9.25.2009

Bakit ako Maton?

Plentytious ang mga nagtatanong bahkeeet daw ba akeiwa naging Baklang Maton? Eh wala naman daw sa itsura kez kasi mukha daw akez beauty queen, ching! Kaya inilista ketch lahat ng kamalditahan ni akeiwa sa araw araw para ma-justificazion kung buhket akengkay naging Baklang Maton.

1. Gabi akez nagtatrabaho. Kaya pag maingay sa kapaligiran at sangkatutak ang tumatalak, binubuhusan ko ang mga itu ng water sa balde. Kesehodang bata, mga nanay na tsismosa, o mga Canton Boys pa yan. Basta pag maingay, warla ang bakla.

2. Galon galon ng redhorse na ata ang nainom kez. Pag badet ang umiinom kasama ang mga lulurki, por syur badet ang taya. No no no no way yan sa ken! Pag numonomo kami ditey sa iskwater, patak patak ang drama. Minsan, tatlong oras na akez numonomo, ang ambag ko pa lang eh bente pesos. Aba ilibre nila ko noh!

3. Isang guard lang ang iginagalang kez sa buong buhay ketch. At yun ay si Bibiana. Pero pag mega kapkap ang mga guardo verzosa sa kin, warla talaga itu. Lalo na pag mahaba ang pila, nangngangarag ako. Nun minsan, shonget yun kakapkap sa kin, ispluk ng bakla: "Ayoko sayo, ampangit mo!" sabay lipat sa ibang sekyu. Lagi ko rin sila tinatanong ng "Ano ba hinahanap mo? Bomba? Wala ako non!" pag mega inspek sila sa bag ko.

4. Dapat daw eh ishogo ang nyelpown sa bagelya pag naglalakad pauwi para wag kang ma-isnats. Churi ka, kahit 3am na nagtetext pa rin akeiwa sa Cubao, Quiapo, Recto, Balic-Balic, kahit san pa. Sa jeepelya, sa lovebus, sa tren, eniwer mare! Kung me hoholdap, o fine iyo na nyelpown ko! Me pambili ako ng bago, ulul. Pero never pa akeiwa na-holdup, ever. Kasi daw, ako yun mukhang holdaper.

5. Me yaya ako. Wala shang sweldo. Basta yaya talaga. Luto, linis, laba, eskoba, is-is, kayod, pati paggawa ng antenna at pagtatahi ng natastas na stuffed toys.

6. Ang badet, walang karapatang maging mahirap.

7. Techie ang bakla, laging me gadget chorva para puntahan ng boys. Me latest songs, me games, marunong mag-DOTA at DUTDOTA. Me mga dibidi ng latest muvees, para me entertainment showcase sa balaychina. Pero boys lang ang nakakahiram. Churi gurls...

8. Madalas ako kumuda. Pero malamang sa hindi, libre ang kuda. Nadadaan sa ganda, charge sa GL Card at SA Card (Ganda Lang at Sex Appeal Card)...Kung gutom, pakainin mo lang ng canton, keri na yun.

9. Minsan me conyotic sa escalator. Kinalabit ko, sabay sabing "Ang arte mo!" hihihi... Bigla shang nagmadaling umakyat kahit umaandar naman ang hagdan.

10. Pag matagal din sa elevator, sinasara ko sabay sabing "Ate, hindi sayo tong elevator."

And last but not the least:

11. Hindi ako takot umibig, masawi, at umibig muli. Segway sa pagibig eh noh?! Gento talaga... Hanggang mahanap ang takip ng kawali...

3 comments:

  1. wahahha.. nakakatawa nman, kaya pla. :) ang galing maton! :P

    ReplyDelete
  2. kaya naman pala. wala kang katulad isa kang TUNAY na maton. nangangabog ka eh. haha!

    ReplyDelete
  3. ito ang pinakamahinang blog ko ever hehehe... kaloka!

    ReplyDelete