Showing posts with label kembot. Show all posts
Showing posts with label kembot. Show all posts

9.09.2013

My Own Vincent


 I've got my own Vincent, and -- his words -- it's Chris and he's just enjoying himself.



The HUSBAND...











The LOVER...









And the WIFE...









The three of them tell a story.

Some of you are familiar with it.

Some of you are curious.

Some of you are cynical.

Some of you will be unforgiving.

But none of you matters.

Because this is THEIR story.



The Husband. The Lover. The Wife.



5.14.2011

Namesakes

Sasamantalahin kong buhay na ang blogger. Eto ang isang post na kakasulat pa lang. At maya ng konti sa airport yung sinulat ko kagabi. =)

5.01.2011

Mr. Commitment

Wow, overwhelming naman ang response at galit nyo kay Letter Sender. Tama si Kane, I knew him personally. Mas masakit nga yun eh. At sa nandadaot na commenter na ako daw yun nag-email sa sarili ko, anu ko baliwag?! Kelangan ko pa ba gumimik sa sarili kong blog?! Shunga ako teh? Ahahaha... Kung kelangan ko ng gimik sa blog na to, all I need to do is post regularly, tama?! Don't worry, pag baliwag na ko talaga at ini-email ko na sarili ko, i-cc kita ha.

Mabuti pa, magkwento na lang ako ng mga pangako kong anshugal ng napako. Aba, kaya nga may martilyo, pambunot davah. This is one of the few drafts na naisulat ko at di natapos. I still have ten posts left bekilandia. After that, eat pray love muna ang drama ko ha. Expect nine more posts this week. And then we'll see...

4.11.2011

Outsourcing


Bilang natawa ako sa blog ni Arki-Torture na puro daw boylets ang laman ng blogelya ko eh di boylet na nga ang i-blog tonight. At bilang dumugo rin ang utak ko sa mga comments nyo sa atake sa puso ni Juvelon, ibahin natin ang topic. Dami ko na ba utang mga beki? Aba mangilin naman tayo!


2.03.2011

B. Y. A.

Habang MIA (as in missing-in-achuchuchu) si My Fifteenth, sinendan nya akeiwa ng link na itey. Sumali daw akeiwa sa pa-jontest ng blogelya kyeme, at ng magkamal ako ng limpak-limpak na salapi. Gusto daw nyang manalo ako. Na-tats nga ako kasi na-imagine ko ang lolo mo na naka-cheerleader outfit at humihiyaw ng "Go BM, go BM, go! B! (clap clap) A! (clap clap) K! (clap clap) L! (clap clap) A! (clap clap) N! (clap clap) G! (clap clap) M-A-T-O-N! (clap clap clap clap) BI-EM!" Sabay taas ng pompoms na pinkaloo.

At dahil Chinese New Year ngayonchi, naisip kong eskyemperduhin ang calendar of activities ketch ditey sa Baklang Maton. Kumbaga, planning mode at deliberation ekek ako ngayon. Tsaka introspection na rin. Masarap kasing kudain ang sarili bago pa bumitaw yung isang hibla ng katinuan sa jutak kez. Naalala ko tuloy... Tinining-tinining... Ang nakaraan...

Nakaupo ang bakla sa harap ng dagat at nangangarap. Malalim ang iniisip, nage-emote, humuhuni-huni ng Canon Chemberlain, at nagpapraktis ng pagtulo ng luha sa kaliwang pisngi. Biglang lumapit si Mudak at hinaplos-haplos ang buhok nyang green.

"Mutya, may problema ba?"

"Wala po Mudak, nag-iisip lang po."

"Ay nag-iisip pero ume-emote? Bakit ka umiiyak?"

"Naisip ko lang po, sana hindi ganito ang buhay ko."

"Mutya, hindi ka ba masaya?"

"Masaya naman po."

"Oh anong problema?"

"Gusto ko pong magka-paa, Mudak."

"Huh? Mutya hindi ka naman pilay. Nakakalakad ka naman."

"..."

"Kanina nga nagte-ten-twenty pa kayo nina Gayzilda at Bekirella."

"Ay oo nga po pala, hindi ako sirena."

"Oh eh ano ba talaga ang problema?"

"Mudak... Sana po, magka-pechay na ko."

"Hay naku kanina isda, ngayon naman gulay. Mamaya mo nyan eskabeche na gusto mong maging. Ewan ko sayo. Andami mong kuda, Mutya!" Nag-walkout na si Mudak. Di kinayanan ang pagiging ambisyosa ng unica hija nya.

Ilang taon na ang nakakalipas mula ng maganap ang usapan na yun sa pagitan namin ni Mudak. Matagal ko ng natanggap na wala akong buntot. At yung magka-pechay eh isina-puso ko na lang at di ko na isina-katawan, baka kasi itakwil na ko sa rainbow na paraiso ng mga na-dedlak na beki. Nahanap ko na rin ang nawawala kong boses, at di ko na alintana ang makalyo kong paa. Kumbaga, buong-buo na ang self-confidence kemerlalou ng bakla. Kaya ako nag-blog. Segway!

Sinimulan kong magsulat, project sa iskulilet. Kelangan kasi ng scrapbook sa Developmental Psychology, with matching piktyurakka, mga notes at reflections, at mga eklaboo. Gumawa ako ng mga essay-chenez na parang blogelya ang dating sa bawat milestones ng buhay kez. Yung mga "significant others", yung mga "past, present and future", pati na yung mga "somewhere, somehow, someday" ko, nadawit sa kalandian. Ang resulta? Uno. At nag-enjoy naman ang mga friendships ko sa nabasa nila. Nag-enjoy din ako sa pagsulat. I found my niche. Sa lahat kasi ng ginagawa ko, madalas mediocre ang dating. Walang A for eyfort, puro B lang for basta na. Basta nakapagpasa, basta nakagawa, basta nakatapos, basta nakabigay, basta nakakembot. Sa pagsusulat, na-eureka ko na kering keri ko palang magmaganda at magmagaling.

Dahil sa pagba-blog, natutunan kong yapusin ang aking pagkatao. Di ko lang niyapos, kinadena ko pa sa sarili ko. Dito ako nagsimulang kumuda, esta makakita ng mga nakakatawa, nakakainis, nakakaiyak, nakakalibog, at nakakabakla na mga eksena, kaganapan, nilay-nilay, at emosyon. I learned to express myself while impressing others. Shempre narcissistic din ang bakla, gusto ko ring malaman na may mga natutuwa pala sa bawat kembang ko. Ang taba-taba ng puso ko sa bawat reaksyon at komento ng mga beki, babaylan at occasional na lulurki sa bawat chararat ko. Mas natatapos ko pa kamong isulat ang blogelya entry kesa sa thesis ko!

Ang blogelyang itey din ang naging daan para magising ako sa katotohanan. Iba kapag bakla ka. Ibang landas ang tatahakin mo. Hindi lang sha matinik at mabato, makyontot pa with matching whispers ng mga taong maraming kuda sa buhay. Ibang saya ang pwede mong idulot sa mga taong mashadong emotera. Iba ang ine-expect sayo ng lipunan, at iba lalo ang paraan para makita mo ang sarili mong maligaya. Kailangan mong patunayan ang sarili mo ng paulit-ulit, hanggang sa mawalan ka na ng paki sa sasabihin ng iba. Sabi nga sa nabasa ko sa horoscope ata, ine-expect ng lipunan na isa akong kahihiyan, ayoko silang biguin.

Naging salamin ang webpage na ito sa mga saloobin at salabasin ng isang BM. Isang Baklang Maton. Isang bakla. Period. Napa-tumbling nga ako ng makita ko kung gano kadami na pala ang bumibisita ditey araw-araw. Humigit kumulang na! Syet! Pagkaminsan tinatamad na rin akong ipagpatuloy ang pagkuda ditey sa blogspot. Wai namang sweldorific ang bawat post, wit ding career na pwedeng iuwi, waley ding lulurki na pwedeng gawing bufra mae. Pero pag naiisip ko na eto ang tulay para makilala ko talaga ang sarili ko, at maipakilala na rin sa mundo kung ano ba talaga ang tunay na mukha ng mga bakla, napapabulong ako sa hangin. It's all worth it.

So, what's next for BM? Para sa kin -- para sa kin lang ha, wag kayong kumontra. Para sa kin, sa pagiging BM ko maipapakita ang iba't ibang maskara sa likod ng bekilandia. Baklang Maton, baklang mahirap, baklang mayaman, baklang maarte, baklang makuda, baklang malibog, baklang mayabang, baklang maliit, baklang mataba, baklang malandi, baklang mahinhin, baklang maldita, baklang matanda, baklang makulit, baklang mapanlait, baklang mapagmahal, baklang makabayan. Baklang dakila. Hindi lang basta bakla. Lahat ng bakla.

Pano ko maa-achieve itey? Sa bawat tipa, sa bawat titik, sa bawat salita, sa bawat pangungusap, sa bawat talata, sa bawat katha, sa bawat likha, sa bawat gawa... sa isip, sa salita, sa kilos, sa pananalita... Sa utak, sa katawan, sa puso, sa kaluluwa... Sisiguraduhin kong may kabuluhan, may sense, may kembot, may pupuntahan. Sa bawat post, para sa Bekilandia. Promise!

Who knows, dito magsimula ang pangarap kong BYA. Beki Youth in Action. Oh di ba? Hay 2011, ready or not, here I am!

1.17.2011

BM Along the Riles



Ilang araw na kong depressed. Umaga na natutulog, hapon na gumigising, absent lagi sa school, walang work since November, walang pera, binenta ang fonelilet, me topak ang laptop, hindi makalipat sa bahay na may bath tub, at naghihintay sa message ng isang sweet na nilalang na nawala ng parang bula. Kailangan ko ng konting sigla. Kailangan ko ng konting taktak ng ajinomoto. Kailangan kong magbudbod ng magic sarap.

Buti na lang fiesta ng Sto. Niño sa Pandacan. Dahil true-blue Pandakeño ako, dumalaw ako kila Tita Valentina para mamiyesta. Hmmm, tsaka para na rin makainuman si Papa El ahihihi... Itatanggi ko ba na yun talaga ang dahilan bakit ako bumalik ng Beata? Witchiririt ng Maya! Di ko rin kasi sure anu ba talaga yung pinakamatimbang na reason: si Sto Niño, si Tita Valentina at si Butsh ("s" talaga, ayaw nya ng "c"), o si Papa El. All of the above na nga lang!

Bet ko din pala kaya ako sumugod ng walang pasalubong eh para makapanood ng atiatihan. Pinagbabalakan ko ngang magkunwari diba para mapahiran ko ng uling si Papa El. Eh tinanghali ng gising ang bakla kaya waley na ang mga ati-atihan lasing na lahat. Kaya nagkudaan na lang kaming mag-tiya hanggang alas-cinco.

Binuksan ko yung isang portion ng tindahan para makita ko yung mga dumadaan. Shempre nagpapapansin na rin ako ke Papa El para yayain nya kong makipag-nomoan. Ampotah 5 hours na kaming nagdadakdakan ni Tyang, witchikels pa rin ako napapansin ng gwapo.

Kundi ba naman ungas, pag dumadaan eh naka-sideview si gago, palayo sa min! Di man lang sumusulyap sa gawi ko. Di ko naman sha ma-text kasi... mahina ako! Di ko mahingi ung number nya. Ayaw ibigay waaaahhh...

Nung mejo alas-sais na, di ko na kineri maghintay. Kailangan nang gumawa ng paraan. Kailangan ng magpapansin! Hihihi... Sa tulong ng aking magic kamison at pokpok shorts, gora na ako sa labasan at kunwari eh magtitingin ng mga eksena at kaganapan. Itinaon ko na lumabas si Papa El papunta ng inuman sa kanto para naman sulit ang pagpapapansin if ever.

Sakto! Andun nga sila sa labasan, sa dating pwesto ng burger machine franchise na waley na ngayun. Me parang bakod yun na harang. Dun nakasandal sa bakod si Papa El at nakatanghod sa mga nag-iinuman. Nakangiti agad ako habang papalapit. Ganung katindi ang pagka-crush ko sa hinayupak na toh, mas matindi pa sa kilig na dulot ng ihi ang feeling ko nung papalapit pa lang ako sa kanya.

Sakto ulit! Lumingon ang gwapo. Nakangisi na ko nung lumingon sha sa direksyon ko. Wagi! Nagbunga ang runway walk ko! Di ko pa hinahagis ang laylayan ng gown ko, pasok na ko agad sa semi-finals! Bigla rin shang ngumisi na parang nakakita ng naglalakad na wonder of the world. Ahem!

"Ay mga tol, eto totoong gelpren ko." Sabi ng gwapo nung makalapit na ko. "Eto na pare, kanina ko pa to hinihintay eh." Char! Char-lie Davao! Pak! Pasok na ko sa Top Five!

"Hello Papa El..." parang ngumungiyaw na kuting yung boses ko... Si BM nagiging pa-tweetums. Linsyak na ala-ala ng boxers yan! Pero sa sobrang galak ng nerbyosa kong puso, na-major major blackout na ko.

"Hello Mama Jay. Kanina ka pa?" chikadora rin pala sa personal ang lolo mo. Konting chararat lang ang namagitan sa min kasi di naman talaga kami nagkakausap dati. Isang shot lang ako habang nakatanghod din sa bakod katabi nya, at di kami umupo. In short, di nila ko ininvite na makiumpok sa inuman. Tagay para sa mga napadaan lang yung level ko. Kaya nag-excuse muna ako na lalandi sa gilid ng riles. Pang fourth runner up lang si bakla, I lost the crown.

Kahit kilala ko na sha since ipanganak pa lang sha, di talaga kami close. First year high school na ko nakahubo pa yun maligo sa ulan. College na ko elementary pa lang sha sa Zamora. Nung maka-graduate ako sa PNU, 2nd year high school pa lang sha. Basta ang naaalala ko nga, kanasa-nasa na sha nung nagsisimula na ko mag-work. Yun pala 4th year pa lang sha nun. Ngayon naman eh legal na legal na shang sex object hehehe.

Pero yun nga, wala kaming conversation nyan ever. Sa FB lang. Kaya mejo naiilang din siguro kami na magchikahan nung nasa bakod, kasi wala kaming mapagku-kwentuhan. Wala kaming common friend, wala kaming alam sa buhay ng isa't isa. Di ko lang talaga matiis na hindi sha landiin. Isa shang kaakit-akit na apoy at isa akong gamu-gamong malandi na walang kakayahang tumanggi.

So gora ako palayo. Kunwari eh me dinalaw na kemerot sa kabilang kanto. Me dinaanan na kembular sa kabilang street. Me binisitang chariz pengpengco sa kabilang barangay. Tapos eh bumalik ako sa balur ni Tita Valentina. Nagpapansin ulit nabigo. Wala kasi sha dun sa umpukan ehehehe. Pagbalik ko ng isa pa ulit, andun na sha at nagngitian na naman kami. Nagtanguan. Na-imagine ko yung hintuturo nya na tinatawag ako habang humuhuni sha ng "Ohh... lumapit ka! Kung gusto mo akong halikan, di kita sasawayin! Alam na alam mo namang ito'y gusto ko rin..."

Salamat na lang talaga at Pinoy tayo. May ugali tayong magyaya ng kung sinu-sino sa mga handaan, kainan at inuman. At yun ang umiral kay Papa El. Niyaya nya kong makiumpok sa kanila. Victoria! Winner! Sa wakas nakaramdam din ang mokong. Sa kabisera sha, sa mahabang bangko ako sa gitna ng dalawang barkada nya. Keri na yun pasok na sa banga yung pwesto ko. Kahit mag-global warming pa at umapaw ng tubig estero walang makakatibag sa kin sa kinauupuan ko.

Inuman, kantahan, tawanan, kulitan. Kakatuwang kainuman si Papa El kasi magaling sha mag-asikaso. Kakilala ko naman lahat ng mga tagaroon, mostly eh mga uhugin pa nung matuto akong lumandi. Pero ngayun lahat sila eh mga binata na. Di ko type lahat, si Papa El lang talaga ang biniyayaan ng karakas na pangharabas. Pwedeng pwede nyang kumpetensyahin yung mga "patok" na jeepney na byaheng antipolo.

Sabi nga ni Rose Tan, di nya kailangan ng killer smile. Sha mismo "killer" na. Pero kahit nakakahiya ang tyanenat ko sa ka-machohan ng lolo mo, keber na sa age at weight differences. Kung gusto kong mag-burn ng calories, susunugin ko na lang yung kapitbahay kong mataba.

Habang nag-iinuman, feel na feel ko yung mga soundtrip nila. I felt really proud sa generation na kinalakhan ko. Lahat ng kanta na nasa playlist nila, nauso nung uso pa ko. Sumikat yung mga kanta nung interesado pa ko sa mga sumisikat na kanta. Kaya naman kering-keri kong makisabay sa yugyugan at rock-rockan ng mga bagets kahit ako lang ang may tyan-da romero dun sa grupo.


Parokya, Francis M., Eheads, Rivermaya, Bamboo, Siakol. Basta lahat ng music nila naka-relate ako. "Panahon ko to!" tiririt ng ibong marikit. Naki-jam talaga ako ng bonggacious sa mga batang riles dati na mga binata na ngayun. At siguro nasa himaymay na ng DNA ng mga beki ang pagiging benggadera sa mga inuman. Never ever ako nakaramdam ng inip at boredom.

Isang factor din yung lagi akong kinukumusta ni Papa El kahit katabi ko lang naman sha. Tinatagayan ako, hinahanapan ako ng yelo, share pa daw kami sa baso, binibigyan ako ng chaser, hinainan din ako ng pulutan. In fairview, wala namang malisya. Sa kaso nya ine-estima lang nya ako. Sa kaso ko, may malisya man alam kong wala ring patutunguhan. Kaya na-enjoy ko yung moment na kasama sha.

Enjoy kasi talaga kainuman ang mga otoko no. Sa tuwing maharot yung kanta, gumigiling ang lolo mo. Eh dahil ako lang ang beki sa umpukan, pag sumasayaw si Papa El eh ako ang pinapahawak sa dibdib. Syet! Nakakauhaw! Nakakatagay na lang ako ng wala sa ikot. Kasi ba naman, gumiling ba naman sa harap ko! Eh ang mga katulad nya ang dahilan kung bakit naimbento ang perdible! Para pang-sagip sa mga lumuwag na garter at nalaglag na panty!

"Alak pa! Taena alak pa! Nauuhaw ako! Nauuhaw ako! Pengeng tagay! Eto na pulutan! Gumigiling giling pa! Painumin nyo ko! Empi pa! Empi! Empi!" Deliryo talaga ning. Kung pwedeng laklakin ko yung isang bote ng emperador light. Uhaw na uhaw lang ang baklang kamelyo!

Habang nag-iinuman eh may rigodon din ng upuan. Nalipat-lipat ako ng pwesto hanggang sa makatabi ko na sha sa wakas. Bungguang siko na to, deym! Siko pa lang yun neng, para na kong kinukuryente ni Mang Pepeng. Pano pa pag yung hito na nya ang ini-eskabeche ko?! Eh di baka lalo na kong nagmukhang zombie na tinamaan ng freeze watermelon!

Papa El rescued me from the pit of depression. I was on the brink of losing myself. Muntik na kong mahulog sa tuktok ng building, wala naman palang sasalo sa kin sa ibaba. Pero dahil sa inuman namin nina Papa El, naalala ko kung gano ba kasarap mabuhay, lalo na pag may katabi kang buhay na lechon de leche. Di na kailangan ng Mang Tomas! Ngiti pa lang sarsa na!

Dito sa Iskwater, me naglalako ng ulo ng sugpo sa umaga. As in ulo lang walang katawan, ginawa na raw shrimp tempura. Bibilhin yun ng pinsan ko at gagawing sinigang. Pak! Ulam na! Murayray lang yun, masarap pa. Sabi nya kanina sa ep-vi, hipon sha. Tapon ulo, kain katawan. Ay Papa El, kung hipon ka, I'm sure hito ang nasa loob ng pants mo.


"Alam mo Papa El, five years ago, na-imagine ko na toh." kuda ko sa gwapo.

"Oh ito? Naisip mo na? Five years ago yan ha!" magaling talaga sumakay si gago.

"Uu. Five years ago, alam ko na. Balang araw mag-iinuman tayo dito sa kanto."

"Naka-boxers ako non, nung na-imagine mo to." indulge pa nya sa kalandian ko.

"Oo naman, naka-boxers ka nun. Habang pinipilit kong silipin ang loob ng boxer shorts mo, nasabi ko na sa sarili ko to."

"At nagkatotoo naman ano?"

"Higit pa sa inaasahan ko. Kaya mamaya iba-blog na kita agad. Para magkaroon ka na ng fanbase dun. Talunin mo yung ex ko hihihi..."

Natapos ang inuman ng di ko namamalayan. Tumakas kasi ako na iihi at di na ko bumalik. At kahit nakita ko sha uli sa labas ng bahay namin, at nanumbat sha na di na ko bumalik, keri lang. Tapos na rin naman ang inuman. Nakuha ko na rin ang number nya. Kaso binenta ko na fone ko nyahaha... Me picture na rin kami together at ang pangit ko kaya di ko ipo-post dito. Most especially, natupad ang hiniling ko five years ago. Kuntento na ko ron. Lumugar ka BM... Umarte ng naaayon sa ganda.

Basta ngayon, me bago kong theme song... home along the riles is the best!

1.14.2011

Si Papa EL



Akalain mo yun, nakinig ako kay Papa Jack na nakikipagdakdakan sa mga babaeng nagpapakain ng eskabeche at nagpapa-push ng kanilang buttons. Kaloka!

Kasi naman nasa baba ako kanina, nagpapaluto ng hem en egglaloo sa pamangkin ko. Biglang nakiupo sa loft ng tindahan (loft talaga?!) si Iluminada at si Delia at nagkwentuhan ng kanilang mga sexcapades with their respective husbands. Naloka ako! Ispluk pa ni Iluminada na natalo nung nakaraang eleksyon, 15 years na daw shang diet sa kembang. Nawala na daw ang libog nya.

"Ay ako dahil sa mga naririnig ko nawala na rin ang libog sa buhay ko. Makapagmadre na nga!" Kuda ko sabay walk out habang humahalakhak ala-Princes Punzalan dun sa eksenang pinapasabog nya ang bus na sinasakyan ni Via.

Nag-interchararat-net na lang akeiwa at kumuda ng kumuda sa ep-vi. Nahanap ko yung isang crush ko na taga-Pandacan. Si Papa El. High school ako eh bata pa lang yun. Nung college ako eh mejo bata pa yun. Pero nung graduate na ko, naloka ko! The baby is now a daddy! Pwede nang pagnasaan! Payatot pa sha nun, kyut kyutan pa lang. Pero laging nakaboxers, at laging nakabukaka ahahaha! Kaya instant crush ang hombre.

Nagulat ako sa mga pics nya sa ep-vi. Ang wafu na ng lolo mo! Ang laki ng... mga braso! Ang haba ng... mga legs! Ang taba ng... utak! Ahahaha! (Na-imagine mo ba habang sinusulat ko toh?! Ay mare, iba iniisip ng utak ko! Ahahaha! Ang laki! Ang haba! Ang taba!) Heto na si Papa El ngayon.


Napakanta na lang ako ng... "Kinalikot sinundot ang kanyang eng-eng! Tene-neng-teng!" Para kamong kinakalikot at sinusundot ang mga menudensya ko pag nakikita ko pictures ng lolo mo. Impernes para lang akong uhaw na matrona sa pagba-browse sa mga latest ng pics ng otoko. Ning yung bib ko basang-basa kamo sa dami ng laway na tumulo sa kin nyahahahaha!

Pag ka-chat ko si Papa El, gusto ko na talagang mag-member sa Bukas Boxers Gang.

"Bukas boxers Gang?" tanong ng lalaking pinaglihi sa "oompf feeling" na kagalak-galak at kasiya-siya.

"Uu, bubuksan ko boxers mo habang natutulog ka." sagot ng baklang pinaglihi naman talaga sa higad na pokpokita.

"Nyahahahaha! Di ako natutulog eh." Hmpf marunong sumagot! Ayaw pahuli ng buhay! Ang dulas!

Pag online si Papa El, icha-chat ko agad yan. Nilalandi ko lagi, ayaw naman magpalandi. Madalas ako nauuna, pero nung minsan sha nauna mag-chat, nag-umapaw na naman ang kilig sa lahat ng butas ng katawan ko. Parang utot yang kilig eh, kahit anong ipit mo sa upuan, tutunog at tutunog yan, kundi man umamoy ng bonggang bongga. At nung tinanong ko kung bakit sha ang nauna, kasi daw malapit ako sa puso nya. Hmpf! Maniwala!

O divine diva?! Lumevel up na kami... Mama Jay na ang showag sa kin ng gwapo. Hay! Papa El... Isa na namang taong punong-puno ng sex appeal. Fiesta pa naman sa Pandacan sa Linggo, di ko alam kung dahil ba sa kumag na to kaya maraming ati-atihan na bakla sa riles. One thing is for sure, kung si Papa El ang sasayaw ng nakabahag ala ati-atihan, kahit ipahid nya pa sa kin lahat ng uling nya, keri lang.

Oi di ko natikman yan ha. Di sha part ng mga conquest ko. He's an inspiration pag mashado nang maraming daot at buraot sa mundo. Silang dalawa ni friend, they serve as my kilig cupboard. Tipong pag nade-drain na ang utak ng bakla, go na sa profile page ni Papa El at titigan ang naglalakihan nyang maskels. Basahin ang mga status message nyang kahit alam kong hindi para sa kin eh napapangiti na rin ako at napapakanta.

Sabi nga nya nung isang araw, para shang Rivermaya. Ay ako rin Papa El, parang Rivermaya. Kasi, hinahanap-hanap kita. =p

12.16.2010

The Beki Code



Sensya na at nanahimik na naman ang BM. Eh kasi nagpapagawa kami ng hauslaloo... Yung todong haus na pink na, wala ng lipatan, wala ng ibahan ng kulay, wala ng atrasan. Pag gawa na yung balur, post ko ditey ang piktyuraka ala-Mandaya Moore hihihi... Anyway, eto at sisipagan ko ang buong season ng simbang gabi. Every 1:43 ng madaling araw, abangan mo, magpo-post ako ditey ng bagong blog.

Nine mornings, nine blogs, nine stories, one BM to rule them all... Hihihi! Pak!


**********************************************


Halos linggo linggo eh nasa Casa ako ng sisteret kong si Mamagan. Present lagi ang mga beki. Palagi ding may dumarating na mga baka. Kaya linggo linggo din eh nagpapastol kami. At sa dinami-dami ng baka na naglabas masok sa balur na makasalanan, at sa dinami-dami ng eksena naming mag-aate, nabuo ang "Beki Code"... Isang koleksyon ng mga Do's and Dont's sa buhay ng mga citizen sa Bekilandia...


Rule # 1: Prioritize Bekihood Rule

Sa Ina ng mga rule na itey, ito ang pinakamahalaga. Laging mauuna ang kapatiran. Unahin ang sangkabaklaan, bago ang kalalakihan. Friendship muna bago kembang. Bekihood over Bros. Arya!

Pag inuna mo ang etits kesa sa friendship mong bekla, isang kang malaking EKS.


Rule # 2: Ang Kay Aya Rule

"Beks, walang talo-talo." Yan ang una at Golden Rule sa pagiging beki. Dati nga, me nakaaway ako na friendship kong beki kasi daw nilandi ko yung nilalandi nya. Impernes, nag-kiss nga kami nung otoko. Pero yung moment na yun kasi, nasa buffet kami. As in buffet ng mga saging na buhay. Kaya ang nasa isip ko eh free for all ang eksena. Eh hindi pala, minasama ni Beks yung eksena namin nung kulakadidang nya.

Sa amin ng mga ate ko, unspoken rule na yan. Pag napa-notaryo na, waley ka nang K -- as in kembot -- kasi respeto ateng... Pero kung karir lang naman, for the sake of pagpapastol at pagkamot ng kati, dapat eh clear ang usapan. Basta walang pailalim na transaksyon...

Nung isang linggo lang, nalurki ako. Me tatlong baka: Si White Ranger, si Green Two, at si Banana Man. Me tatlong beki din, si Mamalin, si Mamaru, at si Mama Trony. Kay Mama Trony napunta yung si Banana Man, hihihi... Hipon pero performance level! At impernes saba naman talaga ang lolo mo. Solve na ahehehe...

Si Mamalin, mega text sa organizer: "Akin yung naka-white." Pak! Reservation galore ito! So gora na rin sila sa pinto ng langit. Eh di isang beki na lang, at yung isang kuya na naka-green. Eh witchiririt nya raw bet si Green Two. Ang bet nya rin ay si White Ranger. C Mamaru, inoffer ang langit at lupa. Kahit wala nang ma-lafang ng isang buwan, matikman lang si White Ranger.

Ning, wagwag lang ang katapat. Sabon sabon, banlaw banlaw, pasok na sa banga. Kahit nalawayan na nung isang beki, gora pa rin si Beki. Kahit kay Aya na, sinunggaban pa rin ni Ara.

Isang malaking EKS!


Rule # 3: Lalaki Lang Yan Rule

Dahil sa madalas ma-violate ng mga beki ang "Ang Kay Aya ay kay Aya Rule", nabuo ang ikalawang rule na ito. Sa amin ng aking mga beki friends, laging linya ang "lalaki lang yan"... Meaning, kahit anong mangyari, dapat unahin ang bekihood -- ka-level ng braderhood at sisterethood.

Sa amin nina Sailor Pluto at Sailor Mars, pati sa kin, si Chebyusa, never kaming nag-away dahil sa lulurki. Nag-aaway kami dahil sa pagkain, nag-aaway kami dahil late sa usapan, nag-aaway kami dahil sa kataklesahan ng bawat isa, pero never sa lalaki. Kasi nga, "lalaki lang yan."

Isang giant TSEK!


Rule # 4: One-Week Rule

Kapag bet mo talaga si lulurki, pwede naman. Pero dapat "tinikman" lang sha ni beki friend mo ha, at hindi "bowa". Kasi kung bowa na nya itu, ning Galema ang arrive mo nyan. Pero kung kembot lang naman, at wala naman shang feelings ke boylet, magpaalam ka muna. Wag mo naman itext agad at offer-an ng mansyon at milyones. Tsaka maghintay ka atleast a week bago mo pormahan si kuya. At lalong-lalo na, wag mo namang tikman sa parehong gabi. Para na rin kayong nagkembangan ng ate mo nun!

Dapat palaging sundin ang "One-Week Rule". Kung sina Basha at Popoy me Three-month Rule, mas malalandi naman ang mga beki kaya isang linggo lang. Sabi nga, it's depends on the timings. Taymingan mo ateng!

Pag nakapaghintay ka ning, isang malaking TSEK!


Rule # 5: Hand Me Down Rule

Konektado ito sa ating "One-Week Rule". Pwedeng ma-bypass ang "Kay Aya Rule" pag lumipas na ang isang linggo, at di pa nagsisintimyento ang frend mo. Meaning, di sha seryoso ke otoko. Pwede ring arborin ang baka, basta kembot at kuda lang ang namagitan sa kanila. At dapat, laging magpapaalam.

Parang kami nung isang ate ko. Gora kami sa massage parlor kembot. Aba winner sa hagod si Kuya. After ilang sahod, gora kami uli sa same massage parlor. Si Ate Medusa ko naman ang nagpahilot ke kuya otoko kasi me bali daw sha sa palasingsingan. Eh di winner nga talaga si otoko, napatunayan na naming duwa. Kaya after uli ng ilang sahod, kaming duwa iba na kinuhang komadrona, at si Valentina naman ang kumuda, este nagpahilot. Proven and tested, talagang winner sa haplos si lulurki. At kaming tatlo, proven na pare-parehong makakati.

Isang malaking TSEK kasi di kami nag-away kasi nga "lalaki lang yan." Pwede naman ang hand me down...


Rule # 6: Beki-talk Syndrome Rule

Magsalita ng beki talk pag me kasamang otoko, hayaan mo shang ma-op kasi nga "lalaki lang yan". Hehehe... Kami naman ng friendship ko, depende. Kapag mejo shunga ang mga boylet, english englishan ang drama para ma-intimidate. Pag mejo madakdak si lalaki, as in maboka at makuda, silent kyeme kami. Meron pa kaming mga "beki conference" at "beki meeting" sa loob ng room para di kami maulinigan ng mga baka.

Ewan ko ba, kahit saan ang beki nakakakita ng imbentong bagong salita. Nung minsan di ko ma-gets yung spluk ng beki mae ko na sisteraka, isplukara kasi ng sisteret, "Getchina mesh na ang Dianne Castillejo sa refrigiratorade, iiskyerdahin ko na itembang para mag-baylamos ang mga tummy-tuckables ketch!" Asus ko, kunin ko na daw ang pills nya na "dianne" sa ref, iinumin na nya ito para mag-babye ang mga bilbil ng bakla. Hay kalurki!

Ang beki-talk eh hindi lamang yung popular na gay lingo, na mejo naiintindihan na rin kasi ng mga otoko. Ang mga boylet ngayon, pamilyar na sa tunog at pilantik ng mga salitang bakla, kaya nage-gets na rin nila yung mga "chaka, kembot, kuda, crayola, winona, lucila laloo" at anik anik pang mga salita na pambeki.

Considered na rin sa beki-talk ang paraan ng pag-iinarte ng isang beki, lalo na pag me kausap sa fonelilet at akala ng kausap nya eh babae sha. Beki-talk na puro hangin, halinghing, paungol, paungot, parang kinakapos ng hininga na hinihika pero malande, at palaging pabulong.

Kasi yung si Mamaru, me mga ka-chat yan na otoko, ang press release nya eh gurlilet sha at piktyuraka ni Mamagan ang avatar nya sa YM. Tapos pag mega call na si otoko, maririnig mo na lang yan sa ilalim ng kumot na umuungol ala Linda Blair. Sapi-sapi ang dating neng, uso pa naman ang horror pag Pasko.

Wag ka nang makiungol, kaya na nya mag-isa ang dolby digital na surround sound ng pag-ungol nya. Pag lumikha ka ng kahit anong ingay, isang malaking EKS.


Rule # 7: Mutual Friend Rule

Pag me naispatan kang cute na nasa friend's list ng beki friend mo, at bet mo si Cute na kuya, pwede mo naman shang i-friend. Basta nasunod mo na ang Hand Me Down Rule at One-week Rule. Pero shempre, sabihin mo pa rin. Kasi baka maloka na lang si friendship mo, mutual friend nyo na ang iniirog nya, kawawa naman sha davah. Baka labs na labs nya talaga si Otoko, tapos kinakarir mo na pala.

Eto isyu sa min ng friendship kong si Mamagan -- kasi nga laging nagmamaganda. Pano pag mahal mo nga si otoko, at kinarir sha ni beki friend? Katwiran nya, mahal mo nga, mahal ka ba? Ay naku, kung ako, shempre dapat walang pakialamanan. Ang kay Aya ay kay Aya, ang kay Ara ay kay Ara, at ang kay Ana ay kay Ana. Eh pano kung waley namang feelings si Felipe kina Aya, Ara at Ana?



Pag ganyan na ang tinginan nyo, at biglang minutual friend sha ng ate mo, magwawala ka ba?!

Sa blog kong ito, abstain pa rin ako. Kung magko-comment ka, isama mo na to sa isyung irereact mo. At pag nag-comment ka nga, ikaw ang may malaking TSEK!


Rule # 8: The Syokoy Theory

Kahit gano kapanget, pag tumatagal nagiging pwede na. Kung gano kataas ang "Syokoy" factor, ganun din kadaming beer at redhorse ang dapat inumin para sabihing, "Pwede na."

At dapat, kahit gano pa ka-syokoy ang bowa ng friendship mo, walang laitan ng minamahal. Baka naman lasengga lang talaga ang kumare mo, kaya gwapong gwapo sha sa tukmol nyang bowa. Kung ganun man, keber ka na lang. Titigan mo na lang maigi si Kuya, malay mo naman makita mo kung anu bang nakita nya.

Sabi nga sa "Syokoy Theory", pag mas tumagal pa, papasok na rin yan sa banga.


Rule # 9: Silencio Rule

Walang laglagan. Kung anong eksena ng beki friend mo, hayaan mo sha. Kung eksena nya eh babae sha, trip nya yan. Walang basagan ng trip. Kanya kanyang press release tayey sa mga karir natin. Nung minsan ang press release ko eh me bowa na ko, ang mga friendship kong beki, suportado ko sa statement ko na yun. Nung minsan naman, brokenhearted kuno. Pak! Pasok pa rin sa banga yan. Moment ko yun, walang pakialamanan.

Kami nung isa kong Ateng, magaling kami dito. Pag di nya bet uminom, ispluk ako ng "Ay may sakit yan sa tyan eh, acidic, keme-keme..." Pag di ko bet ang fez ng baka, ispluk naman yan "Ay di yan pwede ngayun, me bowa na yan magagalit sa kin yun pag nalaman na kinukunsinti ko sha..." Nung minsan, ang press relase ko sa payola nung isang boylet eh GL -- ganda lang -- pero kinudaan ko talaga ng tuition fee si kuya, quiet lang si beki mae kahit alam nya.

Ganun dapat ang mga beki, pag nasa casa, dapat saluhin ang bawat isa. Sagot ko ang kaldero, sa kanya ang takip. Sa kanya ang kwento, sa kin ang sulsol o backup info. Sa akin ang palusot, sha ang tagahawi sa talahiban. Suportahan shempre.


**********************************************


Marami pang unwritten at unspoken rule ang mga beki. Pero para sa kin at sa mga kaibigan ko, dalawang bagay lang ang rekado, at pag nasunod mo to lagi, asahan mong habangbuhay na buo ang beki-hood. Dalawang bagay lang: individual differences, at respect. Consider those two things ----> kapatiran ng sangkabaklaan habangbuhay!

11.24.2010

Suyuan sa Damuhan

Kahit di nyo tinupad ang pramis nyo na dadamihan nyo ang comments, dinadamihan ko pa rin ang post ha! Comments naman jan mga beki... Ang sarap kasing basahin ng comments nyo eh... Pansinin nyo naman ang blue eyes ko ahihihihi...


-------------------------------------------------------------


Para sa Todos Los Santos at para din sa padasal sa aking butihing lola na si Dominga, jumuwi kami ni Tita Valentina sa Batangas para magpadasal. Ay mali mag-forty one pala. Tsaka magdasal. Ive been looking forward to going back sa aking minamahal na Sirang Lupa. Kasi pag andun akeiwa, back to basics talaga ang eksena.

Saburdey pumunta na kami dun. Before kami dumirecho sa bukid eh buylaloo muna kami ng yellow cab na pizza at supdrenks. As usual, dadaan ka muna sa lahat ng kamag-anak bago ka makarating sa mismong ancestral house.

Bago kami bumoga ng padasal eh lumibot muna ko sa kabilang bakod at nakipag nomoan ng redhorse kina pinsan. Sarap ng pulutan, pinatisang tulingan tsaka indian mango at bagoong. At shempre expected ko na andun c Utoy, este c Raymart. Mas masarap na pulutan yun...

Inuman na kami sa haus ni Utoy. Nakilala ko si MU -- Mas Utoy. Younger tropa ni Utoy. Ang kyowag naman nila sa kanya eh Palo. Pwes paluin nya ko mamaya. Potensyal din impernes, pero ayaw nga ni Raymart ng two-timing bitch davah? Kaya behave akeiwa. Maya maya eh nagyaya yung isa naming kainuman sa bahay nila. Swim daw kami. May pool daw sila sa backyard. Char!

Hay naku andami nilang eksena. Lumipat pa kami ng venue kaurat. Pero pagdating namin sa hauslaloo ni Kainuman bigla akong nainlove sa kanya. Ning! May pool nga! Sa backyard! As in! Literal na swimming pool! May tiles! May tubig! May hagdan! Damn! Kala ko lubluban lang ng mga water buffalo, yun pala shalang pool talaga itey. Kaw na! Kaw na may pool sa likod-bahay!

At bago kami magnomoan, nilibot muna ako ni Kainuman sa buong kabahayan. Ning dun ko nakita ang pangarap kong bath tub! Sa bawat kwarto! At astig yung isang kama, shotlong pinagpatong na airbed, yung nabibili sa Ace Hardware. Panalo pala yung ganun, anlambot impernes. Gagayahin ko yun sa Bahay na Pink.

Ayun, sosyal na nomoan ang naganap. By the pool ang eksena namin, ubusin ang bahay alak at lunurin ang atay ateng. Sayang naman kasi ang atay kundi magagamit ahehehe... Nung una naloka ko, ayaw nila ng redhorse, pambanlaw lang daw yun. Ning, kwatro kantos ang binili! AY wichiririt ng tiririt!

Pero no choice naman ang bakla. Dapat talaga pag beki ka, magaling kang uminom. Kelangan may shield at force field ang liver loverboy mo. O kaya naman, winerva ka sa panggugulang at pandaraya. Eh sa bukid di uso dagdag bawas. Ay ning ubusin talaga ang gin bulag! Nung maubos yung 2 kwatro kanto, pumayag na rin silang magnomo ng redhorse, ang national beerlaloo.

Shenglot na ang lahat. Ako at ang stilleto ko na lang ata ang matino. Tsaka si MU. Mas Utoy. Si Utoy talaga, ayun humilata na sa kama ni Kainuman. 5 minutes lang daw shang magpapahinga at mangunguha na kami ng sinigwelas. Pak 30 minutes na borlogs much pa rin ang lolo mo. Si Kainuman din, iidlip lang daw. Bukas na ang gising.

Pero si Mas Utoy, naloka ko. Napansin ko ang otoko, himas himas mesh galore ng pundyo at zipper. Umbok fiesta ateng! Parang may sprain ang notary public: namamaga! Kelangan nang sementuhan! Kung may shortage ng humps sa Pilipinas, malamang eh kontratahin ng DPWH ang bukol netong si Mas Utoy.

Ako ba naman eh shunga? Shempre hindi davah. Niyaya ko na shang pumwesto na kami sa isang kwarto dun. Aba mansyon ito! Kaming apat na nagnomoan lang ang tao. Go na sa isang kama davah?! Ay wit. Delicades daw, baka ma-julie yap daza kami ng ibang tao. Ayun, literal na naman na pumunta kami sa indianan.

Uso uso ba? Peer pressure ba ditey sa bukid na kumembot at magpakembot lang sa damuhan, sa pilapil, sa sinigwelasan, o sa sampalukan? This time naman, natupad ang plano namin na manguha ng indian mango. Dun nya ko sinandal sa nakahapay na sanga ng mangga. Actually dun nya ko isinakay. At saka sha umangkas.

Keber na sa hantik at higad. May mas kakati pa ba sa pantal ko?! Palong palo talaga si Palo! Palong palo bawat ayuda ng lolo mo ahihihi. Pasintabi sa mga kumakain -- ning laway lang ang katapat! Talo-talo na! Gawin nating Jergen's Body Lotion ang dagta ng kamachile ahehehehe. Buti na lang dati akong cubscout, binitbit ko si condominic ochoa. Kasi bago magnomoan, magkatext na kami ni Utoy na dadayo kami uli sa damuhan. Winner talaga pag laging handa. Hayun, ang kawawa kong panty. Kanina pink ka, ngayun putim ka na.

Umuwi akong bisaklat.

Eh maaga pa yun. Mga alas dyes pa lang. Pagdating ko sa balur shempre dapat di halata. Kaya yung lakad ko na akala mo eh nagbisikleta ako mula Calamba hanggang Pangasinan, naging lakad matimtiman. At para walang bakas ng krimen, naglaro pa kami ng forty-one. Yung bente ko nanalo pa ng 360. Pinambili namin ng merienda.

Kinabukasan, swimming kami sa ilog bitbit ang mga chichirya ni Aling Gloria. Me nadaanan pa kaming barbekyu -- paorder nga po ng isaw at betamax. Tsaka adidas at one-day old. Picnic galore! Bigla ko tuloy naalala yung mga kalibugan namin nung bata pa.

Elementary hanggang 2nd year hayskul ata, ditey ako nagbabakasyon. Ang mga kalaro ko, madalas magsipunta sa ilog. Shempre ang beki kaladkarin. Sama ng sama. Nung minsan eh nalurki ang aking mura at bubot na kaisipan. Aba ang mga kalalakihan, ang trip pala eh group kembot. "Puwitan" ang showag nila sa gamelaloo na itey. Ang mga mejo mas bata, tutuwad sa batuhan. Iipitin ni mas kuya si kembang nya, at "pupuwitin" ang kalaro. Kiskis lang naman, ipit sa hita at singit. Kahit na! Kaloka pa rin! Minsan pa eh sabay sabay sila na nakapila sa batuhan habang nagpupuwitan. Ahihihi...

Yung overnight ko na plano, at dapat eh Sunday ng madaling araw ako uuwi, inabot ng Monday ng tanghali. Kasi kinagabihan matapos kaming maglunoy sa riverbanks, shempre forty-one uli. Naku malalagot kami nito kay Dominga. Di na kami nakapagpadasal para sa kanya.

Nomoan uli maya-maya. Same alak, same crowd, same poolside. But somehow, it was different. Different Raymart. Eh kasi may duda pala ang lolo mo na gumawa kami ng nilupak ni Palo.

Deny to death ako. Di ba nga rule number one and two: Wag kang magpapahuli at wag kang aamin. Kasi malasing ba kagabi? Ayan hindi nya tuloy naselyuhan ang post office ko -- iba ang nagkartero. Sabi ko na lang, umuwi ako agad at nagsugal. Pero mamaya after ng inuman, kanyang kanya lang ang lawton ko. Ahahaha gumugulo na ang metapora ko, naubusan na ko ng gulay! Sawa na ko sa pechay!

Inuman, kwatro kantos, tulingan, langoy langoy, sisiran, salat salat, kissmark dito, hipo doon, bulong dito, asar doon. Hanggang sa di na ko nakatiis. "Akyat tayo dun sa kwarto. Notaryuhan mo uli ang prostate gland ko, Utoy." yaya ng baklang makati pa sa dandruff.

"Ala, ay ayaw ko diyan. Baka tayo'y mahuli, ay di nalintikan na. Sa labasan na la-ang, dun ga sa tapat nung kina Nanay Lapit, katabi ng sa Nanay Layo. Sa tabi ng kalsada, di ga'y may mga indianan don?" Sinong mga nanay daw yun? Ay sumunod na lang ako sa kanya. Nung may sumitsit sa kin, pak! Rendezvous point na pala yun.

Confirmed, uso talaga ang kembangan sa indianan. At dun pa ko dadalhin sa same spot na pinuntahan namin ni Palo. Kaloka! Kahit anong pagpupumilit ko na ditey na lang sa malambot na kama ng aming kainuman, witchararat-bumba! Ayaw talagang pumayag ng otokong masarap. Fine! Dun na uli sa puno ng indian mango.

Samakatwid, dun nga kami bumagsak sa pinagyarian, I mean pinangyarihan, ng krimen. Ang mangga na bininyagan namin ni Palo kagabi. Ditey bash? Oh ditey bash? Ang dapat kesh kalagyanesh, sa jilalim ng sunlaloo?! Anu ba to, kilala na ko nung puno, baka maengkanto ako lumaki ang bayag ko. "Boobs na lang po, mga engkanto... Boobs na lang." Makapag-wish na rin, para alam ng engkanto kung anong preferred ko na palalakihin sa kin if ever ahihihihi...

Ang ritwal, ginawa namin ng bonggang bongga, walang pag-iimbot at buong kahalayan, este katapatan, este kahalayan nga. Para kong miyembro ng tribong Sarakiki, bukas na bukas ang hasang ng bakla. Anong sinabi ng mga camel sa pagkauhaw ko?! Anong laban ng mga linta sa pagsipsip ko? Sa dami ng juice na nahigop ko, may pulp bits nang kasama!

At ang lolo mo, gus2 atang patunayan na mas masarap sha sa ibang kalalakihan. Matapos magsabog ng lahi sa leeg ko, nagtanim na naman ang Utoy ng binhi sa sinapupunan ko. Nagpunla ata ng buto ng santol, feeling ko nung matapos kami eh may suhay na ang binhi. Magtanim ay di pala talaga biro, lalo na kung magdamag kang nakaangkla sa sanga. Ikaw na BM! Ikaw na talaga! Pero kahit gano pa kami kahalay magdamag, sya pa rin si Utoy, ako pa rin si Ineng.

Pag-uwi ko sa Maynila, naiwan na naman ang isang part ng buhay ko sa Sirang Lupa. Yung colon ko ata naiwan... o yung one-fourth ng intestine ko? Baka naman naiwan ang atay at balunbalunan ko? May kurot eh, may kulang. Hindi kaya... puso ko ang naiwan?

Habang gumugulong na uli palayo ang bus, na-realize ko na kung anong nawawala...



Yung panty ko, nakasabit sa sanga.

8.10.2010

Lost in J.K.

Shugality ng post ketch sa Jong Kong triplaloo kong nag-uumigting sa pagka-kabogera! Bog na bog talaga at pak na pak! Plangak! Planganitang jutas na kinaskas ni Barabas! Pak!

Months ago pa lang eh excited na ko ditey sa boom-boom bang na first trip ko ever outside of Inang Bayan. Bale shotlo kame dapat na gogora, kaso last minute eh mega atras abante hanggang finally eh jumatras na nga ng bonggang bongga ang duwang hitad. Shushuloy pa ba akez? Naman!

Pairalin ang pagka-cory quirino. As in kuripot! Sa airport pa lang eh namakyaw na ko ng sangkatutak na jolibee cheese burger at ceetwo. Para pagdating ko sa Jong Kong eh me lalapangin naman atashibells. Pati mga chichirya ning, bitbit ko. Pwede ko nang kumpetensyahin si Ate Stewardess sa dami ng paninda ko. Sige! Hakutin ang ministop! Walang pagkain sa Hong Kong eh! Dalhin mo lahat! Dalhin mo! (delivery ala-Vice Ganda)

Manic Monday and flysung ng beki. Potah ang maharlika ng taxibelles papuntang jotel. Kasi midnight madness na raw nung um-arrive akeiwa, kaya wichiririt na ang mga shuttle busters, lahat eh RIP na for the night. Impernes sa boxibelles, me instant tip si Manong, automatic na sa metro. Attitude!

Yung hotel california kez eh wanpayb lang per night. Na-guilty kc ng trulaloo yung isang hitad, kaya sinagot nila nung jowa nyang fraudster ang booking ko. Winerva naman talaga ang suite room ateng! Me tibi-tibihan na puro chinese ang palabas, me duwang kama na pwede kang magpa gulong gulong ng mga 5 seconds. Me refelya na wit ko bet galawin ang mga laman dahil maharlika ang presyo. At ang pinaka-inaasam-asam ko... bath tub!

Unang gabi ko pa lang, naka-request na ko ng anim na botelya ng foam bath at talagang naglunoy na ko sa mundo ni Ariel. Habang humuhuni-huni ako ng Part of Your World at Under the Sea at hinihipan ang mga bula, mega patong lang ng portable dibidi at mega watch ng Will and Grace na relate na relate akez.

Kaloka pala sa Jong Kong, walang pedicab! Potah yung mga tyangge anlayo sa mot-mot ng mayaman! Kelangan ko pang mag-walkathon ng mga 30 minutes para matunton ang lady bazaar. Yun talaga ang pinuntahan ko, because the boy is now a lady. Kaya kahit ansakit sakit na ng balakang ko, at ngawit na ngawit na ko sa stilleto ko, wit! Don't quit! Fighting!

Buti me 7-11 kada kanto. Tinira ko ng tinira yung Biggie sized nilang Yakult. Para okay ang tyan, kesa naman sa kalsada ko abutan ng delubyo. Bakla na, nagtatae pa?! Di rin! Pati lahat ng makita kong kakaiba sa mga pagkain nila, tinikman ko rin. Turo, luto, upo sa sidewalk, lafang! Kahit menudensya pa yan ng intsik behong pari papatusin ko yan. Dun daw gawa ang maling di ba? Intsik na pari?! Kaya di ko na tinikman yung intsik... este yung maling.

Peborit prop ko lang talaga -- mapa. Kada gwapong singkit na makasalubong ko, mega "Excuse me, I'm kinda lost. Could you help me? I need to go this churvah." Susko ning, dun ko talaga nasilayan ang pinakagwapo at pinaka-flwaless na singkit na nakilala ko sa tanang buhay ko. Kulang na lang eh hilahin ko na talaga sha sa hotel para pagsilbihan at sambahin at himurin mula ulo hanggang ingrown -- isama mo na pati burnik, tutsang, alak-alakan, bukong-bukong at tengang daga. Kamukha nya yung Korean actor na nasa "Couple or Trouble" -- si Oh Ji Ho. Kaso ang alam nya lang sabihin eh "you, me, hotel, at ok."

Nawarlaloo pa ko sa subway. Pano yung mga kasabay ko sa turnstile tina-tap lang yung mga tiket-chiwara nilanchi sa ibabaw nung ilaw, pasok na sa banga ang lolo mo, bubukas na si turnstile. Ampotang galore, dikit na ko ng dikit, tinaktak ko na si tiket, diniin ko na, sinubukan ko na rin sa ibat ibang slot, ayaw talaga akong papasukin ng lintik. Tinapat ko na rin yung mata ko, baka hitech sila, waley pa rin! Yun pala, kelangan insert mo sha sa slot, katulad lang ditey sa MRT natin. Pakshet! Shunga shungang bakla!

Super gora din akeiwa sa Disney. The happiest place on earth indeed. Ang mga piktyurakka ko nga lang shempre mega ask lagi sa mga ibang turista at sa staff and crew ni cinderella para me kumuha naman sa kin ng pix na kita ang dalawang kamay ko, at hindi yung mega piktyur ako sa sarili ko na puro mukha at background lang ang kuha.. Lahat pa ng pictyurakka kesh kita yung braso na naka-extend para makunan ang sarili... Kawawang bakla...

Kahit mag-isa, gow lang ng gow sa pagpila. Lagi akong uma-appear sa single rider lane, kasi mas mabilis dun at paningit ka lang sa mga walang jowa na katabi. Kaso parang kinakarmi martin akeiwa kasi ba naman nun una itinabi ako sa Arabo -- isang walking sibuyas. At nun sumunod seatmate ko naman si Kuyang amoy kiamoy.

Basta nag-feeling turista akeiwa ng bonggang bonggang Nova Villa sa Disney. Iwas landi muna, stop muna sa pagka-gwapoholic. Di muna aketch aatend sa miting ng aking support group -- chupaholic anonymous. Kelangang panindigan ang pinangako ko sa sarili kong "Me time". Kaya di ko rin kinakausap mga taong nakakasalubong ko. Pero ngumingiti-ngiti pa rin ako, so in effect eh kinakausap ko ang sarili ko. Me joke time, me reflection time, me keeping-u-a-company time, at merong bangag time. Impernes di naman kami nag-away ng sarili ko.

Sinulit ko na lang yung breakfast buffet hihihi. Me modus operandi ako dun eh. Aakyat sa 17th floor at kukuha ng fudaloo, mag-iinarte na inaantok at ipapabitbit sa waiterific ang lafang, at saka ako bababa ng 1st floor para kumain uli ng breakfast galore. Iskwater na iskwater lang ang bakla. Saka ako matutulog uli, at paggising ko ng lunchtime eh me lalafangin pa ko uli. Tipid meals ng mga sosyal... este ng mga magugulang.

Kaloka yung isang episode ng Will and Grace na pinanood ko habang babad ako sa bula. Mega kanta si karen ng "But a house is not a house, and a home is not a home, when there's no one there. To hold you tight, to kiss goodnight..." kasi mag-isa lang sha sa bahay. Me drama time rin pala akeiwa habang ume-emote na mag-isa ko lang inaaliw ang sarili ko at gumugulong-gulong man ako sa bula at sabon, the fact still remains na ang kasama ko lang sa trip na yun, si Will at si Grace, si Karen at si Jack.

Nung pauwi, delayed ang flight dahil sa ambon. Taenang ambon yun, parang magugunaw na ang buong Hong Kong, ambon pa lang daw. Pano na pag bumagyo?! Kaloka me baha din pala ditey. Loss ang stilleto ketch! Bota na goma dapat ang dinala ko! Kulang na lang eh kulog at kidlat, pwede ka nang tumingala sa langit, dumipa ng mga kamay, magpa-ikot ikot at sumigaw ng "Isinusumpa ko!!!" Effect!

Me nakabonding naman ako sa ulan. Si Joni, isang kapwa Pinoy at kapwa turista. Sabay kami sa flight at tabi kami sa eroplano. Sabay din kami sa taxi at hati kami sa chocolate package sa duty free. Sabay din kaming umuwi. Sabay din naming kinalimutan ang isa't isa makalipas ang ilang araw.

Nakaraos din naman kahit mag-isa. Me konting emote, me konting bloopers, me konting eksenadora, me konting kyeme, me konting lande, me konting babad, me konting lafang, me konting dupang, me konting pasalubong, at me konting bonding. Three days worth of happy memories at quality time sa sarili. And of course, ang masasabi ko lang na quotang-quota talaga akeiwa... bubble bath na bonggang bongga!

“I’d rather have 30 minutes of wonderful than a lifetime of nothing special.” Julia Roberts

7.24.2010

Runaway Gay

Baka pag nabasa toh ni Bibiana eh sabunutan nya ang sarili nya at isipin nyang isa shang pabayang Mother Goose. Di naman! Mashado lang talagang rebellious ang BM kaya kung anik anik na tumbling ang ginagawa. Actually hindi nya alam ang mga bagay na toh.. Uhmm, shempre pala alam nya kasi naloka sha kakahanap sa kin. Pero yung buong story eh di nya alam kasi usually naman di ko kinukwento kung anu exactly ang nangyari sa kin. Basta umuwi ako, end of story. Ang gulo ng intro ko no?

I'm talking about the times I ran away from home. Oh go na bakla, basahin mo uli yung intro, I'm sure it makes sense this time... Keri na? Now, on with the story...

Nung grade five ako ang first istokwa ko. Ni hindi pa ko pinamumukulan ng suso! Ang naaalala ko, pinapalo ni Maderrakka si Lil Sis at umaawat ako. Kasi ba naman kung makapalo siya parang kulang na lang eh downy at para na talagang ni-laundry shop yung utol kong baluga (Peace sis!) Eh kakaawat ko, bigla akong sinampal ng magaling kong Mother Hen. Ay, mega talikod ako habang hawak ang aking pisnging nagkulay rosas! Sabay punas ng luha na pumatak sa mula sa kaliwang mata, at saka tumakbong palayo.

Litong lito ang lilet (baklang maliit) na hindi alam kung saan susuling. Napagpasyahan kong gumora dun sa stepsis kong taga-Santolan. So imagine mo yun, mega takbo-talon-tili ako sa kahabaan ng Aurora Blvd. Walang kaperahan maski singkong naka-brace. Ang suot ko eh yung mickey mouse sando ko na sobrang laki ng butas sa gilid. At take note, nakatapak lang ako. Sumabit ako sa Love Bus hanggang Santolan, and from there eh alay-lakad na lang hanggang sa tapat ng Rizal High. 1-2-3 lang ako dun sa bus neng! Pero ang press release ko sa madlang pipol, at sa lahat ng handang makinig eh nilakad ko from Anonas to Santolan. Eh di nangapal naman ang kalyo ko nun!

Kinabukasan, ang mahadera kong stepsis na tomboy, ipinagkanulo na ko sa taong bayan. Sumugod ang lahat na may dalang sulo at balak akong sunugin sa plaza. Este ibang flashback pala yun. Ipinagkanulo nya ko ke Bibiana at maya maya eh dumating na at sinusundo ako. Aparrently hinanap pala nila ako sa buong Project 2 3 4, Cubao, at mga karatig na baryo. Malay ba naman nila na wit ko bet matulog sa kalye noh. Ayun, nag-kiss and make up kami ni Mudra at umuwi akong may sampal na naman sa kabilang pisngi. Hihihi.

Matapos ang ilang kalendaryo na pinupunit sa dingding, bakasyon naman going to 3rd year. Same eksena sa haus, pero si Stepdading naman ang kumekyeme sa baluga kong Lil Sis at binu-boogie wonderland na naman sha. Bugbog galore talaga ito! Kaya umawat na naman ang bakla. Iniharang ko ang katawan ko para sa kin lumapat ang hagupit ng kanyang sinturon. Bigla akong piningot at pinalabas ng bahay. Ang epal ko daw kasi, hehehe.

Dahil feeling outsider na naman ang baklang lagalag, umikot ako dun sa kabilang side ng bahay, dun sa may gawaan ng mga hollow blocks. May bintana kami dun. Sinitsitan ko yung boy namin na mukhang ewoks. Etong si Boy Ewoks eh napulot lang ni Step-pudra sa lansangan. Mano ba namang magpalitan kami at ako naman ang tumira sa lansangan. Pinaabot ko kay Boy Ewoks ang bagelya at mga damit ko, pati yung pokpokahontas kong shirt na green.

And I followed the yellow brick road named Aurora Blvd again -- this time hindi na ko umabot ng Santolan. Destination: Katipunan. As in sa ilalim ng flyover!

Dun sa ilalim ng c5 katipunan ko natagpuan ang aking bagong pamilya. Mga batang lansangan ang nakatambay dun. Tinuruan nila ko kung pano tumawid sa hiway ng walang tingin-tingin sa kaliwa at kanan, keber din sa traffic lights at sa busina. Run like the wind ka dapat. Pag nahagip ka ng sasakyan, eh di sorry. Umiwas kayo, tumatawid ako. Dapat ganun daw ang attitude.

Sa katips din ako natuto na umorder sa karinderya ng rice toppings. As in oorder ka ng kanin, at papalagyan mo ng toppings ng ulam para may lasa. At dalawang pisong coke -- bake limang takal dun sa takip ng bote. Winner na ang hapag kainan nun!

Me kumopkop sa kin na sampaguita vendor. Pero winner ang bahay ng lola mo sa Marikina. Pano, pusher pala si ate. Pero bet ko pa ring tumira sa haus nila kasi ang gwapo ng anak ng lola mo! At lagi pang nagpapakita ng motibo si Kuya. Since tabi kami matulog, aba ang kamay ko laging kinukuha at pinapasok sa loob ng shorts nya! Eh dalaginding pa ko nun, hindi ako nagpadala sa bugso ng damdamin at tawag ng laman. In short, tanga pa ko nung bata.

Si ate din pala ang nagbigay sa kin ng opportunity na kumita ng sarili kong pera. Binigyan nya ko ng pang-puhunan: tatlong basahan na bilog. Para may pampunas daw ako sa mga sasakyan. Ang teknik daw eh wag nang magtatanong, basta punasan na lang ang windshield, saka isahod ang kamay pagkatapos. Kung abutan ka, eh di swak sa banga. Kung di ka naman abutan, eh di duraan mo yung windshield sabay takbo. In fairness sa business na to, mabilis ang return of investment. Taray me ROI pa kong nalalaman!

Eventually eh umuwi rin ako, hinatid ako ni ate sampaguita sa bahay. Iniwan ko ang shirt kong pokpokahontas dun sa nagturo sa kin pano kumain ng rice toppings. At iniwan ko sa anak ni ate yung kalabaw ko sa boy scout. Para doon na lang nya isuot si Junior pag nami-miss nya ko. Cue background music -- kung maibabalik ko lang! Ang dating ikot ng mundo! Ang gusto ko kamay ko'y lagi ang nasa pututoy mooohh!

Yung sumunod na rampa ko eh mejo tumagal na. As in may kasama na itung pag-eenroll sa ibang iskul, at paghahakot ng mga gamit. Kasama na rin dito ang pagiging boy at PA ng isang artista. Gento yun...

Naaalala nyo ba yung magic temple at magic kingdom? Yung tatlong bata na may kapangyarihan: sina Juval, Omar at Sambag. Si Juval si Jason Salcedo, sha yung pinakalider, nakakakita ng totoong anyo ng mga creatures of the dark at may parang tawas sa noo. Si Omar si Marc Solis, pinakamakulet at ang powers naman nya eh pag kumain sha ng buto ng prutas, nagiging parang bala ng baril yun pag idinura nya sa kalaban. At si Sambag naman si Junnel Hernando, sha yung iyakin na pag tumulo ang luha sa lupa eh may tumutubong halaman at bulaklak. Kasama nila sa Part 1 si Anna Larucea, at sa Part 2 naman si Anne Curtis.

Bale magpo-fourth year HS na ko nito. Sa sobrang kabaliwan ko lang ke Sambag, pag pinapagalitan ako ni Bibiana eh tatapat ako sa halaman at iiyak. Kunwari tumubo yung halaman dahil sa luha ko. That would cheer me up! After ko mag-pretend na magical ang luha ng bakla, keribambam na uli. Nirekord ko pa sa casette yung audio ng movie, at gabi gabi kong pinakikinggan bago matulog.

One time eh nakita ko ang address ni Junnel sa magasin. Sa murphy pa sila nun nakatira. Ang bakla, walang pag-aalinlangan na sumugod at kumatok.

"Anjan po ba si Junnel?" tanong ko.

May ale na sumilip sa pinto. "Ay wala eh, nasa workshp sa Davao kasama si Peque Gallaga."

"Sayang naman po." Umeemote na napaupo ako sa tapat ng bahay nila.

"Bakit?" tanong ng ale.

Ewan anong pumasok sa kukote ko. Biglang naging lola basyang ang bakla. "Naglayas po kasi ako eh..." Sabay hikbi na parang pinagtulungan ni Snow White at ng Seven Dwarfs.

Di ko na maalala pano ko pinatuloy ni ATe Lita who turned out to be Junnel's mom. Basta kinupkop nya ko, at nagpaka-boy ako ng bonggang bongga! Pag kinakapos na sa kwento at kasinungalingan, takbo sa suking tindahang hardware, at maghakot pa uli ng talong sakong gravel and sand! Sige, magtahi ka ng tubig at maglubid ka ng buhangin baklang sinungaling! Me kasama pa akong tatlong tomboy na lilipad papuntang Saudi para mag-OFW.

In fairness to Mommy Lita mabait na tao talaga. Pag-aaralin ako ng lola mo. Ita-transfer na ko dapat sa Crame HS. Ako ang pinaka-PA ni Junnel sa mga taping, sa concerts, sa shooting, sa interview at sa guestings. Oh di ba feel na feel ko maging julalay! Tapos pag naliligo ako talagang todo pantasya kay Junnel. Shempre nakikita ko sha ng naka-briefs, naka-boxers, at nakatapis ng tuwalya. Minsan nga yung manipis na tuwalya ang inaabot ko eh para masilayan ko naman ang alindog ni Sambag.

I made the mistake of calling my family. Una, si Nanay Tess sa Iskwater, kapatid ni Ambo. Ngumangawa ang tiyahin ko at pinapauwi ako. Pano ilang linggo na kong di umuuwi. Tapos tumawag ako kay Sha-me, barkada ko ng hayskul. Ewan ko kung natatandaan pa nya, basta nag-iyakan kami na akala mo eh hindi na magkikita. Ayun, 10 years after magkasama pa rin kami.

And the most heartbreaking was nung tumawag ako ke Inay sa Pandacan. Si Dominga, ang lola ko at ina ni Bibiana. Nung humahagulhol na si Inay sa phone at pinapauwi ako, I had to go home. Goodbye Junnel! Goodbye showbiz! Goodbye career!

During college naman, yung last and probably the most stupid, nang dahil sa pag-ibig. Yun lang talaga ang maisip kong dahilan para sa ineksena ko. Ang dahilan: si Aveňo.

Dahil super labs na labs ko talaga ang lolo mo, imbis na sa Pandacan ako umuwi, araw araw eh sumasabay ako sa kanya hanggang Anonas kasi press release ng bakla eh dun na ko sa mga pinsan ko sa iskwater nakatira. Pero pagsakay na pagsakay nya ng jeepelya pauwi sa bulubundukin ng Cogeo, sakay na uli ang bakla ng patok na jeepangga pauwi sa Pandacan.

Ang pinakatodong kalukaretan ko na lang talaga eh nung bakasyon na. Maloka-loka na ko kakaisip kasi maghihiwalay na kami, so ang lola mo nakaisip ng paraan.

Alas onse ng gabi, kumatok ako sa bahay ni Aveňo sa Cogeo at naupo sa lupa. Paglabas ng tatay nya, ang ispluk ko lang eh ganitembang:

"Si Noel po?" sabay patak ng luha sa kaliwang mata.

"Ay tulog na. Gabing gabi na ah. Bakit? Anong nangyari?" q&a ni paderakka.

"Si Noel po?" paulit ulit lang na ispluk ng bakla.

Maya-maya eh pupungas pungas na lumabas ang otoko. "Oh mahal, bakit?" Kala ko lang ata mahal ang tawag nya. Hihihi.

Tulala pa rin ang bakla. Naalala nyang tingnan ang text ko kasi on my way eh may naitext na ko sa lolo mo. Ang script ko sa text: Aveňo! Nag-away kami ng stepfather ko. Tinutukan nya ko ng baril! Buburahin daw nya ko sa mundo. Buti na lang umakyat si Mommy kaya nakaalis ako. Pwede bang makitulog jan ngayon?

Parang biglang nagising na napahawak sa kin ang gwapo. "Ok ka lang? Nabasa ko na to kanina pero di ko naintindihan kasi natutulog na ko. Anong nangyari? Tinamaan ka ba? Gago yun ah! Ok ka lang ba? Sumagot ka mahal!" tunog mahal uli yung pangalan ko...

Pinanindigan na ng bakla ang pagiging pipi. Basta di ako sumasagot, di ako tumitingin sa kanya, at di ako kumukurap. Tulala. Shocked. Traumatized. Napipi. Yun ang character ko, kailangang i-internalize. Basta dire-direcho lang ang tulo ng luha ko, at di ako nagsasalita. Todo project! Best actress!

Ilang araw akong tulala at pipi kila Aveňo. Nasa tapat lang ako lagi ng bahay, nakaupo sa tambayan nila, nanonood pag nagwo-work out si Boy Masel, at ine-enjoy ang atensyong buong puso at buong araw nyang binibigay. Since sapatos ang dala ko pagpunta sa kanila, hati kami sa tsinelas. Kanya yung kaliwa, akin yung kanan. Asikaso galore ang lolo mo sa kin, laging nagjo-joke kahit corny, inaaliw ako sa paraang alam nya, at tinutugtugan ako ng gitara.

After 4 days ng pagiging tulala, at kahit pamilya nya eh nagwo-worry na, nasa kwarto kami at tinutugtugan uli ako ng lolo mo ng gitara. Aveňo has a great voice. Pwedeng pang-ASAP ang timbre kasi lalaking-lalaki, pero me kulot. Kinakausap ako ng lolo mo, pinipilit akong mag-snap out sa aking pagkatulala.

"I was down and out and feeling so low. You took my hand and eased my mind. I was afraid, you showed me the way. You taught me how to be strong. You made me live again."

Tulo na ng tulo ang luha ko, kasi I know he doesn't deserve this. Yung mahirapan ng todo dahil sa kagagahan ko. At habang kumakanta sya, umiiyak na rin ang lolo mo.

"Tol, magsalita ka naman. Di ko na alam kung anong gagawin ko. Magsalita ka na pls. Andito naman ako eh di kita papabayaan. Magsalita ka na pls. Magsalita ka na." Niyakap nya ko sa likod, at saka sha umiyak ng umiyak. Yung iyak nya, unti unting lumakas hanggang sa humahagulhol na si Aveňo.

"I was lost in the dark. With my lonely broken heart. But then you came along you took me home and made me your own. You made me live again..." tinapos ko yung kanta. Kahit sinisinok-sinok at sumisinghot-singhot ako, after four days, yun ang una kong salita. Hinarap ko si Aveo, niyakap, at saka umiyak sa balikat nya.

Umuwi na rin ako nung araw na yun. Hinatid nya ko sa Pandacan at dun pa sha natulog that night. We became really close, me mga away at tampuhan, pero we managed to keep the friendship. Sa ngayon, nasa Mindanao ang lolo mo at tinupad ang pangarap nyang maging sundalo. Pag naaalala ko kung gano ko ka-abnoy dahil sa pagmamahal ko sa kanya, natatawa na lang ako.

I have always been a wild child. Feeling ko hanggang ngayon, there's a part of me pa rin na pag mashado nang maingay ang mundo, gusto kong maglayas at tumakas. Di ko na nga lang magawa ngayon. Pag naglayas ako, ako rin ang kailangang humanap sa sarili ko. Kumusta naman?! Kung ang tsinelas nga pag nawawala, hinahanap. Stilletos ko pa kaya?!

On Monday, I'll be going to Hong Kong ALONE. Yung mga supposedly eh kasama ko, parehong nag-back out. Gogora pa rin ang bakla. I promised this trip to myself, kasi gusto kong kumawala sa normal na buhay ko ngayon. Time for myself, time to introspect, time to reflect... Oras na para maglayas ulit.

Kahit anong tumbling, kahit anong layas, kahit anong istokwa, kahit anong ronda, uuwi at uuwi rin ang bakla. Ako at ang stilletos ko.

3.09.2010

Bakla Noon, Alamat Ngayon!

Akalain mo yun? Nakaka-isang taon na pala ang kabaklaan ko sa bloglandia. Isang taon na kong kumekembot sa pagbo-blogelya. At isang taon na rin akong kumekeme ng mga kwentong bayan at mga aneknota ng buhay maton sa iskwater.

Feeling ko kasi madalas, time stands still pag nagsusulat ako. Parang mag-isa lang ako sa eksena at ang kamera eh umiikot ikot lang sa mukha ko habang kinukunan ang pinaka-shala kong anggulo. Mejo isa-sideview ko yuung pisngi para ganda-gandahan talaga ang kuha.

Ang sarap talaga magmuni-muni lalo na pag naka-blush on at bronzer. Ang sarap ding mag-isip-isip pag amoy green tea at incanto. At mas masarap mag-emote pag me soundtrack: "I fall all over again" tsaka "thumb thumping" na kinakanta ng katabi kong inlove sa station.

Nagsimula akong mag-esep esep nung me nakatabi akong nanay na me kargang sanggol sa mercury drug. Parang na-trigger ang mother's instinct sa kin. Me parang humihila sa lapay at imaginary ovary ko nung mga sandaling yun na di ko maintindihan. Tapos eh napanood ko yung "Little Boy Big Boy" sa dvd. I suddenly realized what's bugging me.

Anak. Unica hija. Pamilya.

I considered the possibility of growing old, alone. I've accepted the fact that I might never marry, settle down and have my own family. Wala naman akong matres at palopian tube. Kathang isip lang ang pechay ko. Halusinasyon lang ang ovary ko.

Eh pano pagtanda ko? Basta maya-maya na lang puro matanda na ang nasa isip ko. Matanda. Thunder Cats. Jondits. Impong Sela. Mamang. Lola. Oldies. Golden Gay. Markova. Bigla akong na-orkot. Scary!

Di ako takot sa matandang bakla ha. Natakot lang ako sa ideya na balang-araw eh magiging sila ako. Magiging sila tayo. Handa na ba ko? Kayo?

Kinarir ko na talaga ultimo root word hanggang coined word, isali mo na lahat ng unlapi, gitlapi at hulapi ng pagiging bakla. Once you go gay, you can never go back. Sa dami ng kinarir ko, at sa dami ng nakatikim sa alindog kong sintamis ng wine at singtatag ng sunshine, gudlak. Talagang there's no turning back.

May sapat na ba kong yaman para magbayad sa private nurse at caregiver? Sinong magpapalit ng diapers ko pag Thursdays? (bananas and milk day sa diet ko) Sinong maglalaba ng mga striped panties ko? Sinong aakay sa kin papuntang massage parlor pag kinakati ang kuluntoy na pechay ko? Sinong yayakap sa kin pag giniginaw ako sa pagtulog? Alangan namang si RR pa rin? (Si RR ang dakila kong teddy bear, mukhang stuffed toy na me Down Syndrome).

Nakakaloka.

Napakiyeme tuloy ako sa mga kakilala kong lola beki around the suburbs. All of the suddenly eh inawitan ko ng alin-alin ang naiba ang buhay ng mga kakilala kong thunder gays para me clue naman ako kung saan ako patungo.

Ni-rundown ko ang mga kakilala kong lola beki para me cross-sectional slash cultural slash anthropological slash philosophical slash suicidal comparison ako kung ano bang kahihinatnan ng mga... (Titingala sa kamera na nasa kisame.) "Bakla Noon, Alamat Ngayon!"

Case Number 1:
Si Propesora Imaculada. Si Prof. Ima eh prof ko nong college. Super higpit yan day! Malakas manlait. Nakakaorkot sa klase, lalo na pag tinawag ka ng walang sabi-sabi. Pag nairita sha sayo, hahamunin ka nya ng pagandahan, patalinuhan, payamanan, pabanguhan. Dadautin nya kahit kaliit-liitan at kadulu-duluhan ng cuticle at ingrown sa pinkie toe mo.

Successful in her own right, at pag nag-retire eh yaman-yamanan talaga. Ang tanging hobby nya lang eh pasusuhin ang sanggol at susuhin ang tatay ng sanggol. Wag naman sanang sabay.
Meron shang isang ampon na pamangkin. Lahat daw ng ari-arian nyang ipinundar eh ke ampon mapupunta. Congratulations!

Case Number 2:
Si Sonya. Si Sonya eh nakilala ko nung kinembot ako ng isang ka-eyebol way back 2001. Dun kami naki-pwesto sa bahay nya sa may San Andres. Designer ng mga karosa sa simbahan at mga dekorasyon sa anik-anik na mga events ang lola. Pati yung mga food decoration karir nyan. Yung mga pictorial ng jolibee products tsaka cindy's at aristo-back na nasa likod ng aristocrat, sha nagde-design sa mga pagkain para magmukhang malinamnam at masarap.

Yung bahay nya e punong-puno ng mga rebulto at santo. Umaapaw din ang mga bisita nyang bisikleta (bisexual) na nagkukuyang-yangan gabi gabi. Lahat ng putahe present. Shempre dahil bahay nya ito lagi din shang kasali. Dito ako nakanood ng live na torohan at bongkangan. Show kung show ang mga bakla.

Pag tinatanong ko kung nag-iipon ba si bakla, wit nya feel kasi wala naman daw shang tagapagmana. Kaya lulustayin na lang nya lahat habang nasa San Andres pa ang katawang-lupa nya. At pag na-tegi onor (namatay) na sha, gudbye sa mga fungi!

Case Number 3:
Si Tonet. Kapitbahay namin na nagtitinda ng barbeque sa kanto. Kung gusto mo ng amoebaiasis at diarrhea, buy na! Kung matibay naman ang sikmura mo eh go na, wag lang araw araw. Pero in fairness masarap talaga ang gawa ng bakla. Kahit dalawa ang katabi nyang barbekyuhan -- as in tabi tabi silang tatlo -- eh sha lagi ang unang umuuwi. At pag loss ng choice ang madlang pipol, sa mga katabi na nya bumibili. Sha talaga ang pinakamasarap. Kaya bilib na bilib rin naman ako sa tibay ng sikmura ng mga tao sa iskwater. Pati pala mga taga-village sa tapat namin keri rin ang bbq ni bakla.

Alaga ni Tonet dati yung pinaka-pinapantasya kong kaklase nung elementary na si Ricky. Wafu talaga yun. At si Tonet ang binobowa ng lolo mo. Wala na sila, wala na rin sa iskwater si Ricky, nag-voyage na sa ibang iskwater. Si Tonet eh nagtitinda pa rin. Walang pundar, walang bowa, walang pamilya. Parang hinihintay na lang nya yung ring ng bell para makapagpahinga na sha. Pero palaban pa rin sa buhay. Sabi nya, pag hindi na nasasarapan ang madlang pipol sa barbekyu nya, pwede na shang mamatay.

Barbeque ni Tonet: Winner! Prepare two tablets of atapulgite tsaka maraming maraming hydrite.

Case Number 4:
Manong sa bungad ng iskwater. Hehehe. Di ko kasi knows ang namesung nya. Pero kilala ko sa mukha at nakakwentuhan ko na rin minsan. Me anak na sha, tatlo. Me mga apo na rin. Dati shang nagtatrabaho sa Saudi. Pag-uwi sa Pinas, wala na ang asawa, sumama na sa ibang lalaki. Ngayon eh tagagupit sha ng buhok ng mga matrona sa iskwater. Taga-manicure at pedicure din at me mga sineserbisan sa ibang lugar. Steady ang income pero hikahos pa rin madalas. Nag-aalaga ng mga apo kahit kumekendeng kendeng. Di ko pa nakita ang mga anak nya kahit minsan.

Nung tinanong ko sha, sabi nya mabuti na rin daw na iniwan sha ng asawa nya. Si babae ang masama sa paningin ng mga anak nila, at dahil don eh natanggap ng mga anak ang pagkabakla nya. Ngayon eh malaya na shang nagha-highlights, nagkukulot at nagre-rebond ng mga buhok. Natupad na raw ang mga pangarap nya. Isa na lang ang kulang: Parlor.

Case Number 5:
Si Vic. Malayong kamag-anak ko sa Batangas. Gano kalayo? Mga ten miles. Ampon sha ng isang mas malayong lola na matagal ng sumakabilang planeta.Si Vic ang caterer at wedding decorator ng bayan. Sha ang gumagawa ng mga arko, table art, napkin folding at lahat ng kabaklaan sa bawat kasalan sa baryo namin sa Sirang Lupa (aspaltado na ngayon.)

Wala akong ganong nababalitaan na kalandian at kapokpokan ni Vic. Kasi nga malayo ako, kaya siguro di ko na naririnig. Pero ang sure ako, iilan lang ang beki sa baryo namin, at nirerespeto sha ng mga tao. Kung dun ako nakatira, malamang ako naman ang home wrecker ng bayan. Tahimik ang buhay ni Vic, tumutulong sa mga kamag-anak at pinagyayaman ang sarili. Marami na shang bagong natutunan na style ng napkin folding. Meron na atang Trex at sabretooth tiger.

Case Number 6:
Si Mang Rey. Dun sha nakatira sa kabilang street na hindi iskwater. Pero mabaho pa sa iskwater ang bahay ng lola mo, puro kasi aso. Sha ang pinakamatandang bading dito, at lahat ata ng lalaki sa iskwater eh dumaan sa kanya, ultimo yung mga tatay ng canton boys! At ang lagi nyang linya habang pinagkikiskis ang dalawang kamay: "Magsu-swimming din kayong lahat..." Kasi nga naman pag swimming ng tropa di ka pwedeng maiwan. At pag wala kang pera pang-ambag, isasangla mo ang kaluluwa mo kay Mang Rey.

Inis na inis ako sa matandang to. Kasi, nung isang araw ko lang nalaman, yung isang pinakatatangi at pinakaingat-ingatan kong nilalang, nong hayskul pa lang kami, eh niyaya ng mga kabarkada nyang magswiming, at walang wala shang perang maiambag. Nagsangla sha kay Mang Rey. Hindi sa akin. =(

Case Number 7:
Yung matanda sa S.R.O. na indie film. Payatot, nakakatakot, may bangs pa ata, laging nakatambay sa mga sulok ng sinehan, nag-aalok ng bente pesos sa mga sholbam para makapanghala lang. Lagi shang nirereject nung bida kasi nga dugyot to d max.

Parang nakita ko na kung anong mangyayari sa baklang tumanda na mahirap at walang yaman. Makikiamot ng bente pesos na halaga ng ligaya at pampalipas-libog. Manlilimos ng bente pesos na pag-ibig. Kahit tatlong minuto lang.

Case Analysis:

Ano ba formula para masiguro mo na magiging masaya ka hanggang sa pagtanda? Ano bang recipe para magtagumpay ka sa laban ng buhay? Kelangan ba eh uminom ng alaxan ip ar? Ano ba ang ingredients ng isang malinamnam na paglalakbay?

Siguro, sa bawat hakbang, sa bawat sangkap, sa bawat langhap, sa bawat luha, sa bawat halakhak, sa bawat akbay, sa bawat himaymay, sa bawat kandirit, sa bawat cartwheel, at sa bawat paglalakbay, siguraduhin mo lang na di ka naglalakbay ng mag-isa. Magtawag ka ng kasama. Wag kang magtayo ng pader at tanikala. Bumuo ka ng kadenang bulaklak. Bumuo ka ng baklang banga.

For the first time, wala akong maibigay na magandang ending. Kasi, di pa naman tapos ang kwento ko. At kung malapit ng matapos ang pagkembot ng Baklang Maton, bago ko pumasok ng tuluyan sa banga, pramis, bibigyan ko ng ending ang post na ito.

2.18.2010

It Takes Two to Mango

"Mangga, mangga, hinog ka na ba? Oo, oo hinog na ako..."

Naniniwala ako na walang beking tanga. Nagtatanga-tangahan, pwede pa. Sa mga hopeless romantic, sabihin na nating sobra lang talaga silang magmahal. Pero hindi na uso ang baklang biktima ngayon. Kadalasan, beki na ang may upper hand. Kasi nga di ba, ang best in motto ko, kapag bekbek ka, bawal maging mahirap.

Pero nagulat ako ng makilala ko si Grant (di tunay na pangalan -- hehe parang SOCO lang). Si Grant ay isang bakla. Isang biktima. At para sa amin na nakakakilala sa kanya, isa rin shang Shunga. Boploks. Noni. Bobita Peron.

Tanga pero pinili nya. Biktima kasi ginusto nya. Mina-mangga dahil pumayag sha. Inaabuso at hinayaan nya. Ginagatasan kahit di naman baka.

Si Grant eh isang high-ranking official sa isang contact center. In fairness winner at winerva ang kabuhayan showcase ng lolo mo. Takehome pay na sapat para bumuhay ng limang lalaki, kasama na pati lahat ng kapamilya na maysakit, kapatid na nag-aaral at kelangan ng tuition fee, pang-upa sa bahay kasi pinapalayas na si lalaki, at lahat na ng sob story ng mga otoke. Me bitbit pa shang bilao ng sapin sapin at kalamay sa isang kamay.

Ganun ka-bongga ang sahod ng lola Grant mo. Keri nyang magbigay ng bigasan showcase at negosyo package sa isang cutoff lang.

May bowa si Grant. SI Isko. Bagay davah?! Si Isko. at si Grant. Scholarship Grant. Sakto!
Si Isko naman ay isang dakilang mangga. Manggang kalabaw. Manggang hilaw. Manggang talandi. Manggang mangga lang araw-araw. Manggagamit.

Average lang ang kagwapuhan ng lolo mo. Di rin naman mukhang dakota kasi wala namang bumabalatay sa harapan nya kahit gano pa kasikip si outfit. Wit din kagandahan ang katawan ni Isko, wala kamong abs kahit drawing lang. Kung artista look-alike, wala akong maisip. In short, di talaga remarkable.

Pag tinanong mo si Grant kung anong nakita nya ke Isko, sasagot lang yan ng "Magaling. Basta magaling." Gaano kagaling ang minsan?! Saan magaling ang lusak?! Hmmm, tse! Magaling ka jan. Kaya ba nyang himurin ang lapay ko at kilitiin ang ribcage ko?! Di rin!

Super spoiled si Isko. Ning, may allowance yan na 10kiyaw every payday. Bukod pa jan yung shopping nila para sa personal needs, grocery para sa pamilya, gatas para sa mga naging babies ng hombre, at ang allowance nya tuwing papasok sha sa work.

Nung minsan eh bumili ng tv rack si Isko kasi ang kyut kyut ng design. Ang baklang Grant, bumili ng TV. Para nga naman may ipapatong. Nung minsan naman eh nangutang si Lulurki ng 18kiyaw ke Grant. After 3 months eh nagbayad naman ang lolo mo. Oh di ba, me word of honor naman pala. Si Grant, na-touch, sa sobrang pagka-touch, mega buy sha ng ref worth 19kiyaw. Kakalohka! Abono pa si bakla.

Nawili ang lolo mo! Umutang uli 16kiyaw naman. After 16 weeks din saka nagbayad. Sa tuwa ni bakla, binilhan si bowa ng aircon, 2 horsepower pa kamo. Bukod sa lamig ng aircon eh ang lamig din ng presyo. 17kiyaw. Ang presko talaga sa pakiramdam!

Pag naglalakbay si bakla kasama ang mga friendship nya, mahilig yan sa turo-turo.

"Yan oh! Jan kami kumain sa restoran na yan! Jan oh, sa lbc na yan yung nagpadala ko ng pera kasi nasa province sha wala shang pamasahe. Yan din oh! Jan kami nag-grocery nung me handaan sa kanila. Ay yan yung hospital na pinagdalhan namin sa kuya nya." lahat na lang ng establishment eh me konek sa kanila.

Kaya umeeksena na rin ang mga friendship na imbyernadet sembrano sa kanya. "Oo nga teh, tapos yan oh sa police station na yan, jan ka ikukulong kasi ang dami mo ng utang. Tapos jan sa puneraryang yan, jan ka ibuburol pag napikon kami sayo."

Pag nagda-drive eh kala mo hinahabol ni Mommy Dionisia na nakasakay sa kabayong blonde itong si Grant. Hagibis talaga sa manibela, parang hindi bakla. Tipong mauuna ang katawan mo, to follow na lang ang kaluluwa at mga laman-loob. At pag tinanong mo kung bakit, nagmamadali pala kasi susunduin si Isko. Kaya kesehodang red ang light, kahit pa purple o indigo yang stoplight na yan, lilipad ang Mazda 3 ni beki. Mag-seatbelt ka na lang. Buti nga me airbag na eh, kundi "dead na si bakla" ang entry namin sa filmfest.

Pedestal. Dun niluklok ni Grant si Isko. Pinutungan pa ng korona, nilagyan ng kapa, at may glitters sa mga talukap ng mata. Sobrang dinambana talaga nya si Papa. halik na may paggalang. Hipong may pagmamahal. Kembot na may respeto. Subo na may orasyon. Dalisay, puro, at walang bahid libog. Pag-uwi ni Grant, saka lang sha magpapantasya at magbabayas at magfifinger para sumaya. Laging all by myself ang eksena. Walang collaboration at teamwork. Kahit 2 years na sila.

Eto pa, kinasal na si Isko. Pero imbis na mag-emote ang Grant, kundi ba naman talaga shunga, me wedding gift pa! Trip for two to Bora. Ay napatayo talaga lahat ng baklang balahibo ko sa katawan sa protesta. lahat ay nag-sway-sway at humuni sa saliw ng "Monkey, Monkey Anabelle". Ungguyan na toh!

Isa lang ang sinasabi nya pag kinakalog namin ang utak nya at inuuntog sha sa pader para matauhan: "Mahal ko kasi sya." Inuulit ko. Walang baklang biktima. Marami lang talagang tanga.

Ang hindi nya alam, at wala akong lakas ng loob kaya di ko masabi-sabi... si Isko...


Na dinadambana at sinasamba nya ang kamachohan at pagkalalaki...


Sa dako pa roon...


Ay isang botomesa.


Sana magkusa na lang sha... "Kung hinog ka na ay umalis ka na..."

12.24.2009

Merry Christmas!!!

I'm sure may handa kayo ngayong Pasko... Pero handa ka na ba para batiin ang birthday celebrant?

Let's take time to reflect and prepare ourselves for the true meaning of this day.

Natatandaan ko pa nung bata kami, talagang mega porma para makapunta sa mall at manood ng sine. Eto eh pagkatapos namin magbahay-bahay sa mga ninong, ninang, at kapitbahay na rin...

Ngayon ako na yung pinupuntahan... Ang shonda ko na!!!


Dahil jan... May nag-text!

Anu man ang handa nyo, pagsaluhan yan ng bonggang bongga, at ipagdiwang ang kaarawan ng Lumikha ng may saya at galak... Congratulations! Palakpakan!



May handa na ko, at sana nga, handa na rin ako.


Maligayang Pasko sa inyong lahat!!!!

10.25.2009

LILIP

Sa pagsusuot ko ng bago kong pink na shirt, siguro tama lang na sulsihin ko muna ang mga tastas. Lililipin ko muna ang mga putol na sinulid. Para pag sinuot ko ang bago kong pink shirt, walang himulmol. Walang loose threads.

Nung natastas si Papa Totong sa buhay ko, hinayaan ko lang na nakakabit pa rin ang sinulid ko sa damit nya. Di ko pinutol kahit matalas naman ang pink na gunting ko sa pink kong sewing kit. Di ko nagawang putulin ang ugnayan namin.

Nun ngang burol ng pamangkin ko, nagpunta sila ng aswang last lamay na.

BM: O Pa, bakit ngayon ka lang? One week na tong lamay ngayon ka lang nagpunta.
Totong: Eh Ma, nagkasakit kasi to eh. (sabay turo sa aswang) Aray! (kinurot kasi sha ng aswang. Di ko alam kung dahil sha ang sinisi ni Totong, o dahil "Ma" ang tawag nya sa kin.)
BM: Ito naman, paalaga. Hmpf! (sabay irap sa aswang)

Buong magdamag eh inasar ko ang aswang.

Di ko naputol ang sinulid, kasi solid yun eh. Sobrang tagal kasi ng friendship, mahirap putulin basta-basta. Kahit pa pink ang gunting ko. Sa tingin ko, ang ngipin ng aswang ang puputol sa sinulid na itoh.

Si Magic kusa kong tinastas sa manggas. Pero hindi ko rin tinupi ng maayos yung laylayan. Kasi kahit bumitaw man ako sa kanya, there's a part of me na gusto pa rin shang isuot paminsan-minsan. Kaya kahit ginawa na shang karugtong ng table napkin nung isang badet sa kanto -- na naka-condo -- eh minsan ginagamit ko pa rin ang manggas ko na toh. To remind myself na di ako matrona material. Halleeer, naliligawan na nga ako ngayon!!

Si Marvin, nagkatotoo ang pangako ko sa sarili ko. Isa shang blusang itim na hiniram sa ibang cabinet. Pag holiday, sinusuot ko pa rin ang blusang itim at nakakamukha ko pa rin si Snooky Serna. Pag suot ko ang blusa eh gumaganda pa rin ako. Pero shempre paghubad ko, babalik ako sa pagiging bakla. Wala na yung initial na kilig, kasi naging kembang lang ang pundasyon ng relasyon. Ay mali. Wala palang relasyon. Walang tatahiin. Walang tatastasin. Ibang damit pala sha.

Tsaka usapan kasi namin, pag ukol, bubukol. So far eh wala pa namang bata sa lalamunan ko, di pa buntis ang adam's apple ko. Negative pa rin sa pregnancy test ang laway ko. Safe na safe pa rin.

Kaya kay Arjel, I'm taking it slow. Ang sarap nya kasing humalik. Dun ako nawiwindang ng todo eh. Kasi wala naman akong binigay sa kanya. Sabi nya nababaitan daw sha sa kin kaya sha nasa tabi ko sha ng panahon na yon. Pero ayokong bigyan ng kulay lahat.

Susme, ni hindi ko alam ang cellphone number nya! Ang usapan lang eh sha ang magtetext pag pupunta sha sa haus na pink. Ni hindi ko alam ang friendster o facebook nya. Nag-comment sha sa facebook ko, pero parang one time big time ito. Di na naulit, mukhang di rin nya ino-open.. Ah, baka nasabit sha uli sa *ubo! ubo!* budwire... Ah, baka kasi naninigas uli ang itits nya.

Tsaka ano ba mapapala nya sa kin? Kundi pera, ano? Katawan ko? Kumusta naman. Realistic din ako noh. Di ko kasing sexy si Angelina Joey. Wala akong bulltroop vest. Kaya I'm taking it slow talaga, to the highest slow level. Kung totoo na nababaitan sha sa kin, e di babaitan ko pa lalo. Kung pera naman, eh di prangkahan. Pwede naman eh.

Pero walang pusong involved. Mahirap kasi yung me pera na, me puso pa.

Bago ko pumasok sa bagong pagsusulsi session, bago ko simulan ang cross stitch ng buhay ko, bago ako magburda ng bonggacious na bonggacious, at bago ako mag-gantsilyo ng table napkin, lililipin ko muna ung mga nauna. Tatahiin ko yung gilid. Papatasin ang himaymay. Tatanggalin ang mga himulmol. Puputulin ang mga sinulid.

Para pag sinuot ko ang bago kong t-shirt, handang handa na ko.