2.18.2010

It Takes Two to Mango

"Mangga, mangga, hinog ka na ba? Oo, oo hinog na ako..."

Naniniwala ako na walang beking tanga. Nagtatanga-tangahan, pwede pa. Sa mga hopeless romantic, sabihin na nating sobra lang talaga silang magmahal. Pero hindi na uso ang baklang biktima ngayon. Kadalasan, beki na ang may upper hand. Kasi nga di ba, ang best in motto ko, kapag bekbek ka, bawal maging mahirap.

Pero nagulat ako ng makilala ko si Grant (di tunay na pangalan -- hehe parang SOCO lang). Si Grant ay isang bakla. Isang biktima. At para sa amin na nakakakilala sa kanya, isa rin shang Shunga. Boploks. Noni. Bobita Peron.

Tanga pero pinili nya. Biktima kasi ginusto nya. Mina-mangga dahil pumayag sha. Inaabuso at hinayaan nya. Ginagatasan kahit di naman baka.

Si Grant eh isang high-ranking official sa isang contact center. In fairness winner at winerva ang kabuhayan showcase ng lolo mo. Takehome pay na sapat para bumuhay ng limang lalaki, kasama na pati lahat ng kapamilya na maysakit, kapatid na nag-aaral at kelangan ng tuition fee, pang-upa sa bahay kasi pinapalayas na si lalaki, at lahat na ng sob story ng mga otoke. Me bitbit pa shang bilao ng sapin sapin at kalamay sa isang kamay.

Ganun ka-bongga ang sahod ng lola Grant mo. Keri nyang magbigay ng bigasan showcase at negosyo package sa isang cutoff lang.

May bowa si Grant. SI Isko. Bagay davah?! Si Isko. at si Grant. Scholarship Grant. Sakto!
Si Isko naman ay isang dakilang mangga. Manggang kalabaw. Manggang hilaw. Manggang talandi. Manggang mangga lang araw-araw. Manggagamit.

Average lang ang kagwapuhan ng lolo mo. Di rin naman mukhang dakota kasi wala namang bumabalatay sa harapan nya kahit gano pa kasikip si outfit. Wit din kagandahan ang katawan ni Isko, wala kamong abs kahit drawing lang. Kung artista look-alike, wala akong maisip. In short, di talaga remarkable.

Pag tinanong mo si Grant kung anong nakita nya ke Isko, sasagot lang yan ng "Magaling. Basta magaling." Gaano kagaling ang minsan?! Saan magaling ang lusak?! Hmmm, tse! Magaling ka jan. Kaya ba nyang himurin ang lapay ko at kilitiin ang ribcage ko?! Di rin!

Super spoiled si Isko. Ning, may allowance yan na 10kiyaw every payday. Bukod pa jan yung shopping nila para sa personal needs, grocery para sa pamilya, gatas para sa mga naging babies ng hombre, at ang allowance nya tuwing papasok sha sa work.

Nung minsan eh bumili ng tv rack si Isko kasi ang kyut kyut ng design. Ang baklang Grant, bumili ng TV. Para nga naman may ipapatong. Nung minsan naman eh nangutang si Lulurki ng 18kiyaw ke Grant. After 3 months eh nagbayad naman ang lolo mo. Oh di ba, me word of honor naman pala. Si Grant, na-touch, sa sobrang pagka-touch, mega buy sha ng ref worth 19kiyaw. Kakalohka! Abono pa si bakla.

Nawili ang lolo mo! Umutang uli 16kiyaw naman. After 16 weeks din saka nagbayad. Sa tuwa ni bakla, binilhan si bowa ng aircon, 2 horsepower pa kamo. Bukod sa lamig ng aircon eh ang lamig din ng presyo. 17kiyaw. Ang presko talaga sa pakiramdam!

Pag naglalakbay si bakla kasama ang mga friendship nya, mahilig yan sa turo-turo.

"Yan oh! Jan kami kumain sa restoran na yan! Jan oh, sa lbc na yan yung nagpadala ko ng pera kasi nasa province sha wala shang pamasahe. Yan din oh! Jan kami nag-grocery nung me handaan sa kanila. Ay yan yung hospital na pinagdalhan namin sa kuya nya." lahat na lang ng establishment eh me konek sa kanila.

Kaya umeeksena na rin ang mga friendship na imbyernadet sembrano sa kanya. "Oo nga teh, tapos yan oh sa police station na yan, jan ka ikukulong kasi ang dami mo ng utang. Tapos jan sa puneraryang yan, jan ka ibuburol pag napikon kami sayo."

Pag nagda-drive eh kala mo hinahabol ni Mommy Dionisia na nakasakay sa kabayong blonde itong si Grant. Hagibis talaga sa manibela, parang hindi bakla. Tipong mauuna ang katawan mo, to follow na lang ang kaluluwa at mga laman-loob. At pag tinanong mo kung bakit, nagmamadali pala kasi susunduin si Isko. Kaya kesehodang red ang light, kahit pa purple o indigo yang stoplight na yan, lilipad ang Mazda 3 ni beki. Mag-seatbelt ka na lang. Buti nga me airbag na eh, kundi "dead na si bakla" ang entry namin sa filmfest.

Pedestal. Dun niluklok ni Grant si Isko. Pinutungan pa ng korona, nilagyan ng kapa, at may glitters sa mga talukap ng mata. Sobrang dinambana talaga nya si Papa. halik na may paggalang. Hipong may pagmamahal. Kembot na may respeto. Subo na may orasyon. Dalisay, puro, at walang bahid libog. Pag-uwi ni Grant, saka lang sha magpapantasya at magbabayas at magfifinger para sumaya. Laging all by myself ang eksena. Walang collaboration at teamwork. Kahit 2 years na sila.

Eto pa, kinasal na si Isko. Pero imbis na mag-emote ang Grant, kundi ba naman talaga shunga, me wedding gift pa! Trip for two to Bora. Ay napatayo talaga lahat ng baklang balahibo ko sa katawan sa protesta. lahat ay nag-sway-sway at humuni sa saliw ng "Monkey, Monkey Anabelle". Ungguyan na toh!

Isa lang ang sinasabi nya pag kinakalog namin ang utak nya at inuuntog sha sa pader para matauhan: "Mahal ko kasi sya." Inuulit ko. Walang baklang biktima. Marami lang talagang tanga.

Ang hindi nya alam, at wala akong lakas ng loob kaya di ko masabi-sabi... si Isko...


Na dinadambana at sinasamba nya ang kamachohan at pagkalalaki...


Sa dako pa roon...


Ay isang botomesa.


Sana magkusa na lang sha... "Kung hinog ka na ay umalis ka na..."

12 comments:

  1. omg, na-lucresia kasilag ako ditey! ipatawas n'yo kaya ang friendship, baka nasasaniban lang. :)

    ReplyDelete
  2. Hay... Ang tagal ng taon taon na ganito ah. Kanya kanyang kuwento talaga ang mga tao.

    ReplyDelete
  3. Turukan na sya ng Propanol, tulad nung ininjection kay Michael Jackson, baka kasi sa sobrang kapuyatan eh nawala na sa katinuan. ano ba naman yan? magaaply ako kay Grant. JOKE hahaha

    ReplyDelete
  4. dami talagang baliw sa mundo. one of my closest friends may isko din. mukhang ikamamatay pa niya ang lalakeng ito.

    "Kaya umeeksena na rin ang mga friendship na imbyernadet sembrano sa kanya. "Oo nga teh, tapos yan oh sa police station na yan, jan ka ikukulong kasi ang dami mo ng utang. Tapos jan sa puneraryang yan, jan ka ibuburol pag napikon kami sayo."

    hahahaha!!!

    ReplyDelete
  5. Turukan ng Trankilizer!!..hahahahahhahaah!!

    ReplyDelete
  6. nice post with a clever play on words!...love it very much!

    ReplyDelete
  7. ay naku mga mare, me bagong work yang c Grant, nabonggal dati kaka-cover for Isko, ayun na naman si Bakla uulit na naman... di na natuto!

    anyway, salamat sa mga bagoong comentator, at sa mga bagong salta, salamat sa pagkembot ditey sa blogelya ko... hope to read ur tots agen...


    mwahugs!

    ReplyDelete
  8. teh kinukulam yang si Grant....

    ReplyDelete
  9. -"dead na si bakla" ang entry namin sa filmfest
    -Kembot na may respeto

    natawa ako dito! hahaha naisip pa talaga ung dead na si bakla! lupet!

    ReplyDelete
  10. wahahaaaa... buti nabasa ko toh... parang muntik aq sa isang ISKONG BOTOMESA!

    ReplyDelete
  11. alam naman siguro ni grant na botomesa si isko..
    remember na sinabi nya magaling si isko?
    meaning magaling manisid (bj)
    at magaling pa sa ibang bagay... kaya no need na sabihin mo na botomesa si isko sa kanya kasi baka masira lang ang ilusyon ni grant

    ReplyDelete
  12. hi, ano ibig sabihin ng botomesa? waa sensiya >.< isa po akong babaylan :) fan mo ko bm. love your blogs :)

    ReplyDelete