Ang kwarto sa tore.
Araw araw, pag pauwi na akengkay eh napapatingala aketch sa isang kwarto sa tore. Isang blue na kwarto na lagi kong nakikita kasi yun ang pinakamataas na hauslaloo ditey sa iskwater. At tuwing napapatingin akey sa room na yun, napapakanta na lang ako...
"Weak, I have been crying and crying for weeks.. How'd I survive when I can barely speak, barely eat, on my knees..."
Baket? (pronounced as baahhhkeeeet?!)
Kasi, kwarto yun ni Pa. Kwarto yun ni Totong.
Since emotera akez nowadaysness eh itodo na at ikwento na rin ang mga precious moments ko with Pa. Kasi, kung ke Magic eh nayurak ang pride ko... ke Totong eh mas nayurak ang mga pangarap ko.. ang puso ko, ang mga panaginip ko. Trulili itey Bibiana! Nainlavavoo talaga aketch ke Rodrigo.
What prompted me to write this is my dream last night.
Dumating sa haus c Pa me dalang siomai galing sa siomai haus. Sinalin namin at nagstart sha kumain, andun pala c Tata Boy, ang dakilang ama ni Payat.
Tinanong ako ni Dad-in-Law: Oi san ka ba lilipat next year?
Sabi ko: Depende po sa boyfriend ko.
Si Dad-in-Law ulit: Eh gusto ko dun sa mapapaganda c totong.
Ako uli: Ibigay nyo na sha sa kin, mapapaganda sha pramis.
Dad-in-Law: Dati pa namang sayo yan eh, ayaw lang umamin.
Sumagot c Payat: Wag nyo na problemahin yon. Ako ng bahala ron.
Ako na naman: O sha na daw. Sasama ka na ba sa kin?
Payat ko: Ma, mahal na kita alam mo yan. Sasama ako.
At nagising aketch na umiiyak.
For almost a year, hindi ako nanaginip about Pa. Ngayon lang uli. And this says a lot about how I feel about him. Sabi ng isang kanta "the first cut is the deepest." Para sa kin, the last cut is the most painful. Kasi lalo nyang pinagnanaknak yung isang sugat na di na gumaling-galing. Hurtness!
Sana nga mapaganda sha sa buhay nya ngayon. Sana rin, kung umalis man aketch sa iskwater, di ko man sha kasama... kahit isang saglit lang, kahit paminsan-minsan lang, maalala nya. Dati, sha ang lalaki sa panaginip ko.
kawawa ka nman sis...don't worry malay mo makahanap ka ng isa pang rodrigo
ReplyDeleteHi there! =) love reading your blog! =) uber love it. Funny pero may lalim! awwww!!
ReplyDeletemeh ganiteyyy?!?!!?!!!? Mars, magvideoke galore na lang tayech! ikanta mo na lang yan!
ReplyDeletemay pinaghuhugutan ka naman pala..
ReplyDeletelove sucks. lalo na sa mga PLU.
madalas kasi maloko e.
hayst..
darating din yung nakatakda sa yo.. :)
hahaha... napakanta talaga ng mad. hmps...
ReplyDeletehays hirap nang walang lablayp.
sabi nga nila darating din un
--
uy aalis ka na sa iskwater sosyal!
ingat po lage. salamat
lilipat ka na ba sa townhouse? hahaha. charot lang neng. tama ka ang huling sakit ang bonggang bongga talaga. huhuhu! kaiyak naman. basahin mo ang post kong bago ALA-ALA :-) haha! gudlak naman. me pagkakapareho tayon neng.
ReplyDeletekahit mukhang nagpapatawa ka habang nagkukuwento, na-touch ako. naramdaman ko ang pagmamahal na nasa puso mo. :)
ReplyDelete