Showing posts with label prayers. Show all posts
Showing posts with label prayers. Show all posts

4.08.2011

Heart

It was a windy sunday afternoon at San Pedro Laguna... I was driving then together with the Rodriguez family were on our way to visit Chrizi at the hospital who just by the way gave birth to a healthy baby boy.. when all of a sudden i felt a chest pain as if someone was squeezing my heart... my sweats were cold ...

while everybody was discussing where to have lunch the pressure was building inside me... from the stomach to my head like an inflating balloon... it was settled then that we were to have lunch at Pizza Hut so i park the van near a plant box... i threw-up just to alleviate the pressure... after 30 minutes... when the pain was already unbearable, i decided to go to a nearby hospital...

At the ER ... the attending physician couldn't tell whats wrong with me... my Vital signs were normal... BP was normal ... the ECG results were normal too... until they've took blood samples and the results came back Positive... Yes, i had an Acute Coronary Syndrome which leads to Myocardial Infraction...

Heart attack at the age of 34... the ER physician decided then that i should be on Intensive Care Unit ( ICU ) so that they could monitor my condition... I was in ICU for 3 days ... no windows ... no visitors allowed ... no gadgets inside to play with... it was pretty boring... then after ICU another 3 days in a private room and all i can eat were hospital food ... yuck!

Now... i'm staying with my Mom, My wife and 2 kids and my 2 brothers here at Pacita ... still under meds... =)



3.20.2011

Huling Habilin

Di ba nabanggit ko last time na may kwento ako uli about sa lamay? Eto na po mga bakla! Baka sabihin nyo naman eh waley akong isang salita. Ahahaha, wala nga! Sabi ko "mamaya"... Kumusta naman ang mamaya ko davah?! Pwede na yan! Choosy ka pa!

12.21.2010

Upside Down

Ako ay nagbalik... at muli kang nasilayan! Parang ibong sabik sa isang pugad...

May nagbalik sa buhay ng maton. Pero umalis na uli sha ng tuluyan...

Simula ng mawala ng tuluyan si Budwire sa buhay ko, pinutol ko na rin lahat ng communication namin. Nag-iba ako ng number pero di ko naman binura ang number nya sa phone ko. Di ko rin sha binura sa friend's list ko, kc madalang naman sha mag-open sa FB. Duda nga ako kung kabisado nya yung password.

Pero may koneksyon pa rin kami. Yung pinsan nyang pinustahan ko na beki, friend ko pa rin sa fezbukelya. At minsan eh nagkaka-chat kami. Nakaka-tumbling naman si Kuya kasi ang wish nya raw eh maging kami, tumira sha sa hauslaloo ko, at magsama kami na parang sina Piolo at Yul. Ay wit! Pero dahil ditey ke cuzin kembot, nakuha ni Daduds ang bagong number ko.

Nagtext sya sa kin isang araw, magkita daw kami. Miss na daw nya ko. Dito na raw sha sa Manila uli, iiwan na nya ang farmville nila sa Quezon. Magkaka-work na daw sha. Gusto lang daw nya kong makita. November 29 yun nung nagtext sha, exactly a year ago nung naging kami. This would've been our first anniversary.

Curious din ako bakit nagbabalik si Daduds. Kaya naman nagpaunlak (naks, parang tagalog pocketbook!) ako sa kanyang paanyaya. Sabi ko, gora! 7pm daw ang arrival ng flight nya from Recto Station. So mega waiting for alas-syete naman ang beki. Eh sanay na rin ako sa eksena nya, kaya nung mga 9pm na waley na toh.

Biglang tumawag yung common frend namin ni Waldo, si Caipanget. Remember Waldo? My inevitable guy? Me mabigat na dalahin daw si Baby Waldo ko, and true enough nung kausapin ko sa phone ang lolo mo eh hinagpis na hinagpis kamo sa pag-eemote. I had to be there. Kaya sugod ang bakla sa Taguig, the land of buffets.

Literal, nakasalubogn ko si Daduds na naglalakad patungong Iskwala Lumpur. Ubos na pala load ng lolo mo, kaya wit na nakakatext sa akeiwa. Torn between two lovers daw ako bigla. Kasi nga to the rescue na sana ako ke Waldo. Eh kawawa naman lolo mo, galing pa ata sa bukid. So balik ang eksena ko sa Tore at nag-magic ng kung anik anik na fudang at refreshments kembular. In layman's term, pancit canton at RC Cola ahehehe...

Ang gwapo nya ngayun. Payat, pero gwapo! At di na sha mukhang magsasaka impernes. Di ko nga mapigilan eh, nagpakababae ako habang nagki-kiss kami uli. Nakaupo sha sa gilid ng kama habang nakakandong ako at nagpapalitan kami ng ngala-ngala at lalamunan. Ganun pa rin si Daduds, kung humalik eh makakalimutan mo talaga kung sino nanay mo.

Hay ning, kung naghihintay ka ng bloopers, pak! Wala shang baon! Tinatanong nya lang lagi kung masaya ba ko na nakita ko sha uli. Isang pa-gurl na sagot lang ang kaya kong isagot: smack sa lips.

Sinabi ko rin na tore ni Totong ang tinitirhan ko. May paselos effect ng konti, kinuwento ko ang past life namin ni Pa, kung bakit ako umalis dati ng Iskwater, at kung bakit at kelan ako bumalik. Nakita nya rin yung infamous piktyur ko na me boobing at cleavage ang bakla. Natatawa ko sa reaksyon ng lolo mo. "Pag nakasalubong kita, baka akala ko naglalako ka ng papaya!" Papaya talaga?!

Pati si Totong pinagtripan. "Naku pano pag biglang pumasok yun tapos nakakandong ka sa kin. Ihahagis kita sa sahig. 'Boss! Boy lang ako dito!' O kaya 'Delivery boy lang po ako. Sige po alis na ko.' Saka ako tatakbo pauwi."

Nun ding pababa na kami ng hagdan, pinapauna nya kong bumaba. Kasi pag bigla raw dumating si Totong, itutulak nya ko palayo. "Dumadalaw lang po, Boss. Kaibigan ko lang po yan."

Kako "Eh pano pag naabutan nya tayong naghahalikan?"

"Ay hindi po, halik lolo lang po yun. Sa noo lang po yun Boss." Sabay hagikhik na parang sinasapian ng heartrob na dwende. Baka daw kasi pagulungin sha sa hagdan o kaya eh di na sha makalabas ng buhay sa Iskwater.

Aaminin ko, kinikilig ako. Kilig na kilig ako. At as usual, nanamnamin ko lang ang kilig na liglig at umaapaw.

Pero di ko talaga pwedeng balewalain ang tawag ng naghihinagpis kong irog sa Malibay, kaya di na nagtagal si Budwire sa hauslaloo. Habang naglalakad kami papunta sa sakayan me nakalimutan ako sa tore kaya balik na naman kami. Me theory ang gwapo na di ko magawang i-deny. "Dinidisplay ako ni Daduds, langya." Andami kasing beki sa kanto namin.

Habang byahe, kini-kiss ko pa rin sha sa jeep. Holding hands pa kami na parang dalawang magsyotang jejemon. Tinanong ko ang lolo mo, bakit yung normal na mga nilalandi ko eh nahihiya na makita ng ibang tao na hinahalikan ko, pero sha eh ok lang. "Kasi love kita Daduds." Nag-blush yung katabi naming Manong. Hihihi.

Tinanong ko rin sha kung asan na ang asawa nya, o girlfriend kaya. Ilan na ba talaga ang anak nya, mga tanong na dati ko pang iniisip. Ang sagot lang nya eh "Wala pa ko nun. Wala ka talagang tiwala sa kin noh?" Tapos tinanong ko sha kung may syota ba shang bading. "Meron dati, isa." Aha! "Ikaw. Kaso dati pa yun eh. Nag-move on ka na." Ako naman ang nag-blush.

Naghiwalay kami sa Cubao, at nagpabaon pa sha ng sanlaksang garutay na pakiramdam sa kalamnan ko. Kasi nung pasakay na ko ng bus at nasa hagdan na ko, hinila nya yung kamay ko, at saka ako hinalikan. "Ingat." Ayun, lutang na lutang ako hanggang FTI.

Nakarating naman ako kay Waldo, mejo humupa na nga lang ang mga hinaing ng lolo mo, at nagyaya na lang sila na mag-mamam ng redhorse.

A week after, bumalik si Daduds sa tore. We slept together, konting inuman, konting landian at konting harutan. Finally eh nalaman ko kung bakit sha bumalik. Hindi para mangutang, hindi para manghingi ng kakanin. Kundi para magpaalam. Habang kinukwento ni Daduds ang mga balak nya, naiyak na lang ako, at the same time eh na-touch na di nya ko nakakalimutan.

Nasa hukay na ang isang paa ni Daduds. 6 months, maybe a year. Kung suswertehin, posibleng umabot ng dalawang taon hanggang lima, o baka higit pa. Kailangan lang na matuto shang lumaban. Bawal sumuko. Pag nagsimula na sha ng training, wala ng atrasan yun.

"Mami-miss kita. SOBRA." Limang beses namin sinabi sa isa't isa ang mga katagang yun. Sa buong buhay ko, eto yung isa sa bihirang pagkakataon na sincere ako sa sinabi ko. At totoong nalungkot ako sa maaring mangyari sa kanya. More than nalungkot, natakot ako sa maaring mangyari sa kanya.

He signed up. Military service. Sa Mindanao. Training nya na in two weeks sa Camp Capinpin. Tapos isi-ship na daw sila sa Basilan. Parang mga troso lang, sini-ship papunta sa kuta ng kalaban. Kung saan makita lang nila na naka-camouflage ka eh babarilin ka na lang ng walang pakundangan. Kung saan minsan ang mga bangkay eh nilalangaw lang sa kalsada. Baka magkita pa sila dun ng best friend kong si Aveño.

Muli na namang binaliktad ni Daduds ang mundo ko. Hay Daduds classic ka talaga. That night, while I held him in my arms, I said a little prayer. Nung una ko shang makita, I asked God to take him away before I completely, hopelessly, insanely fall for him. This time, I uttered a different prayer. Na sana maging ligtas sya. Na sana mabigyan sha ng buhay na makabuluhan. Na sana makita ko pa sha ng buhay, malakas, maligalig.

Pag-uwi ni Daduds kinabukasan, hindi na lang basta halik ang pinabaon ko sa kanya. Kasama na ang isang milyong panalangin.

Nung bata pa ko, pag napapagalitan ako ni Bibiana at di pinapayagang lumabas ng bahay, iniimagine ko na may superpowers ako at kailangan ko lang na malagpasan ang mga pagsubok ng evil witch na nagkulong sa akin sa sala.Tapos may Prince Charming na darating at sasagipin ako sa lukaret kong mudra at isasama ako sa playground kung saan pwedeng maglaro ang lahat ng bata at hindi na kailangang matulog sa hapon para lumaki.

Alam ko nang hindi ako pinagmamalupitan ni Bibiana. Alam ko na rin na kahit hindi matulog sa hapon eh tatangkad ka pa rin. Alam ko na rin na hindi ko kailangan ng Prince Charming para sagipin ako. At alam ko na rin na hindi kailangan ng superpowers para iligtas ang mga nangangailangan. Nalaman ko na rin na hindi lahat ng Prince Charming dumarating, at nagtatagal sa piling ng mga beki in distress.

Minsan ang mga Prince Charming, busy pa sa pakikipagbakbakan sa mga rebelde at Abu Sayaff. Minsan di sila nakakarating kasi kailangan muna nilang ipagtanggol ang bayan, bago ang kanilang prinsesa. Sana totoo na lang ang hundred lives. Sana rin pwede kong alayan ng flower at mushroom at 1up si Daduds.


Pagkabasa mo nito, please join me in lighting a candle for our soldiers. Kung wala kang kandila, kahit yosi, o kaya lighter, o kahit yung kalan nyo na lang ang sindihan mo. Sabay sabay nating ibulong sa hangin ang hiling ng lahat ng beauty queen sa buong mundo.

"World peace..."

11.19.2010

Forty Seven No More



Papang.

One of the sweetest words I've heard. One of the sweetest pet names I've been called. From one of the sweetest persons I've met... Si Placida.

Back in high school, usong uso sa Kada namin yung anak-anak, tatay-tatay, mama-mama, pami-pamilya. May mga clan pa kami, mga AMA at STI. Ang Mapuputing Angkan VS Samahan ng Taong Itim. Di ko na maalala pano ko naging anak si Placie at si Joselyn (fondly called Bato or Tysona). Basta silang dalawa ang mga anak-anakan ko.

I remember how I met Placie. Second year yun, mula section 11 ata, nalipat sha sa min sa section 1. Tahimik, humble, mahiyain, pero maganda. Di sha gaanong nakikihalubilo sa mga eksena ng Kada, pero kalog at makulit sa mga ka-close nya. Pasimpleng kulet.

Di ko sure kung sa Journal class ba kami naging close, or talagang epal lang ako sa lahat kaya pati sha na mahiyain at walang kadaldalan sa katawan eh naging kaibigan ko. Naging anak ko nga sha, pati si Bato. Pero lagi nyang kine-claim na ampon daw si Bato kasi hindi raw kasing ganda nya.

I used to know her as low-profile and shy. Pero sobrang ginulat nya ko nung minsan na school program, at kumanta sha onstage ng "You Ought to Know By Now" ni Ateng Angela Bofill. Grabe! Pak na pak! Talagang boses anghel si anak! Proud father ang drama ko, kahit ako naloka kung gano kaganda ang boses ni Placie.

During our fourth year sa hayskul, lahat ata kami eh nag-test sa PLM. Yung entrance exam na dapat eh December, na-move daw ng January. Tapos last minute eh binalik daw sa original date ng December. Eh karamihan sa Kada eh hindi alam yun, specially Placie. Ayun, sumugod ako sa bahay nya to inform her. At nakikain pa ata ako ng fish ball at squid ball.

Hindi sha laging sumasama sa lakad namin ng Kada, kasi super bait nga. Bahay-school-church lang ang normal routine ng lola mo. Pero dun sa mga importanteng lakad ng buong klase, kasama naman sha. Bale 47 kami sa klase. Ang motto pa eh "All IV-1, One for All!" Lahat ata ng hayskul na section 1 yun ang motto.

Mas naging close kami ni Placie nung 4th year, kasi pareho kaming soprano sa choir. Ay sha lang pala ang soprano, ako pala bass. Sa ilalim ng pamumuno ni Ginang Teresita Nicdao, at sa gabay at patnubay ni Ginang Alibudbud, bonggang bonggang choir talaga ang role namin sa buhay. Dun din sa choir nabuo ang Divas, kaming limang beki na puro emotera sa kantahan.

Sa UST Conservatory of Music sha nag-enrol. Akengkay naman ay sa PLM muna. Basta classmate daw nya si Aiza Seguerra sa UST, at classmate ko naman si Jimboy sa PLM ahihihi... Pag nagkikita kami eh super dalang na. Basta once naisama ko sha sa party-partyhan namin ng Kada. Sinundo ko pa sa haus nila at hinatid ko pa pauwi.

Nung isang beses din eh nagkasalubong kami sa Baguio. Umatend sha ng convention nila at camp sa church, ako naman eh kasamang naglamyerda ng pamilya ko para umatend ng burol at maglakwatsa na rin. Dahil nga nagkasalubong kami, nagtake advantage na ang anak ko at piktyur-piktyur kami sa The Mansion. Mega polo pa naman ako nun na anaconda inspired kaya panalo talaga ang pose! Nanghingi pa sha ng autograph bago kami naghiwalay ahihihi.

Placie is a real servant of God. Her spirituality is what makes her so pure and simple. Ilang beses nya kong inimbitahan sa mga bible studies, praise and worship, at church services nila. Isang beses ko lang sha napagbigyan. Di ko kasi gano naiintindihan ang system at beliefs ng simbahan nila, pero I felt grateful kasi alam kong she was trying to save me. In more ways than one, she did save me.

We drifted off after that. Basta nawalan na kami ng communication. There are those obligatory Christmas and birthday greetings, some customary his and hellos, a few exchanges of text messages. Sa frenster naging connected din kami. Pero nung nawala na sa uso ang frendster, nawala na rin ata sa uso ang friendship namin.

October nang magparamdam sa kin si Bato.



Wala. Na. Nasagasaan. Motor. Dead. On. The. Spot. July. Placie.

Di ko ma-process. Di nagsi-sink in sa utak ko yung nabasa ko. Parang biglang natahimik ang mundo, at nakatitig lang ako sa screen ng laptop. Habang nakatitig ako sa monitor, unti unting pumatak ang luha ko. Pero initial reaction lang pala yun.

Galit na galit ako. Minura ko lahat ng walangyang motorista. Isinumpa ko lahat ng barubal na drayber. Kinasuklaman ko lahat ng harabas na magpatakbo ng motor. For my friend to die because of a vehicle that small, gano kalakas kaya yung impact non? Nabagok ba sha, tumilapon, gano kalakas ba yung damage na magagawa ng motor?!

After I learned what happened, nag-send ako ng group message sa barkada namin. Lahat na-shock, may hindi naniwala, may naiyak, may nagulat. Karamihan nanghinayang. She was such a kind soul. She's taken away too soon. And she's gone now. Gone, but not forgotten.

Hinalikwat ko lahat ng mga sulat na inipon ko since elementary. Winarwar ko lahat, sinuyod ko lahat, hanggang mahanap ko yung mga sulat ni Placie sa kin. Mejo natawa pa ko, kasi lahat coupon bond na nilagyan ng crayolang boarder. Me underline pang red ballpen para guideline ata. Me tupi-tupi pa na pang-origami ang dating.

Habang binabasa ko mga sulat nya, naiyak na naman ako... She wrote those letters nung malapit na kaming mag-graduation. Lahat ng sulat nya, iisa lang ang tema: pamamaalam. Goodbye Papang. I will miss you. Take care of yourself.

Those letters were written 11-12 yrs ago. Pero sakto eh. It's as if she prepared me for when this time would come. Ganun siguro talaga pag mabait, di hahayaan ng Dyos na mawala ka ng di nakakapagpaalam sa mga mahal mo sa buhay. Thru those letters, she was able to say goodbye.

Sa kakakalkal ko rin, nakita ko ang isang draft ng letter na di ko naipadala sa kanya. It was a poem I composed for her before our graduation. High school ko pa sinulat to. Ngayon nya lang mababasa. I guess, undeserving as I am, I am also given this chance to bid her farewell.


Even if the sky is green, even if the rain is sunshine,
Even if the waters aren't fine, you'll still be a friend of mine.
You'll still be my star, you'll still be my guide,
You'll still be with me inside, even if we're far apart.
You'll stay for the rest of my life, you'll be forever alive,
You'll still help me in times of strife, although alone I have to survive.
I'll be alone coz you're not there, I'll be alone coz you're far away,
I'll be alone but I'll always care.
Like a recorder, our memories will forever play.

Anak, di ko naman kineri na gone too soon ang drama mo. But I know this is a part of God's plan for us. If it's His will, sino ba ko para kumontra? I believe you're in a better place. I can't wait to join you there Anak, but for now I have to stay here for awhile. Someday Placie, our roads will meet again. Makilala mo kaya ako?



Sa mga nagbabasa ng blog na to ngayon, I'd lke to propose a toast. To Placida. A pretty face, a beautiful soul, a warm heart, a full life. May you rest in His peace forever. Mahal ka ng Papang.

9.01.2010

Si Susie at si Amalia



Kahit ilang beses ko nang sinabi na ang paglaladlad eh hindi isang beses mo lang gagawin, at hindi sha isang moment na pag sinabi mong "Bakla ako." eh keri na at iisyuhan ka na ng SBN -- social bakla number. Pero tumatatak pa rin talaga sa utak ng isang beki mae kung kelan na unang sinabi yung mga salitang yun -- malakas man, may nakarinig man, pabulong sa hangin man, or sinabi mo lang sa billboard ni Jake Cuenca.

Nung bata ako, Susie ang tawag sa kin sa Pandacan. Short for Susan (Roces naman ateng hindi Susan Africa!) Ang mga hitad kong shupetbahay kasi pinag-gegera kami ni Amalia. Si Amalia naman yung isa pang pinaghihinalaang beki lou dun sa lugar namin. Pero kahit pinagsasabong nila kami ni Amalia never kaming nag-away.

We were close. Hindi yung level na best of friends. Hindi yung level na nag-sleep over kami sa balur ng isa't isa kasi magkatabi lang naman mga balur namin. Baka mapingot ako ni Dominga ng bonggang bongga pag di ako umuwi. Or baka boljakin ako ni Aling Dolor pag dun ako bumorlogs.

Masikip kasi sa balur nila. Madami kasing junakis sila Aling Dolor. At super luma na nung 2nd floor nila, yung sahig eh parang nilatag lang. As in pag tumalon ka, sa baba ka pupulutin. Kaya hinay hinay lang sa lakad. At sa sobrang dami nila, bata pa lang eh naniniwala na ko sa milagro. Kasi after 48 years, mukha pa rin giray giray ang hauslaloo nila pero nakatayo pa rin. 48 years na rin silang hindi tumatalon.

Hindi kami laging nagkikita ni Amalia. Kasi nung bata ako, pag dinadala ako ni Bibiana kay Dominga feeling ko eh nakakulong ako. Mas feel ko yung buhay sa iskwater. Araw araw pwede kaming maglaro ng patintero sa A. Luna. Pwede kaming mag-follow the leader sa bukid (pagawaan ng hollow blocks sa likod ng iskwater). Pwede kaming mag-RPG ni Totong.

Pag nandun ako sa Pandacan, pinapakiusapan pa ni Inay (ang lola kong si Dominga) sila Amalia, ang ate nya or ang kuya nya para samahan akong maglaro. Ako ang unica hija sa Pandacan. Ako rin ang bratinella. Ako rin ang tagaubos ng ulam ni Inay. At tagareklamo pag kelangan na bumorlogs sa hapon habang nakahiga sa folding bed ko na butas yung sa may pwetan.

Eentually nung hayskul eh dun na ko tumira ng tuluyan sa Pandacan. May mga okasyon na magkasama kami ni Amalia. Pag me birthday, pag fiesta, pag may concert sa Balagtas, pag may away sa riles... Pero hindi pa kami naglaladlad.

Pareho lang kaming biktima ng "baby beki syndrome" -- since pareho kaming malamya at maarte, in-assume na ng sambayanan na lalaki kaming beki. At dahil mabait naman ako talaga hindi ko sila kayang i-disappoint. Naging beki nga ako hehehe... Pero never namin napag-usapan ni Amalia na, "Oo bakla ako. Pareho tayo."

Nung minsan eh inutusan ako ni Valentina na bumili ng Lapid's. Nagpasama ako kay Amalia kasi mahabang lakaran itu. Habang naglalakad, nakaakbay ako sa bewang ng lola mo. Eh mejo malapad yun, big boned si bakla. Niloko ko sha, hinipo ko yung kembot ng bakla at inasar-asar sha. Aba gumanti ba naman. Sa kalagitnaan ng Quirino at Nagtahan, may dalawang baklang naghihipuan. Ang sagwa! Sabi nya bigla "Mamaya na lang sa bahay."

Si Amalia ang kauna-unahang beki na nakakembot sa kin. I never returned the favor. Nung time na yun, top pa ko. Naka naman! Ah basta di ko pa bet bumoda. Ang halay kasi! Beki sha eh di ko masikmura na magpaka-tomboy. Basta nagpaubaya lang ako ng ilang beses. Pero di ko pa rin inaamin sa kanya at lalo na sa sarili ko na masarap at gusto ko ang nangyayari.

"Bakla ka ba?" tanong nya minsan.

"Hindi ah!" tanggi ko. "Masarap lang kasi."

Bisexual. Bi. Bi-yot. Metrosexual. Isang metro na lang bakla na. Bi-curious. Straight tripper. Feel na feel ko na ganyan ako nung time na yun. Kung anuman yung meron kami ni Amalia, keri na yun. Basta masaya kami. Tumigil lang yun nung nagkaroon na ko ng ibang barkada sa hayskul. Di na ko umuuwi ng maaga, lagi na kong nasa mga barkada ko, at wala na kong time shumambay sa riles. Nung lumipat ako ng haus nawalan na rin kami ng communication.



Last month, biglang nag-text si Tita Valentina. Patay na raw si Amalia. Complication sa diabetes. Iba't iba pang sakit. Na-comatose sha ng isang linggo, and then Amalia was gone.

Kung nagkita kami before sha sinundo ni Lord, baka matawa kami sa isa't isa. Sa kanya ako unang naglaldlad. Sa kanya ako unang nadapa. Sa kanya ako unang lumandi. Kung tinanong nya ako noon baka di ko maamin ang totoo. Di ko nga maamin sa sarili ko eh. Pero sana nagkita muna kami bago sha sumakabilang-rainbow.

Amalia, kung nasaan ka man ngayon... maglaladlad na ko.


"Oo, bakla ako."

11.02.2009

I'll See You Soon

Pumatak na naman ang luha ng baklang maton.

A few weeks ago, I posted a shoutout on my Facebook account asking for blood donations for a friend who has cancer. Kailangan nya ng blood platelets, RBC at WBC kasi bumababa ang supply nya ng dugo. She needed 5 sessions ng chemotherapy, isang session pa lang bumaba na agad blood count nya. To sustain her life, maraming kaibigan ang pumila sa PGH at nag-donate ng dugo. I was able to get two blood cards from redcross. Pero siguro ang mas naibigay ko sa kanya, napatawa ko sha ng bonggang bongga nung dinalaw ko sha sa hospital, at sa tuwing magkakasama kaming tropa.

Last night, I attended her funeral.

Ayla Fabregas-Ferdiz, June 29, 1983-October 29, 2009. 26 years old. A wife, a mother, a daughter, a friend. Karaniwan sa mga eulogies sa ganito magsisimula. Bakit kaming magkakatropa pag nagkukwentuhan, walang flow, walang structure, walang intro at ending. We simply remember. We remember Ayla.

Nung 2nd year college, iba-iba pa kami ng tropa. I was with Noel, Bebang and Ilet. Ayla was with Arnold. Wala shang tropa kundi ang boyfriend nya. Eventually sumama na rin sha sa grupo nina Chris, Ann, Divine at Dhei. Nadagdagan pa nina Leeann at Jane. Sumama na rin ang mga nomads na sina TJ at Jhong. Hanggang sa wala ng distinction kung sino ba ang barkada nino. Kung sino ba ang tropa nino. Basta magkakatropa kami. Hindi kami barkada.

Tropa.

Pero hindi kami close. We didn't have a particular friendship, na kaming dalawa eh magkikita at mamamasyal. Feeling ko nga nung una ayaw nya sa kin kasi super opposite kami ni Ayla. Kung gano ko kagaslaw, ganun naman sha ka-prim and proper. I remember our PE class kasi sha yung dance partner ko. Hinahagis-hagis ko pa sha habang sumasayaw. Kung pwede lang na makipagpalit sha ng partner, malamang ginawa nya.

And then, Anikka came into our lives.

Ayla got pregnant. Aba, diyata't me similarity din pala kami ng lola mo. Nope, di ako teenage mom. Pero given an ovary, malamang dati pa kong inahin. When we found out na jontis na si Ayla, andami ng nagbago. She gave birth nung birthday ni bowa -- si Arnold. Shempre sa binyag lahat kami ninang. Ay, yung isang borboli pala, si Madam, ninong. I guess yun ang naging start ng pagiging magkaibigan talaga namin ni Ayla, and shempre ng bowa-turned-husband na si Arnold.

She had to skip a year para alagaan si Anikka. Nauna kami makatapos ng college pero yung bonding ng tropa tuloy pa rin. Everytime we gather, usually sa bahay nina Ann sa Alfonso, Cavite, bitbit na ata nina Ayla at Arnold ang bahay nila. Before Dhei went to Dubai, nag-swimming pa kaming tropa (except one makating sister na nasa Boracay). Di ko kinaya, kasi me dala silang lutuan, kawali, syanse and everything! Swimming pa lang yun ha. Sobrang saya ng swimming na yun. Sobrang lungkot din ng kasunod.

We found out about her illness. Yung pananakit ng tuhod, cancer na pala. Syet na cancer yan. She underwent treatment, chemotherapy, and endless consultations. Her right leg was amputated to stop the cancer cells from spreading. She lost weight, she lost her hair, but she never lost her faith. All the while that she was enduring the sickness, her strength came from God.

Ironic. Sa tropa namin, sa kanya kami kumukuha ng lakas. Arnold was with her every painful step of the way. Kaming mga walang sakit, kami ang mas mahina. Ayla was her usual self -- masayahin, bungisngis, kind-hearted, prayerful, strong. "Laban lang," she usually said and she did. Lumaban talaga sha and she won. Or we thought she won.

For almost a year, she was doing good. After the treatment, they declared her cancer-free and we couldn't be happier for her. She went back to work, nakasama na uli namin sha sa Alfonso, ganun pa rin siya, parang walang pinagdaanan na mabigat na sakit.

Last March, nag-swimming kami uli and that night was the most unforgetable night for us. Sa gitna ng matador at potato chips, napag-usapan namin ang sakit ni Ayla. Siguro it was too much for Arnold, kasi that was the first time that he broke down in tears. Yung lahat ng sakit na naramdaman nya for his wife, yung lahat ng takot nya sa pwedeng mangyari, yung lahat ng pagmamahal na nasa puso nya for Ayla, sinabi nya that night.

We all cried. Ngumalngal talaga ko ng todo todo. I hugged Ayla, saying sorry for not being strong enough. Tuwing magdadrama kami, Ayla just says "Tama na yan, ano ka ba, ok lang ako. Wag ka ng umiyak, naiiyak rin tuloy ako." And she would give me her trademark smile.

August 2009, she was scheduled for her prostethics. Nasa PGH sha having her therapy para sa artificial leg na ikakabit, and they learned the shocking and painful truth. The cancer cells were back, and this time kalat na sa katawan nya. Nag-stay sha sa hospital for another set of chemotherapy.

Dinalaw ko sha sa PGH nung October 11. Di pa nga oras ng dalaw yun eh, nagpalusot lang ako sa guard kaya ako nakapasok. As usual, Ayla made it look like she was doing okay. Di namin alam, even yung paglapat ng kumot sa katawan nya masakit. She was in pain. Pero nung niyakap ko sha before ako umuwi, I can never forget what she said.

"I love you friend."

Umiiyak na sha nun, pero I told her not to cry kasi mahihirapan lang sha. Dinaan ko sa biro at patawa. After I left her room, dun bumuhos ng husto ang luha ko sa chapel. For someone so sweet, kind and caring, bakit si Ayla pa? Cliche, pero andaming masamang tao sa mundo, bakit hindi sila? Bakit hindi ako? I don't understand why, and perhaps I never will.

After more than a week, she went home. And last Thursday, binawi na sa min si Ayla. The day she died, di raw sha mapakali. She said "Bakit ganun, wala akong makita. Tanggalin nyo na tong unan sa likod ko." She closed her eyes, and she breathed her last.

The night I saw her in her wedding dress, she was as beautiful as she was nung college. There was a hint of her trademark smile on her face. And she's at peace. She's gone now, but still she is our pillar of strength. She prepared us well.

Sa susunod na lakad ng tropa, sana kumpleto kami uli. Sa swimming, sa Alfonso, sa inuman, sa mga get-together, sa SM Bacoor, sa Molino, sa bahay nila Jhong at Ann, sa Hardin ng Postema, sa Cavite. I'm sure kasama namin si Ayla, natatawa sa mga kalokohan, umiiling sa mga kagaguhan, umaawat sa mga todong inuman (lalo na kay Ann), gumagabay san man ang venue ng susunod na lakad ng tropa.

Nauna man si Ayla, she will be with us until we, too, breathe our last.

10.08.2009

Tears in Heaven

Di to katulad ng usual blogs na ginagawa ko. Pero siguro, ito yung pinakapuno ng emosyon habang sinusulat ko. Sana maintindihan mo.
More than a week ago, may nagtanong sa kin. "When was the last time that you cried?" Sino ba namang mag-aakala na after a few days eh luluha talaga ako ng bonggang bongga?
Ang bagyong Ondoy. I'm sure knowing mo kung sino sha. Si bakla me galit ata, parang me poot bawat patak ng ulan. Yung buhos ng ulan, sha ring buhos ng unos sa buhay ko.
Habang nagsi-singing in the rain ako sa ilalim ng lrt, me nareciv akong txt. Baha na daw sa bahay. Babad na sa tubig ang mga gamit ko. Di raw nila naiakyat lahat kasi mataas na ang tubig. **Some text missing.**
Di ko inintindi kasi pauwi na rin naman ako. Sayang mga gamit ko. Nanghinayang man ako, alam ko wala na kong magagawa kaya gumora na lang ako sa bahay. Sinagasa ko na ang baha, at bumigay na rin yung sinelas kong binili. Nung nasa lrt na ko finally, nabuo na yung message sa kin.
"... Patay na si Edel, namatay sa hika."
Akala ko sa pelikula lang yun, yung manginginig ang tuhod mo at kakawala na lang ang luha mo. Mapapasandal ka sa dingding at mapapaupo ka na parang nauupos na kandila. Akala ko emote lang nila yon. Hindi pala.
Salamat sa unlicall, tumawag ako agad. Apparently, matigas pala ang ulo ng lolo mo. Gabi pa lang eh sinusumpong na, imbis na magpadala sa hospital, ang inatupag eh magdrama at mag-sorry sa magulang. Binilhan sha ng gamot, isang banig pa yun, nakuha namin sa shorts na suot nya. Kahit isang gamot di nya ininom. Nung umaga na, hinaklit lang sha ng asawa nya para bumangon at magpadala na nga. Tinurukan ng steroids, mejo umokey, kaya naglakad pa sa baha.
Then he collapsed. His body went rigid, and he lost consciousness. Pinasan sha ni neighbor at isinakay sa trike. By the time they arrived, halos wala na sha. Pinump ang baga, the people around him were crying, kung pwede lang na sila ang huminga para sa kanya ginawa na nila. At 10:45 he's gone. Simula pa lang pala yun ng mas mahabang dagok para sa mga naiwan.
Dahil sa taas ng tubig sa mga kalsada, walang madaanan ang funeral service. Alas onse na ng gabi nasa freezer pa rin sha. Kumontak na kami ng ibang punerarya para masundo sha. Finally, nakahanap and nakuha sha sa ospital. Umaga na nung nakarating sa bahay si Edel. Isang napakahabang magdamag.
Habang pinapasok ang kabaong, nagsilbing honor guards ang mga alaga nyang kalapati. Nauuna ang mga toh sa paglakad, para bang gustong ihatid ang amo. Kung sila eh eager na pumasok, kami naman ay nanghihina. Totoo na toh, anjan na sha sa harap namin.
Bumuhos ang luha. Lahat kami walang nagawa kundi lumuha. Pano nga ba magpaalam? Pano ba sisimulan ang pagtanggap? Pano mo rin ipapaliwanag sa mga anak nya na wala na ang papa nila, at di na babalik kailanman? Yung anak nya na 3 yrs old, nagtataka bakit kami umiiyak eh tulog lang naman daw papa nya.
Di ako nakapasok ng isang linggo sa office. Kasi di ko alam kung pano magsisimula uli. Kailangan maglinis ng bahay, kailangan maglaba ng putikang damit, kailangan magpatuyo ng mga basang sapatos, kailangan magtapon ng mga basura.At higit sa lahat, kailangan maglamay.
Nung Friday, kumukuha ng gamit c Eunice, the widow, and Edel was looking over her. This is according to a relative na me "one eye" kc bulag yun isang mata nya pero nakakakita sha ng mga multo. We asked her kung anong suot ni Edel and she said blue shirt at maong shorts. Exactly kung anong suot nya nung namatay. Dahil don, we believe na nasa paligid lang ang pamangkin ko, watching over us, lingering habang lamay, at nagbabantay.
Kaya I'm sure, nakita nya rin ang mga eksenang ito:
Yung paglalamay ng mga kagrupo nya sa sayaw, at inangat pa yung takip para mahalikan nila ang pisngi nya habang umiiyak.
Yung pagkakasakit ng bunsong si Desiree ng pneumonia at kinailangan pa shang lagyan ng tubo sa baga para makahinga. Di ko naririnig magsalita yung batang yun, pero that night iyak sha ng iyak sa hospital saying "Papa! Papa!"
Yung pagkakasagip ng bestfriend nya sa pagkalunod at the exact time na namamatay sha sa hospital. Taga-Marikina si Miko kaya inanod sha ng baha. Kung tama ang alala nya sa oras, 11am nung finally eh nakaligtas sha sa anod. Siguro my nephew pulled him to safety.
Yung pag-iyak ng canton boys na mga barkada nya. Sila yung namimilit kay Hika na magpunta ng hospital nung gabi pa lang. Sayang di sha nakinig.
Buong linggo nandun kaming lahat, buong pwersa na nagbantay.
Nung last lamay na, lahat kami hindi talaga natulog. Si Totong dumating kasama ang aswang pero umuwi rin agad. Naiwan si Pa at naginuman kami magdamag. Pero hati ang kalooban ko, kasi nasa bahay naman si Jonel at kainuman ko rin. Sa maliit na paraan nila, naipakita nila na hindi ako nag-iisa at maari akong sumandal sa kanila. Kaya sumandal naman ako hanggang umaga.
Sunday, araw ng libing. Habang nasa ICU si Desiree at 50-50 sa hospital, kailangan naman naming ihatid si Edel for the last time. Habang umiiyak ako, eto yung mga di ko talaga makalimutan:
Yung paghahagilap ng pera para mailibing si edel ng maayos.
Yung pagbuhos ng mahinang ambon habang naglalakad kami papunta sa simbahan.
Yung paglalakad habang katabi ko si Jonel at tahimik din shang umiiyak. my silent sanctuary.
Yung misa na hindi maintindihan ng mga taga iskwater dahil english,kaya tinagalog na ng commentator.
Yung pagwiwisik ng holy water na nahaluan ng luha.
Yung pagiyak ng lahat nang patugtugin ang Tears in Heaven sa simbahan.
Yung sabay sabay na paglapit ng canton boys upang sumilip at umiyak. Maging sila ay nagwisik din ng holy water.
Yung pagparada ng sangkaterbang motor na single at tricycle bilang pakikiramay.
Yung pagangkas ko kay Totong habang takbong magsyota lang kami, at nakayakap ako sa likod nya habang umiiyak.
Yung paguusap namin ni Totong na gusto ko cremate at gawin nyang kape para di na kami maghiwalay.
Yung pagkakarera ng karo dahil me hinahabol na ibang libing. At yung biglang pagbagal na nakakainis kc parang nananadya.
Yung obvious na paglayo ng canton boys habang nililibing habang patuloy na nagpupunas ng mga luha.
Yung biglang pagkawala ng patungan kaya binuhat sha ng barkada nya kahit sabihin na namin na ibaba na sha. Para bang naglalambing na buhatin for the last time.
Yung di pagpasok ng maigi ng coffin sa butas,parang ayaw pa nya umalis.
Yung takot na naramdaman ko knowing na magisa na lang sha dun forever. pano kung claustrophobic sha?
Yung pagputol ng rosaryo at pagbasag ng palayok.
Yung pagtatapon ng mga ribbon.
Yung paglalagay sa coffin ng paboritong damit.
Yung pagiwan sa pamilya namin ng mga jeep na maluwag kaya kelangan pa magcommute ng ilan.
Yung pagbabanlaw ng pinaglagaan ng dahon ng bayabas at yung pamimigay sa lahat ng naiwang pagkain.
Yung recovery ni desiree after ng libing. Nailabas na sha sa ICU.
Mahirap isulat, mas mahirap maranasan.
Tapos na ang unos. Dumaan na ang bagyo. Andami nitong iniwang bakas. Mga lumipad na bubong at nillipad na pangarap. Mga basang damit at basang mata. Mga sirang bahay, at wasak na buhay. Mga sakit ng katawan at sakit ng kalooban.
Sumikat na ang araw. Alam ko balang araw, lilitaw uli ang bahaghari sa iskwater.

9.27.2009

Prayers

Mga mare, I'm asking for your prayers. My nephew died yesterday during the flood. He had the worst asthma attack and yesterday was the last straw. I have asthma as well and I know how hard it is to fight for your breath during severe attacks. He had to be carried on a neighbor's back because there was knee-deep flood on the streets. As he was dying, his older brother was stuck somewhere in Bulacan, stranded, and he had to hitchhike on a military truck just to get home. I was also in Manila trying to get past the flood in Recto.

He had to wait for the funeral service until 11pm because it was also stuck in San Juan. At last, arrived home this morning at 6am. I hope his journey is over now.

My nephew has two daughters, the older only two yrs old, and the baby just turned one last month. I don't know how they will make it, maybe he'll guide his babies to safety. Nevertheless I'll be there for them, I am godmother to the younger child.

Pls mga mare, I'm asking for your prayers. Thanks.