Until I went to Batangas...
But before that, simulan muna natin.
Minsan kasi, may mga tao kang makikilala na sobrang magkakaroon ng kakaibang arrive sa buhay-bektas mo. It may be the good looks, the sexy appeal, the hot body, the superb intellect. O minsan din, it's the character or a belief of the person that makes the great impact at wala ka na lang masasabi kundi... "Whoa, oh, oh, oooohhh... Now this one's different."
Napa-emote ako ng ganito dahil sa dalawang lalaki na naka-encounter ko lately. Of course you all know Marvin.
"Uy kita naman tayo ngayon. Miss na kita eh..." text ni Marvin.
"Baket? Nasa ofis pa ko eh..." sagot ko.
"Tagal na rin kasi natin di nagkita eh."
"Oo nga eh 3 months na rin."
"Mamaya ha text kita pag papunta na ko. Jan na lang kami kain handa ka foods pls..." lambing pa ng otoko.
"Ngaks, waley akong anda ngayun eh lagi kasing walang pasok." sabi ko naman.
"Tsss, minsan na nga lang eh." pamimilit naman ni kuya. Ano ba yung 'tssss' sa isip-isip ko.
"Me food pa dito kaso wala talaga ko budget para kumembot eh... Wala ka bang promo jan? Naka-ilang coupons na ko ah.. Di ba pwede i-claim ung reward points?" He-he-he.
"Sige wag na next time na lang." at naubusan na nga ng reply ang lolo mo.
Gento ang usual scenario sa telenobekla sa bekilandia. May times naman na GL ang puhunan - ganda lang. O kaya eh nomo ang kapalit, o referal sa trabaho, o load. Sa 100 na ni-load mo max na yung apat na reply. Pero yung GL bihirang bihira. More on mutualism sa beki-otoko relationship. Minsan pa kamo eh commensalism and worst, parasitism. Hay, bekihood. Your dynamics are so complex yet it's relatively easy to understand, and way easier to accept.
And then there's Edward.
Nun kasing fiesta sa Pandacan, me nakainuman akong mga otoko na teenagers. Tipikal kwentuhan, fishing na questions, random thoughts nila sa buhay. Shempre kasali jan ang mga questions na may kinalaman sa mga beki. Pakikitungo, pagtanggap, pagtingin at pakikibagay. Mga ganung eksena. I was touched sa sagot nung isang 18-year old guy na kausap ko. He's really different. May kapatid shang beki rin. Kaya ang point of view nya sa mga beki eh mejo kakaiba.
"Parang binastos at ginamit ko na rin ung kapatid ko kung papatol din ako sa bading..." Hmmm... Now this one's different.
Honestly, iba yung reaction na sanay ako. Dalawa lang kasi yan, payag o hindi. Ang normal (at least in my world) are the following reasons: ayaw kasi homophobic; ayaw kasi hindi nila bet, walang attraction, walang dating, straight talaga sila at pechay na authentic lang ang keri nilang kumpunihin; ayaw kasi may pera naman sha at di nya kailangan mambakla; ayaw kasi naliliitan sa offer mo; ayaw kasi for them ang pagpatol sa beki ay kasalanan; o kaya eh ayaw lang talaga, tapos.
And then there are those who are willing and able. Payag + able = payable. Payag kasi kelangan ng pera; payag kasi taglibog; payag kasi beki rin; payag kasi part ng trabaho nya tulad ng mga masahista at pokpokita; payag kasi lasing; payag kasi hindi nya alam at nagising na lang sha na hinahalay na sha at wala na shang nagawa kundi umungol; payag kasi na-try na before at nagustuhan; or payag kasi payag sha, tapos.
Sa totoo lang, sa mundong ito na ginagalawan -- at kinakasanayan -- ko, bihira ang mga otoko na may very good sa CBA, GMRC, at Values Ed. I can literally see my moral values slip away. Kasi ang pagpapakembang kapalit ng datung eh sobrang lumang eksena na. It is the oldest profession, after all. Kaya minsan, DTI na ang tingin ko sa kembang. As in trade and industry na sha, at ako ang nasa other end ng merkado. Kulang na lang eh manghingi sa kin ng referral form ang mga beki friends ko! At kulang na lang eh i-open ko na ang stocks sa PSE para bongga.
Honestly, yun ang alarming eh. Yung belief na parte na sha ng buhay-beki. Yung thought na walang magmamahal sayo ng walang kapalit. Yung feeling na you won't receive and you don't deserve unconditional love. That's what makes this topic so taboo. It also makes you ask questions you would rather keep hidden.
Feeling the urgency of this topic, nag-GM akez sa ibat ibang sektor ng lipunan, aka my friends, at nagsagawa ng isang impormal na pag-aaral sa extent o sakop ng kanilang kaalaman, pang-unawa, pagtanggap, at pangkalahatang opinyon ukol sa paksang ito. Sineryoso ko talaga ang pagtatanong, bekilandia. In a way, parang sinabi ko na rin sa lahat ng tinext ko na, yes I pay for sex. There's no need for denial di ba? And I can bravely ask -- who haven't nowadays? Sa mga beki out there, kung malinis ka, eh di mauna ka nang magpukol ng bato. I won't cover my face, promise.
Narito ang statement of the problem:
1. Ano nga ba ang tingin ng mga utaw pag nalaman nila na ang isang beki eh nagpa-payola para sa kembular?
2. Choose: (Hahayaan, kakausapin, pipigilan, iiwasan) ko sha.
3. At what point makikialam ang madlang peeps?
4. Anung kaibahan nun sa lalaki o babae who pays for sex?
5. Sa tingin mo bumababa ba ang pagkatao ng beki pag nagbabayad sha sa lalaki?
I asked an aunt, a high school close friend, a straight guy, a close friend from college (na hindi street smart at hindi sanay sa kalye, at lalo nang hindi sanay sa kalakaran ng laman), a fulltime worker for YFC, 2 guidance counselors (close friends as well), another guidance counselor whose also a lesbian, a former masseur from Hunks Touch Spa, and a beloved fag hag (sidenote: I über love the term, do you find it offensive?)
Sabi nung close friend ko since hayskul: "Kakausapin; if too much, if napapabayaan na nya lahat. Walang pagkakaiba, parehong madumi. Yes sobrang baba [ng tingin ko]."
Sagot naman nung tita ko: "Concerned and at the same time, acceptance of the fact. Kakausapin, mainly for health reasons. Baka di dapat makialam kc adult na. Wala sigurong pagkakaiba. Depende sa pag-handle ng situation, but then baka naman walang beki na di nagbabayad."
Surprisingly, sumagot din yung straight guy kong friend. Sha yung kasama ko sa shoot for Bitaw. Sabi nya, "maiilang syempre [pag nalaman na ganun si beki]; kakausapin, pipigilan na iwasan nya na yun. Wala syang mapapala dun, pwede pa syang magkasakit di ba? Pareho lang nman yun sa mga babae pati lalaki." At kung bumababa ba ang tingin nya kay beki, "oo nman, di magandang gawain yun." ang straightforward nyang sagot.
Yung friend ko from slowvenia, eto verbatim na sagot: "Ang cheap! Kakausapin at try ko pigilan. Makikialam ako kahit ikasira pa ng friendship namin! Walang kaibahan, basta cheap, mahalay at nakamamatay! Oo naman, pag ginamit mo ang pera sa di kanais-nais na pamamaraan para ka na ring pulitikong nagnakaw sa kaban ng bayan!" Kung anong koneksyon ng kaban ng bayan sa pagchupa, eh ewan ko na lang.
Ayon naman sa friendship kong borboli na guidance counselor, "Napaisip ako... 1. Dating sa kin kung friend ko sha, mayaman na ang friend ko kaya pati sex binibili walang magawa sa pera! Pwede ding just for fun yun. 2. Kakausapin ko...magpapachismis ako! Pero gusto ko shempre malaman bat nya ginagawa yun..Lahat naman may dahilan, what works for me might not work for him so I won't judge him right away. 3. Makikialam na ko pag nakakasama na sa kanya at di na nya ma-handle sarili nya tipong naghhirap na sha at walang makain keri lang sa kanya basta makipag-sex lang! Or my sindikato na pala sha! 4. Walang kaibahan ang beki sa mga straight who pays for sex. 5. Generally, oo [bumababa ang tingin ko]." May bonus question ako sa kanya since obit nga ang maldita kayaheto ang sagot nya: "Di ako mashadong familiar sa gay-male relationship pero sa lesbians kasi, parang wala naman mashado nagbabayad for sex. Meron nakikipag one-night stand, fuck buddy or casual sex pero walang money involved at malinaw na wala ding commitment. So far, sa mga alam kong G2G relationship, we make sure na my love/feelings involved bago nakikipagrelasyon at nakikipag-sex." Very well said Bb. Maldita.
Yung isa pang guidance counselor, dati namang obit pero nagblik-loob na sa pgiging babaylan. Heto ang responses ng lola mo: 1. mayaman ang friend ko...badly needed ang sex. 2. hayaan dahil pera naman [nya] yun at baka nga need nya! 3. pag sobrang napapariwara na sya at pag humingi na sya ng help. 4. wala -- pareho lang gusto ng SEX. 5. Sa current trend hindi [bumababa ang tingin ko] pero morality speaking oo (traditional at conventional ang lolah mo)
Dun naman sa kasamahan ko sa org sa church: "masho-shock ako pag nlaman ko yun... siguro kung close kmi kakausapin ko... mas grabe kung babae gumagawa nun... hindi ko sha iju-judge pero I think ok lang naman maging gay as long as hindi nya un ginagawa [payola for sex]".
Itey naman ang mga sagot nung Puppet ko na active sa YFC: 1. Ang dating sakin nun, malungkot. Yung beki nga na hindi mo kilala, malaman mong nagbabayad for sex, malungkot na. Yun pang kaibigan mo. Malungkot lang kung bakit kailangan pang 'umabot' sa ganun. 2. Kakausapin. Tatanungin ko bakit. Kung may pagkakataon, hihikayatin ko na wag na lang. Pagsasabihan kung kinakailangan, pero ang paggawa o hindi paggawa naman nun nasa kanya pa rin naman talaga.
Hindi ko alam san napunta yung karugtong, nabura ko ata. Pero eto yung final part ng sagot ni Puppet: 5...hindi lang sa simbahan pero maaaring sa lipunang hindi naman ganito ang kinalakhan. Ang importante sigurong tanungin o isipin ay hindi kung ano ang mga bagay na nakakababa ng pagkatao kundi ano ang mga gawain / desisyong nagpapakita ng respeto sa sarili, sa kapwa, sa mundo, at sa Diyos. Siguraduhin mong hindi ikaw to ha.hahah... May disclaimer pa sa dulo!
Eto naman ang sagot nung friedship ko from college: 1. That he is sad and has low regard to himself, he doesn't believe that someone could accept / love him unless he pays for it. 2. Kakausapin ko sha. 3. On the onset na nalaman ko para he will know na someone wants to understand him, listen to him and [someone] cares for him! 4. Walang pagkakaiba for me. 5. No I don't think so...
Pinakawalang-sense naman na reply kasi daw nasa exam sha: Hahayaan, di ako makikialam. Lastly uu [mababa] kasi nga ang libog nila... Wala [pagkakaiba]. They are both craving for sex.
Yung kilala kong former masseur sa beki spa na tried and tested na namin nina Medusa at Galema sa extra extra, kaswal lang. "Kailangan eh. Mahirap humanap ng work. Mabuti na yun kesa wala. Tsaka trabaho lang naman yun, wala namang mawawala sa kin. Nasarapan pa ko! Bakit naman bababa ang tingin ko sa mga bakla eh sila nga ang pinagmumulan ng kabuhayan ko. Kung walang beki, walang gatas si beybi!"
There you go. Real responses from real people. Isipin nyo na lang na may mic at cameraman ako habang naglilibot sa kalakhang Maynila. It's become a commodity so common, people accept it as part of their lives, without asking the questions that mattered.
But wait there's more. Nakalimutan kong mag-ask ng opinyon mula sa isang gurlilet na may jowa na sholbam. Me shupetbahay kasi akez na lagi kong nakikita sa gateway. Me jubis at junakis (jowa at junanak na obese) na c kuya... Ang source of income nya, pagrampa -- aka "gumimik" -- at yung jowa nya eh me part-time job na magpa-table sa isang beerhouse malapit sa Murphy. Table lang naman daw, di naman sila nilalabas ng bar. Sa isang kaswal na inuman at pag-interbyu na rin, eto naman ang press release nung mag-jowa, without any iling-iling at palatak ng dila, not even your customary sapilitang patak ng luha:
"Bakit ako mahihiya eh ch*pa lang naman yun. Buti nga may pakinabang pa ti*i ko eh! Wahahahaha!" sabay kabig sa misis nya na nakangisi rin. "Di ba loves? Ok lang naman sayo na may nakakatikim sa kin di ba?"
Sumagot naman si bilat. "Oo naman, ok lang sa kin, basta loves di ba nakahiga ka lang naman, sila lang naman ang gumagawa? Tsaka ok na rin yun na sa bakla kesa naman sa babae! At least sigurado ako sa kin pa rin sha uuwe. Pag kumpleto ang pagkain namin, ok na yun kahit sa pw*t ng bakla nanggaling! Choosy pa ba ko?"
Pero ang narinig ko sa ibang tropa rin nila, serbisyo publiko pala si kuya, so hindi lang sha lay-la-dee. At si ate eh hindi na rin daw part-timer ngayun. Her own words: "Oo p*ta ako, pero at least ako, nagpup*ta para sa pamilya ko." Nasabi nya yun minsan habang bumibili ng kwekwek kila Auntie Lolet. Di yun nagda-dramarama sa hapon Mam. Talagang normal na mga linya nya lang yun.
Impernes, never ko naman talaga nakita na gutom ang itsura nilang mag-anak, at maayos sila manamit at pumorma. Maayos na enrolled sa nursery yung bata, private school pa! Si bilat eh umeekstra lang dun sa beerhouse pag tag-tuition, tag-pasko at tag-birthday. Tsaka hindi sila yung tipikal na mga nasa teleserye na may dramahan sa tag-araw at may pagkukuskos ng sabon habang umiiyak pagkatapos ng bawat "gimik". For them, yun ang opportunity na nanjan eh, kaya grab lang ng grab habang may beki at manong pa na papatol o magte-table. Kaswal lang, walang ka-hangup-hangup sa buhay ang gimikerong couple.
To make the study deeper, nag-text ako sa mga straight kong male friends. Shempre sila ang nasa other end ng isyung toh di ba? Sila ang "commodity" at tayo bekilandia ang "market". But in the spirit of fairness, I also asked my female friends. Tutal eh kinarir ko na ang study na to, might as well ibongga ko na davah?!
Q: What would it take for you to be paid for sex? "Paid" in cash or in kind ha. Pwedeng promotion, tuition, pantustos sa bisyo, pambili ng luho, pang-shopping, ex-deal sa kliyente, pamasahe pauwi ng Bagong Ilog, pambili ng condo, at kung anik-anik. Malaki man o maliit, magkano nga ba ang kapalit ng pechay natin?!
Sa singkwenta katao na tinext ko (yup, 50 talaga ang sinurvey ko -- 25 males and 25 females) eh limang gurls lang ang mega react. Lahat pa eh walang maisip na pwedeng maging kapalit ng mga puki't dangal nila. Yung isa ang eksena lang eh me kakilala raw sha na nakipag-chukchakan sa bosing for promotion. Yun nga lang, type din naman ni gurlet si bosing, so win-win itey. I guess hindi mo masasabi kung "magkano" nga ba ang dangal ng isang tao, unless maharap ka sa sitwasyon na walang wala ka ng choice kundi isangla sa cebuana ultimo t*nggil at b*yag mo.
But if you would just open your eyes, you'll see na maraming nandun sa sitwasyon na yun ngayon. Some people are just lucky to be at the better part of the food chain. Pero marami pa rin ang naglalako sa palengke. I know the market because I am the market.
As in depth as it is at this point, I still wanted to reach another level. Gusto ko sanang mag-interview pa ng mga babae at lalaki na nagpapabayad for sex. I got a better offer. Naisama ako ng mga pinsan kong lalaki sa pagha-hunting ng... I'm gonna use their term... Sa pagha-hunting ng... p*ke. Literally.
Gusto ko pa sanang i-detail kaso mashado lang akong naloka sa trip nila. After kasi ng inuman, nagkayayan na mag-lomi sa bayan. So sakay kaming anim sa trike, at tatlo sa motor. Shempre dun ako sa motor, tats pa ko ke sekan cuz kasi ang bilin eh "Ingatan nyo yang si Ineng ha. Kayo's mauutas sa aken pag iyan ay inyo gang hinayaan." sabay tapik sa hita kong bagong wax.
Ang simpleng paglo-lomi eh nauwi sa... can't find the word. Basta ang alam ko, mahalay ako, pero eto, ibang level to. After kasi lumomi, dumaan kami sa plaza at naghanap ng mga nakatambay na gimikera. Isa na lang ang natira, tsaka yung isa na parang tyahin ko na. Negosasyon ng konti, andaming side comments at pambubuska kay ate, na napa-react ng "Ang babastos nyo naman!" Coming from a sholgurl, that was something!
I was observing them intently, para masabi naman na nag-research talaga akex. Seriously, I was writing notes on my phone, like kung magkano, kung saan, mga linya nila, mga itsura, mga porma. Hindi naman sila mga mukhang hayok sa laman, o manyakis eh. Si sekan cuz nga tahimik lang sa loob ng trike. Ang datingan nila eh parang nakikipagtawaran lang ng isaw sa kanto, pero yung pagtawad nila eh me halong panlalait sa paninda at pagpo-point out na umaga na kaya presyong baratan na. they didn't just objectify the girl, talagang tratong pokpok ang mga magbubukid, na di rin naman mga kgwapuhan, except kay pinsan.
Nung nagkasundo na sa wakas, kinuha nung isang magbubukid ang single na motor at inangkas si gurl. So walo na kaming lahat sa trike. Nauna na kami, ang press release eh uuwi na kami at sila naman eh check in ang drama. But no, lumiko lang kami saglit at nagtago sa lilim ng anino ng pader, at nung makalagpas na si single rider, saka kami sumunod. Ang trip pala nila eh tatangayin si bilat sa bukid, may kubo sila dun just for occasions like this, at magre-renegotiate para lahat sila eh makakembot.
Php 500, 8 guys, pila-balde. I saw the whole thing happen right before my very eyes. Hindi naman kembang yung walo ning. Tatlo lang dun, the rest eh sinayawan lang ni ate then saka sila nag-MB habang ginigilingan ni ateng na maganda sa dilim. Infer naman ke ate, pag dagdag kembot, plus 2 humps din. At pag libog dance lang, plus 1 humps. Sa walong tweeners na magbubukid, naka-1400 din si ate. Not bad for a mid-mornight's haul. Halo-halo, labo-labo, one for all, it's all for the money! At ako, isang piping saksi na tulaley sa isang sulok ng kubo. Sa pagka-shock, pagka-trauma at pagka-victimized ko lang, napabigay din ako ng Php 360. Dahil sa awa, at paghanga sa tapang at tibay ng dibdib ni ate. Trabaho lang...
Lumayo na ko ng lumayo sa topic. But somehow, all these are connected. IMO, people who pay for sex are not lonely, or desperate, or "salaula" sabi nga ng isang tiyahin ko sa bukid. Personally, pag ganun kasi, wala ng emotional involvement. And base sa mga nasaksihan ko, wala ngang pagkakaiba ang babae, lalaki, tomboy o beki na nagpe-paysung sa ating republika. Although meron ding one night stand, iba pa rin kasi ang dynamics pag beki. Pag sa bakla pumatol ang lalaki, usually may kapalit. But that doesn't make you pathetic. It's just the easier way.
Ditey sa Iskwater, minsan parang tulong na yun eh.You can see desperate souls everywhere. Most of the time, they have reasons for using their bodies for money. How can you say "no" to someone na alam mong magugutom pag tumanggi ka? How can you close your doors on someone na alam mong walang ibang malapitan? Of course that's just rationalization on my part. Pwede namang tumulong ng walang kapalit di ba? I've had my share of pagpapautang na di na nabayaran, panlilibre, pagpapakain, pagpapanomo, pagpapaluwal, and pagpapamigay. Di nga lang laging ganun.
Base sa mga napag-alaman ko, heto ang summary, conclusion and recommendation! Ano nga ba ang dating ng mga beki kapag nagbayad sila para sa kembang? Depende pala sa nakakakita. Yung iba kasi di pa rin aware na halos lahat ng beki eh ginawa, ginagawa, o gagawin ito. Anong gagawin nila? Most of them showed concern pero in the end, it's still the beki's decision and not theirs. Basically, walang kaibahan ke babae o lalaki o beki o borboli.
The sad reality is, karamihan sa kanila agreed na bumababa ang tingin nila kay bektas once they found out about the "trade and industry". Kasi ang bakla, sa paningin ng ibang tao, means to an end lang. Pantawid gutom. Stepping stone. Gays are not options, but solutions. For me, this isn't just an issue of morality and values. It's about discrimination, inequality and injustice. Tumbling ka sa conclusion ko no?
The best response na pwede kong ikembot eh yung "presyo" na hihingin ni Jamie Kate kapalit ng kanyang katawan, isip, puso, puri at dangal... A wedding ring. This may be impossible for some, and for Bekis, it's definitely unconstitutional in the Philippines. But Beks, hang on tight. Papa God might have forgotten to whisper his prophets about our dilemmas, and the saints and angels might have stopped pleading our cases. No worries, Beks.
This is one issue na hindi ko siguro mabibigyan ng pak na ending. Eto siguro yung blog ko na malabong mabigyan ko ng one-liner na swak sa banga. At imposibleng mabigyan ko ng bonggels na realization at plangak na words of beki wisdom. But what I can leave you is an assurance... a promise.
Someday soon, we won't need to pay for sex, Bekilandia. Someday, the world will see us as equals. And finally, we will believe na pwede tayong mahalin ng walang kapalit.
We will receive unconditional love.
Because we deserve it.
you´re very brave to share this, jabo :) as i was reading it... napaisip ako... kung isa ako sa mga natanong baka di ko masagot ang mga tanong...
ReplyDeletebut i agree with you... sana dumating yung panahong you will be loved for who you are and not because you are just a "solution"...
Gusto ko na rin yan gawin dati, yung research. gusto kasi malamang kung ano tumatakbo sa psyche nila, kung may factor ba ang society, at kung may contribution ang childhood nila sa ganyang behavior. P
ReplyDeleteas for me, why should bekis be treated differently if they pay for sex? Men do it, women do it. Pag mga straight guys ang nagbibidahan sa sexcapades nila sa pegasus atbp, e ok lang. So bakit kaya big deal pag mga beki na ang nagbabayad sa panandaliang aliw? Siguro big deal kasi yung iba masyadong blatant. Pag straight kasi sa inner circle lang nila shini-share yung ganung info.
Anyway, this is a good read. nice post. thanks :D
tama discrimination, injustice at inequality nga, abnormal na kase ang tingin ng karamihan sa mga becky, tapos abnormal pa ang pagbabayad for sex; sa mga straight yung pagbabayad lang ang abnormal..
ReplyDeleteVery well said BM. It's a sad reality on both sides.
ReplyDeletedi ako malinis....i mean guilty ako somehow kasi nafeel ko na nagiging ganito ako sa bf ko.... yung parang scenario na call boy sya at ako ang client? anong sense na nasabing bf ko sya kung ang ending pala ng bawat pagsesex namin eh kelangan kong magbigay ng pera sa kanya?
ReplyDeleteako na mismo sa sarili ko ang nahihiya, dahil minsan naitanong ko rin to ... na parang lahat ng pangangailangan kong sexual ay may bayad???
with this BI-em naisampal mo sa akin ang katotohanan....and im guilty of it...
hindi naman ako ganun kadesperado para maglabas ng yaman para sa lalaki...after reading this one, nasagot mo lahat ng tanong sa utak ko...
maraming salamat sa yo Sir Bi-em!!!
this post leave me speechless, and make me start thinking.
ReplyDeletegood job, Jabo! :)
very thorough! thanks for sharing
ReplyDeletei'm in late 20s, and i've been shagging since highschool. pero di ko pa naranasang magbayad. i think applicable lang ang bayaran kung straight ang kakaririn mo. pero kung kapwa bi, bakit kelangang magkaron ng money involve?
ReplyDeleteKung sisingilin ako ng ka$ex ko, ang mararamdaman ko, "ganun na ba ako kapanget para magbayad? or ganun na ba ako ka-lousy sa kama?" pero hanggat parehas kaming nag-eenjoy, wla dapat singilan.
kung gusto mo talaga ng straight guy at walang bayad, me teknik jan. that is art of seduction. hehehe
btw, nice post.
reality! sad!
ReplyDeleteang ganda basahin. makatotohanan. bakit nga ba magpapatali ang mga tao sa lipunang walang ginawa kundi magbigay ng bawal at pwedeng gawin. ang nais lamang nila ay masunod ang batas nila, hindi nila iniisip ang kapakanan ng mga naaapektuhan. sa sobrang dami ng kailangang sundin, lalong dumadami ang 'kasalanan' ng tao sa mata nila. bow.
ReplyDeleteI think everybody has a price tag for himself or herself. Some will be open what their price is, while others will let you guess how much u think he/she is worth to you.
ReplyDeleteSo depending on your degree of lust or desire to own or get someone whom you think is worth your money you gotta pay.
And for somebody who you think that his/her price tag is so OVER the SRP, then i think he or she just considers himself or herself...PRICELESS...
isang pagpupugay sa iyong panulat, mare. iba ka talaga. malalim na kahulugan sa magaan na paglalahad. nakadadala at nakapagpapaisip sa mambabasa. :)
ReplyDeletesalamat, mare.. pa-deep lang minsan hihihi...di ko pa keri ang prosa eh, iba level mo mam! hihihi...
Deletebakit po umulit??
ReplyDeleteinakyat ko lang =) wala pa kasing bagong post, so nilagay q muna sha as latest..
Deleteim a fan...you are given a great talent!keep it up!
ReplyDeleteTo me, most gays would eventually teach themselves lessons. But beware, hindi lahat nabibigyan ng wisdom to know what's best for them. Circumstances and core values would play vital role in what the lessons would be.....
ReplyDelete