Tapos na kong gumawa ng fairy tale, meron na ring alamat... Kwentong Tiktik naman!
Paalala: Ang inyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong gabay at patnubay ng magulang ang kailangan. Maaaring may maseselang tema, lenggwahe, karahasan, sekswal, kalibugan, kabaklaan, kalandian, kaeklatan, horror o droga, na hindi angkop sa mga bata.
Sa isang maliit na sulok ng Quezon City, sa isang maliit na pamayanan na kung tawagin ay Iskwater. Ang mga naninirahan sa Iskwater ay mahihirap, palaaway, magugulo, palasugal, at maiingay. Still, ang mga taga-Iskwater ay mapagmalasakit, mapagbigay, malinis, at nagtuturingan na parang pamilya.
Dito nakatira ang isang baklang maton, na may mabuting kalooban. Ubo! Nasasamid kahit written?! Anyhoo, si Biem ay isang beki na pagkaganda-ganda, pagkalandi-landi, at pagkalibog-libog. Lapitin si bakla ng mga otoko. Mga otoko na kailangan ng release. O kaya eh mga otoko na kailangan ng sagip-buhay assistance. Sila ang mga bida sa kwentong ito. Ang mga fling na hindi ko magawang i-unflung. Ang mga affairs na lagi kong mare-remember. Ang mga happy meal ng modernong bakla. Ang mga recipient ng tawid-pahada card.
They say forming a habit takes three weeks to form. Try 4 years. No, try 25 years! I have always believed being beki is a lifestyle. A decision. A choice. The things that I do, the words that I say, the choices that I make, yun ang bumubuo sa pagkatao ko, sa pagkabakla ko. Yung mga nakasanayan ko, yung mga kinalakhan ko, yung mga kinagawian ko, lahat yun nagtatakda kung ano ba ang magiging pundasyon ng kung sino ba si Baklang Maton.
Sa itinagal ng blog na to, lagpas tatlong taon na rin, di ko akalain na may mga bagay pa rin pala akong hindi naisali.. May mga lalaki pa pala akong hindi naipakilala. May mga experience pa pala akong hindi naikwento. May mga kuda pa pala akong hindi naikembot. Bilang hindi ko naman na kering gawin tong mga gento ditey sa bago kong balur, reminisce na lang ang gagawin kez. Reminder po, R-18 ang post na to. As in!