Showing posts with label eksena. Show all posts
Showing posts with label eksena. Show all posts

9.09.2013

My Own Vincent


 I've got my own Vincent, and -- his words -- it's Chris and he's just enjoying himself.



The HUSBAND...











The LOVER...









And the WIFE...









The three of them tell a story.

Some of you are familiar with it.

Some of you are curious.

Some of you are cynical.

Some of you will be unforgiving.

But none of you matters.

Because this is THEIR story.



The Husband. The Lover. The Wife.



5.26.2011

Angel Locsin!



Dahil kakanood ko lang ng In the Name of Love na bonggang bongga naman talaga, naalala ko bigla yung kalurkey na kwento ni Angel Locsin sa Toy Kingdom.


5.10.2011

Botox

Me isa akong ganda-gandahang friend na nagprisinta. Ie-edit daw nya yung isang pictyurakka kez, para magmukhang pang-magazine.

Pagka-send nya sa kin, di ko alam kung maiimbey ba akeiwa, mapapa-hagalpakakak ng halakhak, o ngangawa ng kuda. Itey kasi ang naging hitsura kez sa kanyang "art work". See the pictures after the kembot. Kumusta naman?!

5.08.2011

Export Tool

Narito na naman ang isang pagkahaba-habang post ng Bakla. At dahil buraot pala mag-moderate ng comments, lifted na ang ban ahahaha... Mandaot na kayo kung bet nyo, kadali namang mag-delete ng comment ng mga mandirigmang bakla davah?!


3.28.2011

Virtual Kilig



May blogelya-belya akez na pagkahaba-haba kay Papa El eh. Mga chat chatan namin gabi gabi... Yung mga kilig moments na umeeksena sha at ninanamnam ko ng fab na fab! Kaso mo, pakakak na laughtough itey, di na-save. Tae talaga... kaya eto ulitan si bakla. Mejo indi na juicy, pero keri na. Hihihi...

3.25.2011

Triquetra

Awat naman sa mga lalake -- mga frendships ko namang beki. Lagi kong nababanggit ditey sa blogelya kez sina Galema at Medusa. At shempre, akengkay si Valentina. Kumusta naman, ginawa ko tong draft na to Dec. 25 pa! After 3 months natapos ko rin. It's actually a tribute to my two girls: Sailor Mars and Sailor Pluto.


2.24.2011

On Beki Bars

Feb. 15 pa dapat tong post na to. Isipin nyo na lang, kunwari Valentine's Day kahapon. Hihihi. Churi...

*******************************************

Dalawang gabi na kong nakakakita ng maraming etits. As in. Winawagwag at dinudukdok pa kamo sa mukha ko. Winawagayway na parang nagpapadakma at nagpapatakam. Eh pano ba naman, dalawang gabi na kaming nagpupunta ditey sa isang beki bar sa Anonas. Sa haus kasi bumorlogs since Sunday sina Galema at Medusa. Impernes, lagi ko silang nababanggit ditey sa mundo ni BM, kaya next time eh sila naman ang ibibida ko.

Heniwei Gokongwei na meari ng Robinson na may anak na may kakambal na anaconda na nakakulong daw sa basement ng mall (daw lang ha). Ang haba ng anyway ko noh?! Heniwei, ayun na nga, gora kami nung Monday night sa beki bar. Araw ng mga Pechay di ba? At dahil tuyot na ang mga talulot ng aming mga pechay, napagkasunduan naming lumandi pasumandali at mag-watchtower sa mga buhay na nota. To appreciate art in its purest form. Art yan ning. The art of nudity. The human body. All the way. Me nakasabit pang ice bucket sa art na yan minsan.

Nakapunta na kami ditetchiwa dati. Nung January yung unang goraboomboomlei namenchi, havey factor! Mega search akeiwa sa google ng mga "popular gay bars in quezon city philippines" at andaming hits ning. Si baklang Medusa read talaga ng mga review para daw alam nya kung saan sulit ang bawat erya. Me nakita naman ang baklita, somewhere along Aurora Blvd. Winner daw ang mga shows, pasok sa banga ni Galema ang presyo, at mapapa-clap-clap ka daw sa mga produksyon numberlaloo. Go ang mga hitad. Napakanta nga lang kami ng "dito ba?" kasi muntik na kaming maligaw.

Kaloka, punong puno ang beki bar! Saburdey kasi, big night kemerlou daw sabi ni Mommy Jackie Rice. Sha yung nakatokang floor manager sa mga rebekla. Waley ng jupuanstra kaya bog na bog kalabog! Kinabog! Ang mga rich na suki ng beki bar kabog sa tatlong beki mae. VIP kami dumerecho. Lipat na lang daw pag me available ng table. Sa loob ng VIP kemerot eh malaya kaming nakisayaw sa mga giling at shembot ng mga kalulurkihan.

Me search for a star in a million for a night double up edition pa silang pakulo kaya busog na busog ang mata ng mga garutay. Me bet si Galema, si K na winner sa fez, ala Bruce Quebral. Pero wit nya nai-table kasi snobbish muna ang eksena naming tatlo. Wag silang umarte, nasa VIP kami. Tsaka high-end high-endan si K kasi 5k daw ang bawat kembang ng lolo mo. Ay, wichiririt ng ibong tiririt! Wititit! Wala akong natipuhan sa mga macho dancer na nakakaburaot. Entrance + compulsary na duwang drinks + jisang platitong mani = bill namin. Pasok sa budget!

Nung araw nga ng mga pechay, since waley kaming mga date with a star, hinintay namin ni Medusa na matapos ang shift ni Galema at sumugod kaming muli sa beki bar, kesehodang 230 am na kami um-arrival area doonchi. Hewan ko ba, kung kelan araw ng mga pechay, saka naman waley ang mga talong. Aba naman, lilima ata silang nagsasayaw. Lahat ng high-end na art exhibit eh nagsi-dayoff daw. Mga hinayupak na tamad! Pinagtyagaan na lang naming tatlo ang mga kalahi ni Bajula na mga dancer.

Aba, me cuteness na sumayaw. Si E. Mejo bata pa, twink ang lolo mo, pasok sa category ko! Pero bet din sha ni Galema kaya nagparaya ako uli. Tsaka loss ang wallet ko nowadays, ikaw na maging 5 months na unemployed. Kaya give-way ang baklang maton. Landian Lane uli ang duwa, pero wai ng macho drinks kasi pauwi na kami at pasara na ang beki bar. Kinuha na lang ang number ni Otoko at text-text na lang later.

Maghapon silang magka-text kinabukasan. Si Galema lang naman talaga ang katimora sa aming tatlo nung araw na yun, kaya bet talaga nyang bumalik sa beki bar kinagabihan para makuda na nya ng bonggang bongga si E.

Eh di yun na nga, nung gabi na, garutay lang talaga kaming mga pinaglihi sa alakdan, ayun matapos uli ang shift ni Galema, pakakak! Gora kami uli sa beki bar sa jaurora julevard. Ay kaloka kasi kahit Tuesday kembular ngayunchi, me show ang bar. Kundi ba naman shungakers ang management, kung kelan konti ang mga parukyano, saka naman sila nagpa-jontest ng Jubad na Chupido. Eng-eng lang madam?

Pero, pero, pero... Present na si E at K. Me usapan na sina Galema at E davah? Hagalpakan kami ng tawa, kasi pagka-jupo pa lang namenchi sa table na nasa sulok ng daigdig (para free si Galemang manglingkis) eh biglang sulpot agad si K at humimas-himas na sa anak ni Zuma. Shempre si Galema, likas na mahilig manuklaw, kaya hinimas-himas nya rin ang python ng lolo mo.

Habang kinakalantare nya si K, bigla kamong sumayaw si E. At huling huli nya ang textmate nyang me ibang ulupong na kadutdutan. Si Galema kasi, kinulang sa Caladryl nung bata. Di tuloy makatiis sa kati. Ayun, pagkakita ni E, inasar namin si bakla. Itineybol ni Medusa si E para maloka na ang Galema. Eh di sila naman ang "wholesome" na naglandian sa tabi ng baklita.

Ako na lang ang loss. Waley pa akez partner in crime for the night. At dahil di cooperative ang wallet ko, tiis-ganda si BM, alang-alang sa aking tuition fee. Eh si Medusa, she's always after fairness. Kaya para fair daw, getchina akez ng sarili kong macho dancer para mabigyan ng MD -- macho drink. Ay, wiz ko type ang mga MD na kung lumingkis eh kulang na lang ipasuka sa yo ang yaman ng angkan mo. Si Galema nga, kakahimas ni K, nakabili ba naman ng APAT na macho drink! Ampotah, 1200 din yun ha.

This time, me na-crush-an na ang pihikan kong puso. Si J. Pero kahit kakambal ko na ang kakatihan, pinaglihi naman ako sa mga buraot na nilalang. Kaya sya ang ginetching kong ka-table. Kasi si J, waiter! Cutie na waiter. Pwede naman daw silang ma-kyeme eh, di gora. Di pa kasi nya keri magsayaw, payatola pa ang cute na ombre. Pero game din naman so pasok na pasok ang choice ko sa banga.

Habang nanonood kami ni J, at nagtutuklawan na rin, namukhaan ko yung isang kumukuda sa stage. Around four to five summers ago, nakasama ko na ito. Nung panahong wild at shunga pa ko, habang nakikipagtagisan ako ng libog sa bahay ng isang frend kong matrona, sa isang O-party. Oh em gee! Si BM, nakikipag-orgy! Dati pa yun, nung college.

Meron akong bet na bet na di ko malapitan, kasi nga cute ang lolo mo. Mejo hawig ke Joross. Si Peter. Di ko na sha nakita ulit dun after mahuli ni mamu na ninenenok nya ang mga antigong rebulto ng santo. Puro santo kasi yung bahay na yun, mejo nakakatakot ngang lumandi eh. Ni minsan, di ko man lang nalawayan ang lolo mo, eh bet na bet ko pa naman ang gago. Wit na kami nagkita uli.

Until now. Ang hayup na yun, anu kayang nangyari? Bat sha bumagsak sa ganitong trabaho? Anung nangyari sa pagaaral nya? Pano sha nagsimulang mag-perform? Andaming tanong sa jutak ko, kaya after nya sa stage, kinorner ko ang hinayupak sa gilid ng CR.

"Hoy! Natatandaan mo pa ba ko?" kuda ko.
"Oo nga, parang namumukhaan kita. Kanina pa kayo?" sagot naman nya.
"Mga 2am na kami dumating. Kelan ka pa dito?"
"Mga 1 year and 3 months na rin. Ano nga uli name mo?"
"BM. Nakalimutan mo na ba?" tanong ko naman.
"Mejo matagal na kasi yun. San nga ba kita nakalaban dati?" usisa naman nya uli.
Nakalaban talaga. Taray! "Sa San Andres tayo nagkakilala. Remember?"
"Ah oo. Ako yung nanalo dun eh. Anong award ka ba nun?"
Nalilito na ko. Award?! Imbento na lang si bakla. "Ano, congeniality."
"Ay tama ikaw nga yun. Sayang, sana kasi nag-Snooky ka na lang."
Snooky? ".... Huh?" Blank-look na yung mukha ko.
"Naku BM, sumali ka sa Miss Bago-Bantay sa Sabado, kakilala ko yung judge."
This time, clueless na talaga ko. "San ba tayo nagkakilala?" tanong ko.
"Sa pageant nga di ba, sa San Andres. Oi chikahan tayo mamaya ah, me number pa ko ulit."

Yup. Si kuyang naka-O ko noon, pero di ko natikman, isa nang super-proxy. Impersonator na si bakla ngayon, ang galing tumina-turner at mag-whitney houston ala dulce ng lola mo! At napagkamalan pa kong byukonera. Byukonera -- as in sumasali sa mga byu-kon: beauty contest! Snooky pa daw ako, ampotah. Bat di na lang Rosa Rosal? Eh di ba "kapwa ko, mahal ko"? O kaya... "Eto po si Serena Dalrymple na nagsasabing... isa pa, Papa. Isa pa!"

Di ko alam kung nagde-deny lang si bakla o di talaga nya ko maalala. Ang alam ko, umuwi kaming masaya. Walang kumuda sa ming tatlo. Basta masaya lang kasi me dumaan agad na taxi, di na kami nag-"wait of shame" sa tapat ng beki bar.

At nung nasa haus na, habang mega diskusyon kami sa mga nagastos, nakuda, nahaplos, at na-poach naming mga wildlife, napagkasunduan naming lagdaan ang isang memorandum of agreement para sa susunod naming pagkembot sa beki bar.

Hubad na Kupido Memo

1. Mag-budget ng gagastusin.
2. Wag bigay ng bigay ng tip sa mga nagpapa-erya.
3. Pag me lumapit sayo, hawakan na ang nakahain na grasya, sabay turo sa katabi: "Ay di ako pwede, sha na lang."
4. Wag matuwain sa mga bakla. Tandaan, bakla ka rin.
5. Kilalanin ang mga hustler. Iwasan.
6. Kaibiganin ang Mamasang.
7. Go for the waiter. Mas tipid.

At nung napagkwentuhan namin si impersonator, sabi ni Medusa. "Sis, take it as a compliment. Napagkamalan kang sumasali sa byu-con. Nagmumukha ka nang babae."

To you, Petra... I'm flattered. *wink* I know what you did last, last, last, last, last summer...

12.17.2010

Takbo, Talon, Tili, Hingal

Lagi akong late. As in! Ewan ko ba kung kelan nagsimula yung habit ko na yun. Karamihan sa mga lakad namin ng barkada, late ako.

Nasa LRT na.
Malapit na.
Anjan na.
Trapik.
Me emergency lang.
I'm on my way.
Sorry di ako nagising.
Baha. Ang lakas ng ulan.
Nasiraan ang jeep/fx/van/bus/lrt.
Naligaw ako.

Super bagal ko lang talaga kumilos. Tamad na tamad akong bumangon. Pag gabi feel na feel ko magpuyat. Pag umaga naman ayoko halos kumilos. Yung mata ko parang may padlock kaloka! Heavy duty pa kamo. Kaya dapat ang alarm clock ko, nananapak.

Nung bata ako, pag late kami ng nanay ko sa klase, pagpasok ko pa lang sa klase bubungad na si Mrs. Manlapig ng "Hijo wag mo ng paalisin yung hatid mo, kasi 5 minutes na lang di na sha tagahatid, tagasundo na sha. Pumasok ka pa." At shempre, pasok din sa kin yung classic line na "Ang aga mo... para bukas." Pag naririnig ko yun nung bata ako eh nagtataka talaga ko. Maaga pa daw ako?

Nung hayskul, talagang tumataginting na late akeiwa araw araw. As in di na ko nakakadalo ng flag ceremony kasi humahabol na lang ako. Kadalasan eh nagpa-Panatang Makabayan ako sa gate, o kaya eh nagba-bayang magiliw ako sa gilid ng stage. At minsan pa kamo eh nag-push up ang balingkinitan kong katawan habang umaawit ng "Oh dear Manila High... hear and protect us! Listen and whisper the blessings, we'll raise your banner to the sky... Let us all sing the song of love! Dearest to our hearts, oh Manila Haaaaaaaaaaayyyyyy! Forever will shine!" Ateng lawit betlog talaga ko pagkatapos ng push up...

Nung college wala naman akong ganong talamak na late, kasi neng evening shift ako. Alas kwatro na ng hapon klase mo, di ka pa rin nagising?! Kaloka naman yun... Eh inspired naman ako pumasok lagi nun, kasi nga si Aveno na bestfriend ko at lihim kong sinisinta, eh kaklase ko rin shempre. Basta nung minsan, ang excuse ko eh namatay ang lolo ko. Namatay naman talaga, 22 yrs ago. Kaso nun ko lang ginamit sa excuse letter.

Pero kundi man ako late, adelantada naman ako. Eksena sa Retorika 101. Si Ginang Emperado, napikon kay BM kasi nga dalahira at dakdakina. Eh finals namin yun, kelangan may talumpati. Topic ko eh panliligaw noon at ngayon. Intro si Bakla.

"Magandang umaga sa inyo." hirit bulilit ng badet.

"Hindi maganda ang umaga!" bara ng mangkukulam.

Kinabahan na ang bakla... Gamunggo na ang pawis, di malaman ang gagawin... Ah! Talumpati...

"Baro't saya... Baro't saya..."

"Baro't saya... Mga hagikhikan..."

"Baro't saya... (pabulong) putang ina..."

"Putang ina mo rin!" sagot uli ng mangkukulam.

"Hindi po kayo."

Lahat ng palitan namin na yun eh sa tono pa rin ng pagtatalumpati. Nakaraos naman ako sa talumpati ko, matapos kaming magmurahan ni Ginang Emperado. Ang ending: dos palakoles ang grade ko. 77! Kaloka! Di nga ako na-late, nakipagmurahan naman ako sa prof ko... Sana na-late na lang ako ng araw na yun.

Sa trabaho, madalas din akong ma-late. Lalo na pag regular na. At sangkaterba naman talaga ang excuses ko sa mga boss. Ning in fairness, di ko na minsan pina-praktis. Hinika ako, di makabangon, nagtatae, pinilit lang pumasok, masama ang pakiramdam. Ning waley yan! Pang amateur lang yang mga excuses na yan.

Yung level ng excuses ko, mapapraning ka. Binaha sa LRT, napagbintangan ang pamangkin kaya nasa presinto, me hearing sa kaso at na-late ang judge, "family emergency" at galing pa sa Batangas, me nagrambol at naipit ako sa sidewalk kaya di ako makaalis, nanganak ang kapitbahay at walang kasama sa hospital. Yung mga alibi ko na yan, nangyari naman talaga. Minsan nga lang, hindi sa kin nangyari. Nakita ko lang, nabasa sa dyaryo, o kaya narinig sa katabi sa MRT.

Kasi ba naman si Rebekla, 8PM ang usapan, maliligo sa bahay 830?! Kundi ba naman ako talagang nananadya. At nakahilata pa, ang reply na sa text kung nasaan eh "On the way na, wait lang po."

Eto ka na, nung Nov. 5 eh trip to Palawan kami. Pero nauna ang flight nila ng isang araw. Thurs sila, Friday ako gogora. 3:55 ang lipad ko, ning 11am nasa skul pa ko sa Taft Avenue at nagpapasa ng thesis. Ang adviser ko na duda ata sa gawa ko, ang gusto nya eh dun mismo sa harap nya isusulat ang buong Chapter 5. Kumusta naman yun davah?!

Nakaalis ako ng jopisina nya, 1pm na. Lipad Beki, lipad! Pagdating ko ng hauslaloo, 1:50 na. Empake pa lang ang beki nun. Ay Ateh, good luck! Impernes pag paspasan maaasahan naman si BM jan. Ayun, 2:15 nakaalis na ko ng haus. Abot-abot ang dasal ko na sana eh umabot ako ng 3PM sa airport. Anonas to NAIA 3 -- 30 minutes?!

LRT, MRT, boxibells. Nilipad ko talaga ang EDSA ning! Pagdating dun sa paikot, potah trapik pa! Mcdo pa lang sa tapat ng airport, bumaba na ko at tumawid ng hiway. Takbo, baliktad na yung payong ko, hingal na hingal na ko. Dumaan pa ko sa ilalim ng tulay, puro putik na stilettos ko, takbo pa rin! Potah, pati escalator di nakisama, waley! Sira si esca ampotah! Takbo, nilaktawan ko na ata yung benteng hakbang. Pak! Nakaabot sa gate ang bakla. 2:50PM. 35 minutes!

Sa sobrang hingal ko, yung bote ng mineral water nung ale, pasimple kong hinablot sa trolley. Keber na sa TB! Uhaw na uhaw na ang katawang lupa ko!

Akala ko, natuto na ko. After a week, Sime and Sulay conquers KL naman. Ang aga aga ng gustong oras ni Sime na magkita sa jerport eh 1055pm pa flight namen. 7pm, tumawag pa si bakla para pilitin akong umalis na. Eh ako lang ang me kopya ng tiket. Tiningnan ko yung tiket habang mega chat pa kamo kami sa FB. Syet! 2055 yung time... Putek! 855pm pala alis namin! Ayun, lumipad na naman ako papuntang Terminal 3. Habal habal na kamo ang sinakyan ko mula Ayala.

Eto na, arrive on time na ako sa check in counter. Eh si kuyang ungas, mega offer. Free rountrip ticket daw, anywhere, within 6 mos basta pumayag kami na ma-delay ang flight, kasi puno daw. Mga oportunista payag naman agad! Around 850PM, last minute biglang di na daw kelangan kasi maluwag na daw uli. Potah! Takbo na naman kami papunta sa gate kasi aalis na ang planelilet. Lenshak hinarang pa kami sa immigration kasi di ko nai-print yung hotel accomodation.

Kaya nung makalusot, at nakalagpas kami sa metal and baggage xray, di na kami pinagsuot ng shoes at tumakbo na kami sa eroplano. Heto kamo ang pruweba:





Hay! I've learned my lesson the hard way. Wag magsusuot ng shoes na de-sintas pag eeksena ng takbo sa airport. Panalo, pwede nang pang-Koreanovela!



****************************************


Yan ha, tinutupad ko ang promise kong Nine Mornings... Aba mga beki, damihan nyo naman ang comment para inspired ang bakla... Ang sarap kayang magbasa ng comments nyo. Mwahugs!