Going to Batangas has never been the same because of Utoy. I always look forward to going there, para makabuo ng moments sa manggahan at sinigwelasan. Kahit anong okasyon, kahit sinong namatay, kahit kaninong birthday, kahit fiesta lang ng kabilang baryo, basta pwedeng umuwi, umuuwi ako. Because that means I get to see him again. And the trees. And the grass. And the river.
This time it was different. I came to say goodbye.
I'm so sorry naman, magpapaalam na lang ako, ang shugal pa matapos davah?! Na-devastate kasi ako habang sinusulat tong blogelyang itey. Nakisabay kasi sa pag-hiatus ko ang split ng Westlife. Last year pa pala, ngayon lang ako na-inform! Kemerot na boyband. How dare them split?! At ang mahaderang Mon Tulfo-Raymart Santiago at Andi-Albie brawl, sumabay pa?! Nang-steal pa ng thunder ko. Aba, me Raymart din ako noh!
Heniwei... Saktong holy week so may rason ako sa pag-uwi sa Sirang Lupa. Plus, we were organizing a family swimming para sa buong angkan ni Dominga, so I'm sure it would be really fun. Dumaan muna akengkay sa Pandacan para sabay na kami ni Tita Valentina, also hoping I would get at least a glance of Papa El's kakisigan. Amportyuneytli, waley si Makisig, ang Macho Papa Hunk ng Riles.
The usual na set-up. Uuwi kami sa ancestral house ni Dominga, usually eh lalafang sa sa hapag kainan nina Corazon at Gloria, at dadalaw sa bukirin ni Nonoy. Those are really the names of my aunts and uncle. Mga presidentiables! Then there's the traditional game ng fourty-one, na kami-kami lang at ang mananalo eh bibili pa ng meryenda.
Madaling araw ng Byernes Santo, together with my cousins, gumora kami ng bundok nang naka-motor. Imperlaloo sa akin ma'am, solo rider si bakla. Gamit ko ang lumang scooter ng sirang lupa na si Posh, tinahak namin ang landas papuntang grotto. Nakailang bundok ata kami, at ang scooter ko eh kakatakot ng bongga.
Habang daan, I was also praying, thankful for all the blessings, asking for forgiveness, seeking guidance and protection to the coming days -- at lalo na ingatan sana ako sa byahe kong kaorkot naman talaga. Pano pag paakyat, di ako umaabot sa tuktok ng kalsada, at pag pababa naman, todo na sa preno yung parehong gulong eh bulusok pa rin ako. Tapos mejo madilim pa, so scary-underwood talaga!
Shugality na namin sa byahe, wala pa kong matanawang grotto. Yun naman pala eh lagpas na kami ng tatlong talampas at dalawang burol. Nahanap naman namin eventually, di na nga lang madaling araw. So hiking naman, kasama ang tradisyunal na posing ng nakatanaw sa bulubunduking tanawin ng Conde. Meron ding mga standard-issue jump shot, malayo-ang-tingin shot, sunrise emote, at Bioman formation.
At kumusta naman si Posh, the scooter, naputulan ng tubo, kaya tumatakbo ako na tumutulo ang gas. Me kaba na ko kung makakauwi pa ba ko ng alive and kicking! Nakauwi naman ng matiwasay, at proud ang beki sa kanyang accomplishments. Di ako naging organ donor! Yeeesss!!
Nung hapon na, swimming naman ang buong angkan ni Dominga sa Pinamucan Beach. Kumapit ka sa maharlikang entrance mam... 300 each! 300 each jeepney! Hehehe. Nalula ako sa presyo, kasi halos 30 kami, 300 lang lang ang paysung. Nice. Me extra budget na para sa kwatro kantos at lomi! Actually ang bet nung pinsan kong isa eh sa Villa Gamboa kami -- nagpi-feeling Helen si Juanita! Eh base sa inampalang lupon, pang-Pinamucan lang kami, so waley shang choice. Either mag-Ciara Sotto sha mag-isa sa Villa Gamboa, o sumama sha sa mga dukha sa mabatong dagat.
Bilang isang pamilya kaming pupunta, di kasi tama na iwan ang iba na walang pang-entrance davah? Di ko naman keri na ilibre ang lahat, kaya sa murayray lang ang afford ko. At tsaka, mas bet ko talagang sa beach pumunta. Andun kasi ang mga magbubukid ng Sirang Lupa! Anong laban ng chlorine sa clorox-filled aroma ng dagat?!
Armado ng tilapia, tulingan, purefoods TJ hotdogs, pakwan, melon at singkamas, eh sinugod namin ang beach. Mam, walang kabuha-buhangin, kaloka! Spell b-a-t-o ang dalampasigan, matatalas pa! Ang mga shumangkin kez eh nakuntento na sa paghuli ng nagalaw na bato aka shrunken alimango, at naglunoy sa lowtide na dagat. Ako, of course, eh nakisali sa jinuman ng mga magbubukid.
Kasama rin sa umpukan sa cottage si Sekan Cuz. Sha ang nagpapasimula na asarin ako kay Utoy. Palibhasa alam nyang madalas kaming manguha ng indian at sinigwelas, at kesa naman itukso ko ang sarili ko sa kanya, itutulak na lang nya ko sa iba.
After ng isang round ng gin-tubig at yosi (yes, napayosi ako!) eh dumerecho muna kami sa dagat para maglunoy. Tumakbo pa ko at eeksena sana na magyayakap kami at magpapagulong-gulong sa buhanginan. Susme, eh di sugatan ang kasu-kasuan ko pag nagkataon, kaya magpapabuhat na lang sana ako at ipapaikot-ikot nya ko sa dalampasigan. Di rin pala pwede at me mga naka-park na jeep, trak, owner, trike, at kung anik-anik pang vehicles sa malapit sa dagat. Yesterday and beyond! As in sa dalampasigan talaga naka-park yung ibang sasakyan, kasi masikip na dun sa parking area.
Cliche na kung cliche, pinanindigan na ng Pamilya ni Dominga ang pagiging parte ng norm: naglaro kami ng volleyball sa mababaw na part ng dagat. =) Probably the funnest part of the trip. Dun ko nakita how Utoy played: todo set-set-palo ang labanan mam! At talagang humahabol sha sa bola, kahit puro hiwa at tusok na ata ang talampakan nya. Pati ako nahawa na, nakiki-spike at pektus na rin! At pigtal na rin ang sinelas ni beki, kiber! Play lang! After magbawas ng amats, at magpababa ng shenglot, go back na uli sa ginuman.
Pagbalik, mejo nakapag-usap na kami. May dialogue na. Nagkasundo kami na pagkauwi around 7pm eh itutuloy sa bukid ang inuman. Kami-kami na lang. Preferably yung malapit sa damuhan. So direcho ang nomo, mga lokohan na sizes ng shoes, shirt, jeans, kahit medyas daw basta imported.
As usual, with Utoy, parang diesel, kelangan munang painitin ang makina bago makaarangkada. So habang inuman, pangiti-ngiti lang, ligaw-tingin si bakla, walang magawa in broad daylight, isang tumpok pa ang magbubukid na nakapalibot, at puro batuhan at jerusalem trees sa paligid. In not in my natural elements! Waley sinigwelas, indian mango, sampalok, kahit kakawate waley mam! Oh shit, tagilid si beki. Ang tanging nagawa namin eh magtabi sa pwesto. Sha sa may kanto, ako sa kanan nya.
Eto kami kasama ang ilang magbubukid. Yung nasa dulo yung nag-alok sa kin dati ng "toothbrush". Yung nasa kabilang dulo eh laging nalalaglag sa oyayi sa kalasingan. Yung katabi kong ngising aso eh laging naghahamon ng suntukan pag lasing -- kahit baka. And shempre si Utoy. Kaakbay si BM na kung makapameywang, akala mo eh nanalo sa Reyna ng Batuhan 2012. O di ba, puro bato ang sahig, kaya kering mag-park sa mismong beach?!
By 7pm eh umuwi na kaming lahat, sampu ng aking kamag-anakan. Kasi ma'am, walang kuryente dun, so paglubog ni King Ra (shala, egyptian sun god!) eh dapat gumo-home na rin ang mga beach-goraers kasi wala ka ng makikita. Napagkasunduan namin na didirecho sa balur nila Sekan Cuz si Utoy, at ilang pinsan pa, para ituloy ang sunugan ng gall bladder at sundutang prostate. Ihinanda ko na ang sikmura at pinakbet ko para sa gyera patani... samahan mo pa ng digmaang upo, labanang kundol, at kudeta de patola.
San pa nga ba mauuwi ang post ko, kundi sa exploration ko ng male anatomy at sa pagdungkal nya ng halamang-gubat sa mga laman-loob ko? Mejo shenglot na rin kasi ako nun, kaya tumakas kaming apat para maglomi sa bayan. Pero wag ka, sa trike pa lang, naglolomi na ko sa kandungan ng lolo mo. Di ko lang maitodo kasi ang ginaw pucha. Ay tsaka pala may kasama kami na driver ng trike, at yung backride nyang si Sekan Cuz.
Pag-uwi sa bukid, pinabalik muna namin sa inuman lahat ng potential state witnesses, at saka sha naunang umuwi -- in short eh maghihintay sha dun sa usual rendezvous namin na kakahuyan. But no, di na sha umabot dun, kasi me nakita shang nakaparadang trike sa isang tindahan. Mejo discreet ang pwesto, but still, nasa tabing kalsada lang kami halos. Exciting! Atapang atao na si Utoy, keri na sa naaabot ng semento!
Yung eksena namin, hindi pang-pelikula! That wasn't cinematic at all. Mejo comedy pa nga eh. Kasi hindi kami kasya sa loob, di ako makabwelo, haggard naman sa gilid. So dun ang ending namin sa mismong motor. Imagine ka na lang beks, basta hindi talaga cinematic. Kinabayong motor? Minakina sa makina? Na-broom-broom sa kalsada? Pano ba? Di ko ma-describe eh. Ahh... bumack-ride siya sa kin. Umangkas nang bonggang-bongga! It was more fun in Sirang Lupa ang pasok na caption sa amin, kung sakaling me nakakita. More, more, more fun. More, more, more isyu din, at more, more, more bagansya! And then, we fixed ourselves. After the deed, bumalik na kami sa inuman. Silent movie ang naganap.
Paikot ang tagay.
Nakasandal ako sa kawayan.
Nakasandal sya sa poste.
Tumingin ako sa basong umiikot.
Tumagay si Utoy.
Ipinasa nya ang tagayan sa akin.
Nagdampi ang hinliliit ko at hinlalaki nya.
Kzzzt.
May spark.
Napangiti ako ng pailalim.
Sumulyap sha sa akin, at napangiti rin.
Napangiti rin si Sekan Cuz, nakita pala yung kzzzt moment.
Nasamid pa ko.
Bumahid ang natatawa pero concern na expression kay Utoy.
Sumenyas ako na 'Ok lang ako.'
Umikot uli ang tagay.
Minsan tuhod ang nagkakadampian.
O kaya eh siko at braso.
Paulit-ulit rin kaming nagsulyapan.Saka palihim na ngingiti.
One time, kumindat pa si Utoy.
Nag-blush ata pati singit ko.
I just stood there quietly.
Siya rin tahimik lang.
Naubos ang gin.
At ang pangalawang gin.
Nung paubos na ang pangatlong gin, umalis ako para magmuni-muni.
Naglalakad ako mag-isa.
Full moon pa, timing sa ambiance na hinihingi ng moment.
Parang may sumusunod sa kin.
Dahan-dahan akong naglalakad nung una.
Pabilis nang pabilis.
At bumagal ulit.
Kaliwa.
Hakbang.
Kanan.
May interval.
Dalawang segundo halos kada hakbang.
Stop.
Dahan-dahan akong umikot.
Sabay nganga.
Wala palang sumusunod sa kin.
Paatras akong naglakad ulit.
Mas mabagal kasya sa nauna.
Sabay pihit ulit paharap.
Para mabangga sa dibdib...
Ng hood ng owner.
Ouch.
Dun ko sha narinig sa gilid.
Tunog nyuk-nyuk-nyuk yung hagikhik.
Napahagikhik na rin ako.
Nauwi sa malagkit na tinginan (in my POV, malagkit yun)
Naningkit ang mata ko sa pagngiti.
Lumapit sha sa kin.
Inakbayan ako.
Pasimpleng humawak ako sa kamay nyang nakaakbay sa kin.
At sabay kaming naglakad uli.
Sa manggahan.
Sa sinigwelasan.
Sa sampalukan.
Sa pilapil.
Sa bukid...
Simple. Sweet. Bliss.
Wala pa ring dialogue.
Pero both of us knew what it meant.
It meant goodbye.
Hindi na kailangang pag-usapan. Wala rin namang mga salita na sasapat para sa nararamdaman ko ng mga panahong yun. At di na rin naman kailangang sabihin. Naglakad-lakad lang kami hanggang makarating sa punong mangga na lagi naming piping saksi. At saka nya sinabi ang linyang hindi ko siguro makakalimutan magpakailanman:
"Ineng..."
"Utoy?"
"Kunin na natin yung naiwan mong panty. Dalhin mo sa New York."
dinala mo namn b ung panty mo?
ReplyDeleteutoy is one of my favorites. haist... madami pa, si papa el, si tay, at ang mga canton boys
ReplyDeletemam tama ba ang hinala ko!
ReplyDeletemangingibang bansa ka?!
kaya siguro tungkol sa separation ang blog mo ngayon
parang gusto kong kumanta...
... the trouble with hello is... goodbye.... :(
Nice BM.
ReplyDeleteHi, Nice blog thanks for sharing. Would you please consider adding a link to my website on your page. Please email me back.
ReplyDeleteThanks!
Randy
randydavis387@gmail.com
Hi beks... anu ba yung blog mo? lahat kasi ng links na nilagay ko, personal favorites ko talaga.. parang sa profile mo, more on products? good luck naman sa bekilandia neng, parang out of character hihihi...
Delete