8.02.2011

Witchiririt: Ang Pagtanggi ng Beking Tiririt

Ala-Mary Alice sa Desperate Housewives tong eksena ko ngayun.

Voice over: Isa sa pinakamahirap gawin sa buhay beki ay ang tumanggi.. Sa isang kumpare na kinulang sa pambayad ng motor... Sa isang gwapong bagets na gustong magpakembang... Sa dalawang magkaibigan na para may matulugan eh willing magpalingkis... Sa papabol na ka-chat mo sa fezbuk na gustong makipag-seb...

Minsan, ang pinakamahirap tanggihan...ay ang sarili mo mismo.


Ooops! Commercial agad. Bago ko kayo inggitin, may mahalaga muna akong announcement.

Una: yung mga nag-comment sa post kong ambisyosa, walo na kayo! Syet, papa-imprenta ko ng sampu, complimentary kay Bibiana yung isa, remembrance ko yung isa pa. Paki-email sa kin ang mga address nyo, ipapa-LBC ko na lang next week yung "Baklang Maton, Mga Kwentong Iskwater na Nilimbag mula sa Recycled Paper Galing sa Junkshop ni Totong". Limited edizhon yan! Seryoso ko... Pramis! =)

Pangalawa: yung dalawang super love kong mga bakla na may pukelya -- si Kayshibal Rosales, at Praning Garcia. Miss ko na kau mga tinola! Yung mga mahilig sa pechay jan, email me para send ko yung number nung dalawa. Mga sabik sa t*t* yang mga yan, ahahahaha! At may pans daw akez sa jopisina nila na nagbalak pang hunting-in akez sa Malaybalay Malibay! Nice talking with Charrie and may isa pa, si Kyle. Nabasa daw nila ang aking obra ditey sa blogospero, binabasa ata nung manager nila, at naadik na ang dalawa sa mga kagagahan ko. Ano ko katol? Nakakaadik?! Hihihi... Salamat sa pagbabasa! Serbisyo publiko po lamang itong aking mga eksena, nararapat ang patnubay ng magulang.

Pangatlo: paki-follow naman yung Twit-Twit-Tiririt account ni akengkay! Bi-Em Pascual ang namesung kez janet! Kasi sandosena pa lang palowers ko... Dagdagan nyo naman! Ahihihi... Pramis lagi akong magtu-twitwitwit... Tsaka paki-like na rin yung Fezbuk pan page ni BM Chararat. Ahehehe... Ang demanding ng beki tonight! Aba, may K akeiwa, as in kataas-taasan, kagalang-galangang Karapatan!

Nung Wednesday night, nakitulog sa haus si James Younghusband. Ang lolo mo depressed at kelangan daw ng moral support, ng confidence boost, ng positive vibes. So mega affirm naman ako. I told him how cute he is, how his height is so towering, how his biceps and triceps make me wanna be his shirt/towel/tighty whities. Build up kung build up si beki! Mahirap na, baka ma-loss ang Azkals sa Kuwait!

The next day laban na nila, me virtual cheer pa ko sa LED screen, at mega dala ng cheering squad from UST. Go Tigers, err, I mean, Azkals! Pompom kung pompom ang labanan neng! Pep bloom kung pep bloom! Lifting galore, stunt extravaganza, tumbling bonanza! Yung tampons ko me print pa na mukha ni Aly Borromeo! At nung magsisimula na ang laban, boom badoom boom!

Nagising akeiwa ahihihi... Si James talaga, nagparamdam na naman. Kaya nung nanood ako kanina sa live coverage ng kabarkada kong channel 23, may feeling na ko sa ending... Lost ang Azkals.

Heniwei, kakaiba ang Wednesdaylaloo na itey. In less than 24 hrs, I killed the dead of meat. Dinedma ko ang tawag ng laman. Ehehehe... Kumusta naman, sunod-sunod ang indecent proposals ko?! Kasi po... Last Wednesday, I turned down five men. Ganda ko!

Around 11pm pa lang, mega text na ang isang sugo ni Apo Malantod. Jejemon pa ang hayup, phufunta dAo zsa xa HaUse ko, owkhei lang daw ba? Tawagin natin shang Caloy. Cute ang lolo mo, yung tipong mahirap na cute pero kung nagkataon na rich sha eh average lang. Angat lang ang lolo mo sa mga Iskwatizens. Dose silang magkakapatid, pangalawa sha. Lahat yung 11 eh marurungis, sha lang ang hindi kasi tita nya ang nagpapalaki sa lolo mo. Sha rin lang ang is-choo-jent sa buong angkan (including cousins and second cousins)..

Nakembang q na itey dati kaso di ko bet. Mashadong clingy ang lolo mo! Give him a slice, he'll swallow the whole pie. Sabi ko, wag mong isagad! Choz! Reply ako ala-jejebeks din: witchiririt ka pwde ditembang now and forever di ko betinolla magpakembang sau now..and yes, forever!

Maya-maya may kumatok naman. Aba si Kumpare, bitbit ang kanyang joystick at tetris brick game. Its that time of the month na naman pala! Bayaran na ng motor ning! Kaya pumuslit na naman c kumpare kay kumare... Binilhan nya ng empanada at belekoy si babaita, at nilagyan ata ng pampa-borlogs. "Hi Bes, pahiram naman ng bala." ang usual na intro ng kumpare. At dahil nagmamaganda ako nowadays, mabilisang rejection itu.

"Sinunog ko na lahat ng dvd ko pare! Next week pa ko bibili ulit." sabay slam ng door sa fez ng otoko, about face papuntang banyo at nagpuno ng bath tub with matching bubbles and hot water. Di ko bet kumuda, spa night ako tonight.

Dvd marathon habang nakababad. Me tanduay ice pa ko na mainit-init, at me halo na atang Crushed Makopa with Charantiya Beads Dove Body Wash. Me session akeiwa sa Morong, kelangan kong mag-relax! Kasi mamaya ubos utak na naman ako! Hormone depleting ang seven-hour session ko dun, kailangan ng lipovitan ira!

Nung magutom, gora outside akez habang naka-bathrobe (swear!) at nagpaluto ng sisig pusit kay aling lumeng. Saktong 48 lang dinala kez para walang makaburaot sa kin ng pang-yosi o pang-rc o pang-kopiko o pang-balot. Si beki tagtipid talaga!

Pagka-lafang, uwi na ko ulit para magpapak naman ng cashuy nuts and pistachios courtesy of Aling Bibiana. Nakatambay naman ang isang pinsanlilet ni Magic sa kanto at mega pa-cute. "Kuya BM! Pakain ka naman, di pa ko nagdi-dinner. Me pancit canton ka pa ata." Kasali na rin sa canton ang kan*toooooot* pero I'm really trying to be strong and say no. Kaya kahit may tikatik ng kagwapuhan ni Magic na napahalo sa DNA strands ni Ryan, ex-japan pa rin!

Ituloy ang naudlot na pakiki-kembot sa mga kalukaretan nina Susan, Lynette, Bree at Gabrielle -- mga desperadang housewives. Me version din nitey sa Iskwater Blvd. Anjan sina Carlota, Flora, Cristina at Maricel. Desperate Housewives in the Suburbs. Ahehehe, mga pinsan ko yang mga yan, at nakakaloka naman talaga ang eksena nila araw-araw. Talo nila yung series, pramis, walang sinabi si Marc Cherry!

Pag nanonood akez ng dibidi-dibidi, inaabot talaga ko ng bukang-pechay este bukang-liwayway. Eto ka, mga alas-kwatro pa lang eh kinakatok na ko ni Yaya para gumising. Me raket pa kasi akez sa Morong, at five light years ang travel time ko ning! Super aga naman ata ako bulabugin ni Yaya, patulog pa lang akez oh! At kung maka-katok, akala mo eh me nakasuksok na supository sa pwet! FYI, may Yaya talaga ko noh! Haller, zuzyal yata akong bakla!

Open sesame naman si beki para sana kumuda ng talak sa pagka-aga-agang panggigising sa akin. Pagbukas kez, ning dalawang otoko pala ang nasa pinto at akala mo eh pinagtripan ng nuno sa punso, este ni Peebo. Sina B1 at B2! magkasama na naman! Buti na lang peborit ko ang banana split. Mystikang-mystika lang akez! You know them na, sina RedOne at GreenTwo sa aking post on Outsourcing.

Naturalmente, in-assume ko na me eksena sa balur ang RedOne, for him to cross over the c5 hi-way again! At shempre kasama si ever loyal, ever present, ever supportive na GreenTwo. Anu kayang rule na naman sa Law of Supply and Demand ang kelangan kong baliin para sa gabing itu? Hmmm...

Me gera-patani pala sa bio-robot kaya walkout ang scene na kinunan ng kamera ni direk lino. Take one lang ning! Eksperto na sa pagwo-walkout si RedOne. Nakikisuyo kung pwede daw ba silang stay-in sa bahay na waley pintura. Hesitant si beki, kasi gogora nga akez sa Morong-chi davah?! Eh dahil subok na matibay at subok na matatag naman ang duwa, at subok ding matutulog lang sila maghapon, pumayag na rin ang beki.

Itinodo ko ang nyerkondizhoner kez, para manginig yung kabuuan ng 60,000 miles na blood vessels ng mga lolo mo. Ang teknik jan sa mga makikitulog na yan, ginawin mo para yumakap. Or para umuwi. Depende sa karakas ehehehe. Pag-akyat namin sa mezzanine kembular ng balay ni beki, lingkis sawa agad ang dalawa. Este ako pala. Bigla nga akong nainggit sa octopus! Kulang ang two-tacles ko beki! Kasura! (Bakit nga ba ten-tacles eh walo lang naman yun? Dapat eight-tacles. #justasking hehehe!)

Pag mga ganun na katabi ko na sa kama, matik na yun ning. Me sumpa yang kama ko eh. Lahat ng otoko na nahiga jan, asahan mo maaakit sa alindog ng bakla. At yung katabi ko na talaga? Anu pa ba naman ang babalakin nun sa kin, kundi katawan ko di ba?! Anu yun, hihingi lang sila ng pang-DOTA?! Pero kahit nakalingkis na ang duwa sa aking pagal pero gorgeous na katawan, pinigilan ko sila.

Makuntento na kayo sa yakap ko, mga iho. Di ako pwedeng lumandi ngayun, bad yun. Impernes sa akin, tempting fate pa talaga ang ginawa ko ha. Ang hirap kayang umiwas pag may nakatutok na arnis sa dalawang kanto ng balakang! Pero tiniis ko, sa ngalan ng pagtitipid, good karma, at cleansing diet!

Pumasok ako sa school after kong namnamin ang mga bisig ng dalawang masarap na power ranger. Keber sa almusal na bioman. Kailangang kumayod, kailangang rumaket, kailangang bumengga. Para sa bayan! At para me maipanood ako ng Babae sa Septic Tank sa August 3! Kaya kinaya kong iwan ang dalawa na naghihilik pa sa kwarto. Di ko na nga nabigyan ng allowance na tig-bente ehehehe. Eh alam ko pa namang walang anda ang mga yun, at hindi makakapag-breakfast o lunch man lang. Nagmamadali na kasi ako.

Pag-uwi ko eh nandun pa naman sila pareho. Wala ring pamasahe pauwi eh hehehe. Naawa naman ako na maghapon silang natulog na lang para hindi maramdaman ang gutom. Kaya itinodo ko na sa hapunan para makabawi naman ang dalawa. And, nope, witchiririt ko pa rin sila kinembang. Umuwi silang malinis, at naiwan naman akong proud beki na this time eh authentic dalisay at walang bahid dungis.

Time for my magarbong ending ala Desperate Housewives.

Yes, mahirap tumanggi. Dahil alam mong pag pumayag ka ay mahihirapan kang umiwas sa susunod. Dahil alam mong hindi pa talaga naghahapunan yung gustong magpalibre sayo. Dahil alam mong wala talagang matutulugan ang mga lolo mo. At dahil alam mong hihilahin ng Norkis Yamaha ang motor pag di ka nagpaluwal kay kumpare.

Pero mas mapapadali ang pagtanggi... Kapag naisip mo na wala kang pera, at malamang kinabukasan eh ikaw naman ang tatanggihan ng ibang tao kapag ikaw na ang nangangatok at nangungutang. Minsan, mas mabuti ng tumanggi sa lalaki. Sabi ko nga dun sa isang blogger, love yourself first. Before indulging in meaningless sex, look at the bigger picture. Find someone who can love you, and stay with you for good.

We all deserve to be loved, and we all deserve to find happiness. You just have to find it in the right places, from the right people. Nanjan lang sha sa tabi-tabi. But if we give in to our sexual urges ng ganun kabilis, baka sa fleeting glory at ecstasy na naramdaman eh di mo namalayan, nakalagpas na pala si 'forever'...

Hmmmm. On being a better person, I can say these are my... baby steps. =)

18 comments:

  1. pak.! lavet neng! :)

    ReplyDelete
  2. pak din! i love ur advices teh!
    i will do my baby steps also! hindi bukas o sa makalawa! as in now na!

    ReplyDelete
  3. Iba talaga ang energy mo, parang ginagawa mo lang tubig ang Cobra! hihihi! Labeet! :)

    ReplyDelete
  4. huwaw, kakaiba ka talaga, mare. nakakatuwa at nakakatawa ang iyong pagkukuwento pero puno ng saysay at may makabuluhang mensaheng mapupulot ang mambabasa.

    teka muna, about the book. seryoso? may limited edition ako? :)

    ReplyDelete
  5. so far of all your posts na nagustuhan ko (na ang dami dami nila) eto ang pinaka panalo!

    ReplyDelete
  6. serious may book ako?! ako yung 3rd person na nag-comment sa ambisyosa post mo!

    ReplyDelete
  7. very well said BM... Love your self first before anything else...Find someone who can love you, and stay with you for good. clap,clap,clap... miss ur post BM...

    -dock

    ReplyDelete
  8. This insight is so correct. Tumanggi rin sometimes para naman ma-reduce yung cliche na Bigay lang ng Bigay ng andakels ang Bading. We have more to offer, give, and sacrifice. And we worth so much more than how much our Louis Vuitton wallets hold.

    ReplyDelete
  9. meron din ako nyan ha hehehehe! tru ba itey walang halong echos me book kami???

    tataray talaga ng post mo teh. nararamdaman.

    ReplyDelete
  10. win! madali namang tumanggi BM. eto suklay at pantirintas, gamitin mo. mahaba na masaydo ang buhok mo.

    followed you on twitter!

    ReplyDelete
  11. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  12. i soooo lavet po!!! follower mo po aq sa twitter, and this past few days po khit d nmn lgi, ay may nai-tweet k nmn po... ^_^

    MORE POWER BM!!

    ReplyDelete
  13. Tumpak! Pak! Pak!


    oh well, we have to move on at some point.

    ReplyDelete
  14. I wanna meet you. Chos.
    I love BM! Haha

    ReplyDelete
  15. wagas! dahil diyan 3.4 inches ang hahabain ng iyong hair :D

    again I love it, sometimes saying no is saying yes to yourself :D

    ReplyDelete
  16. holabes! :) mare kumusta naman? napapintig na naman ang fingerloo ko na magsulat dahil sa blogelya mong itey. super one year na pala akong di naka post sa aking blogelya. nakalimutan ko na tuloy muntik ang aking password dun. and i still super enjoy your postings! wala kang kupas kumare! mwah!

    ReplyDelete