9.05.2011

Choker

Talagang sumosobra ka na Payat.

Nanaginip ako kanina.Nasa may lobby daw ako ng building namin dati sa JPMorgan. Si Totong binigyan daw ako ng gold necklace na choker kaso naputol. Pangatlong Totong dream ko na to this month. Yung una eh nasa lumang bahay nila kami at nagbabantay daw ng tindahan kasama ang buong cast ng Pamilya Salamat. Yung pangalawa naman eh nagsurf daw kami sa baha gamit ang magic kariton ni Berto.

Last week, me binili akong silver ring, kunwari committment ring ko sa sarili ko ehehehe. Baliwag lang! I commit to myself... to thy self... to thine self... to me... ah ewan! Basta, committment ring chararat ang tawag kez dun sa suot-china kong singsing ni badjula!

Pero dun sa panaginip ko eh akyat daw akez sa tore ni byenan para mangutang at mangumusta sa aking dakilang mahal na kagawad. Chika-chika kami ni Dang Be, at ni Tita Jo. May-I-arrive naman ang Payat at naki-bonding slash lait sa bowa ng mudra nya. Mula kasi ng na-tegi onor si Tataboy eh nagmurang shumatis na ang Emerita at nakatagpo ng pendong na jowa. Yung tipong pag nakasalubong mo eh boboljakin mo ang katabi mo, sabay "pendong, peace!"

Habang nilalandi ko sha sa harap ng tanging ina nya, napansin kez ang singsing nila ng aswang. Sinipat-sipat at kinilatis ko muna ang singsing, ng bigla akong sumpungin at saniban ng green eyed monster. Hinubad ko ang comittment ring ko at hinagip ang kamay ni Payat.

"I, BM, take you Totong as my lawfully wedded hubby. To have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness or in health, to love and to cherish 'till death do us part."

At pag-react ni Payat ng "Weh?" sumagot ako ng "I do."

Dahil wala raw shang maibigay na kapalit, biglang nag-shift ang eksena sa ofis at napunta sa team ko dati, only to find out na napalitan daw ang team manager namin at naging yung yaya ni TM. At nun ngang pauwi na raw ako eh nakasalubong ko nga si Payat na may dalang box ng choker na sinuot nya pa sa kin, kaso masikip at nakakasakal.

Impernes, trulili ang sabon. Talagang ibinigay ko kay Payat ang singsing ko. Only to be disappointed kasi nung nagkita kami ulit, wala na ang singsing at nasa daliri na ng aswang. Linsyak na yun, galisin sana sha!

Fresh from my emote-sa-fx scene last Saturday, naglakad-lakad ako sa dalampasigan ng Iskwaterloo at rumampa ng alas dos ng a.m. Namataan ko sina Gwapong Mike, klasmeyt Momon at jumangkin/jumangji Azer. Nomo session sa Betsky Beerhouse! Kahit di invited, pasok ang bakla. I hope I wasn't imposing, gusto ko lang talaga uminom that time.

Pagpasok ko sa "beerhouse wannabe" ng Iskwaterific, siyang bungad ko kay Gwapong Mike. Shempre me beso attempt ako, di nga lang nagtagumpay. Bigla kamong may sumigaw ng "malantod!" at saka ko napansin sa gilid si Payat. Opkors mga beki, pag Totong ang intro, naturalmente yun ay dahil nag-bonding na naman kami.

Lapit ako kay Pa sabay kiss. "Malandi ka talaga inuna mo pa si Mike. Oh kiss pa." I gladly obliged. And again. And another one. Makakawalo na sana ko ng ma-realize nyang kagawad sha at "Nakalimutan ko, may constituents nga pala sa likod!" Hmpf you already! You already is the public servant!

Napansin ko suot na nya uli yung singsing nila ng aswang. Nabuset na naman tuloy ako.

"Singsing ko?!"
"Nasa daliri ng aswang."
"Galisin sana sha!"
"Ginalis na! He-he-he..."
Wish granted naman pala, kaya pinatawad ko na si Payat.

Kanta-kanta ng mga pang-jamming na birit. Mike is really a good singer. Vocalist ng banda sa China ang lolo mo. Dati pa atang drug mule, choz! I was contented to be a power backup singer hehehe. Belt kung belt ang lolo mo, ako eh naki-chuwariwap lang on the side.

Sa saliw ng shower me with your love eh tinapik ako ni Payat.

"Musta ka na?"
"Ok naman. Processing na."
"Aalis ka na?"
"Sana."
"Kelan?"
"Malalaman mo rin..."

Silence. Ay mali, she will be loved na pala ang soundtrack.

"Hatid mo ko sa airport."
"Sige. Arkila tayo ng sasakyan."
"Ikaw lang maghahatid sa kin ha."
"Alam ko."

Konting tagay muna. Lalala ditey, shoobidoo doon-chi. Pulutan, chikahan, halik ng pasimple, sulyap sa constituents, halik ulit, sabay diva-off. Pag nababanggit yung "constituents" naaalala ko si Gina Pareño sa Kasal Kasali Kasalo. Ganun yung dating ni Totong pag astang pulitiko hehehe.

Tapik ulit si Payat. Beautiful in my eyes na yata yung binibirahan ni Mike nung time na yun.

"Musta ka na?"
"Ulit-ulit? Market-market?! Unli?!"
"Miss na kita."
"Andito na ko."
"Mamimiss kita."
"Andito pa ko."
"Pag ako kinalimutan mo...
...lagot ka sa kin."
Magagawa ko ba yun?!
"Uhmm... Di ko alam."
"Subukan mo."
"Papakabahin kita...
...mga one year."

"Miss mo na ko?"
"Oo naman."
"Bakit?"
"Kelan ba tayo huling nagganito?"
"Iba na kasi ngayon."
"Oo nga."
"Masaya ka naman di ba?"

Tumahimik muna sha ng ilang saglit. Tumingin-tingin sa paligid. Tumitig sa disco ball sa kisame. Nakibasa sa lyrics ng videoke. Saka sha sumagot.

"Hindi..."

Alam ko ng yun ang sasabihin nya. Kita ko sa mga mata nya. Pero pinili kong dedmahin ang not-so-revelation ni Payat. Kasi ayokong maging malungkot na naman ang ending netong blog na to. Gusto ko, happy ending naman. Yung pang-pocketbook, yung pang-fairy tale, yung pang-Disney princess!

Nag-duet kami ni Mike, I'll be. Ang suki kong kantahin dati sa Padis Point Manila. Kabisado ko na ang lead vocals at second voice. Pasok na pasok sa plorera ng mga nota si bakla! Birit na mala-Rachel at Mercedes! Kinabog ko ang 8 octaves ni Madam Mariah ning! Escapism ko ang pagawit kaya eskapong eskapo talaga ang belting at whistle ng bakla!

Naalala ko nung bata pa kami ni Totong at araw araw kaming bumibili ng tivoli bar at funwich. Nung kuntento na kami sa teks, pog at tansan. Nung masaya na kami sa bangsak, palos-palusan at agawan base. Nung bonding moments na namin yung manguha ng alatiris at tumulay sa pader ng Kalantyaw. Ngayon, di kami nagkikita ng walang inuman. Kulang ang eksena pag di kami nagharutan. At laging di natatapos ang gabi nang hindi ako nasasaktan.

Not tonight. Para maiba naman. Di pa tapos ang singalong challenge eh nangalabit na si Payat at uuwi na raw. Shempre humalik ako ulit, at humalik ulit, at humalik ulit. Naka-isang dampi din ako sa lips, at keber sa constituents! I stayed with Mike, Momon and Azer. Bumelt ng bumelt ng pang-diva off, at saka umuwi. No, erase that, at saka ako masayang umuwi.

Happiness is a choice, and I choose to be happy. Tonight. Mamaya. Bukas. At sa mga susunod pang bukas. With or without Totong.

5 comments:

  1. Ganoon? ang sad pa rin...
    sya nga pala saan kaba pupunta BM? aalis ka? - Lando

    ReplyDelete
  2. AY tomo ka jan mother superior! Bwiset nga lang ng choice na yan minsan hanghirap piliin! :P

    ReplyDelete
  3. san ka pupunta bm???
    at iiwan mo na nga bang talaga ang iskwater???

    sana di mo iwan ang blogging.
    kakalungkot tong post mo. pero ang strong.

    ReplyDelete
  4. pak! another entry about moving on!
    sana ako rin makapagmoveon na sa mga bagay-bagay!

    keep it up teh!

    ReplyDelete
  5. BM sa lahat ng mga naisulat mo, it's always about totong na gustong-gusto kong binabasa. We've been in the same b
    ship and off and I'm back again.

    akosidiosa.blogspot.com

    ReplyDelete