Showing posts with label emote. Show all posts
Showing posts with label emote. Show all posts

9.09.2013

My Own Vincent


 I've got my own Vincent, and -- his words -- it's Chris and he's just enjoying himself.



The HUSBAND...











The LOVER...









And the WIFE...









The three of them tell a story.

Some of you are familiar with it.

Some of you are curious.

Some of you are cynical.

Some of you will be unforgiving.

But none of you matters.

Because this is THEIR story.



The Husband. The Lover. The Wife.



9.08.2011

Collapse

Twenty two persons were drinking with me. 22 persons and no one noticed I was blogging the entire time. I've never felt so alone in my life. Just now. How many times would it take for me to get it right?

8.30.2011

Inertia

Nabasa mo ba yung Walking Away? Eto yung fast forward... epilogue... After five years...


7.22.2011

Inevitable Heartbreak

Sa haba nitembang, betinolla ko sanang gawing ala-HP7 itey: may Part 2! Kaso nahiya naman daw ako sa balat kong mala-porselana. Shugal na nga mag-post bitin pa?! So keep up na lang mga beki, super haba na naman nitey...

Salamat muna nga pala sa mga nag-email sa kin. Para daw di lang daot ang ma-receive ko, me mga words of kembular din! Dahil jan, post ulit akez. Acshuali, iniipon ko lang ditey ke Yvonne (my fonelya) ang lahat, tas pag me jinterchuvanet na kez ulit eh upload galore ang eksena kez. Basta, thanks kina Lanchie A., Johannes M., BJ Mo (na nakakaloka ang mga phone in questions!), Moriz S, Lester V., Eugenio C.,Macky Maldita, at sa mga masisipag magsi-comment at magsi-react sa mga kaekekan ko sa laypsung.

6.08.2011

Withdrawal


It's been more than two years, and BM has come a long way. Nung simulan ko ang blogelya na toh, nage-emote lang ako dahil kay Totong. Now, ibang level na ang hatid sa kin ng pagsusulat.

306 followers. 229 likes. 161 posts. A lot of page views. A number of haters. Most importantly, a bunch of inspiring readers.

And now I've come full circle. Thanks to all of you.

5.10.2011

Botox

Me isa akong ganda-gandahang friend na nagprisinta. Ie-edit daw nya yung isang pictyurakka kez, para magmukhang pang-magazine.

Pagka-send nya sa kin, di ko alam kung maiimbey ba akeiwa, mapapa-hagalpakakak ng halakhak, o ngangawa ng kuda. Itey kasi ang naging hitsura kez sa kanyang "art work". See the pictures after the kembot. Kumusta naman?!

5.08.2011

Export Tool

Narito na naman ang isang pagkahaba-habang post ng Bakla. At dahil buraot pala mag-moderate ng comments, lifted na ang ban ahahaha... Mandaot na kayo kung bet nyo, kadali namang mag-delete ng comment ng mga mandirigmang bakla davah?!


3.25.2011

Triquetra

Awat naman sa mga lalake -- mga frendships ko namang beki. Lagi kong nababanggit ditey sa blogelya kez sina Galema at Medusa. At shempre, akengkay si Valentina. Kumusta naman, ginawa ko tong draft na to Dec. 25 pa! After 3 months natapos ko rin. It's actually a tribute to my two girls: Sailor Mars and Sailor Pluto.


2.25.2011

Emoterang Bakla

Dahil dinedma nyo ang last post ko, napa-emote tuloy ako! I'm having mixed emotions right now. Still...

My rainbow is always present...

My rain is always controlled...

My moment is always now...

My friendship is always ashore...

My coffee is always warm and delicious...

My family is always at bay...

My faith is always reminiscent...

My memory is always pleasant...

And my raindrops always fall...!!!

Haaaaaayyyy!!!!!

Ah basta... My blog is incoherent today... Pero I'm sure, this moment will be a really memorable one for me.



I may not be sober, but I am definitely happy. <3 <3 <3

2.16.2011

Crazy Little Thing Called Cyber Love

Do you remember friend? As in si My Fifteenth. My Swing-and-Top-of-the-Building-Cyber-Lover with the sweetest messages and the cutest declarations of love.

I just noticed winaley na nya yung account nya. Winaley literally. Binonggal. Chinukchak. Tinegi. Dinedlak. Kinembular. Dinedmalaysia. In-erase-erase.

DELETED.

Nag-start kaming magpalitan ng mga iskyembular nung December 27. Mejo nahihiya pa noong una, naging pa-sweet, hanggang sa nagpahaging na ang lolo mo, at ng lumaon eh tumodo na at nagpakilig ng bonggacious na bonggacious sa tigang kong puso.

Sabi pa nya nga di ba, "when someone leaves, it is because someone is about to arrive." At nung sumagot ako na "a lot have arrived but none of them stayed. will you? that's the tricky part." mas lalo akong nangisay sa reply nyang "if i will, will you let me?" kaya sumagot ako uli ng "Someday..."

The sweet messages kept pouring in. Pinakinggan ko ang Pachelbel's Canon in D the Canon Flamenco version, pati na yung Canon Rock by Mattrach. Nag-alay pa ang lolo mo ng mga haiku kasi bet na bet nya daw ang mga japanese poems na iteiwa. Me kwento pa nga bago nya sinabi yung haiku. Me eksena pang ganitey:

Isa daw shang well-known Samurai warrior at mega journey to the woods ang drama ng lolo mo para mangaso at mapag-isa. May nadaanan shang isang ilog at dun nya nasilayan ang napaka-gorgeous at napaka-stunning na si BM. At nang palapit na sha sa akin para hawakan ang aking mala-kandilang mga kamay ay biglang umeksena ang mga sundalo ng kabilang kaharian at sapilitan kaming kinaladkad na parang mga beki na nagkamali sa fashion statement. Harsh! Mega-kulongera ever kaming duwa sa magkaibang bartolina, at tumaghoy na parang mga pusang ngumingiyaw sa pangungulila sa isa't isa.

Sa kanyang dusa't pighati, ay naisulat nya ito sa dingding ng kanyang kulungan.

"Is there a color called love in this world?
Yet why is it,
That my heart is completely dyed with it?"

Kung san sha nakakuha ng pang-vandal sa dingding, wit ko alam. Ang alam ko lang, madalang na shang nagme-message kasi exam week daw nila at kailangan nyang i-resist yung urge na mag-jinternet at ma-distract. Isa daw akong distraction sa kanyang hectic na iskedyul. Isang tukso.

Naintindihan ko naman na di na sha kadalas mag-message gaya ng dati. Basta nagre-react pa rin kami sa isa't isa. It would take days, minsan weeks bago sha makareply sa message ko. At ang huli nga eh nung February 9.

Tapos ngayon babatiin ko sana sha ng belated Happy Valentine's day, ako ang na-belated. Walang sabi-sabi, walang anu-ano, basta nawala na lang yung account nya sa Fezbuk. Di ko alam kung na-block ba nya ako, kung nakalimutan nya yung password, o kung binura nya totally. Basta wala na sha. Ni hindi ko alam ang tunay na namesung ng lolo mo. Ni hindi ko rin nakuha kung anu bang number nya, address, suking tindahan, pati na proof of purchase! Syet!

Sabi ko sa mga previous blogs ko, may 15 chances tayo sa bawat buhay natin na makahanap ng mamahalin at magmamahal sa atin. 15 chances na maging masaya. 15 chances na ma-inlove at mag-inlove ng paulit-ulit. Sha na sana ang pang-15 ko. He could have been "the one". Ang kaso mo, cyber lang ata ang meron sa amin. Andaling mag-logout.

"Someday, I would give you my heart." That was a promise I intended to keep. When we're both ready, right? Panu na yan? Di ka na nag-extend. Kahit man lang half hour. Kahit fifteen minutes baga. Not even five minutes. Di ka man lang nag-babye. Wala man lang pagbabadya, basta ka na lang na-offline.

"Sorry, na-DC ako. GTG."

You pushed me off the edge, man. Ni hindi mo man lang ako sinalo, deym!

Loving is indeed the scariest thing you'll ever attempt. It's like jumping off the cliff, not knowing whether someone's gonna catch you, or if you're falling for nothing. What matters is how you took a chance. If no one catches you, don't mourn love. Remember it, celebrate it, seek it... For love comes back. And if your heart is ready, love stays. For good.

Owen, you may not be my Fifteenth Chance. You may not be the one. Still, thank you for making me feel soooooo special and loved. You will always have a special glittery spot in my right ventricle. And when I'm ready, I will love again, and again, and again. Sabi nga ni Mother Teresa, "give and give until it hurts no more".

Go lang ako ng go sa love. Kasi, the juice is worth the squeeze.

10.02.2010

Kalakal


Bago ko tuluyang magdadakdak dito, isang sumbat muna. Mga dautera kayo! Di nyo man lang pinansin yung boobs ko! Umefort effort pa ko ng photo shoot dededmahin nyo lang pala. Hmpf! Di bale, balang araw, tutulo rin mga laway nyo sa alindog ko! Aherrrrm... Ok na ko. Kalimutan nyo ang eksena ko. Now on with the post.... Tenenenenenenen...




"Isang kahig, isang chupa. Ganyan kaming mga bakla...."

Ayoko ng tawaging BBB yung haus ketch ngayun. Iba na sha. "House of Sonya" na ang bet kong ibinyag sa balur na itey. O di ba parang may touch of fashion and mystery. Parang bahay ng lagim lang. Plangak!

Anyway, bago akeiwa lumipat sa House of Sonya, habang nakatira pa ko sa iskwater noon, mulat na mulat lang talaga ang mga mata ko sa kajirapan ever. Kaloka naman kasi talaga mga mare! Kung pamilyar ka na sa mga limos limos, mga budol budol, at pati na mga isnats isnats, ay ning... prepare thyself!

Wichiririt ng maya! Wiz lelebel ang mga knowing mong chuchukachuchu ng mga mahihirap para lang kumayod at kumahig ng pwedeng lafangin sa araw-araw.

Nung Saburdey lang eh dumalaw akeiwa sa Iskwater kasi padasal sa jumangkin kez na nadedlak nung umeksena si Ondoy. Nagka-chikahan kami ng mga relationships kez sa iskwater at may I walk down memory lane naman daw ang baklita sa mga aneklavung pagkakakitaan galore na pinatulan kez dati.

Anjan yung normal na kalakal. Az in pag havey ka ng mga papel papel, upuan na nasira kasi jubis ang umupo, mga lumang glass slippers, kordon ng nyelpown (ay waley palang kordon ang nyelpown -- landline na kordon pala!), mga julambre, basyo ng tequila nights at redhorse, lahat lahat na...

Shempre tatanggapin yan ni DP. Si DP yung ex-juwawits ko. Dating Pa. Hihihi! Masabi lang na naka-move on na si Bakla, kahit malabo pa sa tubig kanal yung mub-on-mub-on na yan sa bukabularyo kez. Anyway, pwede nang pambili ng viand yung pinagbentahan ng kalakal. Yung isang beses nga na nasunugan sa looban, yung isang bahay dun na maraming tambak na kalakal sa kwarto parang kumita pa eh. Instant dispatsa ng mga walang wentang gamit, naibenta pa lahat ng kalakal sa bahay. Tubo pa si Aling Luming! (Insert -- Wag ismolin si Aling Luming, tatakbong Kapitana. At wag lalong ismolin si DP, tatakbo ring Kagawad si Tukmol. Isi-single vote ko sha malamang!)

Bukod sa pangangalakal, anjan din ang mga karerahan. Pamilyar naman siguro kayo sa karera ng mga motor at karu davah? Ganyan din ang principle behind the karerahan ng tricycle. Yung pot money eh Wanpayb (1500), minsan Tukey (2k) o Tupayb (2500). Maghahati-hati ang mga tukmol sa pampusta at hahanap sila ng mauuto na lumaban.

May variations pa yan, may "backride-is-a-must event", may "angat-sidecar event", may "angat-likod-while-umuusok-ang-shumbutso event" at meron din atang "angat-tumbong-ng-driver-at angkas event". Basta ang bilin nila sa nakaangkas na shunga-shungang nauto din, WAG TATALON. Simpleng instruction davah? Nung minsan na umangkas akeiwa, kaloka muntik ko nang malunok yung adam's apple ko at pagluwa ko eh adam's aratiles na ang nakalitaw.

Pumupusta ko jan minsan sa mga karera karera nila na yan. Pero mas madalas akong pumusta pag nagdudutdutan sila. Shempre may mga dayo lagi. Ang mga tinamaan ng kukunat, tuwing mahina sila lumaro, saka ako pinapapusta. Lagi tuloy talo.

Ang pinakabet kong karera sa Iskwater eh yung sa kalapati. Ite-train muna si ibonella. Pag redi na, sabay sabay silang mga official representatives na gogora sa isang malayo-layung lugar at saka ihahagis ang ibong may laya ng lumipad. Saka magsisitakbo pauwi ang mga tagahagis. May abang na tagahintay naman sa bahay nung mga kasali. Inter-iskwater ito kadalasan, me mga delegation from neighboring iskwater communities. Kanya-kanyang bet ang mga indigent. Pagronda ni shulapati sa balur, shokbo na agad ng umaatikabo si runner. Kelangan madala sa rendezvouz point ang ibon-boronbon para pruweba na nauna yung alaga nila. Pak! Sayo na ang pot money.

Shempre pag eleksyon. Ay churi ka, pati ako nakikipirma din sa payroll ng mga politicians. Basta may 1x1 id pic ka, may instant ID ka, may sweldo ka. Lalo na pag nanalo si Congressman. Panalo ka rin kasi may pa-swimming at pa-liga sa covered court.

Yung pinakanaloka ako na kalakal ditey, eh yung kalakal ng pension, benefits at beneficiaries. Si Carlota, sa araw araw na ginawa ni Kulafu eh dugyot yan. Waing bra, waley deodorant, wiz ang tutbras, wichiririt ang ligo mez. Yung safeguard sa balat ng lola mo, madaling mag-expire. Pero minsan naloka ko, pusturang pustura si babaita. Mega slacks at blazer, san ka pa?! Nag-ahit pa kamo ng kili-kili!

Kamukat-mukat mo, me lakad pala sa AFP si potah. Me ka-join force shang opisyal ng mga sundalo, bibigyan sha ng impormeyshon tungkol sa isang sundalong tegi na. Yung sundalong nategi sa gera slash engkwentro. Tapos kakabisaduhin ni Carlota yung details, at ike-claim nya ang mga benefits nung nateging soldier. As in minsan aabot ng kalahating milyon yung nakukuda nya bilang legal jowa ng namayapang soldier! Porsyentuhan din to mga ateng. Ten percent ang sa kanya, for the effort na magkabisa at maligo.

Per shempre ang pinaka-peyborit kong odd job sa iskwater: the Kembot Trade and Boda Industry.

Pwede ang promisory note: I promise to pay the amount of _______ to Kuya Joystick for the kembot that we will do on the _____th day of _____________, 2010. Isang putok.

Pwede ang mga gadgets at technological advances: pagamit ng brick game mo, pahiram ng PSP mo, palaro ng virtual patintero mo, pa-log in sa internet mo, paharvest ng plants sa farmville mo, at patira ng zombies sa PVZ game mo. Isang putok uli.

Pwede ang hand-me-downs: lumang shirt na cute ang design, slacks na maliit na sa bewang mo, mga polo-polo na panlalaki at di mo na bet magmukhang tiboli, mga vest at chaleko na ginamit mo sa kampanya para barangay chairman, mga sunglass at shades na waley na sa uso, mga sapatos na pudpod na ang swelas pero keri pang i-mr.quickie. Isang putok pa rin.

Pwede ang buffet at food junctions: pancit canton na may itlog at isang family size na RC cola, lugaw sa Tu-Tri na may puso, putlong o buy one take one na barger, tusok tusok ng squidball o chicken ball, at kung talagang taggutom na sila, kahit kaning lamig tsaka sardinas na blue bay o youngstown talo talo na! O kaya eh magpa-nomo ka ng jisang litrong matadoray, or jisang caseseses ng pink/fuchsia/magenta horse. Isang putok, pag madalas makikain, pwedeng dalawang putok.

Ditey sa iskwater, plenty ng mahihirap. Havey na havey ang mga dukha at rated p.g. Sandamukal ang buraot at kupal. Kaya ako lumipat ng hauslaloo. Dito sa House of Sonya, tahimik, safe, may gate, walang buraot, walang kupal. Elegante, may breeding ang neighbors, may ambiance at class, buhay mayaman, eksenang village. Mas masaya dapat ako. Pero nung nag-text si Dating Pa kanina, na-miss ko bigla ang iskwater.

"Bat di ka nagpapakita dito. Umuwi ka na, kelangan ka ng iskwater."

Umuwi.

Siguro nga, mas tahimik ang buhay ko ngayon. Mas safe, mas secured, mas maayos, mas payapa. Bakit pa ko babalik sa lugar na yun kung hindi na ako feeling mahirap? Pero di man ako bumalik sa lugar na yun, malamang habangbuhay ko nang gagawing proper noun ang salitang Iskwater. At habangbuhay din, pag narinig ko ang salitang yun, isa lang ang papasok sa isip ko.

Balang araw, uuwi rin ako.

7.24.2010

Runaway Gay

Baka pag nabasa toh ni Bibiana eh sabunutan nya ang sarili nya at isipin nyang isa shang pabayang Mother Goose. Di naman! Mashado lang talagang rebellious ang BM kaya kung anik anik na tumbling ang ginagawa. Actually hindi nya alam ang mga bagay na toh.. Uhmm, shempre pala alam nya kasi naloka sha kakahanap sa kin. Pero yung buong story eh di nya alam kasi usually naman di ko kinukwento kung anu exactly ang nangyari sa kin. Basta umuwi ako, end of story. Ang gulo ng intro ko no?

I'm talking about the times I ran away from home. Oh go na bakla, basahin mo uli yung intro, I'm sure it makes sense this time... Keri na? Now, on with the story...

Nung grade five ako ang first istokwa ko. Ni hindi pa ko pinamumukulan ng suso! Ang naaalala ko, pinapalo ni Maderrakka si Lil Sis at umaawat ako. Kasi ba naman kung makapalo siya parang kulang na lang eh downy at para na talagang ni-laundry shop yung utol kong baluga (Peace sis!) Eh kakaawat ko, bigla akong sinampal ng magaling kong Mother Hen. Ay, mega talikod ako habang hawak ang aking pisnging nagkulay rosas! Sabay punas ng luha na pumatak sa mula sa kaliwang mata, at saka tumakbong palayo.

Litong lito ang lilet (baklang maliit) na hindi alam kung saan susuling. Napagpasyahan kong gumora dun sa stepsis kong taga-Santolan. So imagine mo yun, mega takbo-talon-tili ako sa kahabaan ng Aurora Blvd. Walang kaperahan maski singkong naka-brace. Ang suot ko eh yung mickey mouse sando ko na sobrang laki ng butas sa gilid. At take note, nakatapak lang ako. Sumabit ako sa Love Bus hanggang Santolan, and from there eh alay-lakad na lang hanggang sa tapat ng Rizal High. 1-2-3 lang ako dun sa bus neng! Pero ang press release ko sa madlang pipol, at sa lahat ng handang makinig eh nilakad ko from Anonas to Santolan. Eh di nangapal naman ang kalyo ko nun!

Kinabukasan, ang mahadera kong stepsis na tomboy, ipinagkanulo na ko sa taong bayan. Sumugod ang lahat na may dalang sulo at balak akong sunugin sa plaza. Este ibang flashback pala yun. Ipinagkanulo nya ko ke Bibiana at maya maya eh dumating na at sinusundo ako. Aparrently hinanap pala nila ako sa buong Project 2 3 4, Cubao, at mga karatig na baryo. Malay ba naman nila na wit ko bet matulog sa kalye noh. Ayun, nag-kiss and make up kami ni Mudra at umuwi akong may sampal na naman sa kabilang pisngi. Hihihi.

Matapos ang ilang kalendaryo na pinupunit sa dingding, bakasyon naman going to 3rd year. Same eksena sa haus, pero si Stepdading naman ang kumekyeme sa baluga kong Lil Sis at binu-boogie wonderland na naman sha. Bugbog galore talaga ito! Kaya umawat na naman ang bakla. Iniharang ko ang katawan ko para sa kin lumapat ang hagupit ng kanyang sinturon. Bigla akong piningot at pinalabas ng bahay. Ang epal ko daw kasi, hehehe.

Dahil feeling outsider na naman ang baklang lagalag, umikot ako dun sa kabilang side ng bahay, dun sa may gawaan ng mga hollow blocks. May bintana kami dun. Sinitsitan ko yung boy namin na mukhang ewoks. Etong si Boy Ewoks eh napulot lang ni Step-pudra sa lansangan. Mano ba namang magpalitan kami at ako naman ang tumira sa lansangan. Pinaabot ko kay Boy Ewoks ang bagelya at mga damit ko, pati yung pokpokahontas kong shirt na green.

And I followed the yellow brick road named Aurora Blvd again -- this time hindi na ko umabot ng Santolan. Destination: Katipunan. As in sa ilalim ng flyover!

Dun sa ilalim ng c5 katipunan ko natagpuan ang aking bagong pamilya. Mga batang lansangan ang nakatambay dun. Tinuruan nila ko kung pano tumawid sa hiway ng walang tingin-tingin sa kaliwa at kanan, keber din sa traffic lights at sa busina. Run like the wind ka dapat. Pag nahagip ka ng sasakyan, eh di sorry. Umiwas kayo, tumatawid ako. Dapat ganun daw ang attitude.

Sa katips din ako natuto na umorder sa karinderya ng rice toppings. As in oorder ka ng kanin, at papalagyan mo ng toppings ng ulam para may lasa. At dalawang pisong coke -- bake limang takal dun sa takip ng bote. Winner na ang hapag kainan nun!

Me kumopkop sa kin na sampaguita vendor. Pero winner ang bahay ng lola mo sa Marikina. Pano, pusher pala si ate. Pero bet ko pa ring tumira sa haus nila kasi ang gwapo ng anak ng lola mo! At lagi pang nagpapakita ng motibo si Kuya. Since tabi kami matulog, aba ang kamay ko laging kinukuha at pinapasok sa loob ng shorts nya! Eh dalaginding pa ko nun, hindi ako nagpadala sa bugso ng damdamin at tawag ng laman. In short, tanga pa ko nung bata.

Si ate din pala ang nagbigay sa kin ng opportunity na kumita ng sarili kong pera. Binigyan nya ko ng pang-puhunan: tatlong basahan na bilog. Para may pampunas daw ako sa mga sasakyan. Ang teknik daw eh wag nang magtatanong, basta punasan na lang ang windshield, saka isahod ang kamay pagkatapos. Kung abutan ka, eh di swak sa banga. Kung di ka naman abutan, eh di duraan mo yung windshield sabay takbo. In fairness sa business na to, mabilis ang return of investment. Taray me ROI pa kong nalalaman!

Eventually eh umuwi rin ako, hinatid ako ni ate sampaguita sa bahay. Iniwan ko ang shirt kong pokpokahontas dun sa nagturo sa kin pano kumain ng rice toppings. At iniwan ko sa anak ni ate yung kalabaw ko sa boy scout. Para doon na lang nya isuot si Junior pag nami-miss nya ko. Cue background music -- kung maibabalik ko lang! Ang dating ikot ng mundo! Ang gusto ko kamay ko'y lagi ang nasa pututoy mooohh!

Yung sumunod na rampa ko eh mejo tumagal na. As in may kasama na itung pag-eenroll sa ibang iskul, at paghahakot ng mga gamit. Kasama na rin dito ang pagiging boy at PA ng isang artista. Gento yun...

Naaalala nyo ba yung magic temple at magic kingdom? Yung tatlong bata na may kapangyarihan: sina Juval, Omar at Sambag. Si Juval si Jason Salcedo, sha yung pinakalider, nakakakita ng totoong anyo ng mga creatures of the dark at may parang tawas sa noo. Si Omar si Marc Solis, pinakamakulet at ang powers naman nya eh pag kumain sha ng buto ng prutas, nagiging parang bala ng baril yun pag idinura nya sa kalaban. At si Sambag naman si Junnel Hernando, sha yung iyakin na pag tumulo ang luha sa lupa eh may tumutubong halaman at bulaklak. Kasama nila sa Part 1 si Anna Larucea, at sa Part 2 naman si Anne Curtis.

Bale magpo-fourth year HS na ko nito. Sa sobrang kabaliwan ko lang ke Sambag, pag pinapagalitan ako ni Bibiana eh tatapat ako sa halaman at iiyak. Kunwari tumubo yung halaman dahil sa luha ko. That would cheer me up! After ko mag-pretend na magical ang luha ng bakla, keribambam na uli. Nirekord ko pa sa casette yung audio ng movie, at gabi gabi kong pinakikinggan bago matulog.

One time eh nakita ko ang address ni Junnel sa magasin. Sa murphy pa sila nun nakatira. Ang bakla, walang pag-aalinlangan na sumugod at kumatok.

"Anjan po ba si Junnel?" tanong ko.

May ale na sumilip sa pinto. "Ay wala eh, nasa workshp sa Davao kasama si Peque Gallaga."

"Sayang naman po." Umeemote na napaupo ako sa tapat ng bahay nila.

"Bakit?" tanong ng ale.

Ewan anong pumasok sa kukote ko. Biglang naging lola basyang ang bakla. "Naglayas po kasi ako eh..." Sabay hikbi na parang pinagtulungan ni Snow White at ng Seven Dwarfs.

Di ko na maalala pano ko pinatuloy ni ATe Lita who turned out to be Junnel's mom. Basta kinupkop nya ko, at nagpaka-boy ako ng bonggang bongga! Pag kinakapos na sa kwento at kasinungalingan, takbo sa suking tindahang hardware, at maghakot pa uli ng talong sakong gravel and sand! Sige, magtahi ka ng tubig at maglubid ka ng buhangin baklang sinungaling! Me kasama pa akong tatlong tomboy na lilipad papuntang Saudi para mag-OFW.

In fairness to Mommy Lita mabait na tao talaga. Pag-aaralin ako ng lola mo. Ita-transfer na ko dapat sa Crame HS. Ako ang pinaka-PA ni Junnel sa mga taping, sa concerts, sa shooting, sa interview at sa guestings. Oh di ba feel na feel ko maging julalay! Tapos pag naliligo ako talagang todo pantasya kay Junnel. Shempre nakikita ko sha ng naka-briefs, naka-boxers, at nakatapis ng tuwalya. Minsan nga yung manipis na tuwalya ang inaabot ko eh para masilayan ko naman ang alindog ni Sambag.

I made the mistake of calling my family. Una, si Nanay Tess sa Iskwater, kapatid ni Ambo. Ngumangawa ang tiyahin ko at pinapauwi ako. Pano ilang linggo na kong di umuuwi. Tapos tumawag ako kay Sha-me, barkada ko ng hayskul. Ewan ko kung natatandaan pa nya, basta nag-iyakan kami na akala mo eh hindi na magkikita. Ayun, 10 years after magkasama pa rin kami.

And the most heartbreaking was nung tumawag ako ke Inay sa Pandacan. Si Dominga, ang lola ko at ina ni Bibiana. Nung humahagulhol na si Inay sa phone at pinapauwi ako, I had to go home. Goodbye Junnel! Goodbye showbiz! Goodbye career!

During college naman, yung last and probably the most stupid, nang dahil sa pag-ibig. Yun lang talaga ang maisip kong dahilan para sa ineksena ko. Ang dahilan: si Aveňo.

Dahil super labs na labs ko talaga ang lolo mo, imbis na sa Pandacan ako umuwi, araw araw eh sumasabay ako sa kanya hanggang Anonas kasi press release ng bakla eh dun na ko sa mga pinsan ko sa iskwater nakatira. Pero pagsakay na pagsakay nya ng jeepelya pauwi sa bulubundukin ng Cogeo, sakay na uli ang bakla ng patok na jeepangga pauwi sa Pandacan.

Ang pinakatodong kalukaretan ko na lang talaga eh nung bakasyon na. Maloka-loka na ko kakaisip kasi maghihiwalay na kami, so ang lola mo nakaisip ng paraan.

Alas onse ng gabi, kumatok ako sa bahay ni Aveňo sa Cogeo at naupo sa lupa. Paglabas ng tatay nya, ang ispluk ko lang eh ganitembang:

"Si Noel po?" sabay patak ng luha sa kaliwang mata.

"Ay tulog na. Gabing gabi na ah. Bakit? Anong nangyari?" q&a ni paderakka.

"Si Noel po?" paulit ulit lang na ispluk ng bakla.

Maya-maya eh pupungas pungas na lumabas ang otoko. "Oh mahal, bakit?" Kala ko lang ata mahal ang tawag nya. Hihihi.

Tulala pa rin ang bakla. Naalala nyang tingnan ang text ko kasi on my way eh may naitext na ko sa lolo mo. Ang script ko sa text: Aveňo! Nag-away kami ng stepfather ko. Tinutukan nya ko ng baril! Buburahin daw nya ko sa mundo. Buti na lang umakyat si Mommy kaya nakaalis ako. Pwede bang makitulog jan ngayon?

Parang biglang nagising na napahawak sa kin ang gwapo. "Ok ka lang? Nabasa ko na to kanina pero di ko naintindihan kasi natutulog na ko. Anong nangyari? Tinamaan ka ba? Gago yun ah! Ok ka lang ba? Sumagot ka mahal!" tunog mahal uli yung pangalan ko...

Pinanindigan na ng bakla ang pagiging pipi. Basta di ako sumasagot, di ako tumitingin sa kanya, at di ako kumukurap. Tulala. Shocked. Traumatized. Napipi. Yun ang character ko, kailangang i-internalize. Basta dire-direcho lang ang tulo ng luha ko, at di ako nagsasalita. Todo project! Best actress!

Ilang araw akong tulala at pipi kila Aveňo. Nasa tapat lang ako lagi ng bahay, nakaupo sa tambayan nila, nanonood pag nagwo-work out si Boy Masel, at ine-enjoy ang atensyong buong puso at buong araw nyang binibigay. Since sapatos ang dala ko pagpunta sa kanila, hati kami sa tsinelas. Kanya yung kaliwa, akin yung kanan. Asikaso galore ang lolo mo sa kin, laging nagjo-joke kahit corny, inaaliw ako sa paraang alam nya, at tinutugtugan ako ng gitara.

After 4 days ng pagiging tulala, at kahit pamilya nya eh nagwo-worry na, nasa kwarto kami at tinutugtugan uli ako ng lolo mo ng gitara. Aveňo has a great voice. Pwedeng pang-ASAP ang timbre kasi lalaking-lalaki, pero me kulot. Kinakausap ako ng lolo mo, pinipilit akong mag-snap out sa aking pagkatulala.

"I was down and out and feeling so low. You took my hand and eased my mind. I was afraid, you showed me the way. You taught me how to be strong. You made me live again."

Tulo na ng tulo ang luha ko, kasi I know he doesn't deserve this. Yung mahirapan ng todo dahil sa kagagahan ko. At habang kumakanta sya, umiiyak na rin ang lolo mo.

"Tol, magsalita ka naman. Di ko na alam kung anong gagawin ko. Magsalita ka na pls. Andito naman ako eh di kita papabayaan. Magsalita ka na pls. Magsalita ka na." Niyakap nya ko sa likod, at saka sha umiyak ng umiyak. Yung iyak nya, unti unting lumakas hanggang sa humahagulhol na si Aveňo.

"I was lost in the dark. With my lonely broken heart. But then you came along you took me home and made me your own. You made me live again..." tinapos ko yung kanta. Kahit sinisinok-sinok at sumisinghot-singhot ako, after four days, yun ang una kong salita. Hinarap ko si Aveo, niyakap, at saka umiyak sa balikat nya.

Umuwi na rin ako nung araw na yun. Hinatid nya ko sa Pandacan at dun pa sha natulog that night. We became really close, me mga away at tampuhan, pero we managed to keep the friendship. Sa ngayon, nasa Mindanao ang lolo mo at tinupad ang pangarap nyang maging sundalo. Pag naaalala ko kung gano ko ka-abnoy dahil sa pagmamahal ko sa kanya, natatawa na lang ako.

I have always been a wild child. Feeling ko hanggang ngayon, there's a part of me pa rin na pag mashado nang maingay ang mundo, gusto kong maglayas at tumakas. Di ko na nga lang magawa ngayon. Pag naglayas ako, ako rin ang kailangang humanap sa sarili ko. Kumusta naman?! Kung ang tsinelas nga pag nawawala, hinahanap. Stilletos ko pa kaya?!

On Monday, I'll be going to Hong Kong ALONE. Yung mga supposedly eh kasama ko, parehong nag-back out. Gogora pa rin ang bakla. I promised this trip to myself, kasi gusto kong kumawala sa normal na buhay ko ngayon. Time for myself, time to introspect, time to reflect... Oras na para maglayas ulit.

Kahit anong tumbling, kahit anong layas, kahit anong istokwa, kahit anong ronda, uuwi at uuwi rin ang bakla. Ako at ang stilletos ko.

7.18.2010

The Day BM Quits

Nitong nakaraang araw, me nakita akong note na nakadikit sa likod ng pinto ko. Parang note lang ng mga zombies. At pagbasa ko, para kong aatakihin sa gall bladder. Iiwan na nya ko! Kaya pala nanlalamig sha sa kin nitong mga nakaraang araw... Karipas ako ng takbo at hinabol ang aking... Kabaklaan. Sabi sa note:


"This is your inner Kabaklaan. I quit!"


Panic mode ako bigla. Spell kumahog at kandarapa talaga ko sa paghabol kay Kabaklaan. Naabutan ko naman sha, nagla-lunch ng pritong tulingan at kaning sinabawan ng kape. Nag-usap kami at nagpaliwanagan. Pumayag naman shang bumalik na sa bahay. Pero binalaan ako ni Kabaklaan: something's happening and I need to brace myself. Tinanong ko si Kabaklaan kung anong nangyayari, at nang sabihin nya sa kin, nayanig ang bumbunan ko at nalagas ang bangs ko... Taray ni Kabaklaan, parang si Madam Racha. Sabi nya:

"Magegeng tumboy ka sa mga sosonod na araw. Mag-engat sa lalakeng may nonal sa nipol. Lake kolor, pyusha. Lake namber, tweyni-nayn."

Eto na yung relapse... It all started a few months back when I received a text message from my EX. As in ex-girlfriend. Paak!

"Uy musta na! Tagal na natin di nagkita. Miss na kita. Dami nangyari sa kin, you wouldn't believe! Magkita nga tayo! Text mo sked mo! Miss u! Mwah!"

Before ako maging BM, shempre dumaan ako sa stage na naging BN muna ako. Baklang Narnian! Nag-board and lodging ako sa Narnia - sa kloseta ng pagkukunwari. Uy, di naman ako naging full-pledged citizen ha! To the point na eksenang bumembang na ko ng kipay mapanindigan lang ang pagka- "lalake". Kahit paminta ko for a short a few years, I still find ways to express ang pagiging "lulurki".

Babala: isa itong napakahabang post. And probably, me part two pa itu. Kasi, it's part of who I am. As much as I like to pack this stuff in a box and keep it in the garage or under my bed, it doesn't work that way. Tsaka, wala akong garahe, at puno na ang ilalim ng kama ko. So bloggers, I hope you'll still have fun. Saka na ang meet and greet at autograph signing hihihi.

Bekbek Wars Episode 1 -- The Phantom Menage-a-Trois

My fisrt girlfriend, and probably the first person I ever loved was Wendy. Best friend turned guframae ang serye namin. Super sweet ng lola mo. Nakilala ko sa org sa church, naging mag "bes" kami for more than a year. Pero simula pa lang na-develop na ang lola mo sa kin. Nung lumabas na ko sa kumbento, sha ang sanity ko.

Sumbungan, kwentuhan, iyakan and everything. Me sulatan kami lagi. Every important occassion, every success and every failure, every little and big things, we shared together. The first person na nakaalam na badet ako. The first person na tumanggap sa pagkatao ko.

In fairness creative si Ex No. 1. Mejo purita mirasol kasi sila nun, as in fish ball magnate si Mudra, at m.i.a. si Pudra. Sila ni sisteret nya eh parehong skolar. Kaya un mga sulat nya sa kin, laging me cutouts ni Garfield, me mga pop-up na figures at mga anik anik design from mga lumang magasin. Basta sha si Garfield, ako si Jughead.

I admit, ako talaga ang me kasalanan kung bakit kami nag-break. Sabi ko kasi cool off. Pero nagkikita pa rin kami regularly, parang kami pa rin. Until me nanligaw na iba sa kanya na eventually eh naging dahilan ng pagsisinungaling at pagpapalusot, pagtatago sa escalator, pagpapanggap na nasa probinsya, at ang pinakatodo -- nagserve daw sha as volunteer sa St. Joseph, yun pala eh nasa Fairview at jontis na ang lola mo.

Minsan naiisip ko, she gave up on me way too easily. Ang bilis nyang napagod. Halleer sabi ko cool off! Tapos napakanta lang ako ng "malaya na ako" ayun ngumalngal na ang guframae ng faucet na faucet. At naghanap na ng kalinga ng iba. She's my first heartache.

Nag-enjoy naman ako sa aking newfound kalayaan. Happy pekpek courtesy of my newfound din na best friend. This time eh straight na itu kaya lalong tumibay ang cover-up ng bakla. Yun ang original maton sa buhay ko. Masel-masel, push up addict at workout buff ang lolo mo. May sariling barbel na gawa sa semento. Ultimo ugat nyan, me maskels. Si Aveño -- ang David Garcia Jr. ng buhay ko.

Aveño is a different blogpost. Basta in the near future na sha hihihi. Nabanggit ko lang sha kasi sha ang magandang intro kay Ex No. 2 -- si Eden. Kasi, kaklase namin si Ex No. 2 nung first year.

It was a short and beautiful six-day relationship. =) It was very meaningful. As in! Kasi that was when I realized na mahal ko talaga sha -- si Noel. Hihihi! Kaya nag-break din kami after 6 days.

Eh naloka ako kasi after ngumalngal ni Eden, at after akong iwasan ng mga 2 subjects, aba maya-maya eh keribambam na uli ang everything between us. Wala na shang masamang pande-koko sa kin uli. At napansin ko din, parang close-close-an sila ni Aveño. At nung nag-swimming kami sa Morong, aba HHWW-PSSP na ang duwa. Gusto kong malunod bigla sa kiddie pool!

Me pa-ek-ek kami sa klase na kandila chararat at magpapalitan ang dalawang magkaklase para makapag-usap at makapag-babye kasi pag 2nd year namin, iba iba na kami ng major so farewell to u my fwendz and drama namin dun.

Although pareho naman kaming psych major ni Aveño at magkaklase pa rin kami, napadrama na rin ang lolo mo kasi nga technically sinulot nya ang gufra mae ko. Sha ang kauna-unahang lalaking umiyak dahil sakin. Me sigok sigok, hikbi hikbi, singhot singhot at nguyngoy pang kasama yun ha. Naluha din tuloy ako.

Buong summer after that, nangupit ako araw-araw sa tita ko ng 50-70 pesos para makaakyat from Pandacan to Cogeo para makipaglandian ke Ex No. 2 at ke Aveño. Tipong tagisan ng galing, lalaki sa lulurki, may the best man win. Bandang huli eh todong nalito si Babaylan at walang pinili sa min dalawa. Win-win situation itu for me!

Pagpasok namin sa aming majorship, tatlo kaming dating magkakaklase na nagsama sa isang section. Ako, si Noel, at si Lorena. Later on eh nadagdagan kami ng isang tropa, si Ilette. Ewan kung anong nangyari, basta tinawag kaming sina Itoy, Bitong, Bebang at Bebeng. Pero yung mga tawag sa min, hindi pumatok, yung ke Lorena lang. After ten years, sha pa rin si Bebang. But no, hindi sha si Ex No. 3.

Si Ilette. Probably the longest of them all kasi sobrang open kami sa isa't isa, andaming on-off, andaming drama, pero mas lamang yung masaya at friendship. It was different this time, kasi si Noel naman ang nauna. Naging sila for a few months, pero mas close kami since pareho kaming gurlaloo. Too close to a point na sa kin na sha me gusto, at nalilito na si Bebang kung kanino sha sasama kasi nag-away kami ni Aveño, nag-away sila ni Ilette, at nag-away kami ni Ilette. Kawawang Bebang!

Me eksena pa kong naliligo sa banyo nung kaklase namin, habang lasing, nakahubad, nasa ilalim ng shower, at umiiyak habang ume-emote ng "ginago nya ko, ginago nya ko!" Until now, wala pa ring malinaw na dahilan kung sino ba ang gumago sa kin, kung bakit ako ginago, at kung ginago ba talaga ako. Basta ang alam ko, masarap mag-emote habang naliligo.

Before mag-3rd year eh umalis si Aveño sa skul namin at nagpaka-marino. His absence made Ilette and I closer for comfort. Ito din yung time na naglayas ako at naging boy ni Mylla -- again another story. Walang official date, walang official na kami na, basta yung mga kilos, yung mga haplos, yung mga halik, yung mga tingin, in fairness alam kong yun na yun, di nga lang mapag-usapan at di rin maharap. Kasi, alam nyang beki ako from the start at alam na alam nya lalo na inlavavo ako ke Aveño. Anong pwesto nya dun sa equation na yun?

Eventually naging friends na lang talaga kami. All's well that ends well. Until now, friends pa rin kami ng lola mo, we still see to it na we see each other once in a while. Kumustahan, update sa mga eksena sa buhay, basta we got each other's back anumang mangyari.

Naayos namin and everything went back to normal. I even had Ex No. 4. Actually ang nililigawan ko nun eh si Phoebe, ang aking S. O. (secret on daw) kasi me bowa shang iba. Nung minsan na me dance sa skulilet, mega buysung akeiwa ng flowers sa Designer's Bloom. Pagdating ko sa auditorium, kumusta naman, kasayaw nya si bowa. Bigla akong na-depress at binigay ko ang bulaklak sa unang babaeng nakita ko -- si Florence.

Si Flo impernes niligawan ko talaga un ng matagal na panahon. Ayaw nya kasi baka daw mahal ko pa si Illette. Hay girl! Kung alam mo lang! Naging kami ni Flo for a day tapos umayaw na sha, kasi daw hindi nya masabing mahal ko talaga sha. Nararamdaman nya raw na me ibang laman ang puso ko. Hmm, women's instinct! Korected by naman sha, maling tao nga lang ang pinagbintangan ng lola mo. Nung magka-baby si Flo dun sa sumunod nyang bowa, ang nasabi na lang nya eh -- "Sayo sana to." Ayun naging nina ako ni Athena, at once ko pa lang sha nakita. Nung binyag six years ago!

Yung last, mejo weird... I call her Lumen kasi kamukha nya si Lumen sa commercial ng surf. Akalain mo yun, college pa lang ako Lumen na sha, hanggang ngayon naglalaba pa rin si Ate. Di na naubusan ng maruming damit ang pamilya nya. Siguro me laundry shop si Lumen.

Anyway, nung college eh me crush akong nilalang. Itago natin sha sa pangalang Cocoy. Si Cocoy eh ginawan ko talaga ng paraan para maging kakilala ko. To the point na di ako papasok ng ROTC para ipahiram sa kanya ang cap, o belt, o combat boots o jacket ko. Pareho kami ng major, pero ibang section sha. Nung 3rd year kami, required ang lahat ng lalaki na sumali sa Mr. Psych kasi kokonti lang ang lalaki. Literally. So excited din naman ang bakla na sumali.

Shempre ang BM... Rarampa na! I was there with my pink stilletos! At akalain mo yun, sa sobrang shortage ng kalalakihan sa batch namin, 1st runner up pa ko. Ikaw na ang mag-rave attire ng trench coat at briefs with black na pakpak at CD sa puson! As expected si Cocoy ang naging Mr. Psych at ang wind beneath his wings: si Lumen.

Studious ang Cocoy, acshuali running for Magna ang lolo mo, di nga lang umabot. Sa library ang fave spot ng lolo mo. Lagi din palang andun si Ms. Psych sa thesis section. Ayun nagka-kodaK moment ang dalawa. Si Lumen, naiwang luhaan at panay bakbak ang kamay kakalaba. That time naman kami nagsimulang mag-textmates. One time eh nakipagkita sa kin ang bilat sa library din, at buong tapang akong tinanong.

"Nanliligaw ka ba sa kin?" sabi ng Mahaderang Labandera.

Ang BN, napa-why not?! "Uhhm, oo."

"Tayo na." with conviction na sagot ng ate mo.

Instant gf itu. Nag-usap pa kami ni Cocoy para wag ko daw saktan si Lumen, mga ganung eklaboo, malay ba naman nya na sha ang itinatangi ng malunggay ko?! Ayun, naging panakip butas ako ni Lumen, ang di nya alam sha naman ang shield ko sa mga dudera sa pagkalulurki ng BN. Dahil mahina ang pundasyon, shempre yung relasyon madaling mag-crumble. Basta nag-break na lang kami after 11 days ata.

Lahat halos ng mga katomboyan ko, ganun lang ang eksena. Nothing lasts kasi obviously di ko sila kayang mapanindigan. Sabi ko nga sa isang barkada ko, kung may makikilala akong babae na masisigurong hindi na ko titingin sa ibang lalaki, at makakaya kong maging faithful sa kanya, bakit hindi?

Sino ba ang ayaw ng normal na buhay? Sino ba ayaw ng masayang pamilya? Sino ba ang ayaw ng mga munting tyanak na tatakbo takbo sa sala at lulundag lundag sa kama? Sino ba ang ayaw ng simpleng buhay?

I've been watching Will and Grace lately, at naloka ko sa plot nung 4th season. Napagkasunduan nila na magkaroon ng baby together! Ganun talaga no? Pag dun lagi nakatutok ang isip mo, lahat ina-associate mo sa sarili mo. This much I can say for now:

I want a baby.

Lahat ng lalaking nilalandi ko, ang tawag ko baby, bhe, bhie, babe. Mga apo ko sa pamangkin, spoiled sa kin. Mga inaanak ko lahat sweet sweetan ako. Pag nakakakita ako ng baklang may anak, naiinggit ako. Pag napapanood ko si Ogie Diaz at Arnel Ignacio naiisip ko na kaya ko rin yung ganun. At nung napanood ko yung episode nina Aiza at Kuya Dick, wala na napangawa na talaga ko sa kwarto ko. Who will be my spare womb? Who will be my backup egg? Kung pwede lang na ako na rin magbuntis at manganak.

Ang tanong: is having a baby the answer?

Sabi nga nung barkada kong guidance counselor, kaya ko bang maging role model sa magiging anak ko? Anong ituturo ko sa kanya?! Ang tamang paraan ng pagkuda? Ang magandang posisyon sa pagbembang? Pano tumawad (at tumuwad) sa isang prospect? Anong magandang buhay ang maibibigay ng isang single na bakla sa isang tyanak?! Anong motto ang maipapamana ko sa junakis ko? Teach a man how to fish and he will bring home a fisherman?!

Pano ba mag-resign sa kabaklaan? Pwede ba yun?! Anu ko col sener agent?! May 30-day period ba yun? Isu-surrender ko lang ba ang Bakla ID ko at magpapa-clearance sa mga Board of Beki? Magpapasa ng cedula at Deed of Sale? In the first place, natatalikuran ba ang kabaklaan?! Sana ang kabaklaan may tatlong lifelines din. 50-50, Ask the Audience at Phone a Friend.

I'm not saying na gusto kong magpaka-tomboy. Just thinking out loud... Hay! Basta ang alam ko, I want to have a baby. I may need a kidney someday... Hihihi.

4.13.2010

Ang Kahalagahan ng Batibot

Ilang linggo nang walang kabuhay-buhay ang katawang lupa ko. As in el nino galore ito. Bitak-bitak na ang pukengkay ko. Ang malunggay ko lagas-lagas na. Ang pechay ko lanta na. And worse, ang cauliflower ko, me tangkay na! Gawsh!

Kakaloka. Ang hirap palang maging speechless. Pag written. Imagine-in mo. Ahhhmmm... Uhhmm... Ahh... Hay! O diba ang hirap. Pero gento talaga eksena ko ngayon. Speechless.. Wordless... Unwritten. Unwriter. Unwordly.. Tulala. Tameme. Eeerr..

Haist! Dry spell na naman. Tagtuyot. Ganyan mismo ang feeling ko nowadays. Kita mo, pati into ko dragging. Parang pinoy movie. Bago magpatayan magtsi-tsikahan muna. Bago mamatay dadayalog muna. Bago mahanap ang diary magde-debut muna sina Mara, Clara at Ula. Bago din matapos ang pelikula, magsasayawan muna ang buong cast at mga back-up dancers sa likod ng mga puno ng niyog o kaya eh sa circle. Tulad din netong blog ko ngayon. Bago ko mai-segwey ang topic eh andami munang kembular at eklavush. Hihihi...

Andami kasing nangyari sa buhay ng bakla at ng buong iskwater since nung huling kwentuhan natin. Ang haggard ditey, sa dinami-dami ng mga kembutang naganap, di ko alam kung maiisulat ko ba lahat. Bear with me guys, alam nyo naman ang baklang maton. Gusto na atang gawin lahat. Nag-aaral na ko habang nagtatrabaho, nag-enrol pa uli sa ibang kurso. Bagong challenge, bagong pasakit. Hehehe.

Basta yung mga susunod na blog eh puro mga drafts na naimbak na sa banga ng karimlan. As in shugality to the nth power na ang mga itu sa aking baul kaya ilalabas ko na. Mahirap na baka mangamoy ang blog ko kakaimbak.

Anyway, kapapanood ko lang recently ng mga kagimbal-gimbal na balita ng tumotodo raw ang paglaganap ng Aida Macaraeg sa mga call boys at call girls nateng kumare sa call centers. Ouchie. Dun ako nagwo-workaloo eh. Eh di laganap na rin sa min ang kakalurking kamandag ni Mareng Aida? Este, knows mo na ba sha? Ayoko shang maging kapitbahay impernes. Si Aling Aida Marasigan, pinsan ni HIVy Violan. Yesterday! AIDS at HIV itu. O di ba shala shalahang me social relevance ang unang salvo ko sa summer.

Napaisip talaga ko ng bonggang bongga. Kasi ba naman nung minsang nag-iinuman kami ng mga timawa at mangmang na canton boys, eh na-brought up tong topic na to.

Nung una, pinagmamalaki nila ang kanilang recent achievement. "Kuya! Factory worker na kami! Nag-apply kami kanina! Minimum to! Minimum! Syet! Ang saya ko Kuya, aplis mejo mataas na sahod kesa pag pumapasada ko sa initan tapos huhulihin pa ng T.R.U." T.R.U. yung mga nang-ju-julie yap daza sa mga kolorum na toda boys. Toda Ronda Unit ata, ahihihi. Proud momma naman ang drama ketch sa canton boys.

Nung mejo mainit-init na ang monay ko sa kwentuhan namin, bigla akong tinanong ng isang kolokoy. "Kuya, me AIDS ka na ba?"

Ay naloka ako! "Huh?"

"Eh di ba sa kol sener ka nagtatrabaho? Eh di baka me AIDS ka na rin? Ganun daw yun di ba, sabi sa TV Patrol."

Mas naloka ako. So ikaw, at yang katabi mong beki na nakikibasa, gudlak teh kasi sa kol sener ka nagtatrabaho, kaya malamang Bb. Aida Gonzales ka na rin. Rumeak ako. "Anu yun, lahat ng nasa kol sener me AIDS?!"

At humirit pa ang gago. "Hindi kuya, mga bakla lang daw!" Biased si kupal. Kalurki.

Humaba pa ng konti ang diskusyon namin. Tapos nagkantahan ng "hush hush" at "buttons" wahahaha! Ang impluwensya ko lang talaga sa mga kabataan. "Balang araw, wala nang lalaking maghihirap. Lahat beki na. Kaya lahat yayaman." BM for President. PTA President. Tsaka Piolo Fans CLub President. Ang ending, ginawan namin ng choreo at production number yung soundtrack ng Glee. Tsaka pala di sila natanggap sa factory hehehe.

Pero nung magsiuwi na ang mga epal na nilalang, napaisip din ako talaga. Bakit nga kaya dumarami ang mga alagad ni Puma Leyar? Sina Aida at Hivy, uso ba talaga sila ngayon kaya ultimo gobyerno at simbahan eh nagkakagulo?

I only see three reasons:

1. Nagtitipid
2. Nagmamayaman
3. Nagmamaganda

Yung mga nagtitipid, shempre mga beki-to-beki ang labanan. Yung mga silantro. Mga bisikleta. Sila-sila nagtitikiman. Wala naman masama dun, kaso minsan kasi sige nang sige mentras libre. Pag ganyan kasi, pag bet mo at bet ka, maya-maya eh nagbe-betlugan na. Talamak din ang Orgina Wilson (orgy) sa mga beki. Been there, done that, nung mejo bata pa at daring pa ang bakla.

Super prone talaga sa Aida Lopez pag gento kasi uso ang tren-trenan sa ganyan. Si kuya nakakabit sa isa pang kuya, habang me naka-extension din sa kanya na isa pang kuya, at mega c5 road din yung isa pa sa kanya. Parang mga oktopus na walo ang galamay, kelangan lahat ng putahe matikman at lahat ng etits mahawakan. Kasi pag ganyan, wala kayong pag-uusapan na presyo. Pag ayaw sa yo, dededmahin ka lang. Pag gusto naman, walang Ninoy na iiyak. Ibon mo lang ang may layang lumipad.

Kumusta naman ateh, spell bath house?! Minsan nga talo-talo na di ba, nasa CR ng sinehan sa Mega at sa Rob Manila. Kating-kati lang talaga ang mga hitad ayaw man lang mag-motmot or kahit shupartelle lang na 150 per kiyeme.

Yung mga nagmamayaman naman. Susmio, sa kapal ng wallet eh kering keri mamingwit ng lalake. Di na nga pamingwit ang gamit, net na talaga ang labanan. Lahat ng SPA at massage parlor, basta me lalaki, papasukin. Kahit walang sakit sa katawan, basta lang makapaglandi at makapagkamot ng hadhad dulot ng landi, hala sige bilhin mo na lahat ng masahistang lalaki. Ultimo mga blogsite na boytoy charot at boys for hire na chorvam, suki bili na.

Eto naman yung mga ken apord. Pag tinanong mo ng "why?" ang sagot eh "Because I can!" Shempre kahit parang tapang taal na ang balat mo, basta me pera ka eh winner pa rin sa public service ang masseur mo. Lahat hihimurin. Ultimo singit ng singit mo, at kung me singit pa uli yun, malamang eh gagalugarin talaga ng tonsil ng pobreng masahista. Kahit amoy neptalina at efficascent oil ka na ning, basta me pantapal kang anda mayor -- kwarta -- walang pag-iimbot at buong ningning kang serserbisan ng hombre.

Pansin ko pa, lahat ng nagmasahe sa kin eh 2 weeks pa lang daw dun sa spa, pero kung humagod kala mo albularyo. Eh ang tanong, yung mga "new hires" na yun na 2 weeks pa lang daw, malamang eh 2 years na talaga. Baka nga 12 years pa eh. Ilang beki na ang nagpakasasa sa shutawan nun? Ilang kalabasa na ang nilamas nun? Ilang hantik na ang nilapirot nun? Hay... Ayoko nang bilangin.

Kami nga nung isang ate ko sa landi, we agreed never to go to such places again. Kasi, hahayaan na namin sa mga kapatid nating Thunder cats (ma-jonda) at Aglipay (ma-kyonget) ang mga spa. Kami naman eh ume-experience lang. Tsaka me angkin pa naman kaming asim at katas, di na kelangang dumayo pa dun para lang mapitas.

Pero di ba kung magmamayaman ka talaga, mas maganda eh maghanap ka na lang ng super duper gwapong bowa, pag-aralin mo, palamunin mo at tutukan mo ng kutsilyo. Ahehe ng atensyon pala. Eh di ganun din ang gastos, aplis kung isa lang, safe ka. Me constant bowa ka pa. Lunurin mo sa utang na loob. Malay mo di na makaahon, or magka-debelopan kayo eh di winerva ka. Less risk, more benefits. Make sure lang na me 13th month, sss at philhealth ang jowa. Wag mo nang bigyan ng kontribusyon sa Pag-Ibig, I'm sure sapat na yung pag-ibig na nasa puso ng bakla para makapag-loan sha ng pabahay.

Panghuli eh yung nagmamaganda. Ning ang ganda minsan iniiwan sa bahay. Wag mashadong katimora. Wag pairalin ang pagka-katya. Ang kati remedyuhan na lang ng canesten o kaya eh trosyd. Wag laging ipakamot sa iba. Baka sa huli, imbis na kamot eh ngalngal ang abutin. Ang GL Card -- Ganda Lang -- eh kering gamitin kung kilala ang paggagamitan. Kung kyombay lang na hindi mo kilala, ning wag magmadali. Pwede namang mag-getting to know portion muna bago ang kembang di ba?

Mabuti pang ma-julie vega ka ng maderraka mong nagba-batibot kesa mapanood ka nya sa Imbestigador kasi na-raid na naman ang pinuntahan mong gay bar o bath house. Lalo nang mas haggard kung mapanood ka ng lahat sa Profiles bilang mukha ng makabagong Aida. Ay di ko keri!!!

Sa huli, abstinence, fidelity at self-presevation pa rin ang bet kong unahin. Kita mo na lang ang song ng Batibot, ine-encourage pa yung kembot mo na tumayo: tayo na, tayo na.

Pagmulat ng mata, langit nakatawa. Sa batibot, Sa batibot
Tayo nang magpunta, tuklasin sa batibot... Ang tuwa, ang saya

Doon sa batibot tayo na, tayo na
Mga bata sa batibot maliksi, masigla. (2x)


Buti nang ngalay ang kamay, kesa sira ang buhay.

9.02.2009

Unmasking

Sa isang cheap-anggang Motelya sa Sta. Cruz, Maynila. Naganap ang pagsasanib ng mga pwersa ng shotawan ng magkatipang Bibiana at Ambo, kapwa criminology students sa PCCR. Ang isang chukchakan na inakala nilang simbolo ng kanilang pagmamahalan ang siyang babago pala sa kanilang mga buhay, sa kapalaran ng mundo, at ng sanlibutan.

Nagpaligsahan ang mga tyanak.. Sino kaya ang magwawagi? Sino ang pinakamabilis mag-fly? Sino ang pinakatodo ang pagrampa sa runway? May isang kadete na naka-tiara at tutu, sya ang pinaka-winner kasi sya ang nauna. Pumasok sa itlog, at ang pagsasanib na ito ay nabuo upang mabuo ang isang baklitang hihiranging tagapagpaligaya sa mga nalulumbay na boylet. Sige na nga, pati mga lonely na gelay (as friends lang ha).

November 19, 1981. Isang bakla na naman ang na-conceive by the power of Grayskull, and she would be the Most Maton of them all.

Nine months after, the baby was born. August 19, 1982. Matapos ang matinding pagpapahirap sa pwerta ni Bibiana ay kinailangang biyakin ang kanyang tyanenat para lang makuha ang baby bayot sa sinapupunan nya. Ewan ko ba, lumalaban ata dahil takot sa liwanag ang bata. Pero nang ilabas sha ay walang kasinglakas ang kanyang pag-uha. May gus2ng patunayan! May ibubuga!

Natupad ang pangarap ni Ambo na magkaroon ng baby boy. Yun ang akala nya! Natupad rin ang pangarap nyang maging pulis pangkalawakan. Classmate nya si Alexis sa Academy. Sa una ay okay ang kembutan ng mag-asawa kasama ang kanilang unica baby dela ganda.

Subalit datapwat ngunit (gasgas na toh) Revised edition: But, however, although, yet, nevertheless, maraming struggles na dumaan sa kanilang mag-ina.

Namangka si Ambo sa sangkatutak na ilog, dahilan para habulin sha ng itak ni Bibiana. Dahilan para tuluyan na silang mag-move on sa kani-kanilang buhay at magkantahan ng separate lives.

Likas ding mahina ang katawan ng sanggol dahil ipinanganak itong may asthma. Kaya mega walkathon ang drama ng mag-ina every madaling araw para maclear ang lungs ng bagets at makahinga itech ng maayos. Kahit minsan ay nilalait sha ng ibang maderraka kc binibilad nya sa hamog ang beybi nya, keri ba nila eh yun ang kailangan ng bata, mga gaga!

Tsaka itung si baby dela ganda eh matulis din ang nguso, namana kay Ambo. Ang Bibiana ayaw ata ng alaala ni Ambo, pinilit i-therapy mag-isa ang nguso ng beybi, pinisil-pisil hanggang mawala na ang traces ng pagka-matutina.

Ilang beses naospital ang bata kaya laging hirap sa datung ang mag-ina. Lagi din silang nakikiamot ng anda sa stranged husband nya na walang ginawa kundi mambabae at humithit ng katol. Hanggang sa di na sha nakatiis. Si Bibiana, ewan kung bakit pero naki-chorvah sa isang kasamahan sa presinto ni Ambo! Siguro ay way nya itech para makapag-revenge of the fallen sha sa dating asawa. At naging dyowa na nga niya si SP01 Estrella.

Lumipas ang kumakandirit na mga taon, ang baby dela ganda ay lumaki at nagmaganda sa iskwater. Naging pasimuno sa mga rally ng mga bata na ayaw pumasok sa HE kasi terror ang teacher, Nagpasimula ng panukala na kung matapang ka eh makakatalon ka from the bubong to the lupa. Nagtatag ng samahan na ang tanging goal ay mag-tikol ng sabay sabay. At nanguna sa pag-akyat sa pader para makapanood ng bold ang gang.

Pero nung mga taym na yun, ang bakla ay lalaki pa. Nagka-bowa, nangarap ng jackpot na gelpren (ewww) at nagpantasya kay Joyce Jimenez at Priscilla Almeda.

Eh kaso, natutong lumandi. Dahil sa isang swimming kasama ang mga mag-aaral ng Manila High School na puro lulurki ang kasama, na-arouse ang hasang ng tilapia within. Kasi ba naman, ang magkakaibigan, me laro na sisisid sa ilalim ng tubig at saka doon maglalaplapan! Kaya ang tilapia, nakipaghalikan na rin sa kanyang kapwa. At mula noon, natutong magpantasya kina Gabby, Aga, Gardo at Cesar. Feeling pa nya ay sha si Kuya Dick sa Okidok lalo na sa pagtatago ng feelings sa crush nyang mhen sa classroom.

Disi-seis nang matanggap ng binatilyo dela ganda, na dalagita pala sha. At mula noon ay di na nagpaawat sa pagmamaganda.

Rumampa sa Malate, nakipagsiksikan sa mga bar, nag-aral minsan, at nainluv. Nainluv ng paulit-ulit. Pero katawan lang nya ang habol nila. Eh mapagbigay ang bakla, kaya binigay naman ang katawan sa gustong tumikim. Bakit ba! Generous eh!

Makalipas ang dalawampu't pitong taon, ngayon ay isa nang ganap na dalaga ang dati'y hikain at patpating sanggol. Hikain pa rin sha, pero me pambili na ng inhaler. Hehehe!

Sa inyong lahat na nakakakilala, salamat sa isang buhay na makabuluhan. 27 years and counting!


At sa inyong mga hindi nakakakilala, halika... Tanggalin natin ang maskara.

7.13.2009

Si Tondeng...

I have a confession... di talaga ako ang oiginal na Baklang Maton dito sa iskwater. Meron pang mas nauna sa kin.

Si Tondeng.

Pangalan pa lang siga na ang dating divine divah?

Kwela yang si Tondeng. Pag nakikita ko sha nung bata pa lang ako, tawa ko ng tawa sa mga hirit nya. Mga pang-asar nya talagang nakakapikon lalo na kung sayo nakatuon ang atensyon nya. Pati nga ako pag hinihiritan ni Tondeng windang talaga koh... Eh Lilet pa lang akez non..

Dahil Lilet pa lang akeiwa, shempre nasa kasulok-sulukan ako ng Narnia. Naka padl0ck talaga yung aparador, sumiksik pa ko dun sa drawer. Ganun akengkay katago sa closetta. Tapos ang balita bukas ngayon nya ibo-brodkast!!

"Sus, laro ka ng laro ng holen gus2 mo namang laruin yung holen ni Totong sa loob ng brip." O kaya naman eh, "Oi neng, magbra ka pinamumukulan ka na oh... ng pigsa sa noo! Bra-han mo noo mo!" at ang pinaka-nakakaloka talaga eh nung kasama ko ang paderrakka kong miyembro ng pulis pangkalawakan sa QC district:

"Hoy bakla! Oo ikaw! Ayaw pang lumingon eh. Ready na yung gown mo para sa pageant mamya. Ako bahala sa mukap mo. Penge ng singkwenta bili kita ng funda. Ano ngang talent mo ulet? Pandanggo sa bubog? Panalo yon!" sabay tawa ng nakakaloko at jojosok sa haus nila na parang wala shang sinirang kinabukasan.

Notorious din si Tondeng dito sa mga tindahan. Kasi naorkot na yung mga tindera sa ginawa nya dun sa bakery sa kanto. Me 500 na buo si bakla, tsaka 19.75 na variables. Eh bente yung grocery showcase na balak nya buy kaya sabi ng bakla "Balic-Balic Quiapo na lang akei laterz givsung ketch yung 0.25 sentimos para wit na maging variables yung 500 nyesosesoses ketch."

"Ay Tondeng, wichiririt pwede yung ganun-chi. Kasi magwawarlaloo si Aling Cristy (me ari nung jeykeri) Later ka na lang buysung kuha ka ng barya, or kung bet mo, akina yung ninoy chorbam mo susuklian kita ng bonggang bongga." dialogue ng thunders na thindera.

Nairita ang jokla. Kasi ba naman 0.25 sentavos nagiin-ar-ar pa si Ateng Panadera. Ayun nag-joway na silang duwa, tapos mega sigawan na, at nung huli eh binasag ni Tondeng yung salamin nung istante sa jeykeri. Loss talaga ang lola mesh na panadera kasi gigil-galit-poot-ngitngit-angas to da maxxxx si Ate Tondeng. Ang ending, nabili nya yung bente pesos na tinapay gamit ang kanyang 19.75 na variables. At nagmulta sha ng 200 para sa nabasag na salamin. O diba tipid si bakla?

Pag krombay din sya sa iskwateriffic eh mega okray yan sa mga dumadaan at ibebenta nya yung mga lulurki na naka-krombay din. Pag bilat yung dadaan eh eeksena sha ng "Oi ate, sabi nito ang laki raw ng dyoga mo oh! Palamas daw!" sabay tawa na mala-bella flores. O kaya naman pag ombre yung walking galore sa harap nya eh kakalabitin nya naman ito at ispluk ng "Kuya, chupain ka daw netoh oh!" sabay turo sa isa pang krombay, o kaya naman eh "Kuya showing na planet of the apes, ang galing mo daw dun sabi netoh oh!" sabay turo ulit sa isang tambay-salakay.

Ilang beses nagkaron ng away dahil sa kanya. Pero lahat ng yun, di sha kasali. Nung minsan na mapasali sha, nakipagbasagan talaga sha ng mukha dun sa lalaki. At take note, kawawa yung kasuntukan nya.

Yung family nya pa eh puro babae. Yung mga younger sisters nya, lahat eh maganda talaga. At mahal na mahal ng tatay nila. Yung nanay naman nya eh nawala ng maaga dahil sa kanser. Moreso, Jehovah's Witness ang religion ng familia zaragoza, kaya higpit-higpitan si fudra. At, ayaw ni fudra sa bakla. Di ko ganong sure, pero parang battered child si Tondeng. Kaya nung tumanda eh natutong lumaban.

Sa tatay nya. Sa lipunan. Sa tadhana. Sa buhay.

Indeed. Sha nga ang orig na Baklang Maton.

Pero, pero, pero... As expected nalihis sha ng landas. Parang si Magdalena yan eh, gay version. Wiririt naman sha naging prostitute o kaya eh GRO. Dun sa easy money. Drugs. Naging pusher si Tondeng. He got involved too deep dun sa sindikato, hanggang sa hindi na sha nakatira talaga ditey. Palitaw na lang ang eksena nya, basta lagi shang haggard looking, at parang nagpapalamig lang. Tapos aalis na sha uli, balik na sa dating gawi.

Nung huling umalis sha, di na sha bumalik. Ilang buwan yun na tahimik ang iskwater. Ilang buwan na walang nag-aaway. Ilang buwan na payapa ang magdamag. Then a shocking news came.

Patay na si Tondeng.

Napatay sha sa tinutuluyan nya sa Fairview habang may karga-kargang bata. Short-range yung baril. Tutok na tutok sa noo. May silencer pa. Nalaman na lang ng mga kapitbahay nung umiyak ng todo yung bata. Kaso hindi alam ng mga kapitbahay kung saan talaga nakatira si Tondeng. Kaya hindi nasabihan ang pamilya nya.

Ilang buwan sa morge si Tondeng. Walang nagke-claim kasi walang nakakakilala. Kumalat sa Fairview yung istorya nya, nakarating sa isang kapitbahay namin at binanggit dito sa iskwater namin. Almost one year na shang di umuuwi nun. Nung nalaman ng pamilya nya, naglibot sila sa mga morge ng ilang linggo para lang mahanap sha. Finally, after a month, nakuha nila si Tondeng at inuwi sha sa iskwater. Kung san sha nararapat umuwi. At kung san may mga taong nagmamahal sa kanya kahit inookray nya. Kasama na ko don.

Tondeng is gone. Wala na ang original na Baklang Maton sa iskwater. Pumalit man ako, alam ko kung and2 si Tondeng, mas maton yun sa kin. Baka anghel ng lansangan ang role kez ngayon.

We all hear stories like this. Sa maalaala mo kaya, sa mga indie films, sa mga drama-dramahang nobela. Pero we all know that these things happen, and they happen for a reason. Anong reason bakit nangyari toh kay Tondeng? Wit ko alam. At wit ko na rin siguro malalaman.

Pero sana, kung may ibang Tondeng pang nag-eexist sa ibang iskwater jan, sana happy ending naman.

7.04.2009

Umiiyak... Umiindak!


kumusta naman ang pananahimik ng mga bituin sa langit?! grabe akala ko magiging napaka-kulay ng buhay ko nowadays dahil sa nangyayari sa kin ditu sa iskwaterific... aba naman sunday pa lang baliwag na ko uli! anyway recap muna... anu ba highlights ng linggo ko? hmmm... gus2 ko mala-dear diary yung entry ko today...

naalala nyo pa ba itu?


dear diary,
carlo sat beside me today! he's so cute! sabi nya, im pretty! kaya lang... im fat... i eat too much kc eh. mula ngaun, gudbye chocolates! goodbye ice cream! good bye hotdogs! hmm again again again... good bye carlo!!!

este cno c CARLO?! tsaka kelan pa ko naging c chantal?! hmm... ang hirap maging baliwag. baliwag sa pag-ibig... ni Lord... ahehehe! akala ko inlavabo na ko uli... indi pa naman pala!

in fairness ang gulo ng entry ko ha. walang focus... okay simulan ang focus...

nainlababo na talaga ko and im serious this time. conscious decision itu! na mainlavabo na uli... kc im missing the cute feeling pag inlavabo... ung mega hintay ka sa message. mega abang ka sa mga ipo-post nya sa frendster at facebook... ung mag-hope na bigla na lang sha susulpot sa footsteps ng porch ng house mo (porch daw oh!) na me bitbit na isang bungkos ng roses... dahil napagkamalan nyang puntod ng lola nya ang bahay nyo...

anu ba talaga kuya? gusto ko maranasan ung feeling ng inlavabo, oh gus2 ko ng feeling na umaasa sa wala?! at nangangarap ng gising?! at nagwi-wish sa wishbone at solitaryo? malabo naman mga wini-wish ko eh...

pero basta... im falling for you na... finally my heart gave in... na naman! for the nth time! davah naman di na ko nadala?! pero since alam kong kembot lang ang mangyayari, e di go na mangarap na... ng gising!

isa lang ang malinaw. in love ako. posibleng masaktan ako. at posible ding for once eh sumaya naman ako. ewan ko. basta ang alam ko, never pa Nya ako pinabayaang masaktan ng todo. so go lng ng go! pag nasaktan, iyak! pag sumaya, umindak!

life must go on... ngaun mejo buang pa ko kc fresh pa... next week pwamis iba na crush ko... ahihihi...

6.23.2009

Pangarap Kong Ikaw

Lahat tayo ay may dreams kemerlou na pinapangarap nung bata pa tayey. Kasabay ng pangangarap natin na maging bowa si Shaider at makita sa malapitan ang panty ni Amy. Kasabay ng dreamalou na makapulot ng bato ni Narda at sumigaw ng "Bading! Ang bato! Darna!" At shempre kasabay ng pangarap na maka-date si Papa Piolo.

Nung julilit pa lang aketch at di pa kami nakakalipat sa camella homes, gusto kong maging powerful. As in "For the Honor of Gayskull, I am Shera!" na level ng power. Acshuali, wiz ko talaga knowing kung anech ba gusto kong maging nung bata. Basta dapat malaki ang sahod. Keribells na ung ibang paktor, basta bembang na yung work.

Pero na-iba ang ihip ng kapalaran ng matuklasan ng Baklang Maton na isa pala akong beki in the making, sa totoo lang eh napunta sa iba ang focus ng badesa. Iisa lang ang naging puntirya ng badet:

PAG-IBIG.

Naka naman! Parang telenovela kung umarte si bakla. Feeling babae. Eh, gus2 ko lang ng bowa na pwede kong mabembang ng libre hehehe. Tsaka yung makaka-share ko pag emo mode ako. Pati yung makaka liptulelang ko gabi-gabi, at magpapawindang sa sistema ko ng bonggang bongga. At yung guy na magpapatulala sakin at magpapa-kuribdib ng heartbeat ko. Tunog pa lang ng paa, excited na agad ang beklush.

So far, huh... so far eh di pa ko nagtatagumpay! Haggard kaya, anumpecha pa ko naghahanap eh wai pa rin nagiging bunga ang aking sipag at tyaga... Mas walang epek yung kalandian ketch, pati yung mala-Dyosa kong katawan, at lalong di rin nakadagdag sa ganda points ko yung "substance" ko. Sabi kasi ng isang friend ko, puro daw ako substance.

Eh sus mio naman, lahat na ng abilidad itinodo ko na, loss pa rin! Lahat na ng kaharutan, ni-level up ko na, with matching pangkulot, pang-spa at pangmanikyur wichiririt talaga. Kinabisado ko na yung mga linya sa mga pocketbook ni Rose Tan, bokya, alaws, olats.

Enter Ate Bituin: "Kung aketch na lang saney ang iyung chinorvah, di ka na muling magka-cryola..." Kasi naman di ko magets why akeiwa nalalaglagan ng soen at triumph sa mga tipikal na lulurki? Bakit dili ko ma-finders keepers ang mga hunkaloo na nasa nobela? Mga bida na hunk na, kakaiba pa. Yung native ang pangalan, like Protacio, Prudencio, Makisig, Rigor, Rogaciano... Yung kakaiba ang workmanship: embalsamador, piyon, piloto, magbobote, alahero, o kaya panadero para magdamagan kaming maglalamasan ng tinapay.

Pede rin na junakis ng isang rich and fowerpul, de-kotse, keri magtransform sa gabi, me breeding, ibang lahi, blue-green ang mata -- as in blue yung right, green yung left. Napapakanta na rin tuloy akeiwa ng "Dont wanna wake up alone anymore, still believin you'll walk through my door. And I'll giiiiivvvee... ol di lab in da wold!"

E kaso super tipikal ng mga natataypan ketch. Maliit, mayabang, mahilig sa pizza, pag me libreng kembot eh kekembot. Usually yung mga karir ko eh sasama agad sa puke basta libre. Tipikal na, oportunista pa. Although I like yung feelingera ka pag inlove. Ang bilis ko pa naman ma-fall, maluwag kasi mga garter ng panties ko kaya madaling malaglag.

Flashback ako exactly one year ago. Ishoshogo ko sha sa pangalang "Bhe". Si Bhe eh naka-close ko dahil sa pagka-taratitat ko. Minsan kasi eh sinapian ako ng malanding maligno, kaya nilandi ko sha ng walang humpay. Naging barkada ko, at umabot pa kami sa point na niligawan ko na ata si Kuya.

Magkasabay kami lagi umuwi, magka-txt araw araw except pag borlogs kami, pag nasa ofis naman eh magka-chat pa rin ang mga lolo mo, sabay kami kumain at pareho kami ng kinakain. Pero magkaharap lang kami sa table indi magkatabi. "upong getting-to-know-you" muna neks taym na yung "upong magsyota".

Nung bday nya, binigyan ko sha ng ref keyk (kala ko dati sosyal to, susme graham lang pala!) Nung pauwi na kami ni Bhe, sa bus, ni-rank namin ung mga gift na natanggap nya. Panagtlo lang daw yung galing sa kin! Pokiams na toh. Eh me umakyat na manong me dalang isang bouquet ng flowers. Kinabukasan, me flowers na sha sa station. Ligaw-intsik ang bakla!

Oh ayan kilala nyo na yung ineeksenahan ko sa picture.. Itu oh!

Di pa naman ako marunong manghuli ng moment. Karaniwan ginagawa kong punchline, imbis na touching nagiging balahura tuloy yung moment. Nung minsan nasa jeep kami, me nagtxt sa kanya ng "iloveu" nagreply ba naman ng "iloveutoo" eh agent nya lang yun. Sabi ko "bakit sa kanila nag-iloveu ka, sakin never?" Nagtxt nga rin ako ng iloveu.

"Bakit pa ko magtetxt eh katabi naman kita? I love you too!" sabay blush ang gwapo.

Ateng, sa ganitong panahon dapat nag-moment na ko. Dapat me umikot ng camera sa min at naghalikan na kami diba? Wirit! Tumawa ko ng malakas at kiniliti ko sha! After five minutes ko na na-realize na wrong move pala ito. Tangang bakla, lumipas na yung kahit isang saglit segment ko.

Ending namin? Sinama ko sa Baklaran at nagpaalam kami sa isat isa habang unti unting nauupos ang kandilang simbolo ng aming pag-ibig. Sinabayan ko ng iyak ang kandila.

Sa ngayun nakaka-fourteen na ko ng kinainlaban at wiririt nag-shogumpay. Eh sabi ng friend ko hanggang fifteen lang daw. Pag pang-fifteen mo na dapat maging forever and ever na kasi pag di ka raw nakahanap ng soulmate mesh in 15 tries, magiging calypso ka na: tatanda kang mag-isa. Ewan bakit 15 lang, Bakit hindi 15000. Imagine, 8 bilyon ang population ng earth, napakaliit na percentage. Pero 15 lang daw talaga. Wag na kumeber!

Isa na lang ako. Or pwedeng yung ngayon eh sha na yun. E pano kung lumagpas ako sa limit? Pano kung di ko sha mahanap? Pano lalo kung mahanap ko nga sha, pero sha naman ang naghahanap ng iba? Lahat daw ng palayok eh me katapat na takip. Pano kung kawali pala ko? Di walang takip! Goodluck!

Lately, nagyoyosi na ko. Lately napapahithit ako kasi lagi akong kabado. Kaya mas gus2 ko ng walang boylet eh! Kasi di ako mag-iinarte, di ako mag-aasal babae, di ako made-depress. Kaso nga andaming lalake!!! Ang dami, dami, dami nila.

Ah basta! Stay put lang aketchi, waiting for tonight sa itinakda ng langit para sa kin. Magpapaka-busy sa work, mag-aaral pag Saburdey, mag-eenjoy sa balay with the canton boys. Maiiyak. Matatawa. Malalasing. Basta, magiging ako uli ako.

"Hindi sa tala sa langit
kundi sa buwang nakasilip.
Ibigay ang hiling
ng matang nakapikit."

See you soon Mr. Number Fifteen!

6.15.2009

Ace of Hearts

May na-meet akong magikero. Sabi nya, sundan ko lang daw kung nasaan ang Ace of Hearts and I'll win a prize. Sabi pa nya, "just pick one"... inglisero ang magikero!

"It doesn't matter kung sino, ang pinakaimportante, follow the heart. Follow your heart."

Hinalo-halo nya yung mga cards. Hinilo-hilo, pinaikot-ikot, tinumbling-tumbling at binembang-bembang.

"Just follow the heart, hijo. Your heart."

Sinundan ko ng tingin ang mga cards. Sa kaliwa, sa kanan, sa gitna, sa gilid, sa taas, sa baba. Hanggang makuntento si Manong Magikero at tumingin sa kin. "Where's the heart?"

Nahulaan ko kung nasaan ang heart. Siguro dahil promil kid akez, at dahil mahilig ako sa sakla (kasi ako ay isang bakla -- para rhyme!) Baka dahil isa akong batang may laban.. Posible ring dahil nagsasagutan kami ni Mader Hen ng kanta:

"Look at me, Mom"
"You're my number one"
"Bright as the sun..."
"You're my number one"

Pero ang punto, alam ko kung nasaan ang puso.

Alam ko kung nasaan ang puso ko.