I'm getting ahead of myself again.
Heto yung Part 2 sa eksena ko sa Baguio dun sa post na Inarte, este Inertia na hindi kau nag-comment mga buraot! Kinailangan ko nang tapusin tong post na to, long overdue na yung ending eh! And someone needs an answer. I hope I can find the right words, the right angles, the right emotions, and eventually make the right decisions. Sabi nga sa email na natanggap ko, it can make or break our friendship.
Ilalayo ko muna kina Jigs at Remington ang blog post ko ha! Kasi naman, baka maging official fanpage na nila to pag puro sila ang entry ko... Pero just in case di pa kayo aware, me Jigs Zomba Day akong ino-organize, with some volunteers. Sa September 24 itu, 3pm-6pm. Pa-fill up na lang ng form DITO. Me ambagan yan ha! Now back to our regular programming.....
Ayun na nga, pagdating namin sa balur nila Kevin, super anti-climactic talaga kamo. Pasok kami sa bahay, konting kumustahan, konting buskahan, at konting nood sa laro nila. Ang magkakapatid na yummy, at si Daddy at Tito, seryoso sa poker game. O di ba, bahay ng lalaki talaga!
Konting kain, konting chikahan with Kirk. Si Kirk yung pangalawa sa magkakapatid at kasama rin namin sa camp. Sha ang parang padre de familia pag nasa Australia si Pudra. Impernes ke Kirk, responsable talaga. At yummy. Sha yung parang rock concert in motion. Sha yung parang Ibaloi na may dugong Griyego -- gumi-greek god sa pagka-delish ang lolo mo at 29. Sa tingin ko rin, si Kirk siguro yung lalaking pagnanasaan ko pa rin kahit 65 o 70 yrs old na kami -- provided na magkakakilala pa rin kami that time, at buhay pa kami pareho.
Sa balur nila Kevin, wala kang kailangang gawin kundi kumain, matulog, uminom at magsuka. Optional ang paliligo, pagwiwi at pagpupu. By reservation ang pag-iinarte. May stub ang paglandi, usually di ako nakakakuha ubos na agad pagdating ko. Kaya pag nasa Baguio kami, ang inarte ko eh nahaharap ko pag nasa Manila na uli.
Come dinnertime, feelingerang turista at bisita talaga kami ni Ka-te. So far eh mga wholesome na menu pa naman ang nakahain, wala pang exotic food at wala pang exotic boylets. Sabagay, maghahanap pa ba ko ng boylet, eh dun lang sa panggitna, si Tonton, para na kong nahihirinan. After dinner, pwesto agad sa labas ng bahay kasi mainit daw sa loob. Nakakaloka!
Dumating din si Ana Maria Kulot kasama si baby nya at nakipwesto sa paglaklak namin ng -- guess what -- emperador lite! Gawin mong lite! Pero dahil ayoko namang gumulong paakyat ng attic na tinutulugan namin, umeskapo kami saglit at nagdahilan na lalandi. Pinayagan naman kami.
Goraboomboomlei kami sa Kaffi Klatsch, isang newly discovered kapihan na winner sa live band. Ang gwapo kasi ni Kuya Beatbox, at super passionate pa shang tumambol sa... tambol nya. Kaya mega video ako ng performance ng lolo mo. Itey si Kuya Beatbox, ang sarap lang magpatambol sa lolo mo.
Sana ma-upload yung video nila. Mejo tabingol nga lang ata yung pagkuha ko. Basta itabingol nyo na lang din mukha nyo, pareho na rin yun. Kape kape sila, strawberries and cream ako. Of course dahil pink ang drink na yun, yun ang pinili ko. Beking redundant! Pero shempre kahit anong iwas, matatapos at matatapos din ang performance, at mauubos din ang kape at strawberries and cream frapp. By 1030, it was time to go back sa durugan ng atay. Had I known na di lang atay ko ang madudurog, sana kila Kulot na lang ako nakitulog.
Pagdating namin, natural di pa tapos ang inuman. Me anim na litrong empi lite pa ata, and based on experience eh inuubos talaga nila lahat yun. Nakiumpok na kami ulit at nakikulet. Uhmm, Ka-te did the kulit part, I did the umpok part.
Di na ko sanay ng di ako bumabangka. I got used to being the center of attention, I forgot that with Kevin I was never that person. I would always be the gay friend who pretended to be straight, the one who took advantage, the one who betrayed him, and the one who deserved "Multong Bakla" as a theme song.
Lahat yun tiniis ko. Kasi mahal ko sha. Etchoz! Tiniis ko na umumpok lang at makikulet ng konti, kasi ganun talaga ko pag kaharap ko na si Kevin. Tyope. Duwag. Torpe. Not because takot ako sa kanya, or sa rejection nya, kundi dahil siguro pride ko na lang na ayako namang magmukhang tanga eh alam ko naman yung reality na ayaw nya sa bakla, at siguro din dahil gusto kong ipakita sa kanya na hindi porke beki ako eh isa na kong kahihiyan. Sa iskwater siguro, oo. Pero hindi sa harap nya.
Kaya super sakit nung sumunod na eksena. Nagkakalasingan na, at nag-initiate si Ka-te na magyakap kami ni Kevin kasi "we're friends and we were close". Pagyakap nya sa kin, at yakap ko rin sa kanya, bigla shang kumalas. Ang kondisyon pala nya eh hindi ako pwedeng gumalaw at hindi ako pwedeng yumakap, at in-assure sha ni Ka-te na wala akong gagawing masama.
Buti na lang, madalas akong magpraktis na umiiyak habang nakababad sa bath tub, kaya na-master ko na rin yung iyak na hindi mahahalata ninuman. Yung tipong patak sa gilid sabay punas agad at walang pamumula ng mata. Basta luha lang. Pure emotions, pure heartache, pure shattered pride -- sabay pahid ng hinlalaki. After that night, I had to admit it to myself. The three of us, we were never "us". It was just them, the minute I came out of Narnia.
In my entire life never akong tumikim ng drugs. Oh well, one time pala nung college. Pero that was purely due to kalandian. Si cutie tambay, humithit sa pipa, then ibinuga sa bibig ko, sabay torrid kiss para daw mas nakakahilo. Panalo na sana ang eksena, kaso biglang may dumating na mga tanod, at sinampal ako nung isa. Di natuloy ang jamming namin, pero natuloy ang kembangan of course.
Kaya maloka-loka ako sa sumunod na trip ng Baguio boys. Tuloy ang inuman. Maya-maya eh ubos na ang stock nila ng pamatay-atay. Napa-oh no akez ng high pitch. Kasi ang mga lintik na bungol na ungas, naglabas ng doobi-doobi. Oh syet, tatanggi ako... sa umpisa. Peer pressure 101 itu, kung kelan kami shumonda, saka kami walang nagawa. At maraming stock ha, kasi nakalimang ikot ata yung pipa, at kada ikot eh dalawang refill per hithit. Matapos ang ika-sampung boplax na hithit, waley na. Umiikot na paningin ko, at lahat na sila eh gwapo.
Maloka-loka na ko sa eksena ng mundo. Uy, wag kaya kayong umikot! Gusto kong tadyakan yung halaman kasi hoooong likooooottttt! Pati yung sulat sa tindahan di ko na rin mabasa, parang float lahat ng letters taena! Sabi sa kin nung shupatembang ni Kevin, nagha-hyperventilate na daw akeiwa. Malay ko?! Basta umiikot! Kakahilo ampotah!
"Akyat na ko." sabi ko sa mga ungas. Walang pumigil sa kin. "Akyat na rin ako." Narinig kong ungot ng ungasita. May pumigil sa kanya. Nood daw muna sila ng dvd, or watch ng tv, or tambay lang. Dedma na, anong laban ko sa pechay davah?! So direcho na akez sa kwarto at humiga. Saka ako tumawag sa pinsan ko at nagsumbong.
Dumating ang lola mo habang kausap ko pa rin si pinsan. Dedmahan kaming dalawa pero ramdam ko na me gusto shang ieksena. Maya-maya nga eh di ata nakatiis at lumapit sa kin.
Di ko makalimutan yung itsura ni Ka-te. Nakalaylay ang lower lip, na parang bata. Yung parang nagsusumbong. Gulo-gulo ang buhok. Nakahawak ang daliri sa labi. Inverted ang smile. Humihikbi-hikbi. Hindi ko maintindihan bakit kelangang ganun yung eksena nya. Bagong-gahasa ba ang peg ng lukaret? Busy ako sa paglait sa itsu-itsu nya nun, kaya di ko napaghandaan ang sunod nyang sinabi...
"Hinalikan nya ko....."
:-( let go na ateng! mub un na! hehehe
ReplyDelete"Anong laban ko sa pechay?"
ReplyDelete.
.
Tumatak sa 'kin 'to.
I HATE that kind of "EKSENA"
ReplyDeleteEKSENADORA!!!!!! grrr..
I so sympathize with you BM...
ganun talaga ang mundo, ma'am bm.
ReplyDeletei can so relate BM...GRRRR!!!!
ReplyDeletei feel you. puyetang mga petchay yan. sana magsara ng mga pepe nila. o kaya maging pa-horizontal.
ReplyDeletegaling nung band..^_^
ReplyDelete3rd entry na... dali mutya...
ReplyDelete