1.05.2010

Quando Vale Significat Semper

Malapit nang gumabi, tulog pa rin ang beki. Nakahilata sa kama, ninanamnam ang bagong bedsheet at pillow cases. Nagmumuta, maga ang mata, at magulo pa sa gobyerno ang utak. Kasi, 2010 na.

Apat na taon. Dito ko sa iskwater kumekembot pag New Year. Nung 2007, pakalat-kalat lang ako. Nakikikain kung saan-saang bahay. Nakikisigaw, nakikikulet, nakikiinom. Wala pa mga barkada ko, lahat sila kababata ko lang, pero na-outgrow na namin ang isa't isa. Lumayas kasi ang bakla at nag-outsourcing sa ibang iskwater. This year, nag-reconnect kami ni Totong. Pitong halik.

Noong 2008, happy na sad kasi last celebration namin ni Bibiana na magkasama. Ang nanay kong wrong grammar (peace!) magma-migrate sa Queens, NY. Shala di ba?! Naglasing ang bakla, mejo nakikiumpok na ko sa mga lumang tropa. Luma talaga, susme inaamag na ata shomod ng mga toh. Sa inuman, inangkas pa ko ni Totong sa motor at dumayo sa ibang iskwater. Noon ko din nakilala ang aswang. At noon pa lang, alam ko nagsimula ko na shang kamuhian. Walong halik, puro patago.

Last year, 2009. Ibang iba na. Official ka-iskwater na ko with flying colors. Me scepter at sash pa. At plaque of recognition. Tsaka 12 boys of Christmas. Nipols ko pa lang ang pink sa bahay ko. Buo pa rin ang puso ko. Me mga tagpi, pero buo.

Tatlong case ng redhorse. Tropa lang kami pero Ma at Pa na ang tawagan namin. Mejo binabastos pa nya ko. Mejo nagpapabastos naman ako. Ng konti. Eto yung time na puro kami walang pasok sa ofis kaya puro redhorse din ang dumaloy sa ugat ko. Nabuo ang tambalang BM at Totong. Haba ng backstory noh? 2009 pa lang ako.

Dahil sa mga ate kong mainarte -- sina Mamagan, Mamaru, Mamalin at Mamagal, na-frustrate si Mama Trony (yours truly) at nag-emote. Nilaklak ang isang basong matador, straight, bottoms up. Yumakap sa bewang ni Totong saka umiyak. Na-comfort naman nya ko. Naging kami. Galing mag-comfort noh? Panalo. Salamat sa mga ate ko. Siyam na halik. Hindi na patago, pero puro quickie. Buntis na pala ang aswang. Mga halik na may pamamaalam. Pakshet na aswang, sarap budburan ng asin sa ngala-ngala.

Kaya ngayong 2010, matamlay ang bakla. Pano, halos di ko na nakikita si Payat. Noong Pasko, di man lang sha dumaan sa bahay na pink. Sabagay, di nga sha dumaan sa bahay ng nanay nya nya eh. Kaya ako na lang pumunta sa bahay ng aswang. Kipkip ang regalo para sa inaanak ko, isang garland ng bawang, agua bendita at isang garapong iodized salt. Pero yung gift ko ke Payat sabi ko kunin nya sa bahay. Pag-alis ko nag-away sila. Kasi kahit kaharap ang aswang, Ma at Pa pa rin ang tawagan namin. Bakit ba? Let me reiterate, una shang naging akin. Dahil dun, bartolina ang inabot nya.

Eto ang bakla, a few hours to go na lang, nagmumukmok pa sa kwarto. Kinakarir ang God of War, hindi nagluto ng kahit ano, at nagdudukit ng walang humpay. Pero shempre, pag maingay na ang buong mundo, lalabas din ang beki na may ngiti sa kanyang pechay.

Nagpuputukan na, haggard na ang usok, ubos na tutuli ko, mejo lampayatot pa rin ako. Ipinagbawal sa looban ng iskwater ang paputok, kaya nasa labasan lang kami. Paputok, labasan, my gulay ang halay. Napasulyap ako sa toreng blue. Patay pa rin ang ilaw. Napatungo na lang ang bakla. Pag-angat ng ulo ko, me kumalabit sa kin.

Slow motion mode ako bigla. Hinawi ang buhok. Umikot ang balikat, lumingon sa likod. Nge, si Berto lang pala. Yung tagahakot ng basura sa iskwater. "BM, me basura ka ba?" Susko putukan na basura pa rin, kaloka! Habang umiiling ako, me narinig akong tumatawa. "Langya, ang bagal mo pang lumingon ah! Kailangan slowmo talaga? Ma! Happy new year!"

"Pa! Happy New Year! Anjan ka pala. Kanina ka pa jan?" tanong ko ke Payat. Me halong gulat at kilig pa rin ang kabog ng dibdib ko. Pero lumapit na ko sa kanya at humalik.

"Kanina pa, ngayon ka lang lumabas eh." Nagpahalik naman ang mokong.

"Eh kala ko kasi di ka pupunta dito, naka-bartolina ka di ba?" Halik uli.

"O dalawa na yun ha, sampu ka lang ngayon. Ayaw kasi nung aswang, inaway ko lang para pumayag. Di ako pwedeng mawala dito pag bagong taon. O, kiss pa." Sabay lapit ng pisngi. Hinila ko nga yung batok, sa lips ko sha kiniss hehehe. "Ma! Andaming tao!"

Wait. Ninanamnam ko pa... Ok, naka-recover na ko... "Wehanongayon? Bagong taon naman!" Swear, di ako magbibilang ngayon. Walang quota, cancel muna. Baka matagalan bago maulit eh.

Nun ko lang napansin na bitbit nya pala yung pamangkin nya, si Sam. Na takang taka na bakit kami naghahalikan ng tito nya. "Hi Baby! Pa-kiss." Baka kasi mainggit ang bata, dapat ding halikan.

Sa gitna ng halikan at kumustahan, nawindang na lang kami nung hilahin nung isang tambay yung may sinding sawa. Bigla na lang kaming nagtakbuhan. Hayup na yun, muntik pa kong malaglag sa imburnal, sa sobrang landi ko mahahagisan na pala ko ng paputok ng di ko namamalayan. Kaya ang Payat, galit na galit na sinugod ang humila ng paputok. Si Juaquin Bordado pala. Sarap kutusan.

Hay kumpleto na bagong taon ko. Me bonus pang Fun Run 2009. As usual, inuman kasama si Payat, redhorse, pulutan na sandamakmak kasi shempre andaming handa ng mga kapitbahay. Kwentuhan, updates, shempre hahalik ang bakla.

Alas-tres ng medaling araw, me kumatok. Ang aswang, sinusundo si Payat. Umeksena nga ako. “Mamaya mo na sunduin uubusin lang naming toh.” Sabay sara ng pinto. Sabay tawa na parang si Ina Magenta. Ang aswang umuwi na lang. Ewan ko kung naglakad o lumipad. Baka lumipad.

Maya-maya, out of nowhere eh bigla nyang sinabi sa kin. "Ma, alam mo nagseselos pa rin sayo ang aswang. Ikaw lang talaga pinagselosan nun." Dedma ang bakla. Nagseselos pa sha eh nasa kanya na, leche sha.

Naubos ang pulutan namin. "Ma, wala na tayo pulutan jan?" Hmm, esep-esep... Ting!

"Pa! Me mga sugpo pa dun sa ref, teka luto ko." Natira nung Xmas party namin ng team ko, hehehe.

Eto na naman po ako sa aking mga pacham recipe. Pachamba! E di luto ang beki, tinunaw ang butter, binudburan ng asin, konting toyo, wisik ng asukal, mega paminta at sili... Tsaka oyster sauce at isang salop ng pagmamahal… Presto! Para na shang meal na natutunan sa youtube.. Pede na sana mga meal dun eh, kaso walang diploma tsaka transcript. Alangan naman mag-apply ako as chef, nasa resume eh grad ng Youtube Academy?!

Sa kalagitnaan ng niluluto kong sugpo, ginulantang na naman ako ni Totong.

"Ma, mahal mo ba ko?"

Halik na lang naisagot ko. Tanungin pa ba yun? Pag sumagot ba ko ng 'oo' eh iiwan nya ang aswang at magsasama na kami? Hindi naman. Mabuti pang wag na kami pumunta uli dun. Baka di na ko makaahon.

Bandang alas-singko sinundo sha uli ng aswang. Wala na kong nagawa kundi ang magparaya. Na naman. Naiwan pa ang regalo kong t-shirt na Mario Bros.

Isang tapik ng pagkakaibigan, isang sulyap ng paumanhin, isang tango ng pamamaalam, at isang palihim na halik sa pisngi. Yung mga yun ang tanging regalo nya sa kin. Sampung halik.

I guess Totong would always be my greatest "what if". He would be my only "what could have been". He's my "so close, but still so far". He’s “the one that got away”. And yes, he's my "I love you, goodbye".

Quando vale significat semper. When goodbye means forever...

6 comments:

  1. I guess Totong would always be my greatest "what if". He would always be my greatest "what could have been". He's my "so close, but still so far". And yes, he's my "I love you, goodbye".


    AWARD!!! with standing ovation and watery eyes!!!

    hampey new year!

    ReplyDelete
  2. Syet, ang taray talaga ng blog na ito. windra.. love it sobra.... ajejejejejeje.. mga beki talaga. relate relate ang life....

    aPpi NeW yEar

    ReplyDelete
  3. bakit walang New Year appearance ang budwire?

    anyway, hanggang buong 2010 totong pa talaga, BM. happy new years!

    cheers!
    red

    ReplyDelete
  4. ate, wala kang kupas! Happy New Year Mars! Buti ka pa at nakahanap ka ng Payat mo. :)

    akes eh walang ma-hanashi sa blog ko these days.

    ReplyDelete
  5. bongga ka te....
    sinalubong ang new year ng kakaibang paputok....

    ReplyDelete
  6. amusta naman. hindi ka man lang nagpaparamdam sa blog ko. ahuhuhuhu!

    ReplyDelete