5.03.2010

The Price is Right

Lately, feeling babae ako. Ninamnam ko ng simut-sarap ang pagiging babae. At tagos-buto kong nilasap ang pagtubo ng pechay ko. Kasi, nag-date kami ni Soulmate at sha ang gumastos.

A month ago, after ng klase ko eh nagtext si Kong. Tinatanong kung nasaan ako, kasi nasa Cubao daw sha at magkita daw kami. Sa dinami-dami ng beses na nagkita kami ni Kong eh never pa kaming nagkita ng planado. Laging coincidence, laging nagkasalubong, laging aksidente.

This time, magkikita na kami talaga. Hihiramin daw nya yung Percy Jackson series ko. Sureness! In return eh magla-lunch daw kami.

Nung nasa Cubao na ko eh nagpapamasahe pa ang lolo mo kaya hinintay ko pa sha. Ayaw pumayag na dun sa massage parlor ako maghintay kasi naka-brip lang daw sha. Bakit papasok ba ko? Sisilip lang naman ako ah!

Eh di yun na nga, nagkita na kami at nag-lunch. Tokyo-Tokyo. Tapos niyayaya pa ko ng lolo mo na manood ng sine. Sagot nya. Kinilig naman ako. Mukhang pinaghandaan ng lolo mo ang araw na ito. Amoy bagong sweldo!

Soulmate: Tara tingnan natin anong magandang palabas. Nood tayo ng sine.
BM: Ngayon?
Soulmate: Oo sa taas baka may magandang movie.
BM: Kong, madilim dun eh.
Soulmate: Oh, ano naman?
BM: Baka matukso ka eh. (sabay blush)
Soulmate: (nasamid bigla) Wow ako pa ha. Hehehe!
BM: Oo naman. Eh pag natukso ka, baka pumayag kasi ako.
Soulmate: Sabagay, kesa nga naman masaktan ka pa pag namilit ako.
BM: Exactly. Kaya next time na lang ha, pag wala ka nang feelings para sa kin. Hahaha.
Soulmate: Sige next time.

Tinuloy na lang namin ang kain sa Tokyo-Tokyo at umuwi sa bahay na pink para kunin nya yung mga book. And yes, sya rin ang nagbayad sa jeep.

Nagpakipot ako. Akalain mo yun! Minsan lang ako yayain ng straight na lalaki na manood ng sine, sa isang ina-assume ko na date, at TUMANGGI AKO!! What was I thinking?!

Nung Friday naman, nagtext uli ang Soulmate ko. Tinatanong kung pumasok ba ko sa office. Since naka-leave nga ako, sabi nasa bahay na pink lang ako.

Kita daw kami uli sa Anonas, sa Mcdo. Hihiramin na nya yung book 5 ng Percy Jackson. Kasi nung humiram sha dati, apat lang pinahiram ko. Para mabitin ang lolo mo at balikan ang book 5 sa kin. Hihihi... Kailangan pag tumira ka, me placing na agad para sa susunod na tira.

So ayun na nga nagkita na kami sa Mcdo at kumain ng merienda. Kwentuhan, reminisce sa lumang workplace. Napag-usapan ang dating crush, at kung pano ko umasa at nabigo.

Soulmate: Oi tayo ha, friends lang tayo. Baka umasa ka rin gago ka.
BM: Wow! Me disclaimer na agad?!
Soulmate: Siyempre. Sayang naman ang friendship.
Kumuha ang lolo mo ng french fries at sinawsaw sa ketchup.
Soulmate: Ayan ha (nag-drawing ng ketchup line) yan ang line. Wag ka magko-cross jan sa line na yan. (nilagyan pa ng french fries ang line)
BM: Me line talaga?! Eh andali-daling i-cross nyan eh.
Soulmate: Basta, hanggang jan ka lang sa line na yan.
BM: (kumuha ng isang fries dun sa line) Hmmm... Ako hindi ko iko-cross yan. Siguraduhin mo rin na hindi mo iko-cross. Baka matukso ka. Marami nang nagtimpi pero di nakatiis. (kapal!)
Soulmate: Hahaha! Sige, promise di ako mate-tempt. (sabay tawa nang labas ang ngala-ngala)

Naninibago man na nililibre ako ng lalaki, in-enjoy ko na lang.

Hindi ko alam kung bakit ganun ang notion ko. Dapat pag bakla, laging me bayad. Ikaw ang gagastos pag lalabas kayo, ikaw ang kekembot pag kulang ang budget nya, pag me mot-mot moment, sagot mo, pag me kuda at bembang me talent fee dapat, pag nagtext ka padalhan mo ng load para makapag-reply. Basta pag bakla, walang free ride. Bawal ang 1-2-3.

Technically me kapalit nga naman yung mga lafang namin ni Soulmate kasi hiniram nya yung libro ko. Pero operative word, hiram. Yung mga canton boys ba, hiram lang yung kanton na pinalamon ko sa kanila? Si Marvin at Magic ba eh hiram lang yung mga kinembot ko sa kanila? Pag kinati kami at nagpapamasahe kami, hiram lang ba yung talent fee?

Me kilala pa naman ako, reyna ng extra. Extra rice. Extra gravy. Extra service!

Bakit pag bakla laging me bayad? Yung mga pagkakataon na libre ang kembot, its either lasing ang lalaki or hindi talaga yun lalaki. Or walang kamalay-malay, tulog lang at naalimpungatan na lang sila nilololipop na si Mayor. Pag ganun ang nangyari, asahan mo, gera patani ang kasunod, me mga betrayal ek-ek pang sumbatan at take advantage na kachurvahan. Ang naging kabayaran ng pagkembot nya, yung pagkakaibigan nila.

Me friendship naman ako, iba ang eksena. Nung isang linggo tumawag sa kin. Iyak ng iyak kasi ang sakit sakit daw at hindi na nya kaya. Straight ang bowa nito at nag-break na sila. Nag-worry ako kasi I know the feeling. So nagkita kami. At nung kinuwento nya yung nangyari, nag-somersault talaga ko sa Gateway Mall.

Si jowa nya na straight, di raw nagte-text. Kina-cancel ang tawag nya at eventually eh nakapatay na ang cellphone. Nung tinanong ko kung bakit, kasi daw di nya pinayagan makipag-inuman sa mga kabarkada, pero sumige pa rin ng punta. Eto rin yung jowa nya na me rule sha na dapat eh holding hands sila sa public, at bawal na mag-text sa ex-girlfriend nya.

Naloka ako! Hindi ko alam kung mashado na bang distorted ang tingin ko sa pagka-bakla ko, oh mashado lang maarte yung kaibigan ko. Para sa kin kasi, bakla ako kaya alam ko yung lugar ko. Di ako demanding sa bowa ko, di ako nagseselos sa asawa nya, at di sumasama ang loob ko kung me nilalandi man shang ibang babae. At para sa kin, lahat me kapalit. If the price is right.

Bakla ako eh. Tanggap ko. Di ako magkakagatas kahit pa ngumuya ako ng isang buong puno ng malunggay. Di ako magkakamatres kahit pa artificial at me expiration date. Di ako magkaka-pechay kahit pa itanim ko ang lahat ng halaman sa bahay kubo. Kasi yun ako. Pwede akong mag-inarte habang panahon, o pwedeng tanggapin ko na beki ako at may scope and delimitation talaga ang buhay-vaklush.

Hindi ibig sabihin nito na maliit ang tingin ko sa sarili ko. Hindi ko nila-lang ang pagkabakla ko, kasi minsan hindi ako "lang", madalas eh "mas" pa nga ako. Siguro mashado lang akong nasanay sa sistemang ganito, kaya sobrang realistic na ng pananaw ko. You be the judge. Ano ba dapat? Bakla ka na, babaklain ka pa. O bakla ka nga, asal-babae ka naman.

Basta ako, kilig lang.

Tama na yung kiligin ka sa mga nakikita at nararamdaman mo. Wala na yung mga emote-emote kasi sayang ang tissue kung ipapamunas ko lang. Sayang ang uhog kung isisinga ko lang. Sayang ang luha kung itatapon ko lang.

Lately, feeling babae ako. Pero after a few days, balik sa feeling bakla na uli.

Sa merienda naming yun ni Soulmate, sha uli ang nagbayad. Hay, BM. Babae ka. Pero alam ko malabong maging kami. Kasi nung naghiwalay kami, lumingon ako sa kanya. Dire-direcho lang sha lumakad palayo.

Hindi sha lumingon.

11 comments:

  1. mare, love na love talaga kitang basahin! yun lang. mwah! :)

    ReplyDelete
  2. wow...maghintay ka lang at makakakembot ka din..wahehehehe...

    nice yong storya mo..winner.

    ReplyDelete
  3. 2 thumbs up sa kwento. pati paa ko, nakataas.

    ReplyDelete
  4. Hay, kilig pinching moment na naman. Sa huli tatanungin mo kasi kung ano ba ang mahalaga, ang pagkakaibigan o ang sariling kagustuhan.

    Panalo ka BM. Pasasaan ba makakahanap ka rin ng One true love.

    ReplyDelete
  5. panalo! mukhang maganda ka talaga, BM. onti na lang, lunod na ko sa'yo. mahal na talaga yata kita.

    ReplyDelete
  6. ay. matawagan na nga ung straight na nanlibre sa ken.

    Mare, tusok to the bones ang mga chever mo ditey ha. Miss yah!

    ReplyDelete
  7. @pyro ha nakakaloka ka....

    Mga mare salamat sa mga kacharotan nyo.. tinayuan tuloy ako ng balahibo!

    @anufi cge magkita tayo minsan... pm na lang sa FB...

    @felipe salamat! itaas mo na rin balakang mo!

    @aris love din kitang basahin tamad lang talaga ko mag-comment! d2 nga di rin ako palacomment eh.. pero super follow ako sa escapades mo!

    @mjomesa teh salamat... winner ka rin!

    @ayie korek, later makakahanp din ako.

    ReplyDelete
  8. bm, infairness mukhang malanding lalake din ang soulmate mo ah. haha! may pakilig factor pa sya.

    anyway, go go go lang sa mga kilig moments na yan :D

    ReplyDelete
  9. kiki mo green 'te.....

    i like it

    mwah..mwah

    ReplyDelete
  10. napagisip isip ko na rin yan. may times din na feeling ko everything has a price pero i think as long as alam mo yung limit mo, okay lang naman. it's not like wala ka namang napala. i think everyone pays for love. hindi nga lang parating pera ang pinambabayad.

    pero unti unti narin naman nagbabago ang mundo. i'm sure at some point, makakatagpo din tayo ng taong hindi na natin babayaran. yung sapat na yung kung sino tayo bilang kabayaran. naks

    as always, it was a delight to visit ur page. :D

    ReplyDelete
  11. enjoy lang, haha :)

    sana nga dumating yung time na makatagpo ka rin ng true love na walang bayad... :)

    ReplyDelete