Pano ba mag-move on? Pano ba mag-let go? Pano ba mag-give up? Pano ba mag-move forward?
I was doing good moving on from my previous break-up. Yung bote ng tequila halos ubos na. "Halos" kasi siguro tatlong tagay at isang baso na lang sha. Yung tshirt na iniwan nya, medyo naluma na kakalaba ni Yaya kasi nung bago-bago pa lang kami naghiwalay eh suot ko lagi. I was on my way to freedom.
And then he came back. Bumalik si Budwire -- complete with new words and new catchphrases. Fabulous talaga ang vocabulary ng Daduds ko.
Sa pagbabalik nyang yun, bumalik na rin uli ang rigodon naming dalawa. Habang nagti-tinikling ako, nagsi-singkil sha. Habang nagpipiko ako, nagpapatintero sha. Habang nagka-casino ako, nagka-cara y kruz sha. Sa pagbabalik din na yun ni Budwire, may isang aspeto sa buhay nya na na-gets ko finally. Si Budwire pala ay isang... jejemon.
Tulad nung nauna naming bulagaan, basta sumulpot na lang sha sa pinto ng pink villa habang nagbabasa ako ng "City of Bones" sa kubeta. Ilang beses na nyang sinabi na pupunta sha sa haus pero ngayon lang natuloy. Pagpasok pa eh sabay sabi ng "Bolaga! Surprise!" Eto na naman po kami...
Tapos habang umeepal ang pinsan nya sa pagpapa-sweet namin eh me ispluk si pinsan na "Ako naiintindihan ko kung bakit nai-in love ang straight na guy sa gays. Kasi kaming straight guys, blah blah blah..."
Di ko na naintindihan kasi sumingit na si Budwire. "Nako! Eh bakla pala to! Bakla ka ba hoy? Naka! Bakla pala ito eh."
Sumingit ako "Daduds bisexual siguro kasi me girlfriend."
"Ahh bayot pala, hindi bakla. Anu ga yung bisexual?" Nung sinabi ko, lalong naloka ang lolo mo. "Hala eh silahis pala! Lagot! Ay gugulpihin ka ng tatay mo!" At nilait nya ng sunod-sunod ang pobreng pinsan.
What transpired was the usual inuman, kulitan, halikan, and everything.Masaya ko habang kasama ko sha, kasi I was saving the best for last.
Habang nagkukulitan, sabi ko ke Budwire "Last na to ha. Wag ka nang pupunta dito. (sabay subo sa kanya ng melon dice) Mag-break na tayo. Hahanap na ko ng bago."
Habang ngumunguya, "Nako Dadods, di ka makakahanap ng bago. Pag nagpunta ko dito, sisigaw ako sa labas ng 'Dadodz! Takbo! Me ihahagis ako! Grened tsaka atumic bam!' Takbo ka na agad nun! Sasabog tong pink haus mo!" Granada daw tsaka atomic bomb. Kayo talaga, judgemental!
Budwire has always been different sa mga nakembot ko. Kakaiba in the sense na di ko talaga alam kung anong habol nya sa kin. Walang line eh. Dun sa iba clear kung ano bang gustong machurvah mula sa akin. Ang yaman ko (parang meron), ang katawan ko (to die for!), ang atensyon ko (mga uhaw sa kalinga ng isang mapiling ina), ang puri ko (na puro at dalisay), o ang load ko (pasa-load o all-text20). Pag tumotodo sa pagka-demanding eh ang puso ko na ang target. Wow!
Si Budwire, mahilig sa kakanin. Puto, kutsinta, sapin-sapin, kalamay, ube halaya, maja blanca at leche flan. Lahat eh express padala. Nung unang tungtong nya sa Pink Street, walang kakanin na available. Sabi nya di naman daw yun ang trip nya. Basta gusto nya ko kahit walang kakanin. Consistent naman yun until umuwi sha sa Quezon.
Nung umuwi sha sa Quezon, at hanggang jeje-texts at jeje-quotes na lang kami uli, nagsimula ang pagkahilig nya sa mga native delicacies. Ilang beses din na sa kin pa sha humingi ng kakanin. At all the time, binibilhan ko naman sha, on the condition na pagkatanggap nya sa kakanin, pupunta sha sa bahay. Pero ilang beses na di sha nagpunta. Ang kakanin, kinain nila ng barkada nya.
Until I realized na kulang na pala ang mga bilao ko -- lahat nasa kanya. Ayokong dumating yung time na pag ako naman ang nag-crave sa kakanin, saka naman wala.
Ganun ba talaga? Pag gwapo ang bowa mo dapat willing kang magpaka-Inang Yaya? Sabagay yung iba nga kahit di kagwapuhan ang bowa eh extravagant pa rin sa paggasta. At least sa gwapo napunta ang pinagbentahan ko ng yema. Pero nung mabagsakan ako ng bote ng macapuno, ay lokohan na toh. Ayawan na.
Wala talagang gamot sa tanga. Pero nung time na yun di naman tanga ang tingin ko sa sarili ko. Para lang akong nagka-casino. Tumataya sa roleta ng kalandian. Nagsusugal -- buwis puso at puday para lumigaya. Malay mo nga naman maka-tsamba.
Para shang casino, mananalo ka muna sa umpisa. Ke Budwire, ang casino chip ko, pinu-purchase ko pag wala na shang makain, pag wala nang feeds ang tandang, pag me bibinyagang anak ng jejemon sa Quezon, pag wala nang gamot si Mamang! At shempre, pag wala na shang load. Takbo agad si Bakla sa suking tindahan kalakip ang proof of purchase at signature. Dimo namamalayan, natalo ka na pala ng wala kang kalaban-laban.
Pero ang prinsipyo ko sa casino, dapat alam mo kung kelan ka aayaw. Ke nananalo, ke natatalo, me limit dapat. Kung hanggang ilang kakanin lang ang pwedeng ibigay. Kung slice lang ba o bilao ang ipapadala. Kung ilang casino chip lang ang dapat itaya. Kung ilang porsyento lang ng puso mo ang pwede mong isugal.
Para manalo, matalo, hindi ka man kumabig ng malaki, di ka pa rin naman lugi. At kung takot kang matalo, wag kang sumugal, at all.
Kaya nung umuwi na sha uli sa Quezon I've decided to really end things between us. Ganun ako kaganda at ka-confident. Na kahit super duper mega over gwapo sha sa paningin ko eh kakayanin ko pa ring makipag-break sa kanya. Yun ay nung pakiramdam ko eh sobra na ko sa taya.
Sa casino you should really know when to stop. Too bad di pa ko tumigil nung kumakabig pa ko. Nung di pa ko sumusugal nang malaki. But I think, naka-quota na ko. Time to send him home.
Kaya habang pauwi na sha, sabi ko last na yun, at mag-break na kami. Kasi ayoko na shang suplayan ng kakanin. Naintindihan naman nya, and we parted as good friends.
The End ~ I wish.
How I wish ganun talaga yung naging ending. But no. Binigyan ko pa rin sha ng kakanin that day. At after nun, naka-ilang kakanin pa uli sya. At sa bandang huli, ang naging palusot ko na lang eh sobrang lame. Nagpalit ako ng number.
I guess with Budwire, I would never be able to properly say goodbye. I can only pretend. He's busy fighting plants and zombies. He's busy plowing his farmville. And yes, he's busy being someone else's Dadudz.
Budwire: I knew you would break my heart.
BM: You broke mine first.
Sabay sara ng pinto at humahagulhol na sumandal sabay yugyog ng balikat, habang dumadausdos pababa paupo sa sahig.
i love the last line! it's so rachel and jesse in glee!
ReplyDeletelately, nangingilid luha ko sa mga blog post mo. siguro nakakarelate lang ako. lately kasi, parang ubusan na ng kakanin ito. lahat ng kakanin ko, pinamigay ko. isinugal ko. kaso hindi talaga ako marunong mag backdown. :c hihindi lang ako pag nahulugan na ako ng macapuno seventy times. or pag binato na ako ng macapuno. yeah, that's more like it.
salamat sa pag-share. napahanga mo nanaman ako.
Grabe ka na... pati yung best friend ko (my fag hag), na non-blogger, naamaze sa pagsulat mo... I love your blog posts =D
ReplyDeletealoka akez. fiction ba 'to 'te? ang ganda!
ReplyDeleteAnyway, puro kwentong hiwalan ang nababasa ko lately. nabuti yang pinag-uusapan at nake-kwentuhan. mas makakaluwag ng dibdib. at ang tanga ko naman di ba kung fiction pala 'to. hahaha
heartaches and heartbreaks.. tsk.
ReplyDeleteWala talagang gamot sa tanga. Pero nung time na yun di naman tanga ang tingin ko sa sarili ko. Para lang akong nagka-casino. Tumataya sa roleta ng kalandian. Nagsusugal -- buwis puso at puday para lumigaya. Malay mo nga naman maka-tsamba.
ReplyDeleteLove ko to BM. Parang we're on the same boat. Hayyzz..hindi talaga tayo tanga. Sumusugal lang. Tanong mo naman kung pano mag-move on?? Tanong ko naman, pano kung ayaw mong mag-move on? Like me? Ayokong mag-move on dahil ayoko siyang kalimutan...
basta ako din, sa pag-ibig lang sumusugal!!! at all in din ako pagdating sa taya.... yaiy
ReplyDeleteokay lang yan na hindi natin alam. na tayo ang maghanap ng sari-sarili nating paraan para mag move on.
ReplyDeleteBasta masaya ka...hanggang masaya ka. kasi pag nasaktan na talaga, kusa nang hihinto ang tibok ng puso para sa kanya. Tapos doon mo nararamdaman, ready ka na to move on.
ReplyDelete"Aanhin mo ang pera kung hindi ka maligaya", sabi ni Eugene Domingo. I agree pero minsan masakit din di ba, but even for a moment masaya naman tayo di ba? Nasa sa atin din naman yon. Sa mundong ito naman. walang tunay na maligaya...
ReplyDeleteawwwwww. telenovela ang ending. so dramatic. nakakarelate ako. :)
ReplyDeleteAyos ha! I LOVE IT! =))
ReplyDeletenice, ang galing...
ReplyDeletela lang, mejo nakakarelate ako, haha...
sa case ko i wanna move on, pero di pa kaya ng heart ko, so sugal na lang muna.. haha