9.04.2011

Jigington Fever

Nainis ako kina Mart Escudero at Kerbie Zamora.



Pano ba naman ang lalandi sa twitter! Babes/baby gwapo/baby pogi ang tawagan, harutan nang harutan, flirt kung flirt ang eksena ng mga tweets, astang magsyota! Kasi nga di ba, sila yung mga bidabest sa nakakalurkey na "Zombadings1, Patayin sa Shokot si Remington" na super funny naman talaga. Ang Remington at ang Jigs, also known as Jigington, uber tweet ng mga kalandian sa isa't isa. Mga bigaon!

Eh dahil likas na dautera ako, mega comment ako sa dalawang bungol: @kerbiezamora @martescudero @ZOMBADINGS1 @RemingtonTweets mga pogi no need na magharutan sa twitter... The movie is enough, you've done a great job! Ang layunin ko eh mag-inarte sa kadramahan ng dalawa. I found it so annoying at first. Tae tong mga toh, di na nakuntento sa paglalandian sa hagdan! Ine-extend pa ang pagka-burikat sa twitter! Kundi ba naman mga haliparot talaga!

Naloka ko sa overwhelming response ng mga utawchi. Overwhelming, kasi di naman akez mahilig sa twitter. Ma-mention lang akeiwa, assertive na yun! 83 lang ata followers nung account ko, halleeeeer indi naman akeiwa sanay na may ka-tweet. Eh biglang bumaha ng mentions, na wag daw sila patigilin at wag akez umepal sa pagmamahalan at paglalandian nina Remington at Jigs.

Curious tuloy ako. Hanu bang meron ditey sa dalawang itey? Opkors winner na ang chemistry ng duwang hombre sa nyelikula. Kitang-kita naman davah? Kahit yung simpleng akbay sa piano, at reminisce sa mango tree, super believable. Ultimo yung angkasan sa traysikol, at yung sabay na ligo sa poso, isama mo pa yung tagayan ng tuba. Lahat yun eh kapani-paniwala at natural na nai-portray nung duwa. Best friends ang peg ng characters nila. At yun eh naipakita nila ng higit pa sa inaasahan. Kung ang layunin nila eh magpakilig, achieve!

Mart Escudero is an underrated actor. Mejo underdog ang dating nya sa kin. Nung una ramdam mo ang kinang ng bituin nya sa GMA eh, along with Aljur, pareho silang iginu-groom to be the network's princes. Isang show lang ang natutukan ko talaga before. Yung Ako si Kim Sam Soon, tagalized version nung koreanobela. Dun pa lang, nakita ko na pwede sa comedy ang lolo mo. Bagay sila ni Jenica impernes! Tapos biglang lumaylay, lumamlam, lumay-low. Napundi ata yung bituin, choz! But he was daring enough, to jump ship bago pa tuluyang lumubog ang nahihimbing nyang karir. Naging Kapatid ang lolo mo, and he shone his brightest again. Bet ko sha sa babaeng hampas-lupa. Bet ko shang hampasin ng mamahalin kong bag! Choz! Ang yummy kasi, pero parang kuning-kuning minsan, ahahaha!

Kerbie Zamora, on the other hand, eh model ang landas na kinembot. I remember him sa Be Bench, nung hong-lieeeeet ng pants nya sa pagrampa! Tsaka impernes ke manilyn reynes! Buhaghag dapat ang heriret ng otoko. Part of his charm? Siguro kung buhaghag look na sha dati pa, sha ang nanalo dun. Uhmm, sa totoo lang yummy din naman talaga sina Ron, John James at Carlo. Pero dun sa tatlong babaylan, si Regine lang ang maganda, dapat si Kerbie na lang itinira nila. Kasi naman, model search, based on text votes?! Kaloka! Akala ko, nawala na siya sa eksena, yun pala anjan at umaaligid lang sa paligid, bidding his time to stop being anonymous and start being famous.

Which is why super gulantang (with laglag panga, panlalaki ng mata at hingang malalim) ako pagkapanood sa kanila sa Zombadings. Hindi lang sapat yung "he is a revelation" at yung "he gave justice to his role". For me, babagsak na sa history ng showbiz ang pelikulang itey, simply because it is good. Funny, hilarious, nakakalurkey, at mapapa-shutanginamelz ka sa kakatawa. And still, may underlying messages na pasok sa banga ng lipunan. Basag! Yung line na lang ni John Regala na "Bakit, hindi ba ako pwedeng maging bakla, at maging ama?" naluha ako ng bongga. Ang talino lang ng gumawa ng pelikula davah?!

Mega follow naman si BM sa dalawang bida, makapag-pasweet lang ba. Eh napansin ko, todo kuda ang dalawa ng iloveu baby, pa-kiss nga, miss na kita, kinikilig ako sau, at iba pa. I guess ang layunin nila eh magpakilig pa lalo sa sangkabaklaan. Nung una na-jiritate talaga akez. Kasi promotion ang dating sa kin. Sabagay, parang Juday-Piolo at Jolina-Marvin lang yan eh. Part ng packaging ang pagpo-promote at paglandi for the fans.

Pero once we started exchanging tweets, something has changed within me, something is not the same na naman ang effect sa akinchi. I found their antics really funny, and sincere. "More than the onscreen chemistry and the twitter landian, I can now see the friendship" sabi nung isang baklang naki-comment, and he was right! Hindi pala landian at promotion ang peg ng dalawa, it was really friendship.

Friday night pang pilipit ang bituka at apdo ko sa kilig. Ang dalawang bigaon na bida kasi, habang ka-tweet ko eh paulan nang paulan ng charm. Para na kong sinasapian ng charoterang isprikitik na vakler. Sense na sense ko ang presence ng dalawa sa twitter world. Tapos sabi ko nga na iba-blog ko sila ulit, hay nap-preyshur ako kasi babasahin daw ng mga lolo mo. Bromance na nga itu, to the highest kilig level. Ang kaibahan lang, hindi sila mukhang nagpapa-cute lang. Mas believable pa ang kilig sa kanila kesa kina Kurt at Blaine sa Glee.

I really became a fan of the two. Kagaya ng pagkakilig ko kina Tong at Mew (Love of Siam), katulad ng pagdambana ko kina BM at Totong (ka-level?!), kapantay ng pagkahumaling ko kina Maximo at Victor (The Blossoming of Maximo Oliveros), kapares ng pagmamahal ko kina Jigs at Remington (Zombadings anupavah?!), I was smitten by Mart and Kerbie. Jigington fever, sana jigington forever! Anu kaya magandang name sa dalawa? MarKer? Ahahaha... #nagjokenanaman


Super kilig kaya pepe ko sa tweet ni Kerbie na "@baklangmaton you never fail to amaze me." at sa tweet ni Mart na "Astig ka, maton! maton! maton!" O di ba, kung maka-maton lang ang mga lolo mo! Hindi man lang BM, maton talaga! Pati yung good morning nila sa umaga (alangan namang sa gabi, shunga!) nakakabuhay ng katawang bakla ko!

I'm really having fun sa mga kudaan namin gabi-gabi. Two nights na eh, kaya gabi-gabi na. #makapagjokelang ahihihi. Masaya kasi sila kakudaan. And I'm definitely gonna miss this kapag tapos na ang hype ni Remington at Jigs, at tapos na rin ang plugging at promotion. Hindi lang yung pagre-reply nila sa akin, kundi yung landian din nila sa twitter. Alangan namang maglandian pa rin sila eh hindi naman beki ang roles na gagampanan nila habambuhay. Pero kung ibabase mo sa nakikita kong friendship nila online, they will definitely keep each other. Hindi lang sila naging magkatrabaho sa isang pelikula, naging magkaibigan sila. Kundi man online, I'm hoping sure they will still become close friends.

What I'll miss most, eh yung cyber-friendship na nabuo sa amin. They may look at this differently, but that's how I see it. Definitely friendship, may it be online or just for promotions, or talagang naaaliw sila sa akin. At pag-arrive ng ibang projects for them, wititit na itey magpo-prosper. Cyber-friendship is the most fragile kind of bond, pero eto rin yung pinakamadaling buuin. And so, after Remington, malamang eh kanya-kanya na uli kami.

Or maybe, just maybe, we'll keep the friendship and break the barriers of cyberspace.

9 comments:

  1. awaaard silang dalawa haha. (hindi yung negative meaning syempre) lolz kilig na kilig much. sila ba talaga yung nagttweet? minsan kasi sobrang sweet na. hahaha

    ReplyDelete
  2. wititit! indi sina Jigs at Remington yun! Sina Janet Jokla at Georgia yun!!!

    ReplyDelete
  3. meh ganon teh?!
    i hope sila nga yun teh!

    ReplyDelete
  4. Ang sweet n'yong tatlo sa twitter! Kayo na. Haha. Congrats sa Zombadings. Watched it last night - 95% full ang Glorieta! Pak na pak! :)

    ReplyDelete
  5. I followed them both after I saw your tweets sa feed. Nakakaaliw. Kung publicity man siya o hindi, i am grateful kasi kahit sandali lang, sobrang nakakatanggal sila ng stress.

    ReplyDelete
  6. Hahaha :D oonga po eh . ako din first time co po silang finollow sa twitter na curious din po ako kung baket sobrang sweet nila ! hahahaha :D award :D pero ang ganda po talaga nung movie :D Nanood po aco nung premier night :D pogi ni Jigs at ni Remington

    ReplyDelete
  7. PAK na PAK ang eksena ng Jigington. kaloka kau sa twitter. finollow ko din silang dalawa. so sweet nga ng messages. inlove pa naman ako ahahahahay! lalo tuloy akong kinikilig sana naman me part 2. at sila pa rin ang bida ehehehe.

    ReplyDelete
  8. don't get me wrong i like the movie and their chemistry.


    Well, maybe i'm just cynical. Some publicists handle their clients' social networking accounts.

    ReplyDelete
  9. for my sake, i hope you are wrong. and i asked a friend, sila naman daw talaga yun. and if not, well reality check un db? bigti-bigti siguro ako if ever ahahahaha!

    ReplyDelete