Na-delay yung nine mornings ko... Short post lang itu, di ko keri magsulat ng mahaba eh. Ouchie eh...
Simula ng magka-dengue ako, sobrang tumambling talaga ang mundo ko. Mali ata na nagpadala ako sa agos. Mas mali na isipin kong porke dito ako nakatira sa tore ni Kagawad, eh mayroon na kong babalikan. At lalong pinakamali na isipin ko na yung minsan namin eh magiging madalas, lalo na yung magiging palagi, o kaya eh habang-buhay.
Naging bahagi na ng araw-araw kong routine ang pag-akyat sa balur ni byenang hilaw at makikain, makichika o makiusyoso. Makikumusta na rin ke Kagawad Payat.
Nung isang gabi, me transaksyon kami ni byenan. Kaya nung dinner eh kinatok nila akeiwa para sumalo sa hapag-kainan. Masaya naman sana.. Kwentuhan, tawanan, asaran. Kasama ko sa pag-aasar lahat ng kapatid ni Payat.
Biglang may pasabog si byenan...
"Ay naku 'nak, may bad news." intro ni Byenan
"Anu yun mudra?" kuda ko naman.
"Buntis ulit ang aswang."
Natulala na naman ako ng bonggang bongga. Parang bomba. Kitang kita sa iris ng mata ko ang mushroom cloud ng pinakawalang nuclear weapon.
Di pala narinig ng mga shupatid, ask sila anu daw ang eksena. Habang kinaklaro nila ang nangyari, exit na ko. Kako me nakalimutan ako sa baba. Walk out man o hindi ang dating, isa lang ang impact sa akin.
This is rily rily is it is it.
Tulad ni Jonel na nakasalubong ko rin lang kaninang umaga kasama ang gufra mae nyang Marie pala ang namesung, dapat ko nang bigyan ng ending ang kwentong BM-Totong. Dapat nang tapusin ang pag-asam ng minsan. Dapat ng tigilan ang paghiling ng walang hanggan. Dapat nang iwan ang nakaraan.
Isa na namang karakter ang pinapatay ko sa blog na ito. Sana magawa ko na rin shang iwaksi sa tunay na buhay. Sana magawa ko na ring magpaalam ng totohanan. Sana magawa ko na ring talikuran ang pagsabit sa estribo ng jeep na byaheng Totong.
Sabi ko nga dati, too bad you're taken, married, with a kid, and this is just a fleeting feeling that would evaporate as soon as your wife shows up on my doorstep, claiming what has been hers all along. Ikaw man ang paulit-ulit kong daungan, sa totoo lang, pag bata na ang pinag-usapan, wala akong laban.
Bakla ako, pero wala akong balak manira ng tahanan.
very well said,BM.
ReplyDeleteyon, lang. Mahal mo nga si mr. payat, pero kung may bata na between him and the other girl, mahirap na sitwasyon nga po iyon.
ReplyDeletefood blogger follows your blog.... you wont believe it but I spent 3 days to read all your posts.
ReplyDeleteisang malaking OMG! pero paano mo ba sya makakalimutan kung iisang mundo lang ang ginagalawan nyo? hindi kaya dapat, wag ka na lang mag-expect and enjoy na lang ang moments together?
ReplyDeletebakla ako, pero wala akong balak manira ng
ReplyDeletetahanan.......
me too...
and ayluvvett...
ay bebe. panalo ka!
ReplyDelete