2.02.2010

Das Beste oder Nichts



"Gagawan natin ng paraan..."

Tulala akong naglakad pabalik sa bahay na pink. Me inuman sa bahay, andun sina Bhe, Bhie, Babes at Bhebhe. Deadma. Me tequila, salt, lemon at katawang maasim. Paki ko. Me pakwan, my peborit prut. Care ko. Bakit? Sa gitna ng nomoan, kumatok si Totong. Nag-iimbita sa birthday nya.

Ang nakaraan...

Excited akong nag-fly fly sa land of Cubao. Kelangan kong mag-shopping ng anik-anik na kabaklaan. Birthday na ni Pa at marami akong plano. Cake, gift, balloons, candles, confetti, clown, magic tricks, chairs and tables, banner, catering at lingerie. Shempre dapat havs ng pang-akit para panalo ang birthday celebration ni Payat.

Usapan namin, eksaktong alas-dose, kakatok sha sa pink na haus at ise-celebrate namin ang kaarawan nya. Pinaghandaan ko toh! Dapat maganda talaga ko!

Curly ang hair ko, push up ang bra ko, wacoal pa yan ha, strapless. Micro mini ang skirt ko, polka dots na pink ang undies ko, oveeeeer sa high ang heels ko, parang paa na ng ipis ang pilikmata ko, natural na parang sinampal-look ang muk-ap ko, at shempre pechay ang nasa pagitan ng hita ko. In-order ko pa toh sa Baguio! Na-delay lang kasi nagka-landslide. Pero nai-deliver na kahapon. Ready na ko.

At the stroke of midnight, kumalembang ang grandfather's clock. Twelve times. And that was when I heard him knock.

"Ma! Dito na ko..." tawag ng Payat.

"Pa, wait lang." Sinindihan ko ang kandila sa cake. Saka binitbit papuntang pintuan at pinagbuksan ko si Pa. "Happy birthday!!!"

"Wow... Sweet ah..." Na-touch ang Payat. Na-touch ko rin sha. Ahihihi.

Kumain kami ng dinner. Nagkwentuhan. Tumambay sa sala. At nagpa-sweet ng walang humpay.

Habang nag-iinuman, magka-holding hands pa kami nyan. Reminisce galore sa mga kagaguhan namin nung bata. Aakyat sa alatiris. Manunumpit ng mga itik. Maglalaro ng Xmen. Mag-aaway, magbabati, magkakampihan, mag-aasaran. Magjejekjek ng sabay wahahaha...

Ewan ko ba bakit havs talaga lagi ng pagtatanong tong si Totong. Yun tipong walang anu-ano, walang sabi-sabi eh biglang da-dialogue ng pang-famas na delivery ng linya.

"Ma, pwede ba kitang mahalin?"

Napabitaw na lang ako sa kamay nya, sabay sabing "Dati pa." Dati pa kitang pinayagan.

Napag-usapan namin ang aswang. Napag-usapan namin ang tyanenat ng aswang. Napag-usapan namin ang binhi na nasa sinapupunan ng aswang. Na magiging inaanak ko pala. Napag-usapan namin ang magiging set-up nila, at set-up namin. Di naman ako lugi.

Ayaw daw nyang magsama sila. Ayaw daw nyang dun tumira. Ayaw din nyang magpakasal. At ayaw nyang maitali sa aswang. Ganun pa rin daw, walang magbabago. Sa kin pa rin sha most part of the day. Ako pa rin ang legal wife.

We were wrong. We were soooo wrong! Kung alam ko lang, sana precognition at premonition na lang hiningi kong powers para naihanda ko na ang sarili ko. Lahat ng plano, nanatiling plano. Parang panaginip. Kung anong kabaligtaran yun ang nangyari. Malakas pala ang powers ng aswang, walang laban ang pink amulet ko. Nahati sha at tinangay si Pa sa mundo ng karimlan.

Funny, si Pa ang nasa mundo ng karimlan, pero feeling ko, ako ang naiwan sa kadiliman.

And now, a year after, sa isang araw birthday na uli ni Pa. Pumunta sha sa bahay na pink at nag-imbita. Sa gitna ng inuman at landian ko with my babies, nawindang na naman ang buo kong sistema. Short circuit na naman ang bakla.

"Ma, punta ka sa bahay sa Martes ha." puppy-eyed pa ang lolo mo. Sarap halikan.

"Pa, night shift ako. 10 pm pasok ko nun."

"Hala panu yun? Sige sa Sabado na lang punta ko jan."

Maniwala ako. "Weeh? Maniwala ako sayo. Makatakas ka kaya sa kuko ng agila?" malait man lang kahit minsan ang aswang davah?!

"Gagawan natin ng paraan."

Nung umuwi si Pa, at naiwan ako sa piling ng mga babies ko at i-resume namin ang inuman, natawa na lang ako. Tawang hanggang labi lang. Hindi umabot sa mata. Ni hindi nga ngumiti mga cheek bones ko. Natawa ako sa kaweirduhan ng posisyon ko.

May bowa ako, nagsasaka sa Quezon. Me kabit ako, kembot lang ang nagaganap, walang emotional attachment, walang kwentuhan, kembot lang talaga. Me mga babies ako, mababait, sweet, totful, youthful. Super youthful nakakahiyang karirin kasi that's exactly what they are: babies. Me canton boys ako, basta may PSP, may joystick na rin akong pwedeng laruin.

Pero heto ako, ginagawan pa ng paraan ng taong mahal ko para lang makasama ko. Kelangan pang gawan ng paraan para makita ako. Gagawan pa ng paraan para makapag-celebrate kami ng birthday nya na magkasama. Kabit na kabit lang noh? Kelangan pang gawan ng paraan para maging masaya.

Das beste oder nichts. The best or nothing. Kung di nya maibibigay ang buong sarili nya, wala na lang. Wag na lang.

Binabawi ko na ang sinabi ko dati na hindi ako mahalaga kay Totong. Mahalaga ako. Kung pupunta sha ng iskwater, uunahin nyang daanan ang bahay ko kesa umakyat sa nanay nya. Kung me okasyon o selebrasyon, ako ang kasama nya. Kung malaya na ang puso nya para magmahal, ipupusta ko ang pechay baguio ko, ako ang pupuntahan nya. Pero dahil di na sha malaya, para mangyari ang lahat ng ito, kailangan…

"Gagawan namin ng paraan..."

7 comments:

  1. naaliw ako sa post mo...na sad din ako...bittersweet :P

    ReplyDelete
  2. now now now...i am sooo officially inggit sa yo Mars! pakyompal nga muna sa pechay mo! :)

    ReplyDelete
  3. nakakalungkot naman. there's nothing worse than loving someone but being unable to. :'c

    ReplyDelete
  4. hay, at di yung ka plastikan ha, napa hay talaga ako...

    buti nalang may blog... feeling ko pag naisulat mo na nababawasan ng kaunti...

    ReplyDelete
  5. mega-relate ako :-)
    mahirap sumabit sa taong "hiram" lamang.

    ReplyDelete
  6. ALL THE COMMENTS HERE, I DONT SEE PIPOL WRITE ABOUT THE GIRL WHO'S LIVING W/ TOTONG WITH A CHILD , WHO HAPPENS TO BE THE ASWANG, WHO GOT SOME NASTY NAME NAMES FROM BM..MY POINT IS KAWAWA NAMAN UNG BABAE AT LEAST FOR A LONGEST TIME NA INALIPUSTA MO CYA DITO SA BLOG MO GIVE HER LITTLE RESPECT, SHE CANT DEPEND HERSELF. I DONT KNOW THE GIRL KUNG ANO ANG PINAGDAANAN NYONG AWAY O AGAWAN NG JOWA, SANA NAMAN LET HER BE IN PEACE, MY EMPATHY FOR HER KAC BABAE PARIN CYA, INA PA RIN CYA NG ANAK NI TOTONG.AT MAHINA.HINDI NA NGA NORMAL YONG LOVELIFE NYA.ASWANG AT TIYANETH PA CYA SA BLOG MO. I DONT HAVE ANY ILL FEELINGS FOR YOU BM, IN FACT IM YOUR AVID READER, CUZ I ENJOY YOUR POETIC THREAD, BUT PLEASE ITS TIME TO LET GO THE BITTER FEELINGS FOR HER, CUZ SHE DESERVE SOME RESPECT KAHIT MAN LANG SA BLOG MO KAHIT NAGING KAHATI KANA LANG SA PAGMAMAHAL NG ASAWA NYA..BUT STILL YOU MADE ME HAPPY AND YOU MADE ME IN TEARY EYED.

    ReplyDelete