Showing posts with label marvin. Show all posts
Showing posts with label marvin. Show all posts

8.20.2010

Closing the Doors

I have 7 photos in my hand, but only one of you will stay. So who goes home? I will tally the votes. (Paghalu-haluin natin lahat ng reality show!)



Canton Boys. Collectively, you are a great bunch. May kusa, may angas, may landi, may mejo gwapo, may tagilid, may sablay sa banga. Masarap kayong kainuman lalo na pag kayo ang gumagastos (mga kalahating beses nang nangyari yan). Panalo rin kayo sa swimming, kasi kahit walo kasya sa traysikel at go pa rin kahit sa Antipolo. Pero marami sa inyo ang umaambisyon na mag-celebrate ng Father's Day ng ganito kaaga. Spell kabuwanan at kabilugan ng tyanenat?!

Dinong, Harold, Jobert, Junior, Ikong, Ivan, Kiko, Tisoy, at kayong lahat ng mga talubata na Canton lang ang katapat, I'm sorry. The tribe has spoken. You have been eliminated from the race.


Marvin. Isa kang kembang na nagkatawang tao. Isa kang buhay na libido. Isa kang walking phallic symbol. Hindi ka na lumevel up. In fairness willing kang lumipad from Taguig to Anonas. Willing ka ring kumembang for a price. At willing kang mag-iloveyou kahit hanggang bibig lang. Di umaabot sa mata. Walang attachment. Walang emotions. Walang meaning. Just steamy, hot, meaningless sex. Lagi mo pang kasama ang sidekick mong si Hiroto na wala namang ginagawa kundi mag-jekjek habang nagkekembangan tayo sa kwarto.

Marvin and Hiroto, you're the last team to arrive. I'm sorry to tell you you've both been eliminated from the race.

"Di naman ako kasali ah. Sinamahan ko lang si Marvin" - Hiroto.

"Eliminated ka na rin kahit di ka kasali. Wag ka nang umapela. Wala kang right to suffrage."


Jepoy. Dati maxx na pula lang ang nginangata mo. Ngayon ata bakal na. In fairness, sa panahong wala ka sa piling ko, productive kang nilalang at nagawa mong maging lalong katakamtakam, kahalihalina at kabighabighani. Sinong magaakala na mula sa pagiging tambay, isa ka na ngayong Bikini Open amateur at umeekstra ka pa sa Momay, Mamarazzi at Pangarap kong jackpot. Binugbog mo pa si Bernard Palanca! Leveling ka na talaga. Me profile pic ka pa sa FB na naka-brip na katiting ka lang, at me pakpak ka pang kumukuti kutitap. Ikaw na ang may wings na shiny shimmery splendid! Gusto ko sana dyan ka lang muna sa side dahil baka sakaling sumikat ka. Masabi ko man lang na nagka-bowa ako ng artista. Kaso mukhang matatagalan pa. Mukhang iba ang habol sayo ng manager mo. Hindi komisyon kundi nutrisyon. Si manager kelangan ng protina.

Jepoy, you are wholesome, sexy and hot. Unfortunately, I'm not. I'm sorry to tell you you've been eliminated from the race.


Magic. Standing before me is a boy who's so magical. Kahit mejo kinulang ka sa height, bumawi ka naman sa karakas na pang-gwapings, karisma na pang-pabling, at tutoot na pang-harabas. Winerva naman talaga ang makembot mo. Impernes nung huling kembangan natin, di ka lang talaga pampamilya, pang sports ka pa! Pinuno mo ng mga sundalo at tangke ang battlefield ko. Pinuno mo ng mga scud missiles ang nuclear plant ko. Pinuno mo ng mga suicide bomber ang teritoryo ko. Pero di ka na siguro magbabago. Lagi nang kakabit ng mahika sa pangalan mo ang isang bungkos ng mga bekimon na malamang eh nakasama mo nang naglabas-masok sa pink rabbit hole.

Magic, the tribe has spoken. Pack your bags and leave the mansion. I'm sorry to tell you you've been eliminated from the race.


Jonel. Mahal. Wabyu boy. Nung una di ko maintindihan kung anu yung wabyu, jejespeak pala sa iloveu.Nun nagets ko na, kinilig na ko bigla. Di ka kasinggwapo ng lahat ng karir ko. Ikaw pa nga yung pinakawirdo kasi kulang ang kilay mo, para kang napagtripan ni Edward Scissorhands. Para ka ring biktima ng runaway razor ni Mang Kanor. Pag kine-claim ko na hawig mo si Jake Cuenca, walang naniniwala sa kin. Pero sa lahat naman, ikaw na siguro ang pinaka-ideal. Long courtship ito. Yung "malapit na" na pinangako mo sa kin 1 1/2 years ago, hanggang ngayon malayo pa rin. Pero kung meron mang nadevelop, sure ako ikaw rin yon. Inch by inch, mile by mile ang drama natin. Sa bandang huli lumipat din ako ng di ka kasama. Ikaw pa rin ang Ace of Hearts. Ako pa rin ang Queen of Hearts. Kaso lucky nine ang laro.

Jonel, mahal ko, nainip na ang tribo. I'm sorry to tell you you've been eliminated from the race.


Pa. Totong. Payat. Ikaw na siguro ang pinakaimportante at pinakamahalaga sa kin jan sa iskwater. You made living by myself fun and bearable, even comforting at times. Di ko naramdaman na nasa lupain na ni Uncle Sam si Bibiana kasi anjan ka. Dati. Dahil sa Aswang, at dahil tama lang naman na sha ang piliin mo, kineri ko ring magmove on ulit. Pasulpot sulpot ka pa rin sa buhay at bahay ko.

Kahit nag-iwasan tayo ng isang buwan dahil trip kong mag-inarte, di ka rin nakatiis. Dinalaw mo ako sa pink na haus at nagsalo tayo sa picha pie ni Jeng Jeng. Impernes ikaw nagbayad. Kahit nung aalis na ko sa iskwater, trak mo ang gamit ko. Ayaw mo kong payagan na ilagay na lang sa paper bags ang sofa at ref ko. Ayaw mo rin akong payagan na mag-MRT na lang sa paghakot ng mga gamit ko. At sa tulong ng trak mo, nahakot ko naman lahat. Tumirik nga lang kami sa gitna ng EDSA, at tinulak nila ang trak habang nakaupo ako sa sofa ala Prinsesa ng Basura. At nung unang gabi ko sa BBB (bahay na baby blue) as expected, ikaw na uli ang lalaki sa panaginip ko.

Pa, sa panaginip ka na lang uli. I'm sorry to tell you you've been eliminated from the race.


Budwire. Ikaw ay nagbalik, at mula kong nasilayan. Nagulantang na lang ako ng dumungaw ang panalo mong mukha sa bahay. Natuyot na ba ang lupa sa Quezon? Nagsawa ka na ba sa farmville? Bat di mo try magplants vs. zombies? In fairness di na ko na-starstruck nung nakita kita. Nun una di pa ko makapaniwala, pero nung dinutdot ko yung peklat mo sa kamay at tinanong kita kung napano yun, sabi mo "Nasabit sa budwire" ayun, nayakap kita bigla sabay sabing "Ikaw nga yan! You're back Daduds!"

And then, I realized. Ikaw nga talaga yan. Ang tanong gusto ko bang magka-budwire uli ang buhay ko? Ayoko nang magsupply ng kakanin. Ayoko nang isulat ang mga bloopers mo at di mo pa rin napapansin kahit kaharap lang kita. Ayoko nang magduda kung ikaw ba talaga ang ka-text ko o hindi. Ayoko nang i-decipher kung anu ba talagang meaning ng mga jeje-text at jeje-speak messages mo. Ayoko nang malulong na naman sa kandungan mo, at magpakalunod na naman sa tequila pag nagtanim ka uli ng rootcrops. Ayoko nang magdildil ng HongKong style stirfried noodles na may teriyaki beef toppings. Ayoko nang mabuhay ng nag-aalangan kung asawa mo ba yun, ate, nanay o girlfriend. Ayoko na.

Budwire, you are the weakest link. Goodbye.



Naka-paper bag na lahat ng gamit ko. Nakasukbit na ang shoulder bag ko. Nakaponytail na rin ang buhok ko. At nakasunblock na rin ako. Handang handa nang gumora, reding-ready na sa panibagong yugto ng buhay-bakla. A fork in the road. As I pack my things and leave, there would be times when I would look back and wonder what might have been. Had I stayed, who could've won the race?

I will never know. One thing is for sure... San man ako makarating, maging sino o ano man ako, I would never be able to fully say goodbye. A part of me would always stay. After all, iskwater is still, and will always be... the suburbs.

12.21.2009

Fides the Unfaithful (Part 2)

I'm telling you, you won't like me after this. And I'm not writing this kasi feeling ko eh super haba ng buhok ko, or dahil super ganda ko. Hindi. I'm just a confused asshole, wanting to tell myself that this dream I'm living right now is possibly my worst nightmare yet.

The day na naging kami ni Budwire, nagkita kami ni Marvin kinagabihan. Exklusibong Explosibong Expose! Pornstar na naman ang lolo mo. At nakakapanibago, kasi dati bago kami umawit ng pambansang awit (shugal ng flagpole!) eh ngawit na ko... Nung time na yun, sha ang guma-galore ng bonggang bongga, at si Mayor, reding redi na. Fireworks display agad itu!

Tapos, naglakbay-diwa na nga kami ng team ko sa Laguna para maglunoy sa hotspring ng aking Inang na si Malanding Makiling. Niyaya ko sha na sumama sa min, kasi bet ng team ko na makilala ang lolo mo (para dautin ng palihim siguro -- wag naman sana). Pero may-i-decline ang hombre.

Pati starcity adventure eh tumanggi ang binata kasi "Anung gagawin ko dun, wala naman akong telescope" ang rason nya sa kin, sabay tawa. Impernes, muntik na kong maniwala. Dahil di sha sumama, habang inuman sa Pansolita eh nawala pasumandali ang bakla... At kumembot ng palihim (not so lihim anymore)... Kunwari eh bibili ng apple vodka, di nila alam eh apple bongkang ang na-buysung ketch...

Isang Tuesday naman, naka-leave ako sa opis para mag-research. After ng research eh inuman kaming duwa sa recto. Kumusta ka naman, dalhin ba ko sa beerhouse! Habang me gumigiling giling jan na balakang eh inuman lang kami ng plentiful. Nung umuwi ako, nag-inuman din kami ng isang canton boy. Ako ang pulutan.

Nung minsan naman, Saburdey ng gabi ang usapan namen na darating sha, anumpecha na eh wala pa ang bowa. Eh halata ata ng canton boys -- the whole pack -- na ininjan na naman ang lola nila, kaya meh=ga volunteer na dadamayan daw akeiwa sa kalungkutan. Yung isang kumpare ko eh more than pagdamay pa ang willing ibigay. Dahil nga ininjan eh napabili kami ng canton at nagluto na nga sa bahay.

Habang kumukulo ang noodles, biglang me kumatok sa pinto. At bumulaga na nga sa lahat ang bulto ng lolo mo sa porch. Buti na lang wholesome pa kami nung dumating sha, kaya kumain lang ang mga boys at gumora na. Shempre kaming dalawa nag-inuman na naman hanggang alas singko.

Kinabukasan, pag-uwi nya eh kumatok si kumpare para makilaro ng psp.. Habang naglalaro ang lolo mo, nilalaro ko na rin ang joystick nya. Hay naku BM, makati ka pa sa gabi. Tinalo ko pa mga higad sa kati. At pwedeng pwede kong sabihin na "Ganito kami sa Makati" kc binay na binay lang ako sa pagka-caladryl.

Wala pa pala yung tatlong magpipinsan na kinakarir ko ngayonchi. Nakilala ko yung tatlo sa team building ng org namen.. Wholesome naman itu, super caring nung tatlo, may respeto sa nakatatanda (mga hayuf!) at may paggalang sa pagkababae ko. Todo bonding kami sa Sanctuary sa Antipolo, at nung uwian na eh ngalngal ako ng ngalngal mag-isa sa balay kasi home alone na naman akeiwa.

Buong linggo akong kinilig pag nagtetext si Bhebhe ng good morning araw araw ng walang palya. At pag nagme-message sa kin si Baby sa FB, calling me "my baby Jabo" na miss na miss na nya. At nung nakita ko sa xmas party si Bhie na titig ng titig sa kin na kala mo eh kinakabisado ang aparisyon na baka bigla na lang mawala. Sabay yakap pa ng yakap at ngiti ng ngiti. Nakakakilig. Nakaka-flatter. Nakakawindang.

Last Saburdey nga, imbis na si Budwire ang kasama ko, yung tatlo ang nasa bahay. At eto ka ha, kumapit ka sa bakal, kasi yung isa, si Bhie seryoso daw sha.

BM: Weh?
Bhie: Kala mo naman to pinapaasa. Wala ka bang tiwala sa ganda mo hehe...
BM: Aba, kala mo sa kin kaladkarin? Manligaw ka muna. (pakipot?!)
Bhie: Eh di manligaw. Pakipot.
BM: (halata ba?) Kumuha ka ng number sa guard.
Bhie: Meron na. Kelan pa ba kayo ng bowa mo?
BM: Last month lang.
Bhie: Pwede pa yan...
BM: ?! (clueless si bakla, mukhang cartoons na nakanganga at luwa mata)
Bhie: Basta.

Ang ending, sabay kaming naligo. Walang nalaglag na sabon. Shampoo lang.

Kung gano ko ka-attached dun sa tatlo ngayon, tsaka dun sa lider nila na parang nagiging best friend ko nowadays, ganun naman ako ka-detached ke Budwire. Sa 15 messages nya, tatlo lang ang reply ko. Sa inuman namin, tulog ang ending. At nung last na dalaw pa nya sa bahay, pancit canton lang pinakain ko sa bowa ko.

Meron kasi kong gut feel na me mali eh. Merong something na di ko ma-explain. Me "someone" na di ko kilala. Gento kasi yun...

Me nagtetext sa kin gamit ang phone nya. Nung una ang akala ko si Budwire un. Kasi pag pupunta sha sa haus yun ang gamit nya. Nung minsan na tumawag ako, sumagot naman sha. Pero nung minsan, magkasama kami, nagtext sa kin yung number tinatanong kung kumusta na ko at kung kumain na daw ba ko. Eh kasama ko nga sha!

Tinanong ko ang lolo mo, sabi nya "Mama ko." Wow. Kumusta naman yun. Ang sweet naman ng mama mo. Nung lasing na sha, pinsan naman daw nya yung nagtext. At kinabukasan eh kapitbahay daw nila yun, nakikigamit lang sha ng phone.

The only time na nagkembutan kami, it was not what I was expecting. It wasn't explosive. Wasn't even sweet. Parang he was just going through the motions, for the sake na magkembutan kami kasi gusto ko. It wasn't memorable. Wala lang.

I know this doesn't give me the right na maging unfaithful. Kahit pa anong sabihin ko na feeling ko eh me tinatago sha, still I shouldn't cheat on him. I'm wrong. Pero kasi, sa pagkakakilala ko sa kanya, kung pag-uusapan namin to and I'll explain yung mga gut feel ko at mga kutob ko, isa lang ang sasabihin nya. “Basta wag kang magselos."

We never had a meaningful conversation. Hindi bagay sa kanya eh. Feeling ko di nya ko maiintindihan. Di sa ina-underestimate ko lolo mo ha. Ganun lang talaga.

Feeling ko minsan, ako si Melay kasi di ako makapaniwala. Sha ang Jason ko. Di kami bagay. Minsan naman para kaming si Kimmy Dora. Ako si Kimmy kasi andami kong ineexpect sa kanya, sha naman si Dora kasi para shang... si Dora! Anu ba itu... Kaya mga mare, napapakanta talaga ko ng "Sweet dreams or a beautiful nightmare..." Sobrang gandang panaginip ko pa sha ngayon, pano kung maging isang haggard na bangungot sha balang araw?

What's it gonna be? Dreadlocks or cornrows? “Too good to be true” or “some good things never last”? “Together forever” at “Never gonna give you up” ni Kuya Dick? Or “I love you goodbye” ni Mareng Celine?

Whatever it's gonna be, one thing is for sure. Kung anuman ang mangyari, this time, wala akong karapatang mag-inarte.

9.25.2009

Singkwenta Pesos

Nakapulot ako ng singkwenta pesos. After ng jilang hakbang nakasalubong ko ang jisang aleliboom, obvious na kumakapa at naghahanap ng anda sa bulsa. Inabot ko ang singkwenta pesos at lumiwanag ang buhay nya. Parang meralco ad.

Andaling bitawan ng singkwenta pesos. Kasi ang liit ng halaga....

Nung nakilala ko si Magic, ginusto ko sha agad ibulsa. Kasi tingin ko, ang highest level ng halaga nya. Di ba nga, para shang pinaglihi sa pagnanasa? Para bang mula bumbunan hanggang ingrown nya eh katakam-takam. Kaya gusto ko shang ipa-notary at ipa-deed of sale. Kaso, after rin ng ilang steps at a time natigilan ako.

Wala akong nakasalubong na aleliboom. Pero di ko sha maibulsa. Kasi pala, marami kaming nakahawak sa singkwenta. Kung makikipaghilahan ako, baka mapunit lang sha, kawawa naman ang bata. Kaya bumitaw na lang ako. Na-realize ko, isa pala akong baklang mapagparaya.

Nung si Totong ang kaharutan ko, para naman shang lumang damit. Yung freshness at masarap isuot kasi saktong sakto sa baktong kong mga dibdib, at super hapit sa perfect kong figure. Yung tipong bata pa ko eh sinusuot ko na, halos kumapit na sa kili-kili ko yung amoy ng mothballs, pero ayos pa rin. Itinago man sha sa baul, nung mahukay ko uli eh ayaw ko ng pakawalan.

Yakap-yakap ko sa pagtulog, inaamoy-amoy at sinasamyo-samyo, sinisimsim ang bango. Kaso si bakla me memory gap, nakalimutan palang i-lock ang baul. Me nakapasok na aswang, at ninenok nya ang kamison ko na si Totong.

After ng ilang tulog kayakap si Totong eh binawi sha ng aswang. Sumigaw ako ng malakas: "Una shang naging akin!" Sumigaw din ang aswang: "Me hati ka ba sa gitna?" Wala. Kaya wala rin akong nagawa. At nilipad nya palayo ang kamison ko.

Kaya nung makilala ko si Marvin, pangako ko sa sarili ko: "Pang-bembang lang to. Para walang hard feelings. No harm done pag ayawan na."

Nakilala ko sha May pa. Dumayo ako sa iskwater ng ibang lungsod. Kesehodang bumabagyo eh sumugod kami ng friend ko sa Taguig. Kasi sabi nya, me buffet daw ng mga boys dun. Kaya naman ang badesa, sinagasa ang delubyo, maka-attend lang ng eat-all-you-can. Kaso dahil nga me bagyo, ayun walang karinderya na bukas sa lahat ng gustong kumain. Sarado na. Tapsihan lang meron. Sha, sha, tapsilog na nga lang. Walang fiesta, sadness.

Sa mga nakahain sa min, si Marvin lang ang hindi natikman ng friend ko. Elusive. Mysterious. Yummy. Charming. Tempting. A dangerous combo meal. Pero dahil kinakati ako, go for it ang bakla.

"Gusto kong mag-videoke." sabi ko sa kanya. "Walang pwesto eh." sagot naman nya na ikinagulat ko, at ng lahat. "Dun tayo sa min." sagot ng isang hulog ng langit. Me kunsintidor pala na nakarinig kaya gumora kami. Ewan anong meron sa kin, bakit andali ko shang napapayag that night. Basta ang alam ko, nasabunutan nya ko ng bonggang bongga. At nag-concert naman ako ng waging-wagi. Falsetto pa!

Di kasama sa plano, pero si Marvin, binulsa ko na pala. Pina-laminate ko pa, at nilagay sa purse kong prada -- pradak of china. Katabi ng piktyur ni Bibiana, tsaka yung mga atm receipts, pati IDs, at grad pic ko nung college na mukha pa kong inosente at nuknukan ng dalisay. Sinama ko sha dun sa mga mahalagang bagay sa araw araw na buhay ko. Unti-unti sha na pala yung nasa gitna, nasa sentro.

Tuwing holiday eh nagkikita kami. Walang laplapan, smack lang. Walang iloveyou, imissyou lang. Walang overnight, shortime lang. Wala ring pagmamahal, kembangan lang. Siguro titigil lang kami pag nabuntis ako out of wedlock. Ahihihi...

Ewan bakit pag nagkikita kami, parang nadadagdagan yung value nya. Parang lupa. Nung una lupa sa paso lang ang tingin ko. Nung sumunod gusto ko na shang itanim sa lihim na hardin. Nung sumunod uli, gusto ko nang isangla yung bahay bata ko para mabilhan sha ng lupa. At yung last, nabilhan ko na nga sha ng lupa. Charing!

Araro, bayo, sibak, bomba, dilig, kaykay, halukay, barurot. Pasok sa banga! Si Marvin ay parang all of the above, meron pang but-wait-there's-more na bonus package. A really BIG package.

Siguro ia-apply ko na lang ang rule na "kung hindi uukol, hindi bubukol." Napansin ko kasi, andaming chapters sa buhay ko ngayon, walang ending. Lahat sila eh sabay sabay na nangyayari, pero wala pa rin akong nakakatuluyan. So I guess kung sinong makabuntis sa kin, sha ang karapat-dapat sa alindog ko. Me ganun?! Weeeh?!

Sa ngayon eh kinikilig ako. Pag nagtxt sha eh para kong me siling labuyo sa tumbong. Pero ineenjoy ko lang muna ang kung anong meron kami, o kung anong wala kami. Para kung matulad sha sa lalaki sa tore, o kung sha naman ang me mapulot na singkwenta pesos, alam ko kung pano sha ibibigay sa tunay na me-ari.

Nakapulot ako ng singkwenta pesos. Di ko pa alam kung dapat ko ba shang ibulsa, o gamitin ko na lang muna para sumaya.

9.23.2009

My Aljur, My Kulakadidang



Sensya na mareng Diosa, kasi naman di ako makahanap ng pix nya... kaya nagkita muna kami uli nung Manic Monday para makunan ko sha ng piktyurific...

At shempre para kumembang na rin... ano, piktyur lang?!

Eto po si Marvin. Ang aking latest na kulakadidang... Kwento ketch later hihihi... Dami ko na utang na post ah... Busyness is next to Gandaness kc ang Baklang Maton...

Sa ngayon eh kakembutan ko lang sha. Saka na yang linshak na pagibig chorbam na yan, at baka masawi na naman akeiwa... Tama na ko sa bembangan namin, masaya na ko dun.

No strings attached.

Aketch yang me galamay na puro sumpa... Sa sobrang plentitious ng hairlaloo ketch eh di ko na kineri ahitin... Fulltime job ito para makapagpakinis... Kaya let it be na lang ang drama ng Maton. Asset yan teh...

*Oh what can you say sa Aljur ko?* hindi kamukha noh? hihihi... Basta sha ang Aljur ko...