8.31.2011

Wow! The Friendship

Eto na yung part 2 sa Wow! The First Encounter.... =)




Prototype became a constant variable in my life as a trainer. Nagsimula kaming maging close one fateful night of April. Naghahanap akez ng makakasalo sa lunch ko ng madaling araw. Baba sa ground floor si beki para makakuda ng fudang. Sa exit pa lang ng Nyorket! Nyorket! tanaw ko na ang lolo mo, kaumpok ang duwang bilat na trainees din...

Todo posing sa Red Ribbon para me nyuvenir sa fastfood ahehehe. Nilagok ko lang ata yung fudangchi! Kasi nung time na yun, kakalipat ko lang bilang trainer ng mga call boys at call girls. Galing ako sa mahirap na kumpanya ng koreano, kaya sanay ako na delayed, mababa, at hikahos ang sweldo. Di pa ko sanay ng lagpas kinse mil ang nakasulat sa payslip. At impernes sa payslip, computerized! Shet! Hindi nakasulat kamay at naka-stapler! Kaya yung pinili ko yung pinakamurayray. Di pa ko waldas nun eh. Mejo librehan din ata kami ng dessert o polboron. Basta ambilis namin lumafang. Di ko napansin, that would set the precedent on what our friendship would be.

Kain. Picture. Bonding. Lunch. Food. Fast.

One time na pauwi na ko, pagbaba ko ng fortbus eh nakita ko ang likod ng lolo mo. Nakapula sha that day, tandang tanda ko pa. From Ayala, pauwi sha ng Las Pinas at ako naman eh Boni. Pero pupunta pa ko ng PNU para mag-enroll ng master of the universe. Ewan anong sapak ang lumukob sa kin, at imbis na bumaba ng taft ave. eh nakarating ako ng Baclaran. Talagang inihatid ko sha hanggang sa babaan nya sa Macapagal, at ako eh para lang shunga na umikot uli ng EDSA at saka bumaba ng taft. Dun nagsimula ang birong-totoo ko na "Liligawan kita eh, kaya ihahatid kita sa inyo."

Naging close kami. Yung duwang bilat, kaming dalawang kalbo. Korek! Semi-kalbo kami pareho that time. Mas may abs nga lang sha kasi lagi shang naka-stomach in. As in, trained ata na hindi huminga yun, kaya kahit super lakas nya lumamon, allergic ata mga bilbil sa kanya. Sabay kaming apat lagi pag lunch. Since team captain sha, ina-adjust ng lolo mo sked nung dalawa para swak na sabay kaming apat. Ako naman eh abusadang trainer kaya pag lunch na nila, ora mismo dismissed ang klase. Lunch ko na rin, bakit ba?!

Hintayan talaga kami, Minsan shifting sila, umaabot ng 11 am sa pagko-kolgirl ang duwa. Ako naman eh pang-umaga ang training. Kukuda ako ng lunch pag pauwi na sila, para sabay ulit kami. Chickboy, mang inasal, mcdo, jolibee, at kung anik-anik lang na available sa sked ng mga zombadings, zombabaylan at zombielicious.

Yung dalawang bilat, closeness din. Pero mas majonda kasi sa min pareho yun, at pareho ring mas jubis. Kaya witchiririt ako threatened kasi malabong patulan sila ng lolo mo. Di ko naisip na sila pala ang malamang na papatol kay Wow.

Yup. Plangganitang butas na pansalo sa tagas! Plangak na plangak ang pagka-award ng duwang bilat. Swak sa banga! Nainlababoo pareho! Kundi ba naman mga eksenadora -- tume-teleserye?! Agawan Base ganun?! Pagarbuhan ng libre sa lunch, pasalubong before the shift, at pakapalan ng muk-ap! Pero parehong may patay-malisya effect yan, parang kaswal lang na mag-aabot ng fudangchi, o kaya eh "sagot ko na lunch" sabay kibit balikat, pero kilig hanggang palopian tube ampotah!

Keri na sana kung itinago nilang pareho mga pagnanasa nila kay Wow. Eh me umispluk. Shumawag sa landline, ume-emote emote na kalilimutan na nya ang feelings nya na kaekekan sa utaw. Hilo-hilo akez nung ikwento sa kin ng lolo mo ang eksena! Uminom agad ako ng isang banig na bonamine agad! Napaupo pa ko sa swivel chair at napabulong.

"Potah nung mga yun, uunahan pa ko!?"

Knowing him, I'm sure ito-tolerate nya pareho kung anong trip nung dalawa. Ganun yung ungas na yun eh. Conceited ehehehe. Di man nya aminin, halata na nag-eenjoy at flattered sha sa attention. Nung time na yun, di pa naman ako kasali. Pero shempre maasikaso din ako, kasi beki nga di ba. At ang press release ko pa eh beking virgin ahahaha. Ow kamown! Pero dahil nga sha lang ang lalaki sa aming owsome-foursome, sha ang hari kumbaga. Sa kanya nakasentro ang lahat ng pheromones namin.

We were happy, until such time na um-OA na yung duwa. Nanaig ang pagka-lukaret nung isa, at yung isa naman eh nakahalata na ata ang asawa. Hehehe, di naman. Basta there was too much drama, na para na talaga kaming cast ng primetime biyuda. Ang ending, kalas-kalas na muna. Kayong dalawang babae. Hihihi. Closeness pa rin naman sila, di na nga lang OA tulad nung umpisa. Wala ng hintayan, pag nagkataon na sabay, saka lang kami sabay sa dalawang babae.

Kaming dalawa, intact pa rin. Sabay kaming kumain pag lunch. Sabay kaming mag-break. Sabay kaming umuwi, at minsan eh sabay kaming pumasok. That's when I started to feel something.

May kuribdib na pag nagkakasanggi yung mga siko namin pag nakaupo. May paru-paro na sa sikmura pag nagkakatinginan. May kilig na sa pechay pag tabi sa upuan. May heart na sa mata pag uwian at lumingon sha ulit habang naglalakad. May spring na sa paa pag naglalakad sa mall, sa floor at sa kalsada.



One time nasa jeep kami pauwi. Byaheng Guadalupe pa yun, sure ako. Tandang tanda ko yung eksena. May nag-text sa lolo mo, agent nya. Me hinihingi atang favor, o nagpapaalam na hindi papasok, o lumalandi lang. Basta ang naaalala ko, nag-text at sa dulo eh me "I love U TC!" Keri, agent lang naman.

Naloka ko sa reply ng hombre! "Oo sige, no problem. I love u too!"

Napapreno ako bigla sabay kambyo at kabig sa manibela kahit di naman ako ang nagmamaneho. "Bat ganun yung reply mo?! Me ilove u too pa?! Samantalang sa kin, ni hindi ka nag-aaylabyu kahit sa text!"

May ngitngit talaga bakla?! Syota mo teh?! Eh nagselos ako eh. Right ko yun. Ahahahaha. Nagtext nga ako bigla sa kanya kahit magkatabi lang kami sa harap na upuan ng jeep. I love u! "Oh ayan ha, dapat magreply ka rin jan!"

Napangiti ang mokong bago sumagot.

"Bat magrereply pa ko eh katabi na kita...."



"I love u too!"


I pretended as if walang nangyari buong byahe. But deep inside, my heart was mumbling one word... Wow!



(to be continued.....)

10 comments:

  1. fotakers! bitin naman to teh

    ReplyDelete
  2. ay ang kilig naman nito BM! haha. wowowowow! sabi nga ni coco martin, wow ulam! :P

    ReplyDelete
  3. Sweet pero... Bakit may 'I love you' nga na nagaganap? :(

    ReplyDelete
  4. Ay nakakakilig naman ito :') cant wait for the next part

    ReplyDelete
  5. hindi na naman ako makakatulog sa pag.aantay!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! fotahkellllsss... galing lang....

    ReplyDelete
  6. i love it.. i think i know you guys.. pag punta nga ako sa market for OD hanapin ko kayo LOL

    ReplyDelete
  7. ang ganda.

    hahahahaha! sundan mo na kagad itembang ng part 2. cant wait ateng..

    ReplyDelete
  8. ahaha... kilig... ang kulet!

    ReplyDelete
  9. Kilig :P Gwapo ni Wow sa picture infer...

    ReplyDelete