Showing posts with label jonel. Show all posts
Showing posts with label jonel. Show all posts

6.10.2012

Fourth Separation: BLMDM

It's 404 now! 404 followers, despite my absentee posting... =) At dahil pasok na ko sa "Circle of Four", here's my fourth separation... Hihihi!

8.20.2010

Closing the Doors

I have 7 photos in my hand, but only one of you will stay. So who goes home? I will tally the votes. (Paghalu-haluin natin lahat ng reality show!)



Canton Boys. Collectively, you are a great bunch. May kusa, may angas, may landi, may mejo gwapo, may tagilid, may sablay sa banga. Masarap kayong kainuman lalo na pag kayo ang gumagastos (mga kalahating beses nang nangyari yan). Panalo rin kayo sa swimming, kasi kahit walo kasya sa traysikel at go pa rin kahit sa Antipolo. Pero marami sa inyo ang umaambisyon na mag-celebrate ng Father's Day ng ganito kaaga. Spell kabuwanan at kabilugan ng tyanenat?!

Dinong, Harold, Jobert, Junior, Ikong, Ivan, Kiko, Tisoy, at kayong lahat ng mga talubata na Canton lang ang katapat, I'm sorry. The tribe has spoken. You have been eliminated from the race.


Marvin. Isa kang kembang na nagkatawang tao. Isa kang buhay na libido. Isa kang walking phallic symbol. Hindi ka na lumevel up. In fairness willing kang lumipad from Taguig to Anonas. Willing ka ring kumembang for a price. At willing kang mag-iloveyou kahit hanggang bibig lang. Di umaabot sa mata. Walang attachment. Walang emotions. Walang meaning. Just steamy, hot, meaningless sex. Lagi mo pang kasama ang sidekick mong si Hiroto na wala namang ginagawa kundi mag-jekjek habang nagkekembangan tayo sa kwarto.

Marvin and Hiroto, you're the last team to arrive. I'm sorry to tell you you've both been eliminated from the race.

"Di naman ako kasali ah. Sinamahan ko lang si Marvin" - Hiroto.

"Eliminated ka na rin kahit di ka kasali. Wag ka nang umapela. Wala kang right to suffrage."


Jepoy. Dati maxx na pula lang ang nginangata mo. Ngayon ata bakal na. In fairness, sa panahong wala ka sa piling ko, productive kang nilalang at nagawa mong maging lalong katakamtakam, kahalihalina at kabighabighani. Sinong magaakala na mula sa pagiging tambay, isa ka na ngayong Bikini Open amateur at umeekstra ka pa sa Momay, Mamarazzi at Pangarap kong jackpot. Binugbog mo pa si Bernard Palanca! Leveling ka na talaga. Me profile pic ka pa sa FB na naka-brip na katiting ka lang, at me pakpak ka pang kumukuti kutitap. Ikaw na ang may wings na shiny shimmery splendid! Gusto ko sana dyan ka lang muna sa side dahil baka sakaling sumikat ka. Masabi ko man lang na nagka-bowa ako ng artista. Kaso mukhang matatagalan pa. Mukhang iba ang habol sayo ng manager mo. Hindi komisyon kundi nutrisyon. Si manager kelangan ng protina.

Jepoy, you are wholesome, sexy and hot. Unfortunately, I'm not. I'm sorry to tell you you've been eliminated from the race.


Magic. Standing before me is a boy who's so magical. Kahit mejo kinulang ka sa height, bumawi ka naman sa karakas na pang-gwapings, karisma na pang-pabling, at tutoot na pang-harabas. Winerva naman talaga ang makembot mo. Impernes nung huling kembangan natin, di ka lang talaga pampamilya, pang sports ka pa! Pinuno mo ng mga sundalo at tangke ang battlefield ko. Pinuno mo ng mga scud missiles ang nuclear plant ko. Pinuno mo ng mga suicide bomber ang teritoryo ko. Pero di ka na siguro magbabago. Lagi nang kakabit ng mahika sa pangalan mo ang isang bungkos ng mga bekimon na malamang eh nakasama mo nang naglabas-masok sa pink rabbit hole.

Magic, the tribe has spoken. Pack your bags and leave the mansion. I'm sorry to tell you you've been eliminated from the race.


Jonel. Mahal. Wabyu boy. Nung una di ko maintindihan kung anu yung wabyu, jejespeak pala sa iloveu.Nun nagets ko na, kinilig na ko bigla. Di ka kasinggwapo ng lahat ng karir ko. Ikaw pa nga yung pinakawirdo kasi kulang ang kilay mo, para kang napagtripan ni Edward Scissorhands. Para ka ring biktima ng runaway razor ni Mang Kanor. Pag kine-claim ko na hawig mo si Jake Cuenca, walang naniniwala sa kin. Pero sa lahat naman, ikaw na siguro ang pinaka-ideal. Long courtship ito. Yung "malapit na" na pinangako mo sa kin 1 1/2 years ago, hanggang ngayon malayo pa rin. Pero kung meron mang nadevelop, sure ako ikaw rin yon. Inch by inch, mile by mile ang drama natin. Sa bandang huli lumipat din ako ng di ka kasama. Ikaw pa rin ang Ace of Hearts. Ako pa rin ang Queen of Hearts. Kaso lucky nine ang laro.

Jonel, mahal ko, nainip na ang tribo. I'm sorry to tell you you've been eliminated from the race.


Pa. Totong. Payat. Ikaw na siguro ang pinakaimportante at pinakamahalaga sa kin jan sa iskwater. You made living by myself fun and bearable, even comforting at times. Di ko naramdaman na nasa lupain na ni Uncle Sam si Bibiana kasi anjan ka. Dati. Dahil sa Aswang, at dahil tama lang naman na sha ang piliin mo, kineri ko ring magmove on ulit. Pasulpot sulpot ka pa rin sa buhay at bahay ko.

Kahit nag-iwasan tayo ng isang buwan dahil trip kong mag-inarte, di ka rin nakatiis. Dinalaw mo ako sa pink na haus at nagsalo tayo sa picha pie ni Jeng Jeng. Impernes ikaw nagbayad. Kahit nung aalis na ko sa iskwater, trak mo ang gamit ko. Ayaw mo kong payagan na ilagay na lang sa paper bags ang sofa at ref ko. Ayaw mo rin akong payagan na mag-MRT na lang sa paghakot ng mga gamit ko. At sa tulong ng trak mo, nahakot ko naman lahat. Tumirik nga lang kami sa gitna ng EDSA, at tinulak nila ang trak habang nakaupo ako sa sofa ala Prinsesa ng Basura. At nung unang gabi ko sa BBB (bahay na baby blue) as expected, ikaw na uli ang lalaki sa panaginip ko.

Pa, sa panaginip ka na lang uli. I'm sorry to tell you you've been eliminated from the race.


Budwire. Ikaw ay nagbalik, at mula kong nasilayan. Nagulantang na lang ako ng dumungaw ang panalo mong mukha sa bahay. Natuyot na ba ang lupa sa Quezon? Nagsawa ka na ba sa farmville? Bat di mo try magplants vs. zombies? In fairness di na ko na-starstruck nung nakita kita. Nun una di pa ko makapaniwala, pero nung dinutdot ko yung peklat mo sa kamay at tinanong kita kung napano yun, sabi mo "Nasabit sa budwire" ayun, nayakap kita bigla sabay sabing "Ikaw nga yan! You're back Daduds!"

And then, I realized. Ikaw nga talaga yan. Ang tanong gusto ko bang magka-budwire uli ang buhay ko? Ayoko nang magsupply ng kakanin. Ayoko nang isulat ang mga bloopers mo at di mo pa rin napapansin kahit kaharap lang kita. Ayoko nang magduda kung ikaw ba talaga ang ka-text ko o hindi. Ayoko nang i-decipher kung anu ba talagang meaning ng mga jeje-text at jeje-speak messages mo. Ayoko nang malulong na naman sa kandungan mo, at magpakalunod na naman sa tequila pag nagtanim ka uli ng rootcrops. Ayoko nang magdildil ng HongKong style stirfried noodles na may teriyaki beef toppings. Ayoko nang mabuhay ng nag-aalangan kung asawa mo ba yun, ate, nanay o girlfriend. Ayoko na.

Budwire, you are the weakest link. Goodbye.



Naka-paper bag na lahat ng gamit ko. Nakasukbit na ang shoulder bag ko. Nakaponytail na rin ang buhok ko. At nakasunblock na rin ako. Handang handa nang gumora, reding-ready na sa panibagong yugto ng buhay-bakla. A fork in the road. As I pack my things and leave, there would be times when I would look back and wonder what might have been. Had I stayed, who could've won the race?

I will never know. One thing is for sure... San man ako makarating, maging sino o ano man ako, I would never be able to fully say goodbye. A part of me would always stay. After all, iskwater is still, and will always be... the suburbs.

6.19.2009

Malapit Na...

Di ko akalain na may mga salita sa planet ray earth na sobrang magkaka-meaning sa buhay ketch... Gento yung tumbling mga badetskie... (Habang tinatype kiz itech eh mega background muzic si Kuya Bugoy... "Araw gabi, bakit naaalala kat di ko malimot-limot ang sa tin ay nagdaan... Bakit di pagbigyang muli ang ating pagmamahalan...chorvah chorvah..)


Ever wonder-bra why wicheles na nasundan ang blogelya ketch with Daddy Jonel? Kasi po, nagkaron kami ng marubdob na komberseyshon ni Dada a few weeks back. Matapos ang walang hanggang inuman ng matador cum redhorse, eh na-left alone kaming duwa sa balaysung. Ay lumabas pala kami dahil mega watch ang canton boys ng "Ded na si Lolo" -- peyborit nila si Roderick.

Nako-confucius kasi ang Baklang Maton. Ang jirafee kaya nun! Ang jiraf-jiraf ng bakla ka na, lito ka pa. Asan na yung justice sa mundo nun davah naman nini? Kaya nilinaw ketch ke Daddy Jonel anu besh talaga kamesh... Bucket meal ako nag-Q&A portion ke lulurki? Kasi nga itong si Daddy Jonel eh parang kinukunsinti lang ako. Pag sabi ko pa-kiss ilalapit nya ung fez nya pero may awkward factor kc parang ngumingiwi sha or pumipikit or naiilang or napipilitan. Pag ispluk akeiwa ng pa-hug lalapit lang un balikat nyan -- walang higpit, walang ganting-yakap, wai lalo init. Basta sa bawat effort ko, kung A+ ang bakla, F ang boylet. Flangak!

Pag tinatanong ko naman sha kung nandidiri ba sha sa kin baka wit nya feel mga ginagawa ketch di naman daw ewww and yuuuck ang emotions, mejo naiilang lang daw to the highest level kasi di sha sanay. In far away LA (in fairness ahihihi) sabi mismo ng Mother Goose nya eh sa balay ko lang daw talaga kumokyombay ang junakis nya. So, bahay-school-bahay-na-pink lang daw ang routine nito.

Baklang Maton: Ano ba talaga tayo?
Daddy Jonel: Tropa.
BM: Tropa?
DJ: Oo, tropa.
BM: Bakit tropa lang?
DJ: Eh tropa naman talaga tayo eh.
Potah malapit ko nang burahin sa Fil-Eng Dictionary ang putik na word na yan!
BM: Di ba nun naglalakad tayo sa gitna ng mga paputok habang hhww-pssp tayo, sabi mo ok lang magkaron ka ng bowa na badet basta ako?
DJ: Eh, napa-oo lang ako nun eh. Di ko kasi alam na me gus2 ka pala sa kin, nalaman ko lang nung naglalakad na tayo.
BM: Ouch! Napa-oo ka lang?!
DJ: Oo... Eh di ko kasi alam kung pano hihindi sayo. Tsaka mabait ka naman sa kin.
BM: Ansakit naman nun. So ilang buwan ko na iniisip na tayo na, yun pala napa-oo ka lang?
DJ: Pasensya ka na, ngayun lang kasi tayo nagkausap ng ganito eh. Ok lang ba? Tropa?
BM: Fine. TROPA!

Nilaklak ko yung mertayolet nung gabing yun.


Ito na yung sinabi ko na pangatlong pagmu-move on ko. This time eh pinatugtog ko yung kanta ni Ateng Beyonce na "Halo" at mega emote ever akiz sa room kez. The only difference is, tatlong linggo akong nag-wallow. Kasi kahit habang kapit-tuko ako ke Daddy Jonel eh nakahold hands akechi kay Totong sa ilalim ng table, nilalaro ng toes ko yung toes ni Tatay Jepoy at nakasandal akeiwa kay Baby Magic, mejo mas malalim yung kay Jonel, kasi sa mga Aces sa buhay ko...

sya ATA yung Heart.

Ilang weeks ang lumipas naka-move na rin ako. And ngayon lang kami uli nagkasama. Di sha shumambay, di sha nagpakita, di sha nagtext. Sa gabing ito kami nagkainuman uli. Niloloko sha ng canton boys kasi musta na daw ba kami ng "tropa ko" at bakit daw di kami magkatabi, at kung na-miss daw ba ko ni Tropa.

BM: Di mo ko na-miss?
Tropa: (smile lang...)
BM: Huy!
Tropa: Mas gus2 ko yung ngumingiti lang ako, pag tahimik ako ayoko nun. Gus2 ko ung titingin ako sayo tapos nakangiti ako... (sabay smile uli ng matamis)
BM: Anu daw? Eh anu nga, miss mo ba ko?
Tropa: Miss.
BM: Ows?
Tropa: Oo... eh ngayon lang kasi ako nakalabas uli.
BM: Oo nga. Iniiwasan mo ko eh.
Tropa: Oi hindi ah. Ikaw, na-miss mo ko?
BM: (pabulong) Uu... Na-miss...
Tropa: Di ko naman marinig! Miss mo ko?
BM: Bakit kita mami-miss tropa lang naman kita.

Bitter ang bakla... pero di nakatiis...

BM: Bakit mo ko na-miss eh tropa mo lang ako?
Tropa: Ewan.
BM: Di nga, tropa pa rin tayo?
Tropa: Ewan nga...
BM: Malay mo kasi, may nagbago.
Tropa: Ewan ko talaga...
... ewan na naman?!
Tropa: Pero parang malapit na eh.
BM: Anudaw?! Anung "malapit na"?
Tropa: Basta, parang malapit na eh.

Nakakawala ata ng malay yung sobrang kilig. Sa sobrang kilig ko, natulala ako. Nasanay na ata sha na natutulala ako. Kasi nung bumalik ako sa huwisyo, nakangiti na sha uli.

Ngiting nagpakilig na naman maging sa lapay at balun-balunan ko. Pati na rin sa baga at alak-alakan ko. At shempre pa, sa puso ko. Ace of Hearts indeed.

Malapit na...