Showing posts with label questions. Show all posts
Showing posts with label questions. Show all posts

7.28.2011

Ambisyosa

Kung may librong "Baklang Maton sa Recycled Paper Galing sa Junk Shop ni Totong" ... Bibili ka ba Bekilandia?!





PS: nagtatanong lang ako ha! wag ka munang umasa! blog nga di ako makasulat, libro pa?! Ahihihihi... coming na po yung tunay na blog... Mamaya!

9.27.2010

What if?


Curious lang akeiwa...






What if... may Baklang Maton na may boobs?






Anong masasabi mo?!










Pak!

6.05.2010

Me and My God

May langit ba para sa mga bakla? Kung mamamatay ako ngayon mismo, at di ko tinalikuran ang pagka-beki, does that mean I'm condemed for all eternity? Sabi nung isang debotong iglesia na kakilala ko, straight daw ako sa impyerno. Sabi ko naman, sige kita tayo dun.

I refuse to believe that being gay defaults my soul to eternal damnation. But somehow, I also wonder: para nga lang ba talaga sa rainbow ang sangkabaklaan? Dun lang ba talaga mapupunta ang mababait na badet, at ang mga walangya naman eh highway to hell ang drama?

Lagot ako. Sabi pa naman ng friends ko, mabuti naman daw akong kaibigan. Masama nga lang talaga ang ugali ko.


Bro. Aelred Maria. My alter ego. My best version. My other self.

I was once a campus minister. Ten years ago, sa St. Andrew sa Makati na ko halos tumira. Yung way of life namin, talagang pang mga seminarista at madre (dun ata ako nahilig sa pagka-madre). Laging naka-slacks, kahit swimming bawal ang shorts. Balance dapat ang buhay-estudyante, buhay-pamilya at buhay-brother. Di pwedeng isama ang "Secret Life of a Gay Teenager" kasi bawal. Bawal maging bakla.

Nung andun pa ko sa kumbento naranasan ko na ata lahat ng nakakalurking kabanalan. Me dipa session kami lagi pag nagro-rosary. Araw-araw na nagseserve as sakristan sa misa. Naglalakad mula bel-air hanggang Guadalupe. Dumidipa sa adoration chapel. Nagtitipid sa lahat ng bagay. Pag me regalo sa yo, kelangan munang gamitin ng lahat ng brothers yung gamit mo bago isoli sayo.

Nung minsan pa eh kumain kami ng pechay ng buong isang linggo. Pritong pechay, nilagang pechay, pechay salad, steamed pechay at kung anu-ano pang imbento na luto sa pechay. Unfair nga eh kasi sa dami ng pechay na nakain ko nung linggong yun, wala namang tumubong pechay sa kin!

Pag me nagawa kang violations, kakalbuhin ka at maninilbihan ng isa hanggang dalawang linggo. Bawal magsalita, me hawak ka lang na ballpen at papel, isusulat mo lahat ng sasabihin mo. Me plackard na nakasabit sa leeg: "I am in silence, don't talk to me." Ikaw ang magluluto, maghuhugas, maglalampaso ng sahig, maglalaba ng bedsheets, at kakanta kapag tanghalian. Kung makulit ka at nagsasalita ka pa rin, extend ito ng isang linggo uli. Kumusta naman, umabot ako ng isang taon bago na-parole!

Kami ang mga serbidora ng simbahan. Tagasabit ng christmas lights sa bubong ng St. Andrew, at sa mga nakapaligid na punong niyog. Buwis buhay pa yun minsan kasi scaffolds lang na bakal ang aakyatin mo, minsan eh inaalog-alog pa ng walangya mong brother. Tagapintura rin pala kami, taga-mop ng sahig pag me function, tagatabas ng damo, tagawalis ng bakuran, tagapintura ng mga linya sa parking lot, at tagabilang ng collections sa misa.

Nung andun ako, laging ako ang sinasama ni Padre sa mga misa sa labas. Kung kelan eat out ang mga kasama ko, ako naman eh mass out at assistant. Kasi nung unang beses na nag-sakristan ako sa kanya eh huling-huli akong bumoborlogs sa homily. Mashado daw akong attached sa kama ko kaya marami akong dapat i-give up. Bawal daw ma-attach sa community. Wala daw particular friendship. Walang community within the community. Walang borlogs ng borlogs.

Lagi pa kaming me horror awards. Ang laging napupunta sa kin eh yung Piety Horror Trophy. Kasi daw everytime na nagdarasal kami, imbis na magdasal eh nakakatulog ako. Minsan, kahit sa tabi pa ng pari sa taas ng altar sa mismong misa! Pero di na ko nag-react. Kaya kahit nagdarasal din naman ako mag-isa, di ko na sinabi. Malay ba nila eh tulog nga ako ng tulog. Kaya nung may work na ko, never na kong natulog sa trabaho. Char!!!

Don't get me wrong. I was happy na gawin yung mga bagay na yun. Pag na-dedepress ako eh nagkukulong ako sa isang function room at nagpapatugtog ng mga praise songs. Mega release ako ng emotions sa pamamagitan ng... tanananan! Interpretative dance! As in mega sayaw sayaw at emote emote talaga ang bakla habang gumigiling giling mag-isa. May lifting pa yun teh! Kung kaya ko nga mag-pyramid mag-isa malamang ginawa ko na.

During this stage, confused na ko kung beki ba ko o hindi. Lagi kong tanong nun eh "Bakla, Bakla hinog ka na ba?" Eh pag-ikot ko sa roleta, tumapat sa "Oo, oo beki ako." Kung hinog ka na ay umalis ka na. Lito na nga ang bakla sa kanyang pagkatao, samahan mo pa ng "brother" at "kuya" na pumapatong pag madaling araw at nagpapa "ipit" ng kembang, ay wala na! Na-loss na talaga ang pagkalalaki ko. Lumabas ako para harapin ang mundo ng may ningning sa mga mata at landi sa mga ngiti. At yun na nga, naghasik na ng ganda at rikit ang bakla.

Isa sa mga nabighani ko ng bonggang bongga eh si Private Benjamin. Nagkakilala kami sa Mt. Makiling some summers ago. Dati shang seminarista. Cute na parang si Charles ng Star Circle Quest. Yung tipong nilalabasan na eh tahimik pa rin. Yung tipong lasing na eh demure pa rin. Maamong tupa. Hmmm...

Magkatabi yung dobol deck namin at sa taas kami nakahiga pareho. Sa camp na yun, inakit nya ko. Pag naliligo sha, di sha nagtatakip ng cubicle. Amputi ng pwet! Tapos pag humihiram ng sabon, lumalakad palapit sa kin bigla, pubes and all! Hay gusto kong lamutakin ang buns ng lolo mo at palamanan ng cheez wiz. Masarap kung maguusap kayo at masarap din kung maguusap kayo.

Nung huling gabi namin, sa pusod ni Mother Makiling, ginapang ko ang lolo mo. Hala ang bakla, daig pa ang army kung gumapang. Me props pa kong damodamo at camouflage -- kumot na talukbong at unan na nakaharang, tsaka dantay-dantayan. Presto! Instant kembang tent ang eksena. Kapa-kapa... Pisil-pisil... Himas-himas... Poof! It became koko krunch! Este poof! Dumilat ang mata! Naloka ko. Ayun, tumalikod ang lolo mo at na-face the wall ako. Loss ang beki... Pero at the back of my mind, naisip ko... Winner pa rin ako. Nagalit si Private Benjamin! Balang araw, babagsak ka rin sa mga palad ko...

After a few years, nakuha ko uli ang number nya. Text text kami uli, tawag tawag. Sorry sorry ang bakla. Nagulat ako kasi sabi ba naman, kung nagpaalam daw ako eh baka pumayag pa sha. Kaloka! Dun na pala sha nakatira sa isang compound na malapit sa iskwater. And he agreed to meet up with me sa unit nya.

Habang nangungumpisal si Kris Aquino sa buong Pilipinas na nagkaron sha ng STD sa tulong ni Kuya Joey, andun kami at nagha-haggle kung magkekembutan ba kami o hindi. Ang lolo mo nuknukan ng pakipot! Galit na galit na, ayaw pang pumayag! Kakaloka! Ayun, wala na namang nangyari. Touch and go lang ang naging drama ko.

For eight years, ganun ang naging script namin ni Private Benjamin. Papakipot sha, hahabol ako, papa-touch sha, hihipo ako, papa-kuda sha, papa-bembang ako. Me mga times naman na pareho kaming panalo. Me mga times na anjan na sha tapos biglang uuwi. Feeling ko minsan eh ang ganda ganda ko kasi luluwas pa yan from the province mabembang lang ang alindog ko. Pero di ko ganong maenjoy ang kung ano mang meron kami.

A few months ago, inamin nya sa kin na bumalik na sha sa seminaryo. For almost two years, ang kinakalantari ko eh on his way to priesthood. Kaya pala pag Sunday lang sha pwedeng mag-text. Kaya pala lagi na shang nasa isang lugar na puro ulap. Langit?! Kaya pala puro yaya lang ang lolo mo, pero di natutuloy kasi di raw sha pwedeng umalis. Kaya pala... Mas malaki na pala ang kalaban ko. Someone I would never even dare compete. Eh ako nga gusto ko Siyang kakampi eh.

Last month, Private Benjamin and I had our farewell kembot. We both agreed na last na yun, and he should focus on his life of service. Sa gitna ng good ol' redhorse, at sa mga malalaswa naming kwentuhan, I felt proud and happy. He's on a better path. Kung sana lang eh kasing lakas at kasing tibay nya ko sa pag-resist sa tukso. Kung sana lang eh kasing tapang nya ko sa pagwaksi sa mansanas ng kasalanan. Kung sana lang eh kasing willing nya akong magsilbi. He's an inspiration to me. I'm so proud of him.

Sa araw na to mag-start ang one-year retreat nya sa isang isla. Walang interchuvanet, walang nyelpown, walang telebabad at primetime bida, walang bombo radyo at negra bandida. Laging silence at reflection. Sayang di nya mababasa tong blog ko. He promised to read it next year naman. Something to look forward to, jejejeje!

Fave motto ng frendship kong si Medusa -- "Destiny is not a chance. It's a choice." It's not random. It's not chance. In the greater scheme of things, my every decision in the past have been leading up to a certain destiny. What if kahit anong gawin ko, dun pa rin ako bumagsak sa kung anong gusto Niya para sa kin? Pano kung sa bawat pagliko ng mga bakla eh makikialam Siya? Magiging choosy ka pa ba?

If there's one thing I learned sa logic, eto yun: Kung walang langit at naniwala ako na meron, keri lang. Walang nawala sa kin. Nagkaroon lang ako ng purpose at direction sa buhay. Kung meron namang langit at naniwala ako, eh di winner ang bakla! Kung wala palang langit at di ako naniwala, eh di quits lang. Pero kung meron palang langit at keber lang ako... gudlak! Barbekyung beki ang aabutin ko.

Listen to your heart. What does it tell you? For me, it's about finding meaning to your life despite of the bad choices that you make. Mashadong maraming pagkakamali sa mundo, di ko kakayaning i-commit lahat ng yun. Anu ba naman yung matuto na ko sa pagkakamali ng iba davah? Wag redundant! Bakla ka na naka-pink ka pa?! Jejeje... Hindi porke ine-expect ng mga tao na isa kang kahihiyan eh gogora ka nga. Ayaw mo silang ma-disappoint ganun?!

May pwesto ba ang mga bakla sa langit? O kelangang magpraktis na ko ng pag-slide sa rainbow? Ay wit ko pa alam. One thing's for sure: God loves Fags. Even fags like me.

3.09.2010

Bakla Noon, Alamat Ngayon!

Akalain mo yun? Nakaka-isang taon na pala ang kabaklaan ko sa bloglandia. Isang taon na kong kumekembot sa pagbo-blogelya. At isang taon na rin akong kumekeme ng mga kwentong bayan at mga aneknota ng buhay maton sa iskwater.

Feeling ko kasi madalas, time stands still pag nagsusulat ako. Parang mag-isa lang ako sa eksena at ang kamera eh umiikot ikot lang sa mukha ko habang kinukunan ang pinaka-shala kong anggulo. Mejo isa-sideview ko yuung pisngi para ganda-gandahan talaga ang kuha.

Ang sarap talaga magmuni-muni lalo na pag naka-blush on at bronzer. Ang sarap ding mag-isip-isip pag amoy green tea at incanto. At mas masarap mag-emote pag me soundtrack: "I fall all over again" tsaka "thumb thumping" na kinakanta ng katabi kong inlove sa station.

Nagsimula akong mag-esep esep nung me nakatabi akong nanay na me kargang sanggol sa mercury drug. Parang na-trigger ang mother's instinct sa kin. Me parang humihila sa lapay at imaginary ovary ko nung mga sandaling yun na di ko maintindihan. Tapos eh napanood ko yung "Little Boy Big Boy" sa dvd. I suddenly realized what's bugging me.

Anak. Unica hija. Pamilya.

I considered the possibility of growing old, alone. I've accepted the fact that I might never marry, settle down and have my own family. Wala naman akong matres at palopian tube. Kathang isip lang ang pechay ko. Halusinasyon lang ang ovary ko.

Eh pano pagtanda ko? Basta maya-maya na lang puro matanda na ang nasa isip ko. Matanda. Thunder Cats. Jondits. Impong Sela. Mamang. Lola. Oldies. Golden Gay. Markova. Bigla akong na-orkot. Scary!

Di ako takot sa matandang bakla ha. Natakot lang ako sa ideya na balang-araw eh magiging sila ako. Magiging sila tayo. Handa na ba ko? Kayo?

Kinarir ko na talaga ultimo root word hanggang coined word, isali mo na lahat ng unlapi, gitlapi at hulapi ng pagiging bakla. Once you go gay, you can never go back. Sa dami ng kinarir ko, at sa dami ng nakatikim sa alindog kong sintamis ng wine at singtatag ng sunshine, gudlak. Talagang there's no turning back.

May sapat na ba kong yaman para magbayad sa private nurse at caregiver? Sinong magpapalit ng diapers ko pag Thursdays? (bananas and milk day sa diet ko) Sinong maglalaba ng mga striped panties ko? Sinong aakay sa kin papuntang massage parlor pag kinakati ang kuluntoy na pechay ko? Sinong yayakap sa kin pag giniginaw ako sa pagtulog? Alangan namang si RR pa rin? (Si RR ang dakila kong teddy bear, mukhang stuffed toy na me Down Syndrome).

Nakakaloka.

Napakiyeme tuloy ako sa mga kakilala kong lola beki around the suburbs. All of the suddenly eh inawitan ko ng alin-alin ang naiba ang buhay ng mga kakilala kong thunder gays para me clue naman ako kung saan ako patungo.

Ni-rundown ko ang mga kakilala kong lola beki para me cross-sectional slash cultural slash anthropological slash philosophical slash suicidal comparison ako kung ano bang kahihinatnan ng mga... (Titingala sa kamera na nasa kisame.) "Bakla Noon, Alamat Ngayon!"

Case Number 1:
Si Propesora Imaculada. Si Prof. Ima eh prof ko nong college. Super higpit yan day! Malakas manlait. Nakakaorkot sa klase, lalo na pag tinawag ka ng walang sabi-sabi. Pag nairita sha sayo, hahamunin ka nya ng pagandahan, patalinuhan, payamanan, pabanguhan. Dadautin nya kahit kaliit-liitan at kadulu-duluhan ng cuticle at ingrown sa pinkie toe mo.

Successful in her own right, at pag nag-retire eh yaman-yamanan talaga. Ang tanging hobby nya lang eh pasusuhin ang sanggol at susuhin ang tatay ng sanggol. Wag naman sanang sabay.
Meron shang isang ampon na pamangkin. Lahat daw ng ari-arian nyang ipinundar eh ke ampon mapupunta. Congratulations!

Case Number 2:
Si Sonya. Si Sonya eh nakilala ko nung kinembot ako ng isang ka-eyebol way back 2001. Dun kami naki-pwesto sa bahay nya sa may San Andres. Designer ng mga karosa sa simbahan at mga dekorasyon sa anik-anik na mga events ang lola. Pati yung mga food decoration karir nyan. Yung mga pictorial ng jolibee products tsaka cindy's at aristo-back na nasa likod ng aristocrat, sha nagde-design sa mga pagkain para magmukhang malinamnam at masarap.

Yung bahay nya e punong-puno ng mga rebulto at santo. Umaapaw din ang mga bisita nyang bisikleta (bisexual) na nagkukuyang-yangan gabi gabi. Lahat ng putahe present. Shempre dahil bahay nya ito lagi din shang kasali. Dito ako nakanood ng live na torohan at bongkangan. Show kung show ang mga bakla.

Pag tinatanong ko kung nag-iipon ba si bakla, wit nya feel kasi wala naman daw shang tagapagmana. Kaya lulustayin na lang nya lahat habang nasa San Andres pa ang katawang-lupa nya. At pag na-tegi onor (namatay) na sha, gudbye sa mga fungi!

Case Number 3:
Si Tonet. Kapitbahay namin na nagtitinda ng barbeque sa kanto. Kung gusto mo ng amoebaiasis at diarrhea, buy na! Kung matibay naman ang sikmura mo eh go na, wag lang araw araw. Pero in fairness masarap talaga ang gawa ng bakla. Kahit dalawa ang katabi nyang barbekyuhan -- as in tabi tabi silang tatlo -- eh sha lagi ang unang umuuwi. At pag loss ng choice ang madlang pipol, sa mga katabi na nya bumibili. Sha talaga ang pinakamasarap. Kaya bilib na bilib rin naman ako sa tibay ng sikmura ng mga tao sa iskwater. Pati pala mga taga-village sa tapat namin keri rin ang bbq ni bakla.

Alaga ni Tonet dati yung pinaka-pinapantasya kong kaklase nung elementary na si Ricky. Wafu talaga yun. At si Tonet ang binobowa ng lolo mo. Wala na sila, wala na rin sa iskwater si Ricky, nag-voyage na sa ibang iskwater. Si Tonet eh nagtitinda pa rin. Walang pundar, walang bowa, walang pamilya. Parang hinihintay na lang nya yung ring ng bell para makapagpahinga na sha. Pero palaban pa rin sa buhay. Sabi nya, pag hindi na nasasarapan ang madlang pipol sa barbekyu nya, pwede na shang mamatay.

Barbeque ni Tonet: Winner! Prepare two tablets of atapulgite tsaka maraming maraming hydrite.

Case Number 4:
Manong sa bungad ng iskwater. Hehehe. Di ko kasi knows ang namesung nya. Pero kilala ko sa mukha at nakakwentuhan ko na rin minsan. Me anak na sha, tatlo. Me mga apo na rin. Dati shang nagtatrabaho sa Saudi. Pag-uwi sa Pinas, wala na ang asawa, sumama na sa ibang lalaki. Ngayon eh tagagupit sha ng buhok ng mga matrona sa iskwater. Taga-manicure at pedicure din at me mga sineserbisan sa ibang lugar. Steady ang income pero hikahos pa rin madalas. Nag-aalaga ng mga apo kahit kumekendeng kendeng. Di ko pa nakita ang mga anak nya kahit minsan.

Nung tinanong ko sha, sabi nya mabuti na rin daw na iniwan sha ng asawa nya. Si babae ang masama sa paningin ng mga anak nila, at dahil don eh natanggap ng mga anak ang pagkabakla nya. Ngayon eh malaya na shang nagha-highlights, nagkukulot at nagre-rebond ng mga buhok. Natupad na raw ang mga pangarap nya. Isa na lang ang kulang: Parlor.

Case Number 5:
Si Vic. Malayong kamag-anak ko sa Batangas. Gano kalayo? Mga ten miles. Ampon sha ng isang mas malayong lola na matagal ng sumakabilang planeta.Si Vic ang caterer at wedding decorator ng bayan. Sha ang gumagawa ng mga arko, table art, napkin folding at lahat ng kabaklaan sa bawat kasalan sa baryo namin sa Sirang Lupa (aspaltado na ngayon.)

Wala akong ganong nababalitaan na kalandian at kapokpokan ni Vic. Kasi nga malayo ako, kaya siguro di ko na naririnig. Pero ang sure ako, iilan lang ang beki sa baryo namin, at nirerespeto sha ng mga tao. Kung dun ako nakatira, malamang ako naman ang home wrecker ng bayan. Tahimik ang buhay ni Vic, tumutulong sa mga kamag-anak at pinagyayaman ang sarili. Marami na shang bagong natutunan na style ng napkin folding. Meron na atang Trex at sabretooth tiger.

Case Number 6:
Si Mang Rey. Dun sha nakatira sa kabilang street na hindi iskwater. Pero mabaho pa sa iskwater ang bahay ng lola mo, puro kasi aso. Sha ang pinakamatandang bading dito, at lahat ata ng lalaki sa iskwater eh dumaan sa kanya, ultimo yung mga tatay ng canton boys! At ang lagi nyang linya habang pinagkikiskis ang dalawang kamay: "Magsu-swimming din kayong lahat..." Kasi nga naman pag swimming ng tropa di ka pwedeng maiwan. At pag wala kang pera pang-ambag, isasangla mo ang kaluluwa mo kay Mang Rey.

Inis na inis ako sa matandang to. Kasi, nung isang araw ko lang nalaman, yung isang pinakatatangi at pinakaingat-ingatan kong nilalang, nong hayskul pa lang kami, eh niyaya ng mga kabarkada nyang magswiming, at walang wala shang perang maiambag. Nagsangla sha kay Mang Rey. Hindi sa akin. =(

Case Number 7:
Yung matanda sa S.R.O. na indie film. Payatot, nakakatakot, may bangs pa ata, laging nakatambay sa mga sulok ng sinehan, nag-aalok ng bente pesos sa mga sholbam para makapanghala lang. Lagi shang nirereject nung bida kasi nga dugyot to d max.

Parang nakita ko na kung anong mangyayari sa baklang tumanda na mahirap at walang yaman. Makikiamot ng bente pesos na halaga ng ligaya at pampalipas-libog. Manlilimos ng bente pesos na pag-ibig. Kahit tatlong minuto lang.

Case Analysis:

Ano ba formula para masiguro mo na magiging masaya ka hanggang sa pagtanda? Ano bang recipe para magtagumpay ka sa laban ng buhay? Kelangan ba eh uminom ng alaxan ip ar? Ano ba ang ingredients ng isang malinamnam na paglalakbay?

Siguro, sa bawat hakbang, sa bawat sangkap, sa bawat langhap, sa bawat luha, sa bawat halakhak, sa bawat akbay, sa bawat himaymay, sa bawat kandirit, sa bawat cartwheel, at sa bawat paglalakbay, siguraduhin mo lang na di ka naglalakbay ng mag-isa. Magtawag ka ng kasama. Wag kang magtayo ng pader at tanikala. Bumuo ka ng kadenang bulaklak. Bumuo ka ng baklang banga.

For the first time, wala akong maibigay na magandang ending. Kasi, di pa naman tapos ang kwento ko. At kung malapit ng matapos ang pagkembot ng Baklang Maton, bago ko pumasok ng tuluyan sa banga, pramis, bibigyan ko ng ending ang post na ito.

2.17.2010

Question?!

Matanong ko lang mga beki...


Bakit pag me post ako ke Budwire eh ang excited nyong mag-comment? Bakit pag ke Payat eh parang wichikells nyo bet mag-react. Hmmm... biased kayo mga nini...


At bakit di ka na nagpaparamdam Prince Caspian? Naglaho ka na ba ng tuluyan?


At bakit kinikilig ako sa kabaduyan ni Jason at ni Melai? At bakit feeling ko, pati yung katabi kong Manong eh kinikilig din?!



Nagtatanong lang...