8.06.2011

Wow! The First Encounter

I'm gonna try some new kembot and introduce this one guy I've blogged before in passing. Susubukan ng beking maton na magsulat ng mala-series na kalandian. Hindi yung usual style kez na isang bugahan lang, at mako-cover ko na yung span ng 3 yrs, or yung isang buong friendship. This time eh anecdotas lang ng mga eksena namin ang ikukuda ko, para naman masabi kong nakagawa din ako ng series na planado hehehe. For the literary purposes of beki writing, let's call him Prototype, also known as... Wow!


Taong 2008 ng magresign ako sa poder ng aking koreanong amo na um-um -- as in purita mirasolita. Dahil sa kawalan ng tamang pasahod eh nagwelga kaming lahat ng employees ni Mr. Park -- all eight of us. Eh nung na-realize namin na waley at loss ang cause namin nila bakla, go back na sila sa regular programming, at ako eh may-I-resign ang plakard na winasiwas.

Ambisyosa lang, kahit chipipay na colsener lang yung pinanggalingan kez, nag-apply akong "communication skills trainer" sa jisang Canadian company doonchi sa Market! Market! na laging inuulet! Tinanong akeiwa kung me experience na daw ba kez sa ganun, oo naman si bakla. Lahat ng pagka-pabibo itinodo ko na. Boom! Sumpa ni Bajula, si beki natanggap! Potah, nadoble sahod ni bakla, kaya pirma agad sa kontrata!

Mahirap pala ning. Kuda ako ng kuda sa mga "trainees" ko kahit feelingera kez eh wrong grammar na ko lagi. Gora boom boom lei! Panindigan mo bekz, peyk eet til ya meyk eet! Kaya kahit para kong saleslady na magdamag na nakatayo sa harap ng mga buwitreng antukin na trainees, shige lang. Lecture series on prepositions, conjunctions, grammar, exposition, free-talking, etsetera, etsetera.

Pagka-shopos ng comm skills training namin, kasali naman daw akez sa product training nung account na hawak ko, para specific at realistic ang mga examples ni BM. Eh di attend naman si bakla. Sa dulo ako pumuwesto para pag nakatulog, hindi ganong halata hehehe. Katabi ko si TC Prototype. Di pa sha ganung Wow nun, ulam pa lang ang tingin ko sa kanya, pero ulam na pang-fiesta pa lang: karaniwan, bland, normal. Kumbaga sa fastfood, extender lang ang lolo mo. Pantinga, ehehehe.

Picture this: semikalbo forever, shoulders na pang-ROTC officer, height na pang-model... ng Osh Kosh! Hehehe, indi naman, charot lang. Basta matangkad ako sa kanya ng one inch. Ang remarkable sa mukha ng lolo mo, mata. Parang may halong malisya, pero hindi nagpapahalata. Parang nakikipag-kuntsabahan lagi yung tingin nya. Parang nangangako ng sanlibo at isang tuwa. Parang mapapasayaw ka ng macarena sa kama. Basta, ganun yung mata nya.

Sha yung tipong pag naging kayo at naghiwalay kayo at nakasalubong mo sha sa CR, bigla shang bubulong ng kanta sa tenga mo ng "You have no right... to ask me how I feel! You have no right... to speak to me so kind!" Sha din yung tipong machismo 101 at chauvinist 501. Sha yung tipong sobrang opposite ko. Wala talagang dating ang lolo mo nung una.

He is my opposite in so many ways, and yet we are so much alike. And I was about to find out just how much similarities we have.

I heard him sing... and all I could muster was... Wow!



(to be continued...)

10 comments:

  1. Hahaha. Pang teleserye yang bakla! Go lang sister.

    ReplyDelete
  2. hahaha! bongga-lu ever china! wetsung ko ang mga susunod na kuda mo beks... labet! :)

    ReplyDelete
  3. kaka excite nman eto bm..we'll wait for the karugtong..

    ReplyDelete
  4. BM, harte-hanks ba ito? kakaexcite!

    ReplyDelete
  5. excited na akeiwa sa susunod na kabanata ning!

    ReplyDelete
  6. plakado madam!mukhang alam ko yung company na tinutukoy mo sa taguig JP Morgan Chase? eheheh

    ReplyDelete
  7. baklang dalahira IKAW NA ang writer ... hahyahaha!mukhang maganda ang kwntong ito mukhang pang libro ika nga..

    golaley bumburumbumbei...

    weiting sa susunod na kabanata!

    ReplyDelete
  8. ito ang uso now e... pabitin... heheh ...

    ReplyDelete
  9. haha! Mars, wa ka kupas! isang libo't isang tuwa talaga ang dulot ng kakikian mong itey sa pagblogelya. winner ang writing as always!

    ReplyDelete