Wirit itembang movie review. Wichililet akeiwa magpapanggap na mag-review sa napaka-stunning na cinematography ng pelikulang itey. Wichiririt din akez kekembular ng tungol sa lighting, sa nyuspesyal jifects, at sa prodazyon design chararat. Malay ko naman sa mga ganung asfek davah?! Ang meron akong mase-say: aliw factor, kilig level, type of acting, nganga aspect, at beki star factor. Warning lang beks, makuda ako alam nyo yan. Kung witz nyo bet ang spoilers, ang pwede mo lang readlaloo eh itey na intro-bells, at yung ending ahihihihi...
Si Remington shempers first honor davah ning? Balebiktoryan! Sabi nga nya sa fave line nya sa movie, awaaard! Uber funny si bakla, este si Mart. Yung struggle nya na kunwari eh nagpipigil sa sumpa at the same time eh waley na choice. Parang coming of age slash coming out of the closet slash coming out of the rain ang drama ng shutanginamels na beki. Kaloka kasi in a way, halos lahat ng beki ata dumaan sa ganun. Yung kanya lang dahil sa sumpa ni Badjula. Yung matanggap mo o mai-deny mo sa sarili mo na vaklesa ka, yung ganung level ng struggle, nai-say ni Mart thru his bonggacious elevator cum TV Patrol acting. Ang galing lang ng pagkakahulma sa pagka-beki ng gwapong gwapong si Mart Escudero.
Nyalutatoryan sa pagkabida si Jiggs eh, kaya sha na rin isunod ni beki. Sholbam na sholbam ang ombre! Ni hindi akez na nagduda at nagulat na patola ang lolo mesh sa mga jokla sa baryo. Natawa lang akez kasi lahat ng na-tegi onor na parlorista ng Lucban eh nakembang nya. Bumagay ang role kay Kerbie, impernes! Nung una kong kita sa pictyurakka na eksena nila sa kama, akala kez si Kerbie ang Zombeki. Wititey pala, shunga lang akez! Eh pano naman Kerbie hijo, mag-nyuklay-lalay ka aman, buhaghag na ang heriret! Credits to his "romansa skills" on the hagdan, na talagang nagpatili sa kin ng bonggang bongga. Serbisyo publiko si kuya kaloka!
Kudos to both of them. May kilig factor eh. Parang sina Tong at Mew sa Love of Siam. Alam mong parehong straight, pero naniwala akeiwa sa eksena nila. Yung dantayan sa kama, yung mga hilig sa balikat sa tricycle, yung paking syet na moment sa hagdan, yung ligo scene sa poso, at yung confusion chenez nung tinawag sha ni bilat na Lauren Young sa isang side, at si yummyness na Kerbie dun sa kabilang side. Classic na "salad fork in the road" moment. Basta, may chemistry ang duwang hotness.
Grabehan, genius ang casting director ng movie na itechiwa, Yung mga mhin -- Daniel Fernando, Leandro Baldemor, John Regala. Lalaki. Macho. Astig. Malibog. Babaero. Straight. Gento ang karaniwang roles nila, kumbaga eh opening salvo sa mga pelikulang panlalaki. Si Leandro pa, parang factory lang kung gumawa ng libog film. Si Daniel scorpio nights guy -- iconic. Si John Regala, ang lagi kong naaalala, rapist ni Kris Aquino sa massacre movie. Yung mga gurlaloo naman, si Janice, si Miles at ang legendary stare ni Odette Khan! Witembang sila nagpatalo sa mga hombre, at parang sila pa ang nasa seat of power kasi yung dalawa pulis pangkalawakan, si Mareng Odette eh Mayor. O di ba, nasa kanila ang honor of grayskull!!!
Andun din si Via, este si Lauren Young na --- uhmmm --- di ko mashado napanood. Ang gwapong bakla kasi ni Remington, di ako tumitingin kay Via Perreira. Me eksena lang na tumatak sha sa kin, yung ayaw nya pumayag na magpaka-beki na lang si Remington. Mas napansin ko pa si Manong na me sapi, yung me madam butterfly sa dibdib. Tsaka yung cutie assistant ni Kuya Dick, na nag-perform ng beklushi ritual.
Sa comedy, grabe uma-icon at lume-legendary na si Mareng Roderick at Mareng Uge -- ang sarap nila panoorin. Kahit minor exposure, major major impact naman ang acting. Si Mareng Uge, as is, were is acting. Believable na biyuda, na sa sobrang kalungkuta eh di kagulat-gulat na mabaliw na sa mga eksena. Ikaw na naka-rollerblades! Si Mareng Roderick, TV Patrol acting. Booog! Pag me linya sha, parang kumakalabog sha sa screen. Powerful na peg sa pagka-beki, pero iba atake. Yung atake nya, yung tipong iti-triple bypass ka sa kakatawa. Kudos na walang halong etchoz sa dalawang kumare ko.
Boog!
Nganga ko dun sa twist sa character nung isang homophobic. Sabi ko na eh. Mejo predictable yung part na yun, pero can relate ulit ang beki. Karamihan talaga sa mga takot o galit sa beki, deep inside beki din yun. Projection si bakla! Tsaka mejo umi-slapstick yung emote ng mga Zombadings, sana mejo ginawa nilang couture yung mga outfit, tipong pagka-tegi nung beki, naka-mukap, wigaloo, at dress agad. Sabay photo shoot, at sa dulo eh lalabas si Tyra with her line "There are six zombadings in the parlor but I only have five photos, and these photos represent the zombadings who are still in the running towards becoming Lucban's next top zombamodel..." Oh well...
Tama yung nabasa kong isang review. Icon na si Kuya Dick bilang beki sa ever popular na Petrang Kabayo. Sha lang yun. Yung remake ni Vice Ganda, kulang sa patawa. Ni hindi lumevel si bakla, kasi di na kakapit sa kanya yung character. Si Kuya Dick na yun. Gumawa sha ng original na pelikula na kakapit sa pangalan nya na parang anghit ng bumbay. Si Uge din, tatak na nya si Kimmy Dora. That's her already. Kahit i-remake din ni Melai yun, waley. Uge is Uge. The Eugene Domingo. And just as Kuya Dick is Petra, and Uge is Kimmy Dora, ganun din na Mart is Remington, at pwede shang lumevel. Clap clapey sa twaley sa focey!
Overall, it was a fun movie, na kumpletos rekados, at benta sa patawa. More than just a feel good movie, it is a powerful kembot sa ginagalawang lipunan ng mga beki. Pasok sa banga ng katatawanan. Baklang bakla lang talaga ang pagkakagawa. A must-see movie event lalo na para sayo bekilandia! Kung bakla ka talaga, at wititit ka duda, ihanda ang pink fitting shirt with girlaloo pekpek shorts and encyclopedic elevator flipflops. Tsaka anti-kabag. Kasi kakabagan ka talaga kakatawa!
Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington. It's a wrap!
bet ko mapanood itis kaso waley akembang sa pinais...waitaloo ko nlang sa torrent itis.. sana may good quality! thanks BM lalo naexcite c watashi mapanood itekla... grazie! -whelicious.
ReplyDeleteNakakatawa nga siguro yung movie. I'd like to watch it soon. Pero more than that, natawa rin ako sa review at sa beki language. Graveh ateh, hindi ko maintindihan lahat ng terms! Dahil kaya isa akong beki in a closet door cabinet na naka-lock pa?! Hahaha!
ReplyDeletewhat a great movie review teh!
ReplyDeleteAWAAARD ang review!
ReplyDeletewhaaa! buti na lamang at di ko agad binasa!
ReplyDeletehttp://vanillapleasures.blogspot.com/2011/09/open-invitation.html
agree mudrax! nyumambling mez sa kaka-laugh ever! kever nang sinapian akeiwa ni elvira manahan (rip) sa pagtawa. nag-enjoy kami to the maximum levelacious ng mga friendiva kez ditey sa movie na iteiwa. kudos sa mga beking chumorva ng movie na itez!
ReplyDeletebonggaderang review ahahaa!
ReplyDeletebet na bet ko na tuloy mapanood. mamaya mismo. GORA!
plangak bet ko din itis mapanood...! nkita ko na si remington sa personal habang nagdodota :) - adik much :)
ReplyDeleteCharoterang isprikitik umappear ka vahkler
ReplyDeleteMagpa-feel, magpasense ditey sa baler
Witiz shokoley ang udangchi ditey sa fezlaboom mo marse na nakakalurkey!!
love it!
ReplyDeletenapanood ko din to, dami kong tawa super! havey na havey!!! bet na bet! galing ng acting!
ReplyDeleteteh dabest ang movie n yan s lahat ng gay movie, the best ang acting diva. top 1 tlga sarap ulitin. galing pla umarte ni mark escudero sana makagawa p xa ng katulad na pelikula.
ReplyDelete