Finally, I got to finish recording the song.
Watch the video mga beks. Share it if you can.
Kung marinig ni Aiza or Juris at i-record nila,
buong puso kong ipapaubaya ang kantang to.
With this, Bekilandia, I bid adieu.
Pano ba lumakad ng palayo? Pano pigilin ang luha sa pagtulo?
Pano ba iwan ang isang pangako? Pano ba? Pano nga ba?
Kaya ko bang baklasin ang pagkapit? Kaya nga ba ng puso kong nahahapit?
Kaya kaya kahit sobra nang sakit? Kaya ba? Kaya kaya?
Chorus I:
Wag kang lilingon, di mo maririnig. Pagyao ng alon, pagalsa ng katig
Wag kang bibitaw, sa kawalan tumitig. San man maglayag, Ikaw... Ikaw ang pagibig.
Bat di muna subukang humimlay? Pikit ang puso kong sanay na mamatay?
Bumalong ang luhang wala ng buhay Hanggang kaylan? Hanggang saan?
Kaya pa bang tiisin ang pait? Kaya pa bang abutin ang langit?
Kaya kaya dahil sobra nang sakit? Kaya ba? Ayoko na.
Chorus II:
Wag kang lilingon, Wag kang lilingon, Upang di mo madama paglisan kong tugon
Wag kang bibitaw... Wag kang lilingon! Wag kang bumalik sa 'ting kahapon
Coda:
Dahil di ako bibitaw sa hamon ng mundo. Mahati man pati kaluluwa ko!
Refrain:
Di na lilingon, di na lilingon. Di na bibitaw, di na lilingon ako
Wag kang lilingon, Di na lilingon Wag kang bumalik, Di na babalik
Bibitaw na rin... Sa ating... Kahapon...
This comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDelete