1.25.2010

Tantum te Quando Absente Desidero

Tantum te Quando Absente Desidero. I miss you.

Ang bakla, nahihilig sa latin. Ewan ko ba, anlakas ng hatak ng latin... Kaya ang new year's resoluzion ko, this year, lahat ng post titles ko, eh translated sa iba't ibang languages... Para me dating naman! Ahihihi... Tsaka para kunwari zozyal ang bakla...

Kagabi, sa saliw ng part of your world, on my own, brokenhearted girl, halo at a little fall of rain, umiiyak ang bakla. Kasi, parang wala na kong budwire. It's complicated.

Yun last time na nagpunta sha sa bahay, gulatan ito with matching tayo ng balahibo at panlalaki ng mata. Kasi ba naman, nagkakalkal ako ng mga mementos ko sa aking shoe box of little memories with sentimental value, bigla na lang sha sumulpot sa pinto.

Eh me gera kami ng wallet ko that time. Kaya ang budwire ko, nagpaka-canton boy muna. Habang namimili nga kami ng kung anik anik na instant noodles, napasulyap ako sa Baliwag lechon stall, sabi nya "Oh wag ka ng tumingin, di natin kaya yan."

Sa simpleng pancit canton, instant mac & cheeze, kalahating tequila na natira sa last inuman namin, at apat na boteng redhorse, with candlelight at artificial flowers, naganap ang last date namin ni budwire. Funny coz wala akong matandaang bloopers nya for this particular night. We talked about so many things, he talked about his plans, I listened to him.

Then he was gone.

Umuwi muna sa Quezon ang lolo mo since bakasyon pa sa school. Sarado muna ang noodle hauz. Wala rin munang lovelife ang BM. Long distance relationship itu.

Dumaan ang Pasko, nagputukan ang Bagong Taon, walang budwire na sumulpot sa porch ng bahay na pink. Nakasalo ko uli si Pa nung New Year, nag-overnight sina Bhe, Bhie at Baby, kinembot kong muli si Yellow Shirt Guy (remember him?) at napako na naman ang pangako ni Jonel na makekembot ko sha bago matapos ang taon. Di pa rin pumunta si budwire sa haus.

A few days before New Year, nagtext ang lolo mo. Punta raw ako sa kanila. Ang lapit! Infanta, Quezon. Susme, buti sana kung alam ko yung lugar na yun. Eh pugad daw ng NPA yun. Pano kung pagsamantalahan ako dun? Baka di ako tumanggi! Dinedma ko ang imbitasyon.

Linggo, January 3, 2010. Nagtext ang dadudz. "Daduds, namatay ang tatay ko, ngayon ang libing. Di na ko pinapauwi jan ni Mama, wala sha kasama dito. Dito na ko titira uli."

Natulala. Nag-panic. Nawindang. Naiyak. Nasinok. Napakurap. Napahinga ng malalim. At na-lowbat. Nagtae. Napasipol sa saliw ng "Paalam na". Naluha uli. Nanghinayang. At nag-text. Nalowbat uli.

Hanap ng charger. Saksak sa plug. Tawag kay Dadudz. The number I dialed is out of coverage area daw, sabi nung babaeng sumagot. I will try again later.

Kaya pala nya ko pinapapunta sa kanila. Sobrang nahiya ako sa sarili ko. Habang sha eh nagdadalamhati, ako eh naglulumandi. Habang sha eh nagluluksa, ako eh naglulunoy sa kasalanan. At habang sha eh umiiyak, ako eh nagpapakasaya. Anong klaseng bakla ako?

Wala na kaming matinong pag-uusap after that.

Madalas, I consider myself a nomad. A wanderer. Nobody's girl. Hinihintay ko pa yung lalaking magsasabi sa kin ng "You're nobody's girl. I'm a nobody.You're my girl." Nobody, nobody but you! Clap-clap-clap-clap! Pero kahit anong palakpak ko, wala pa ring Daduds na bumalik.

Niyaya ako ni Ka-te na maglunoy sa buhanginan ng Boracay. Para maaliw eh gora naman ang bakla. Nope. Di ako kumembot dun. Hulsam na hulsam ako mga ate. Me nagyayaya nga sa kin sumayaw dinedma ko. Me nakilala ako, pwedeng gawing destiny. Nagpa-piktyur lang ako na parang katulong na nagde-dayoff. Tapos kinilig magdamag. Pero wit na pagkatapos nun. Kilig lang.

Habang nasa Bora, gusto kong lunurin ang sarili ko. Kasi nagtext ang Daduds. "Nakakainis ka pinapaluwas mo ko tapos wala ka naman pala sa bahay nyo. Umuwi na ko uli sa Quezon! Di ko alam kung makakaluwas pa ko uli." Talk about wrong timing and salisi. Haaaay!!

Nag-eemote na ko ng bonggang bongga eh. Tapos nabanggit nya kung kelan sha nagpunta sa haus. Friday night daw. Ungas na yun! Friday night sya nagpunta eh andun lang ako sa haus. Sabado ng madaling araw ako umalis. Muntik na kong magpakalunod sa maalat na dagat ng Aklan, ginagago lang pala ko ng hayuf.

Last week nagkatotoo na. Pumunta nga sha sa bahay at nagkita kami. The usual na kembot. Inuman ng tequila, lemon at salt. Pero kainuman namin si Ambo. Akalain mo yun, magkasundo ang dalawa!

Nung umuwi na sha uli sa Quezon, I started analyzing my feelings for him. Mahal ko ba sha dahil gwapo sha, oh gwapo sha sa paningin ko kasi mahal ko sha? Nami-miss ko ba sha kapag nawawala sha kasi mahal ko sha, o nami-miss ko sha kasi pag naglalakad kami na sweet-sweetan sa isa't isa eh lahat napapalingon at kinaiinggitan sa buong iskwater ang bakla? And then it hit me.

Trophy boyfriend. Yun ba si Daduds sa buhay ko? Sinesementuhan nya ang status ko sa iskwater bilang pinakamagandang bakla sa balat ng pinkantasya. Panrampa. Pang-inggit. Palamuti. Yun ba ang silbi nya sa kin?

Di rin. Di ako mababaw. Lalim ko kaya. Tanong mo pa ke Marvin, hihihi...

Buong buhay ko isa ito sa mga inaambisyon ko. Magkaron ng lovelife. Halleeeer! Ilang lalaki na ba ang kinarir ko at nabigo lang naman ako. Ilang pantasya na ang hinabi ko para makabuo ng iba ibang scenario kung saan ako ang hinahabol habol at nililigawan. At sa lahat ng scenario na yun, hindi talaga ko nagpapakipot.

Sine ullo vivere desiderio. No regrets.

Kay Daduds lang. Di ko magawang mainlavavo ng todo ke Daduds, kasi pag sha ang minahal ko, wala ng ahunan to. Walang move-on move-on. Walang iyak-emote-forget na combo. Walang DVD marathon at papalit palit na status sa facebook. Pag sa kanya ako nabigo, lunod agad toh. Laslas siguro. O kaya bigti. Para mas cinematic siguro haharang ako sa bala...

Tanong ko dati kung mahal ko na sha, sabi ko "I'm getting there." Still not there, folks. But for now, I think I'll try defying gravity. I'm not gonna fall. I'm gonna fly. Anong laban ni Zsazsa Zaturnahh?!

All I'm saying is, pag nabigo ako ke Daduds, malamang eh magpakalalaki na lang ako. Pero babasagin ko muna ang bintana ng bahay nila, at pag nagreklamo sha ng "You broke my window!"

"Well, you broke my heart." Sabay walk-out!

17 comments:

  1. panalo to BM. hahaha. oh well, nakakarelate ako sa mga bagay bagay na nangyari sayo. pero mas malala pa rin yung iyo. yung akin, lupa lang yata sa kuko ng manok sa liit.

    INUMAN NA!!!

    ReplyDelete
  2. hahahahah! nakakatuwa..baklang kanal na baklang kanal lang..galing!

    ReplyDelete
  3. putanez ka mare........isa 'to sa mga fave entry ko....gawan kita pelikula......mother lily????

    ReplyDelete
  4. i love the glee references! haha

    nakakalungkot ang mga pangyayari pero i'd like to believe na all of this is for a reason. smile ka nalang, BM. :D

    ReplyDelete
  5. mercedes is datchu?
    join ka na lang kasi sa binubuo kong CELIBACY CLUB!!

    ReplyDelete
  6. hey, pare! saka na ang emote-emote.
    give in na muna sa power of love and everything will follow. 'chos!

    ReplyDelete
  7. I was instantly reminded of this quotation:
    "Quem deus vult perdere, prius dementat."

    And so, be careful: For it means, "Those whom the gods wish to destroy, they first make mad."

    And, BM, BM, my boy, I am always here...

    ReplyDelete
  8. Hey,matermate,as much as I hate you for not dropping by to my page, I always leave comments whenever I frequent your pink house.

    Dadud:You broke my window.
    BM:You broke my heart.
    Pinoyrocks:You heart was not even whole to start with

    ReplyDelete
  9. u really make me laugh..
    i like u na talaga..

    ReplyDelete
  10. nakakalungkot ang kuwento mo pero natatawa ako habang nagbabasa. kalokah ang humor mo sa gitna ng pighati. i am hoping na magkaayos pa rin kayo ni budwire. sayang din siya, mare! hehe. :)

    ReplyDelete
  11. OMGEEEEE.... Prince Caspian I missed you! My friends were rooting for you. They were so disappointed that you stopped whatever it was that you were doing.

    Salamat sa mga masasarap mabasa na komento.. Nawa'y ipagpatuloy nyo.. Churi talaga guys di ako makabisita sa mga blogs nyo.. Thesis kasi Chapter 3 4 5 na ko kaya aral muna kuno...

    Salamat sa support!! Mwahugs!!!

    ReplyDelete
  12. i know the post is supposed to make me laugh, which i did during the first few stanzas peo bigla akong naSad pagkatapos ko basahin... parang ang lungkot ng dating... muntik na akong magEmote sa saliw ng awiting "meet me halfway..." na nakaRepeat sa Windows Media Player ko kasi yun lang matinong kanta dito sa laptop.

    link kita ah. :P

    ReplyDelete
  13. kabugan sa drama huh, hope you are ok though

    ReplyDelete
  14. ""You broke my window!"

    "Well, you broke my heart." Sabay walk-out! "

    TARUSH ng linya Mars! Magmana nawa akey ng kahit katiteng!

    SUper laftir din ako sa sineyvi mong itey!
    "Me nakilala ako, pwedeng gawing destiny. Nagpa-piktyur lang ako na parang katulong na nagde-dayoff. "

    Lagapak ako sa floor from high chair! Lav yah!

    ReplyDelete
  15. iambrew! super sing-galore ko ang "Meet Me Halfway" sa Malars videokehan! I'm so glad. nowsing mo ang song na yan!

    ReplyDelete
  16. hala. kalungkot yung ganyan pero ang taray mo talaga te... kabogera. hahahaha!

    ReplyDelete
  17. ang tarush! i know you will survive without men :-)
    winner ka ate!

    ReplyDelete