna Roces sa Ligaya, lakad paatras din, kesehodang natatapilok sa mga bato, sabay ngiti, konting blush, then exit.

Pagkatapos namin sa Wow Pinas ~ Ganda mo Teh~ eh dumerecho naman ako sa Padi's Point sa SM Manila. Andun yung iba kong tropa, yung mahihilig sa alak at yung allergic sa pusit. Dance dance, party party, ek-ek. Pag andun kami tribe dance at folk dance ang sayaw namin. Biglang may call simulation ang bakla.

Ring-ring!

"Thank you for calling the Bilibid Prisons. Hello!"
"Hello? Bilibid?!" familiarity ang timbre ng voice box.
"Ay wichiririt. Charotera lang akeiwa. Huz diz?"
"Huh?! Parlor ba to?" naguluhan lalo ang otokiz.
Hay! Eto na, boses maton na. "Hello? Sinu to?"
"Ahhm, si Kenneth ba to?"
"Kenneth? Ay uu. Sino to?"

Me alyas kasi ako. Kenneth Dominguez. Impernes me mga friendship ako na 5 years bago nila nalaman na di pala Kenneth Dominguez ang namesung ko.

"Si Chinito toh."

Ting! Da chinito guy prom da Intramuros Wow Pilipins?! Ay bongga!

Chikahan kami ng konti, kwentuhan (bakit ba, unli sha?!) tsaka mega tanong sha bakit ko ibibnigay number ko sa kanya. Lahat ng ito ay nagaganap habang sumasayaw pa rin ako ng maglalatik sa stage ng Padi's.

"Bakit mo nga binigay number mo sa kin?"

"Kasi cute ka." Alam kong bisikleta ka, at attainable ka. Tsaka cute ka naman talaga.

"Cute ka din." Pak! In the bag na si Kuya Chinito.

We agreed to meet up the following day. Ning guess kung saan ang meeting place namin? Tutuban Center sa Divisoria. Kala ko naman mamimili kami ng mga paninda sa tyangge. Yun pala, me sakayan dun sa likod papuntang Balot, Tondo. Sakay kami ng jeepaloo, at bumaba sa may bakery. Naglakad sa eskinita, at paglagpas ng eskenita eh me isang malaking gate na parang factory.

"Shet, baka rape toh ah. Sige na nga!" isip isip ko lang. Weh hanu pah nga bah gagawin namin?! Eh di habulang gahasa! Subuan ng puto bumbong at bibingka. Anihan ng talong at pechay.

Yung hauslaloo nila, para nga talagang factory. Me mga machine machine sa ground floor na parang pagawaan ng tikoy (hihihi), tapos me hagdan sa gilid na paakyat sa balur na talaga nila. Yung room nya eh parang lumang bodega -- pero may aircon! Pak na rin yan sa kin. Di naman ako choosy. Sa gitna nga ng dalawang bus na nakaparada nakipag chukchakan ako dati eh. Eto pa na winner sa aircon, amoy matanda nga lang.

Watch muna kami ng VCD. Yun pa ang uso nun eh. Konting pa-gurl, konting cuddling at hugs and kisses. Me sample din ng mga sweet nothings, spooning, gigil gigil at kurot kurot. Andun na rin yung kaplugan, kembangan, benggahan, barurutan at... anihan ng bungang kahoy.

Yung encounter namin, intense na me comedy. Minsan nagugulat sha sa mga eksena ko, tapos pipilitin nyang gayahin kahit di nya kaya.

"Nilunok mo?" gulat na tanong ni Kuya Chinito.
"Uu po... nakalimutan kong iluwa eh."

Tsaka mejo matamis naman yung buto ng santol kaya di ko na iniluwa. He-he-he! Maya-maya eh nilunok nya rin yung buto ng santol na kinakain nya. Give and take! Ang shuweet!!!

"Kita tayo uli ha." sabi nya.
"Oo naman. Malakas ka sa kin eh."
"Promise?"
"Para sa santol mo, oo magkikita pa tayo."

Pag-uwi ko, hinatid nya pa ko uli hanggang Divine Soria.

College pa lang ako nun, so OJT bago graduate. Eh si Bakla, bet na bet magsasama sa tropa. Kahit di ako taga-Cavite, nag-board ako sa Panapaan para lang pare-pareho kami ng tropa ko ng papasukang OJT. Nawalan kami ng communication. Basta pauwi-uwi lang ako sa Pandacan that time. Nung minsan na umuwi ako kay Dominga, me tumawag sa landline.

"Hello, pwede po kay Kenneth?"
"Uhmm, sino to?"
"Si Chinito."

Para kong binuhusan ng tubig na galing sa pinaglubugan ng Titanic. Uu nga pala ako si Kenneth. At uu nga pala, may isang maglalatik na umaasam-asam sa atensyon, pagtingin, at shempre sa katawan ko na rin.

"Oi Chinito! Musta?" Konting paliwanag bakit ako laging wala, konting hingi ng paumanhin, konting lambing, konting pa-sweet uli. Eh nagkataon na uuwi sa Batangas sila Dominga at ang buo kong angkan. Pero magpapaiwan ako sa balur, kaya niyaya ko sha to come over at dun naman kami magharvest ng mga biyaya ng kalikasan. Ang target ko naman ngayon, mga root crop.

Nung nagkita kami, mas intense, mas passionate, mas hot, mas... mas... Basta mas nakakaloka! Siguro yung anihan namin ng kamoteng kahoy, patatas at ube halaya, to put it more bluntly, mas sabik, mas kakaiba, mas may libido. Hindi generic, talagang kami lang ang makakagawa at makaka-appreciate. Tumigil lang kami nung maubos ang pagtitiwala namin sa isa't isa. In english, we stopped when we ran out of "trust".

Kung gano kainit ang pinagsaluhan naming kasalanan, ewan ko ba, ganun ding kalamig ang pamamaalam. Parang alam namin pareho na last na yun, di na kami magkikita uli. And true enough, di na nga kami nagkita uli. Bumalik na ko sa Cavite, at pag tumatawag sha, natural wrong number ang sasabihin ng tyahin at lola ko kasi wala namang Kenneth Dominguez dun.

Chinito remains a man of my past. Someone I let go easily. Ngayon nga hindi ko na matandaan ang pangalan nya. Nilasap ko lang ang linamnam ng katawan nya, inubos ko lang ang buto ng santol nya, hinalaya ko lang ang ube nya. Pero di ko sha iningatan. Di ako choosy sa lugar, dapat pala di rin ako choosy sa mamahalin. Kasi pwedeng pasok sha sa category ng "malay mo."


Walong taon na ang nakakaraan, ni hindi ko man nagawang magpakilala sa totoo kong pangalan.

Gwapo si Kuya Chinito. Kaya hindi ko maintindihan pano ko nagawang magpaka-choosy. Ganun siguro talaga, me mga taong inaasam-asam natin pero di tayo nakikita. May mga taong nagmamahal sa atin pero di natin masuklian. At mayron ding mga "sana" na hindi na natin mababalikan.

Kuya Chinito, kung mabasa mo man ito, at pamilyar ka sa kwento natin, paramdam ka. Magpapakilala na ko sayo. Ngayon, para sayo hindi na ako ang... The Choosy One!

12 comments:

  1. Huwaw naman sir bm, napagpapatuloy mo nga ang nine mornings. may anime na wento pa. :D

    Buti walang nakaw story sa pag divisoria mo.

    ReplyDelete
  2. panalo ka talaga bm....
    sana nababasa nga ni chinito itey...
    d b... fairy tales ang dating...
    ganda mo teh! pak!!!!

    ReplyDelete
  3. PS: Hindi yan si Kuya Chinito ha... Pic yan ng kinalantare ko sa KL, Malaysia... Hawig kasi cla kaya sha inilagay ko hehehe... Pangalan nga di ko maalala, picture nya pa ang magkaroon ako davah?! Hihihi... 3 posts down, six to go!

    ReplyDelete
  4. Sus, akala ko si Chinito nga yang nasa pichur..winner ang kuwentong ito...may kurot sa puso..

    Sana mabasa ni Chinito ito at magkaroon kayo ng panibagong chapter...

    ReplyDelete
  5. ang galing mo talga teh!!! fan mo ako kahit di ako madalas mag-comment.

    ReplyDelete
  6. nakarelate ako dun ah. sana makabanggaan balikat mo isang araw si chinito at ma reminisce niya ang lahat.PAK ! hhehehe...

    ReplyDelete
  7. ammf akala ko nman sya si kuya chinito hihihi, kasi hihingin ko number nya sa iyo! bwahhahaa :P

    ReplyDelete
  8. Aww! Wag ka na maging choosy. Keribelles naman si Kuya ah. Sana magparamdam ulit sya sa'yo. =)

    ReplyDelete
  9. hahaha... tawa ako ng tawa. :) at agree ako sa kurot. sayang, mukhang he was into you

    ReplyDelete
  10. ahahaha napalunok ako sa santol mo hahahaha! takte kala ko kung ano na.

    ReplyDelete