3.02.2012

Paru-Parong Beki

Bago ang post, eto muna ang link sa aking twitter mga beks. Alam nyo naman mas active ang Bi-Em dun, follow nyo na lang akez.

As I have my countdown to my 3rd anniversary sa blogelya, itey ang isang alamat mula sa baul. Si Butterina, at ang Mahiwagang Sirena, mga alamat na walang konek sa isa't isa.

Source: http://s677.photobucket.com/profile/FoxyTisha/index



Noong nang panahon, ayon sa alamat. May isang bulate na inaapi ng lahat ng mamamayan ng insectville..

Kinukutya, nilalait, dinadaot, inaalipusta, minamaliit, tinatratong parang... Bulate. Tawagin natin shang... Butterina.

"Butterina! Punta ka sa bahay mamaya," sabi ng Uwang-Gubat.
"Bakit?" ang tanong naman ni Butterina.
"May ibibigay ako sayo," sabi ng uwang.
Kinagabihan, excited na gumapang ang Butterina papunta kay Uwang-Gubat.
"Uwang, ano yung ibibigay mo?"
"Ayun kunin mo dun sa likod. Labada."
Umuwing kuba ang Butterina kaka-pisnet sa wardrobe ni Uwang-Gubat.

"Butterina! May party sa bahay mamaya!" sabi naman minsan ni Tiffany Tifaklong.
"Talaga? Naku baka naman hindi ako imbitado." nageemote ang Butterina.
"Hindi nga. Wahahaha..." sabay talon palayo ang mapang-olay na tipaklong.

Minsan naman na inimbita talaga nila si Butterina, dinedikeytan pa sha ng song number ni Lady Bug Antebellum: Laklak, Mamaw, at Multong Bakla. May sosyal naman pala... Who let the worm out. Etchoz! (syet hirap gawing beki ng children's story na na-readsung kez!)

Hayun na nga... Sa araw araw na ginawa ng Maykapal sa buhay ni Butterina, cry cry talaga lagi ang hitad. Waley man lang naawa, waley man lang nahahabag sa kalagayan ng uod na eksaherada sa pagka-paimbabaw ang namesung. Ikaw na ang ipangalan sa dairy cream davah, pag di ka nga naman na-bully kada laglag ng tuyot na dahon.

Dahil nga alone and lonely ang uodstra eh napagdesisyunan nyang gumora na lang sa malayo. Far, far away talaga ang nilakbay ni beks, tatlong puno, mapalayo lang sa mapagkutya at mapanghusgang mundo ng mga baygon-fearing insectizens. At dun sha nag-cryola mula Umagang Kayganda hanggang TV Patrol.

Sa kabilang dimensyon ng mga fairies na naka-costume ala Mariah, Cher, Whitney, Britney, Jonalyn Viray (chozness!) at iba pang divas, may isang fairy named Beyonce, dressed as Beyonce, and sings Beyonce. "All the single fairies, all the single fairies. Now put your wings up!" sabay choreo ala-Beyonce malamang.

Naghahanda ang tinaguriang Sasha Fairy ng Pinkantasya nang maulinigan nya ang impit na mga halinghing, err, nguyngoy ni Butterina. "¿Qué? ¿Quí? ¿Dónde?" Luminga-linga ang lola B, tinukoy kung saan ang pinagmumulan ng kalerQUIng soundtrack. Di kasi sha sanay na paungol at nasal ang song and dance production, mas bet nya ang headtones! Buti na lang patusok ang antenna ni Sasha B, natunton nya rin ang pinagmumulan ng exagg na iyak.

"Hu hu hu. Dasdliufgsndhgncgusk geohfv. Hfduh gr. hdjnfrsngrengi. Hdfjnrgnrjng uhdfjsnrvjrsch... Hu hu hu."

Hanudawchi?! Wit nya getsung! Ay shunga, di pala nailipat ni Sasha B ang tuner for other languages, dialects, signs and gestures. Di tuloy nya ma-gets kung anung nginunguyngoy ng lola Butterina.

"Lagi na lang nila akong inaaway, inaapi, dinadaot, kunukuda, binu-bully. Anu bang nagawa ko?!" Ayun na-gets na ni Sasha. Ume-emote pala ang chakang uod. Listen galore ang fairy diva at later on eh napagdesisyunan niya na sumagot na. 

"Panget ba talaga ko?!"
"Hmmm, di ka lang uso."
"Di ba smooth ang skin ko?"
"Wit pero marami naman nyan dun kila Bi-Em, my kumareng beki na taga-IS."
"Bakla ka ba?!"
"Uod na to walang galang. That's politically incorrect."
"So bakla ka nga?"
"Fairy ako, shunga! Hello, wings."
"Adik ata to e."

Saka gumapang na uli palayo si Butterina, at itinuloy ang naudlot nyang pag-iinarte. Super sama lang ng loob ng lolo mong uod, kailangan nyang i-release lahat.

May umusbong sa kaibuturan ng fairy na di mapantayang pagmamahal, awa, affection, at ang desire na mapasaya ang uod. It was like what Grace had for Will. It was like what Gracia Abelgas had for Nik, Morris and Van. It was like what Andirella and Jamie Kate had for Bi-Em. It was like what Piper had for Medusa/Pb. It was like what Skathy and Sha-me had for Gwen. It was like what Ka-te, Bebang, and Rio had for Jabo. It's like what every fairy had for worms. It's like what every hag had for fags. And that's exactly what Butterina needed. A hag of a fairy for her to have the fairy tale ending she so deserves.

Ibinongga na ni Butterina ang pagpapraktis sa winorkshop nya kay Marilou Diaz-Abaya na pagpatak ng luha sa gilid ng kaliwang mata. Sa sobrang paghihinagpis at pagkapagod, di nya namalayan na nakatulog na pala sha habang nakasandal sa brans ng punong alugbate. Shempre di nakatiis ang Sasha B, lumapit at pinagmasdan ang borlogs na uod. In a sing-song voice at sa remix na mga kanta ng mga fairy divas, nag-chant ang lola mo: "Try to sleep with a brokenheart. Try to be the very best, shine your life for all to see. Coz anything is possible when you believe! And yes, there can be miracles when you believe. You can go the distance, every mile will be worth your while. In your case, oohh, in your case, every inch will be worth your... itch. It's the climb!!!!" sabay sprinkle ng fairy dust, bulong ng "Happy thoughts!" at lumipad na nga palayo ang Sasha Fairy na si Beyonce.

Nabalot ng golden dust ang buong katawan ni Butterina. H2T. As in head to toe. Walang itinira ultimo kanyang anttenae. Nagising si Butterina na stressed drilon at haggardo versoza. Ikaw na ang bumorlogs na larvae at magising na pupae di ba?! Todo ang dilim, wala kahit kapirasong liwanag. Noong una eh nagwarla at nag-she hulk pa sha. Sumigaw pero muffled ang boses. Nag-crayola ulit pero di naman sha makapag-anggulo ng mukha kaya di nya maipatak sa kaliwa. Nagmakaawa, nagkumahog, nagdrama, naggalit-galitan, nagmusical, nag-90's, 80's at 70's, nag-shaider-shaider-love-annie, nag-jujitsu, at lahat na ng martial arts. Bandang huli wala rin shang nagawa kundi bumorlogs uli. Isinuko na nya ang lahat.

Nang ikatlong araw, sinubukan nya uli kumawala sa pagkakapit ng malupit na fairy dust. Itinulak nya palabas ang sarili. May kaunting liwanag shang nasilip, at ng kanyang subukang muli, na-gets nya na pag umeffort pala ng bonggels eh makakaya nyang hubarin ang tanikalang ginto na nakapulupot sa kanyang shutawan. Easy naman pala, buti na lang sanay shang mag-veggie samurai at fruit ninja!

Pagkatapos ng pagkahaba-habang struggle, at pagkahaba-habang narration ko, sa wakas, nakalabas na si Butterina sa coccoon ng agila. Get it? Hahaha, "kuko" talaga sha pero ginawa kong "coccoon" para funny. Wahahaha. Kaloka, sensya na me sapak ako habang nagbo-blogelya.

"Syet, sa wasak! Nakawala rin ako sa 'coccoon' ng agila!" wika ni Butterina. Oops, pun intended! Taray ng narrator, persistent! Inat-inat ng muscles and ligaments. Pagstretch nya, naramdaman nyang may kakaiba sa kanyang katawan. Para shang... Si Alwinna. Naramdaman nya ang lakas na dulot ng kanyang ugat-pek. By instinct, ikinampay nya ang kanyang mga pakpak at unti-unti shang umangat. Taray, ascension agad after ng suffering, death and resurrection. Ikaw na Butterina.

Habang lumilipad sha patungo sa mga dati nyang kakilala, nagpatugtog ng mp3 with boombox si Aling Bitang sa kabilang bahay. "I came to win, to fight, to conquer, to thrive... To fla-ha-ha-ha-hay! To fla-ha-ha-ha-hay! I believe I can fly! I believe i can tats the ska-hay!" Shala... Glee mashup version pa ang soundtrack!

Nang makita sha ng mga mapanlibak at mapanlait nyang mga dating kakilala, naloka sila. "Si Butterina ba yun?! Si Butterina nga! Daniel, Nathan, tingnan nyo! Si Butterina lumilipad! Si Butterina lumilipad! Si Butterina!" Eh may isang foreigner na insekto na nakikiusyoso, napa-exclaim ang turistang insekta. "Wow, Butterina is flying! Butterina can fly! Butterina flies! Butterina flies!" naguluhan pa sa grammar ang lola mo. May isa pang lasing na napatingin, at namangha rin sila ng kainuman nya. Nauutal itong nagsabi: "Pa-re, pa-pa-pa-pa-re oh! Pare oh! Pare oh! Tingnan mo lumilipad si Butterina Pare oh!"

Nagpasalin-salin sa mga bibig ng mga miron ang nangyari. May ibang nagsabi na hindi si Butterina yun kundi isang mulawinsekto. May nagsabi na nagpaopera sa Bangkok si Butterina kaya sha nagka-pakpak. Pero mas marami ang nakakita, at naniwala. Mula nga noon ay tinawag na butterina flies o pare-oh-pare-oh ang mga anak at apo at lahat ng nagmula sa angkan ni Butterina. Di naglaon, nagkaroon ng shortcut -- courtesy of the shortcut generation -- at tinawag nga silang butterflies o paru-paro.

Mula sa aking pagkakahimbing sa 'cocoon' ng kadiliman, bakit nga ba alamat ang aking pambungad na blogelya? Bakit di ko na lang inuna yung "Happiness of Gays" or yung "Team Budwire" na post ko? Because right now, my dear Bekilandia... I am on the proverbial "coccoon"... Handa na ba kong maging paru-paro?

Nung bata pa ko, ang paniniwala ko sa mga babaeng naka-wheelchair eh kakaiba. For me, these women were really strong and really stupid. I thought they were mermaids who chose to give up their tails for a chance to live with mortals. I thought they'd rather sit on a chair and wheel themselves around just to fulfill their dream of becoming human. Ipinagpalit nila ang mga buntot nila para magkapaa at matali sa silyang de gulong. Kaya nga maraming polio victims ang magagaling lumangoy: Because they weren't meant to walk. They were meant to swim!

O di ba mula sa paru-paro napunta ko sa sirena. Kasi naman, that's where we're at sometimes.

You are like Butterina, trapped in a coccoon of fears, uncertainties and insecurities. By staying inside, you deny yourself a chance to live a colorful life, and ultimately, a chance to fly.

You are but a mermaid, ready to give up your tails for a set of disfunctional legs. By doing so, you deny yourself your heritage. You reject and throw away your right to be a Jackie Rice. Sisid, ma'am!

To butterinas out there... And to mermaids as well. Come out, come out, wherever you are.

This post may be confusing and contradicting as hell, I guess I only have one point to make. Those tails are rightfully yours. And so are those wings. Pero sorry Madam, you could never have it all.

Life is short. Swim. Fly.

DO.
IT.
NOW.

Tomorrow may never come.

9 comments:

  1. Haylahvhet!!!

    pwdeng ikwento sa mga beking krutata pa lang. at sa mga beking di pa naaaccept ng sangkatauhan na me pakpak din sila.

    ReplyDelete
  2. wakaakaka, wagas ang kwentong pambata mo. lols

    ReplyDelete
  3. 5 out of 5 lollipops bm.... i love it sana maka xerex nmn story mo sa susunod featuring the squla boys with pics charot....

    ReplyDelete
  4. *slow clap* amazeballs as ever ka madam! :D

    ReplyDelete
  5. i luv it! clap clap ang galing magkoneckonek

    i didn't read any contradictions!

    ReplyDelete
  6. Very nice story!

    ReplyDelete
  7. clap clap clap!

    sana motmot moments nman with tambays ang ikuda mo
    just like yesteryears! hehe

    you are one of the 3 bloggers who inspired me to create my own blog

    more powers teh!

    ReplyDelete
  8. love it teh...ikwento ko to sa bestfriend ko n ayaw ilabas ang pakpak sa fmily nya...me kc alm n ng buong angkn ko...xa ngtarago p din sa cocoon peo my partner ang hitad...pareho cla mpagpnggap peo yun trip nila...keribells nlng

    ReplyDelete