Anik-anik ang nangyayari nowadays sa layfsung ni Biem kaya dadaanin ko sa maiksing anek-nota ang mga kwentong bayan...
Wedding Moments:
Me naatendan akong mass wedding sa Rizal. Sabi ng pari:
Padre: "Ikaw, Matthem, Mark, Joseph, Loy, Paul, Patrick, Harold, Robert, Mario, Nathan, Andrew, Boy, Ramil, Lando, Junior, Noli, Reynan,Allan, Bruno, at Badong, tinatanggap mo bang maging kabiyak ng iyong puso, sa hirap at ginhawa, hanggang kamatayan si Lenlen, Sunshine, Mara, Clara, Anita, Ria, Andeng, Ana, Girlie, Buena, Aida, Luz, Ibyang, Kambal Liit, Kambal Laki, Elma, Carlota, Rizza Mhae, Shiela at Doray?"
Lahat ng lalaki: "Opo Padre"
Padre: "Ikaw naman Lenlen, Sunshine, Mara, Clara, Anita, Ria, Andeng, Ana, Girlie, Buena, Aida, Luz, Ibyang, Kambal Liit, Kambal Laki, Elma, Carlota, Rizza Mhae, Shiela at Doray, tinatanggap mo bang maging kabiyak ng iyong puso, sa hirap at ginhawa, hanggang kamatayan si Matthem, Mark, Joseph, Loy, Paul, Patrick, Harold, Robert, Mario, Nathan, Andrew, Boy, Ramil, Lando, Junior, Noli, Reynan,Allan, Bruno, at Badong?"
Lahat ng babae: "Opo Padre"
At nag-kiss the bride na nga ang lahat. Sana di sila nagkapalit-palit ng asawa. Matapos ang roll call, namudmod ang mga ushers at usherettes ng refreshments. Isang Zest-O Big 250 at buy one take one na Scott Burger with cheese. Yung isang burger lang ha. Tig-isa kayo ng katabi mo.
BiBiana Moments:
Nung bata pa akeiwa eh mahilig palang mamangka sa sandamukal na ilog itong si Ambo. Isang araw na umuwi sha ng late:
Bibiana: Penpen de sarapen... Ang mga ibon... My toes, my knees... Uhhmm... Aringkingking, aringking... Uhmm, uhmm, amen.
Bumubulong-bulong ang Bibiana, me dinadasalan sa altar. Taimtim na taimtim, walang pag-iimbot at buong katapatan.
Ang Ambo, natulala na lang at nawindang. Ang dinadasalan ni Bibiana, yung grap pic nyang wood laminated. Me takip na itim na tela. Me tirik pang kandila. At ang Bibiana, kuntodo outfit, me belo pang itim at me shawl pang naka-drape sa shoulders. Tapos tumayo sha sa pagkaka-eksena nya dun, dinampot ang isang kumot na puno ng damit, at hinagis sa kalsada ang mga gamit ni Ambo.
Laban ka?
Wowowee Moments:
Isang contestant iteiwa sa Willie op Fortune. The usual na interview portion with matching talent tsaka pangingilid ng luha ni Willie at pasundot sundot na emo music para ma-tats ang manonood.
Willie: Anong pangalan mo?
Contestant: Jun-jun po.
Willie: Oh Jun-jun, sinong kasama mo ngayon? Anjan ba ang pamilya mo?
Jun-Jun: Ay wala po akong pamilya dito nasa probinsya po lahat. Kasama ko po ang girlfriend ko. Si Ms. Bella po.
Willie: Oh batiin mo. Hi Ms. Bella. Anong masasabi mo naman dito kay Jun-jun? Jun-jun? Jun-jun!
Ms. bella: Naku napakabait pong boyfriend nyan. Di po nambababae, mahal na mahal ko po sha. Jun-jun wag ka sanang magbabago. Mahal na mahal kita, sana magtagal pa tayo. Salamat sa pagmamahal mo at sa pagiging faithful. Lagi mong tatandaan andito lang ako para sayo lagi. basta mahal na mahal talaga kita.
Willie: Wow, ang sarap naman, mahal na mahal nila ang isa't isa. O ikaw naman Jun-jun anong masasabi mo kay Ms. bella?
Jun-jun: (Humugot muna ng malalim na hininga) Alam mo Ms. Bella, matagal kong pinag-isipan ang bagay na toh.(cue sa romantic song)
Willie: Aba! Mukhang magpo-propose na ah!
Mga Tao: Kiss! Kiss! Kiss!
Jun-jun: Kasi po Kuya Willie, may gusto po sana akong sabihin sa kanya eh. Ms. Bella, hindi ko lang masabi sayo dati pa kasi nahihiya ako. Mahal talaga kita, pero gusto ko rin makilala mo kung ano talaga ako. Ms. Bella, bisexual kasi ako. Hindi ako straight. Sana maintindihan mo. Ikaw na ang bahala kung anong desisyon mo pagkatapos ng palabas nato.
Windang ang mga tao. Lalo na si Bella. Lalo na ako.
Yaya Susan Moment:
Matapos ang mahabang bakasyon dahil sa panahon ng kapaskuhan eh balik-manila si Yaya Susan.
Yaya: I'm back!!! Me kanin?TM: Wala man lang 'hi' o 'hello'. Kanin agad? Walang kanin.
Nagluto ng sang kalderong kamote si Yaya.
Isang gabi eh nagtatalo si Tatay ni TM at si yaya Susan. Ksi debotong Jehovah's witness pala si Yaya.
Yaya: Ang makakita kay Jehovah ay mamamatay.Sabi sa libro, mali ang tinuturo ng tao.
Tatay: Eh sino ba nagsulat ng libro? Tao ang nagsulat di ba? Eh di tao ang nagtuturo. Kaya mali yung tinuturo.
Yaya: Hindi mali yun, kasi banal yung nagsulat.
Tatay: San nila nakuha yung sinulat? Eh di namatay sila kung makikita nila si Jehovah?
Yaya: Hindi ah, nagsalita yung halaman.
Tatay: So naniniwala ka sa halaman?
Yaya: Oo!
Tatay: Hay naku, sige dun ka sa garden, sumamba ka sa kamote!
PS:
Wala munang kwento ng lovelife at budwire... It's complicated.
seryoso yung BI episode sa Wowowee? LOL
ReplyDeletenalokah ako kay bibiana. talbog ako sa kanyang eksena with matching kandila at belong itim. napaka-cinematic! hayjazlavet! :)
ReplyDeletesi yaya talaga... nakakaines.
ReplyDeleteaba naman. teka napanood ko si junjun. ahahahaha! yung kamuka ni bugoy??? ahahahaha! bongga nga siya eh.
ReplyDeletetaray ni yaya...mahilig sa kamote..
ReplyDeletetrulili yung sa wowowie...
ReplyDeletei was able to watched it while waiting for my flight that afternoon from bacolod to manila.
as far as i remember the guy has an astroboy inspired haircut.
anyways, keep up the good work BM to amuse and entertain us with your witiful blog entries! :)