Showing posts with label update. Show all posts
Showing posts with label update. Show all posts

4.11.2011

Outsourcing


Bilang natawa ako sa blog ni Arki-Torture na puro daw boylets ang laman ng blogelya ko eh di boylet na nga ang i-blog tonight. At bilang dumugo rin ang utak ko sa mga comments nyo sa atake sa puso ni Juvelon, ibahin natin ang topic. Dami ko na ba utang mga beki? Aba mangilin naman tayo!


11.18.2010

Request



Kumusta naman mga Rebekla?! Shugal ko na nag-post noh? Andami kong drafts, puro putol. Kasi bago ko maisulat me mangyayari na namang bago. Dami ko pang requirements tsaka kalandian kasi inuuna ko.

Anyhoo, heto ang unang salvo ko para sa Nobyembre. Susunod-sunurin ko na hanggang maubos mga imbak kong kwento. Pls naman mga beki, mag-iwan naman kayo ng bakas para alam ko naman kung me sense pa bang isulat ko lahat ng kembot ko kung wala rin namang magbabasa.

I would really appreciate it if you could leave some comments. Mwah!

10.14.2010

Eksena sa Medical

Habang tinuturukan ako sa braso, biglang nag-tenenenen ang utak ko two years ago... sa isang windang experience ko sa ospital ng Pasig.

Nung bumukod ako ng hauslaloo at naging bachelorette, ang una kong balaysung ay doonchi sa Bagong River, Pasigelya.

Una kong hausmate sina Karen at Kristala. Magbowa na orbitz. Kindness yang c Tala, lagi akong pinaglalaba ng mga panty hihihi... Tapos naging hausmate kez naman sina Bebang at Manay. C Bang, nabanggit ko na before, eh tropapitz ko ng college.

Wala naman kaming hiya-hiya sa jisa't jisa. Pero wit ko alam why nung isang fateful night of December eh nahiya akong mang-istorbo. Ang bakla, hinihika na ng bonggang bongga pero waley na akong gamot. Kasagsagan ng bagyo, labas akeiwa sa hauslaloo at humiram ng umbrella-ella-ella kay Armida na suking tindahan ko at eksenadorang nakiki-syuta sa kin.

Kahit bagyo galore, mega sugod akeiwa mag-isa sa ospital sa may Pineda. Take note: MAG-ISA. Walking distance lang kc yung jospital ng bayan, so kahit hika galore eh mega walkathon naman ang bakla.

Pagdating ko sa jusko-pital mega tanong si Nurse Jane. Me kasama daw ba akeiwa. Ay wichiririt! Alone ang drama ko.

"Ay sinong bibili ng gamot mo? Kasi sa pharmacy lang me gamot dito sa labas. Bili ka muna, para makapag-nebulizer ka."

Pak! Overpass pa ang bakla. Kelangan bumili ng gamot mag-isa para makapagpa-usok sa nebulizer-kadnezar. Eh di hingal kabayo ang bakla pagbalik. Maya-maya bili daw uli akeiwa ng tube na pampausok nakalimutan ng potang nurse.

Overpass uli. Hingal kabayo uli. Hika galore uli. Kaloka! Wala pa naman ako maka-join force kasi lowbat ang ponelya kez, at wit ko memorize ang number ng mga hausmates. Agony in the overpass ang kinalugaran ko.

Pagbalik, ay bakla nangdilim na talaga paningin ko. Hindi sa galit, kundi sa hika. Hithit kalabaw na talaga ko sa nebulizer, hyperventilate to the max na daw ako. Ang tiles (o lupa?!) ng sahig, parang humalo-halo na sa paningin ko.

Pak! Oxygen tank.
Pak! Steroids.
Pak! Dextrose.
Pak! Anti-histamine.

Ang Nurse Jane, kala mo nagtuturok lang sa baboy. Mega tusok lang ng karayom sa braso ko. Nakaanim na turok ata lola mo ng walang sabi-sabi. Walang pitik pitik, walang hingang malalim. Basta sinaksak lang akeiwa ng syringe.

Habang naghihingalo ang bakla, ning walang available na kama. So naka-oxygen ako, naka-dextrose at naka-nebulizer. Pero nakaupo sa monobloc. Hindi nakahiga. Nakaupo. Nasa gitna ng isang naghihingalong may tubo sa baga, at isang matanda na may tb. Basta nakaupo lang ako dun sa gitna nila.

Nung umaga na, dumating naman ang amo kong Koreano kasi kabisado ko ang landline nya sa balay. Pero waley pa rin akong kama. Kahit chill kung chill na ko, basta sa upuan pa rin.

Maya-maya naman eh dumating na si Bibiana. At in fairness nailipat naman ako sa kama. Pero walang kwarto. Dun ako nakapwesto sa hallway. Kasi yung katabi ko na may tubo sa baga, deadlak na pala. So yung kama nya, ipinamana na sa kin ng butihing ospital. At para ata makapag-TY ako ke manong tubo, habang naka-park ang kama ko sa hallway, dun din nila naisipan i-park yung bangkay ni manong. Bonding!

Yun siguro ang pinaka-haggard na experience ko sa hospital. Eh kaya ko lang naman naalala, kakauwi ko lang from yet another hospitalization. Ang bakla, na-dengue!

Last Miyerkules sumugod na ko sa medical matapos bumaba sa 94 ang blood platelets ko. Malapit sa Iskwater ako nagpa-confine kasi maraming magbabantay. Nung nasa ER, kaloka super gwapo ng nurse. Kaya nung ililipat na ko sa kwarto ayaw ko ng stretcher. Ayaw ko rin ng wheelchair.

Gusto ko karga.

Aba, mamamatay na nga di pa ko lalandi?! Eh nanghihina pa raw si Nurse Gwapo, kaya pumayag na rin ako sa wheelchair. Kandong. Hihihi!

Ay wit ako nagtagumpay. Side by side lang ang keme namin. At kahit maya't maya pa sha kumuha ng dugo para ma-monito ang dengue ko, keribambam lang. Walang pag-iimbot at buong kagalakan kong inialay ang dugo ko.

Shempre lahat na ng eksena ginawa ko para maging enjoyable naman ang pagka-confine ketch davah?! Nag-praktis ako kung pano huhugot ng huling hininga. Kung pano biglang pipikit at lalaylay ang isang kamay sa gilid ng kama.

Nung inoperahan ako kasi ayaw tumigil ng nosebleed ng bakla, mega request ako na dapat me mga tao sa salamin para pag nag-tuuuuuut yung heartbeat ko eh mega iiyak sila. Ayaw na naman akong payagan kainis. Papasakan lang daw yung ilong ko, wala namang kamatay-matay dun. Hmpf! KJ.

Salamat sa mga friendships kong dumalaw. Parang huling lamay lang. Inilaktaw na ang mga bata. Walang nakapula. Nagbasag na rin ng palayok para wala nang sumunod hihihi. Sinamantala ko ng magpaka-primadonna. Kaya ang mga beki kong friendship na dumalaw, di na makapaghintay na gumaling ako at ng makaganti na.

Kaloka, sa dami ng dumalaw na beki, akala mo eh me go-see ng Ms. Gay Iskwater 2010! Thank you girls!

Dahil sa kalunos-lunos na sinapit ko sa BBB at sa mga alipores ni Aling Lucresia na mga lamok armed with the dengue virus, nag-amok ang Bibiana at di pumayag na bumalik pa ko sa House of Sonya. Kaya ngayon, balik Iskwater na ang hitad. And guess where I'm staying?



Sa Tore ni Totong.

9.27.2010

What if?


Curious lang akeiwa...






What if... may Baklang Maton na may boobs?






Anong masasabi mo?!










Pak!

8.31.2010

Samson

Nang mawala ako sa iskwater...

Nawalan na rin ata ako ng kakayahang magsulat...

Patawad guys, I might close this blog na for good.

If you have any objections, shoot me.















Charot lang!!!

I have a deadline to beat.

Magmaganda ba kasi?!

Nag-text ako sa adviser ko:

"Maam I think I work best with deadlines.
Let's set a deadline for me to pass the whole thesis."

Ayun dinedlaynan ako ng hanggang Webes.

As in Thursday... Kalurki!



I'll keep you posted mah dears!

7.18.2010

The Day BM Quits

Nitong nakaraang araw, me nakita akong note na nakadikit sa likod ng pinto ko. Parang note lang ng mga zombies. At pagbasa ko, para kong aatakihin sa gall bladder. Iiwan na nya ko! Kaya pala nanlalamig sha sa kin nitong mga nakaraang araw... Karipas ako ng takbo at hinabol ang aking... Kabaklaan. Sabi sa note:


"This is your inner Kabaklaan. I quit!"


Panic mode ako bigla. Spell kumahog at kandarapa talaga ko sa paghabol kay Kabaklaan. Naabutan ko naman sha, nagla-lunch ng pritong tulingan at kaning sinabawan ng kape. Nag-usap kami at nagpaliwanagan. Pumayag naman shang bumalik na sa bahay. Pero binalaan ako ni Kabaklaan: something's happening and I need to brace myself. Tinanong ko si Kabaklaan kung anong nangyayari, at nang sabihin nya sa kin, nayanig ang bumbunan ko at nalagas ang bangs ko... Taray ni Kabaklaan, parang si Madam Racha. Sabi nya:

"Magegeng tumboy ka sa mga sosonod na araw. Mag-engat sa lalakeng may nonal sa nipol. Lake kolor, pyusha. Lake namber, tweyni-nayn."

Eto na yung relapse... It all started a few months back when I received a text message from my EX. As in ex-girlfriend. Paak!

"Uy musta na! Tagal na natin di nagkita. Miss na kita. Dami nangyari sa kin, you wouldn't believe! Magkita nga tayo! Text mo sked mo! Miss u! Mwah!"

Before ako maging BM, shempre dumaan ako sa stage na naging BN muna ako. Baklang Narnian! Nag-board and lodging ako sa Narnia - sa kloseta ng pagkukunwari. Uy, di naman ako naging full-pledged citizen ha! To the point na eksenang bumembang na ko ng kipay mapanindigan lang ang pagka- "lalake". Kahit paminta ko for a short a few years, I still find ways to express ang pagiging "lulurki".

Babala: isa itong napakahabang post. And probably, me part two pa itu. Kasi, it's part of who I am. As much as I like to pack this stuff in a box and keep it in the garage or under my bed, it doesn't work that way. Tsaka, wala akong garahe, at puno na ang ilalim ng kama ko. So bloggers, I hope you'll still have fun. Saka na ang meet and greet at autograph signing hihihi.

Bekbek Wars Episode 1 -- The Phantom Menage-a-Trois

My fisrt girlfriend, and probably the first person I ever loved was Wendy. Best friend turned guframae ang serye namin. Super sweet ng lola mo. Nakilala ko sa org sa church, naging mag "bes" kami for more than a year. Pero simula pa lang na-develop na ang lola mo sa kin. Nung lumabas na ko sa kumbento, sha ang sanity ko.

Sumbungan, kwentuhan, iyakan and everything. Me sulatan kami lagi. Every important occassion, every success and every failure, every little and big things, we shared together. The first person na nakaalam na badet ako. The first person na tumanggap sa pagkatao ko.

In fairness creative si Ex No. 1. Mejo purita mirasol kasi sila nun, as in fish ball magnate si Mudra, at m.i.a. si Pudra. Sila ni sisteret nya eh parehong skolar. Kaya un mga sulat nya sa kin, laging me cutouts ni Garfield, me mga pop-up na figures at mga anik anik design from mga lumang magasin. Basta sha si Garfield, ako si Jughead.

I admit, ako talaga ang me kasalanan kung bakit kami nag-break. Sabi ko kasi cool off. Pero nagkikita pa rin kami regularly, parang kami pa rin. Until me nanligaw na iba sa kanya na eventually eh naging dahilan ng pagsisinungaling at pagpapalusot, pagtatago sa escalator, pagpapanggap na nasa probinsya, at ang pinakatodo -- nagserve daw sha as volunteer sa St. Joseph, yun pala eh nasa Fairview at jontis na ang lola mo.

Minsan naiisip ko, she gave up on me way too easily. Ang bilis nyang napagod. Halleer sabi ko cool off! Tapos napakanta lang ako ng "malaya na ako" ayun ngumalngal na ang guframae ng faucet na faucet. At naghanap na ng kalinga ng iba. She's my first heartache.

Nag-enjoy naman ako sa aking newfound kalayaan. Happy pekpek courtesy of my newfound din na best friend. This time eh straight na itu kaya lalong tumibay ang cover-up ng bakla. Yun ang original maton sa buhay ko. Masel-masel, push up addict at workout buff ang lolo mo. May sariling barbel na gawa sa semento. Ultimo ugat nyan, me maskels. Si Aveño -- ang David Garcia Jr. ng buhay ko.

Aveño is a different blogpost. Basta in the near future na sha hihihi. Nabanggit ko lang sha kasi sha ang magandang intro kay Ex No. 2 -- si Eden. Kasi, kaklase namin si Ex No. 2 nung first year.

It was a short and beautiful six-day relationship. =) It was very meaningful. As in! Kasi that was when I realized na mahal ko talaga sha -- si Noel. Hihihi! Kaya nag-break din kami after 6 days.

Eh naloka ako kasi after ngumalngal ni Eden, at after akong iwasan ng mga 2 subjects, aba maya-maya eh keribambam na uli ang everything between us. Wala na shang masamang pande-koko sa kin uli. At napansin ko din, parang close-close-an sila ni Aveño. At nung nag-swimming kami sa Morong, aba HHWW-PSSP na ang duwa. Gusto kong malunod bigla sa kiddie pool!

Me pa-ek-ek kami sa klase na kandila chararat at magpapalitan ang dalawang magkaklase para makapag-usap at makapag-babye kasi pag 2nd year namin, iba iba na kami ng major so farewell to u my fwendz and drama namin dun.

Although pareho naman kaming psych major ni Aveño at magkaklase pa rin kami, napadrama na rin ang lolo mo kasi nga technically sinulot nya ang gufra mae ko. Sha ang kauna-unahang lalaking umiyak dahil sakin. Me sigok sigok, hikbi hikbi, singhot singhot at nguyngoy pang kasama yun ha. Naluha din tuloy ako.

Buong summer after that, nangupit ako araw-araw sa tita ko ng 50-70 pesos para makaakyat from Pandacan to Cogeo para makipaglandian ke Ex No. 2 at ke Aveño. Tipong tagisan ng galing, lalaki sa lulurki, may the best man win. Bandang huli eh todong nalito si Babaylan at walang pinili sa min dalawa. Win-win situation itu for me!

Pagpasok namin sa aming majorship, tatlo kaming dating magkakaklase na nagsama sa isang section. Ako, si Noel, at si Lorena. Later on eh nadagdagan kami ng isang tropa, si Ilette. Ewan kung anong nangyari, basta tinawag kaming sina Itoy, Bitong, Bebang at Bebeng. Pero yung mga tawag sa min, hindi pumatok, yung ke Lorena lang. After ten years, sha pa rin si Bebang. But no, hindi sha si Ex No. 3.

Si Ilette. Probably the longest of them all kasi sobrang open kami sa isa't isa, andaming on-off, andaming drama, pero mas lamang yung masaya at friendship. It was different this time, kasi si Noel naman ang nauna. Naging sila for a few months, pero mas close kami since pareho kaming gurlaloo. Too close to a point na sa kin na sha me gusto, at nalilito na si Bebang kung kanino sha sasama kasi nag-away kami ni Aveño, nag-away sila ni Ilette, at nag-away kami ni Ilette. Kawawang Bebang!

Me eksena pa kong naliligo sa banyo nung kaklase namin, habang lasing, nakahubad, nasa ilalim ng shower, at umiiyak habang ume-emote ng "ginago nya ko, ginago nya ko!" Until now, wala pa ring malinaw na dahilan kung sino ba ang gumago sa kin, kung bakit ako ginago, at kung ginago ba talaga ako. Basta ang alam ko, masarap mag-emote habang naliligo.

Before mag-3rd year eh umalis si Aveño sa skul namin at nagpaka-marino. His absence made Ilette and I closer for comfort. Ito din yung time na naglayas ako at naging boy ni Mylla -- again another story. Walang official date, walang official na kami na, basta yung mga kilos, yung mga haplos, yung mga halik, yung mga tingin, in fairness alam kong yun na yun, di nga lang mapag-usapan at di rin maharap. Kasi, alam nyang beki ako from the start at alam na alam nya lalo na inlavavo ako ke Aveño. Anong pwesto nya dun sa equation na yun?

Eventually naging friends na lang talaga kami. All's well that ends well. Until now, friends pa rin kami ng lola mo, we still see to it na we see each other once in a while. Kumustahan, update sa mga eksena sa buhay, basta we got each other's back anumang mangyari.

Naayos namin and everything went back to normal. I even had Ex No. 4. Actually ang nililigawan ko nun eh si Phoebe, ang aking S. O. (secret on daw) kasi me bowa shang iba. Nung minsan na me dance sa skulilet, mega buysung akeiwa ng flowers sa Designer's Bloom. Pagdating ko sa auditorium, kumusta naman, kasayaw nya si bowa. Bigla akong na-depress at binigay ko ang bulaklak sa unang babaeng nakita ko -- si Florence.

Si Flo impernes niligawan ko talaga un ng matagal na panahon. Ayaw nya kasi baka daw mahal ko pa si Illette. Hay girl! Kung alam mo lang! Naging kami ni Flo for a day tapos umayaw na sha, kasi daw hindi nya masabing mahal ko talaga sha. Nararamdaman nya raw na me ibang laman ang puso ko. Hmm, women's instinct! Korected by naman sha, maling tao nga lang ang pinagbintangan ng lola mo. Nung magka-baby si Flo dun sa sumunod nyang bowa, ang nasabi na lang nya eh -- "Sayo sana to." Ayun naging nina ako ni Athena, at once ko pa lang sha nakita. Nung binyag six years ago!

Yung last, mejo weird... I call her Lumen kasi kamukha nya si Lumen sa commercial ng surf. Akalain mo yun, college pa lang ako Lumen na sha, hanggang ngayon naglalaba pa rin si Ate. Di na naubusan ng maruming damit ang pamilya nya. Siguro me laundry shop si Lumen.

Anyway, nung college eh me crush akong nilalang. Itago natin sha sa pangalang Cocoy. Si Cocoy eh ginawan ko talaga ng paraan para maging kakilala ko. To the point na di ako papasok ng ROTC para ipahiram sa kanya ang cap, o belt, o combat boots o jacket ko. Pareho kami ng major, pero ibang section sha. Nung 3rd year kami, required ang lahat ng lalaki na sumali sa Mr. Psych kasi kokonti lang ang lalaki. Literally. So excited din naman ang bakla na sumali.

Shempre ang BM... Rarampa na! I was there with my pink stilletos! At akalain mo yun, sa sobrang shortage ng kalalakihan sa batch namin, 1st runner up pa ko. Ikaw na ang mag-rave attire ng trench coat at briefs with black na pakpak at CD sa puson! As expected si Cocoy ang naging Mr. Psych at ang wind beneath his wings: si Lumen.

Studious ang Cocoy, acshuali running for Magna ang lolo mo, di nga lang umabot. Sa library ang fave spot ng lolo mo. Lagi din palang andun si Ms. Psych sa thesis section. Ayun nagka-kodaK moment ang dalawa. Si Lumen, naiwang luhaan at panay bakbak ang kamay kakalaba. That time naman kami nagsimulang mag-textmates. One time eh nakipagkita sa kin ang bilat sa library din, at buong tapang akong tinanong.

"Nanliligaw ka ba sa kin?" sabi ng Mahaderang Labandera.

Ang BN, napa-why not?! "Uhhm, oo."

"Tayo na." with conviction na sagot ng ate mo.

Instant gf itu. Nag-usap pa kami ni Cocoy para wag ko daw saktan si Lumen, mga ganung eklaboo, malay ba naman nya na sha ang itinatangi ng malunggay ko?! Ayun, naging panakip butas ako ni Lumen, ang di nya alam sha naman ang shield ko sa mga dudera sa pagkalulurki ng BN. Dahil mahina ang pundasyon, shempre yung relasyon madaling mag-crumble. Basta nag-break na lang kami after 11 days ata.

Lahat halos ng mga katomboyan ko, ganun lang ang eksena. Nothing lasts kasi obviously di ko sila kayang mapanindigan. Sabi ko nga sa isang barkada ko, kung may makikilala akong babae na masisigurong hindi na ko titingin sa ibang lalaki, at makakaya kong maging faithful sa kanya, bakit hindi?

Sino ba ang ayaw ng normal na buhay? Sino ba ayaw ng masayang pamilya? Sino ba ang ayaw ng mga munting tyanak na tatakbo takbo sa sala at lulundag lundag sa kama? Sino ba ang ayaw ng simpleng buhay?

I've been watching Will and Grace lately, at naloka ko sa plot nung 4th season. Napagkasunduan nila na magkaroon ng baby together! Ganun talaga no? Pag dun lagi nakatutok ang isip mo, lahat ina-associate mo sa sarili mo. This much I can say for now:

I want a baby.

Lahat ng lalaking nilalandi ko, ang tawag ko baby, bhe, bhie, babe. Mga apo ko sa pamangkin, spoiled sa kin. Mga inaanak ko lahat sweet sweetan ako. Pag nakakakita ako ng baklang may anak, naiinggit ako. Pag napapanood ko si Ogie Diaz at Arnel Ignacio naiisip ko na kaya ko rin yung ganun. At nung napanood ko yung episode nina Aiza at Kuya Dick, wala na napangawa na talaga ko sa kwarto ko. Who will be my spare womb? Who will be my backup egg? Kung pwede lang na ako na rin magbuntis at manganak.

Ang tanong: is having a baby the answer?

Sabi nga nung barkada kong guidance counselor, kaya ko bang maging role model sa magiging anak ko? Anong ituturo ko sa kanya?! Ang tamang paraan ng pagkuda? Ang magandang posisyon sa pagbembang? Pano tumawad (at tumuwad) sa isang prospect? Anong magandang buhay ang maibibigay ng isang single na bakla sa isang tyanak?! Anong motto ang maipapamana ko sa junakis ko? Teach a man how to fish and he will bring home a fisherman?!

Pano ba mag-resign sa kabaklaan? Pwede ba yun?! Anu ko col sener agent?! May 30-day period ba yun? Isu-surrender ko lang ba ang Bakla ID ko at magpapa-clearance sa mga Board of Beki? Magpapasa ng cedula at Deed of Sale? In the first place, natatalikuran ba ang kabaklaan?! Sana ang kabaklaan may tatlong lifelines din. 50-50, Ask the Audience at Phone a Friend.

I'm not saying na gusto kong magpaka-tomboy. Just thinking out loud... Hay! Basta ang alam ko, I want to have a baby. I may need a kidney someday... Hihihi.

5.09.2010

Kakanin

Pano ba mag-move on? Pano ba mag-let go? Pano ba mag-give up? Pano ba mag-move forward?

I was doing good moving on from my previous break-up. Yung bote ng tequila halos ubos na. "Halos" kasi siguro tatlong tagay at isang baso na lang sha. Yung tshirt na iniwan nya, medyo naluma na kakalaba ni Yaya kasi nung bago-bago pa lang kami naghiwalay eh suot ko lagi. I was on my way to freedom.

And then he came back. Bumalik si Budwire -- complete with new words and new catchphrases. Fabulous talaga ang vocabulary ng Daduds ko.

Sa pagbabalik nyang yun, bumalik na rin uli ang rigodon naming dalawa. Habang nagti-tinikling ako, nagsi-singkil sha. Habang nagpipiko ako, nagpapatintero sha. Habang nagka-casino ako, nagka-cara y kruz sha. Sa pagbabalik din na yun ni Budwire, may isang aspeto sa buhay nya na na-gets ko finally. Si Budwire pala ay isang... jejemon.

Tulad nung nauna naming bulagaan, basta sumulpot na lang sha sa pinto ng pink villa habang nagbabasa ako ng "City of Bones" sa kubeta. Ilang beses na nyang sinabi na pupunta sha sa haus pero ngayon lang natuloy. Pagpasok pa eh sabay sabi ng "Bolaga! Surprise!" Eto na naman po kami...

Tapos habang umeepal ang pinsan nya sa pagpapa-sweet namin eh me ispluk si pinsan na "Ako naiintindihan ko kung bakit nai-in love ang straight na guy sa gays. Kasi kaming straight guys, blah blah blah..."

Di ko na naintindihan kasi sumingit na si Budwire. "Nako! Eh bakla pala to! Bakla ka ba hoy? Naka! Bakla pala ito eh."

Sumingit ako "Daduds bisexual siguro kasi me girlfriend."

"Ahh bayot pala, hindi bakla. Anu ga yung bisexual?" Nung sinabi ko, lalong naloka ang lolo mo. "Hala eh silahis pala! Lagot! Ay gugulpihin ka ng tatay mo!" At nilait nya ng sunod-sunod ang pobreng pinsan.

What transpired was the usual inuman, kulitan, halikan, and everything.Masaya ko habang kasama ko sha, kasi I was saving the best for last.

Habang nagkukulitan, sabi ko ke Budwire "Last na to ha. Wag ka nang pupunta dito. (sabay subo sa kanya ng melon dice) Mag-break na tayo. Hahanap na ko ng bago."

Habang ngumunguya, "Nako Dadods, di ka makakahanap ng bago. Pag nagpunta ko dito, sisigaw ako sa labas ng 'Dadodz! Takbo! Me ihahagis ako! Grened tsaka atumic bam!' Takbo ka na agad nun! Sasabog tong pink haus mo!" Granada daw tsaka atomic bomb. Kayo talaga, judgemental!

Budwire has always been different sa mga nakembot ko. Kakaiba in the sense na di ko talaga alam kung anong habol nya sa kin. Walang line eh. Dun sa iba clear kung ano bang gustong machurvah mula sa akin. Ang yaman ko (parang meron), ang katawan ko (to die for!), ang atensyon ko (mga uhaw sa kalinga ng isang mapiling ina), ang puri ko (na puro at dalisay), o ang load ko (pasa-load o all-text20). Pag tumotodo sa pagka-demanding eh ang puso ko na ang target. Wow!

Si Budwire, mahilig sa kakanin. Puto, kutsinta, sapin-sapin, kalamay, ube halaya, maja blanca at leche flan. Lahat eh express padala. Nung unang tungtong nya sa Pink Street, walang kakanin na available. Sabi nya di naman daw yun ang trip nya. Basta gusto nya ko kahit walang kakanin. Consistent naman yun until umuwi sha sa Quezon.

Nung umuwi sha sa Quezon, at hanggang jeje-texts at jeje-quotes na lang kami uli, nagsimula ang pagkahilig nya sa mga native delicacies. Ilang beses din na sa kin pa sha humingi ng kakanin. At all the time, binibilhan ko naman sha, on the condition na pagkatanggap nya sa kakanin, pupunta sha sa bahay. Pero ilang beses na di sha nagpunta. Ang kakanin, kinain nila ng barkada nya.

Until I realized na kulang na pala ang mga bilao ko -- lahat nasa kanya. Ayokong dumating yung time na pag ako naman ang nag-crave sa kakanin, saka naman wala.

Ganun ba talaga? Pag gwapo ang bowa mo dapat willing kang magpaka-Inang Yaya? Sabagay yung iba nga kahit di kagwapuhan ang bowa eh extravagant pa rin sa paggasta. At least sa gwapo napunta ang pinagbentahan ko ng yema. Pero nung mabagsakan ako ng bote ng macapuno, ay lokohan na toh. Ayawan na.

Wala talagang gamot sa tanga. Pero nung time na yun di naman tanga ang tingin ko sa sarili ko. Para lang akong nagka-casino. Tumataya sa roleta ng kalandian. Nagsusugal -- buwis puso at puday para lumigaya. Malay mo nga naman maka-tsamba.

Para shang casino, mananalo ka muna sa umpisa. Ke Budwire, ang casino chip ko, pinu-purchase ko pag wala na shang makain, pag wala nang feeds ang tandang, pag me bibinyagang anak ng jejemon sa Quezon, pag wala nang gamot si Mamang! At shempre, pag wala na shang load. Takbo agad si Bakla sa suking tindahan kalakip ang proof of purchase at signature. Dimo namamalayan, natalo ka na pala ng wala kang kalaban-laban.

Pero ang prinsipyo ko sa casino, dapat alam mo kung kelan ka aayaw. Ke nananalo, ke natatalo, me limit dapat. Kung hanggang ilang kakanin lang ang pwedeng ibigay. Kung slice lang ba o bilao ang ipapadala. Kung ilang casino chip lang ang dapat itaya. Kung ilang porsyento lang ng puso mo ang pwede mong isugal.

Para manalo, matalo, hindi ka man kumabig ng malaki, di ka pa rin naman lugi. At kung takot kang matalo, wag kang sumugal, at all.

Kaya nung umuwi na sha uli sa Quezon I've decided to really end things between us. Ganun ako kaganda at ka-confident. Na kahit super duper mega over gwapo sha sa paningin ko eh kakayanin ko pa ring makipag-break sa kanya. Yun ay nung pakiramdam ko eh sobra na ko sa taya.

Sa casino you should really know when to stop. Too bad di pa ko tumigil nung kumakabig pa ko. Nung di pa ko sumusugal nang malaki. But I think, naka-quota na ko. Time to send him home.

Kaya habang pauwi na sha, sabi ko last na yun, at mag-break na kami. Kasi ayoko na shang suplayan ng kakanin. Naintindihan naman nya, and we parted as good friends.



The End ~ I wish.



How I wish ganun talaga yung naging ending. But no. Binigyan ko pa rin sha ng kakanin that day. At after nun, naka-ilang kakanin pa uli sya. At sa bandang huli, ang naging palusot ko na lang eh sobrang lame. Nagpalit ako ng number.

I guess with Budwire, I would never be able to properly say goodbye. I can only pretend. He's busy fighting plants and zombies. He's busy plowing his farmville. And yes, he's busy being someone else's Dadudz.

Budwire: I knew you would break my heart.
BM: You broke mine first.

Sabay sara ng pinto at humahagulhol na sumandal sabay yugyog ng balikat, habang dumadausdos pababa paupo sa sahig.

1.25.2010

Tantum te Quando Absente Desidero

Tantum te Quando Absente Desidero. I miss you.

Ang bakla, nahihilig sa latin. Ewan ko ba, anlakas ng hatak ng latin... Kaya ang new year's resoluzion ko, this year, lahat ng post titles ko, eh translated sa iba't ibang languages... Para me dating naman! Ahihihi... Tsaka para kunwari zozyal ang bakla...

Kagabi, sa saliw ng part of your world, on my own, brokenhearted girl, halo at a little fall of rain, umiiyak ang bakla. Kasi, parang wala na kong budwire. It's complicated.

Yun last time na nagpunta sha sa bahay, gulatan ito with matching tayo ng balahibo at panlalaki ng mata. Kasi ba naman, nagkakalkal ako ng mga mementos ko sa aking shoe box of little memories with sentimental value, bigla na lang sha sumulpot sa pinto.

Eh me gera kami ng wallet ko that time. Kaya ang budwire ko, nagpaka-canton boy muna. Habang namimili nga kami ng kung anik anik na instant noodles, napasulyap ako sa Baliwag lechon stall, sabi nya "Oh wag ka ng tumingin, di natin kaya yan."

Sa simpleng pancit canton, instant mac & cheeze, kalahating tequila na natira sa last inuman namin, at apat na boteng redhorse, with candlelight at artificial flowers, naganap ang last date namin ni budwire. Funny coz wala akong matandaang bloopers nya for this particular night. We talked about so many things, he talked about his plans, I listened to him.

Then he was gone.

Umuwi muna sa Quezon ang lolo mo since bakasyon pa sa school. Sarado muna ang noodle hauz. Wala rin munang lovelife ang BM. Long distance relationship itu.

Dumaan ang Pasko, nagputukan ang Bagong Taon, walang budwire na sumulpot sa porch ng bahay na pink. Nakasalo ko uli si Pa nung New Year, nag-overnight sina Bhe, Bhie at Baby, kinembot kong muli si Yellow Shirt Guy (remember him?) at napako na naman ang pangako ni Jonel na makekembot ko sha bago matapos ang taon. Di pa rin pumunta si budwire sa haus.

A few days before New Year, nagtext ang lolo mo. Punta raw ako sa kanila. Ang lapit! Infanta, Quezon. Susme, buti sana kung alam ko yung lugar na yun. Eh pugad daw ng NPA yun. Pano kung pagsamantalahan ako dun? Baka di ako tumanggi! Dinedma ko ang imbitasyon.

Linggo, January 3, 2010. Nagtext ang dadudz. "Daduds, namatay ang tatay ko, ngayon ang libing. Di na ko pinapauwi jan ni Mama, wala sha kasama dito. Dito na ko titira uli."

Natulala. Nag-panic. Nawindang. Naiyak. Nasinok. Napakurap. Napahinga ng malalim. At na-lowbat. Nagtae. Napasipol sa saliw ng "Paalam na". Naluha uli. Nanghinayang. At nag-text. Nalowbat uli.

Hanap ng charger. Saksak sa plug. Tawag kay Dadudz. The number I dialed is out of coverage area daw, sabi nung babaeng sumagot. I will try again later.

Kaya pala nya ko pinapapunta sa kanila. Sobrang nahiya ako sa sarili ko. Habang sha eh nagdadalamhati, ako eh naglulumandi. Habang sha eh nagluluksa, ako eh naglulunoy sa kasalanan. At habang sha eh umiiyak, ako eh nagpapakasaya. Anong klaseng bakla ako?

Wala na kaming matinong pag-uusap after that.

Madalas, I consider myself a nomad. A wanderer. Nobody's girl. Hinihintay ko pa yung lalaking magsasabi sa kin ng "You're nobody's girl. I'm a nobody.You're my girl." Nobody, nobody but you! Clap-clap-clap-clap! Pero kahit anong palakpak ko, wala pa ring Daduds na bumalik.

Niyaya ako ni Ka-te na maglunoy sa buhanginan ng Boracay. Para maaliw eh gora naman ang bakla. Nope. Di ako kumembot dun. Hulsam na hulsam ako mga ate. Me nagyayaya nga sa kin sumayaw dinedma ko. Me nakilala ako, pwedeng gawing destiny. Nagpa-piktyur lang ako na parang katulong na nagde-dayoff. Tapos kinilig magdamag. Pero wit na pagkatapos nun. Kilig lang.

Habang nasa Bora, gusto kong lunurin ang sarili ko. Kasi nagtext ang Daduds. "Nakakainis ka pinapaluwas mo ko tapos wala ka naman pala sa bahay nyo. Umuwi na ko uli sa Quezon! Di ko alam kung makakaluwas pa ko uli." Talk about wrong timing and salisi. Haaaay!!

Nag-eemote na ko ng bonggang bongga eh. Tapos nabanggit nya kung kelan sha nagpunta sa haus. Friday night daw. Ungas na yun! Friday night sya nagpunta eh andun lang ako sa haus. Sabado ng madaling araw ako umalis. Muntik na kong magpakalunod sa maalat na dagat ng Aklan, ginagago lang pala ko ng hayuf.

Last week nagkatotoo na. Pumunta nga sha sa bahay at nagkita kami. The usual na kembot. Inuman ng tequila, lemon at salt. Pero kainuman namin si Ambo. Akalain mo yun, magkasundo ang dalawa!

Nung umuwi na sha uli sa Quezon, I started analyzing my feelings for him. Mahal ko ba sha dahil gwapo sha, oh gwapo sha sa paningin ko kasi mahal ko sha? Nami-miss ko ba sha kapag nawawala sha kasi mahal ko sha, o nami-miss ko sha kasi pag naglalakad kami na sweet-sweetan sa isa't isa eh lahat napapalingon at kinaiinggitan sa buong iskwater ang bakla? And then it hit me.

Trophy boyfriend. Yun ba si Daduds sa buhay ko? Sinesementuhan nya ang status ko sa iskwater bilang pinakamagandang bakla sa balat ng pinkantasya. Panrampa. Pang-inggit. Palamuti. Yun ba ang silbi nya sa kin?

Di rin. Di ako mababaw. Lalim ko kaya. Tanong mo pa ke Marvin, hihihi...

Buong buhay ko isa ito sa mga inaambisyon ko. Magkaron ng lovelife. Halleeeer! Ilang lalaki na ba ang kinarir ko at nabigo lang naman ako. Ilang pantasya na ang hinabi ko para makabuo ng iba ibang scenario kung saan ako ang hinahabol habol at nililigawan. At sa lahat ng scenario na yun, hindi talaga ko nagpapakipot.

Sine ullo vivere desiderio. No regrets.

Kay Daduds lang. Di ko magawang mainlavavo ng todo ke Daduds, kasi pag sha ang minahal ko, wala ng ahunan to. Walang move-on move-on. Walang iyak-emote-forget na combo. Walang DVD marathon at papalit palit na status sa facebook. Pag sa kanya ako nabigo, lunod agad toh. Laslas siguro. O kaya bigti. Para mas cinematic siguro haharang ako sa bala...

Tanong ko dati kung mahal ko na sha, sabi ko "I'm getting there." Still not there, folks. But for now, I think I'll try defying gravity. I'm not gonna fall. I'm gonna fly. Anong laban ni Zsazsa Zaturnahh?!

All I'm saying is, pag nabigo ako ke Daduds, malamang eh magpakalalaki na lang ako. Pero babasagin ko muna ang bintana ng bahay nila, at pag nagreklamo sha ng "You broke my window!"

"Well, you broke my heart." Sabay walk-out!

12.21.2009

Fides the Unfaithful (Part 2)

I'm telling you, you won't like me after this. And I'm not writing this kasi feeling ko eh super haba ng buhok ko, or dahil super ganda ko. Hindi. I'm just a confused asshole, wanting to tell myself that this dream I'm living right now is possibly my worst nightmare yet.

The day na naging kami ni Budwire, nagkita kami ni Marvin kinagabihan. Exklusibong Explosibong Expose! Pornstar na naman ang lolo mo. At nakakapanibago, kasi dati bago kami umawit ng pambansang awit (shugal ng flagpole!) eh ngawit na ko... Nung time na yun, sha ang guma-galore ng bonggang bongga, at si Mayor, reding redi na. Fireworks display agad itu!

Tapos, naglakbay-diwa na nga kami ng team ko sa Laguna para maglunoy sa hotspring ng aking Inang na si Malanding Makiling. Niyaya ko sha na sumama sa min, kasi bet ng team ko na makilala ang lolo mo (para dautin ng palihim siguro -- wag naman sana). Pero may-i-decline ang hombre.

Pati starcity adventure eh tumanggi ang binata kasi "Anung gagawin ko dun, wala naman akong telescope" ang rason nya sa kin, sabay tawa. Impernes, muntik na kong maniwala. Dahil di sha sumama, habang inuman sa Pansolita eh nawala pasumandali ang bakla... At kumembot ng palihim (not so lihim anymore)... Kunwari eh bibili ng apple vodka, di nila alam eh apple bongkang ang na-buysung ketch...

Isang Tuesday naman, naka-leave ako sa opis para mag-research. After ng research eh inuman kaming duwa sa recto. Kumusta ka naman, dalhin ba ko sa beerhouse! Habang me gumigiling giling jan na balakang eh inuman lang kami ng plentiful. Nung umuwi ako, nag-inuman din kami ng isang canton boy. Ako ang pulutan.

Nung minsan naman, Saburdey ng gabi ang usapan namen na darating sha, anumpecha na eh wala pa ang bowa. Eh halata ata ng canton boys -- the whole pack -- na ininjan na naman ang lola nila, kaya meh=ga volunteer na dadamayan daw akeiwa sa kalungkutan. Yung isang kumpare ko eh more than pagdamay pa ang willing ibigay. Dahil nga ininjan eh napabili kami ng canton at nagluto na nga sa bahay.

Habang kumukulo ang noodles, biglang me kumatok sa pinto. At bumulaga na nga sa lahat ang bulto ng lolo mo sa porch. Buti na lang wholesome pa kami nung dumating sha, kaya kumain lang ang mga boys at gumora na. Shempre kaming dalawa nag-inuman na naman hanggang alas singko.

Kinabukasan, pag-uwi nya eh kumatok si kumpare para makilaro ng psp.. Habang naglalaro ang lolo mo, nilalaro ko na rin ang joystick nya. Hay naku BM, makati ka pa sa gabi. Tinalo ko pa mga higad sa kati. At pwedeng pwede kong sabihin na "Ganito kami sa Makati" kc binay na binay lang ako sa pagka-caladryl.

Wala pa pala yung tatlong magpipinsan na kinakarir ko ngayonchi. Nakilala ko yung tatlo sa team building ng org namen.. Wholesome naman itu, super caring nung tatlo, may respeto sa nakatatanda (mga hayuf!) at may paggalang sa pagkababae ko. Todo bonding kami sa Sanctuary sa Antipolo, at nung uwian na eh ngalngal ako ng ngalngal mag-isa sa balay kasi home alone na naman akeiwa.

Buong linggo akong kinilig pag nagtetext si Bhebhe ng good morning araw araw ng walang palya. At pag nagme-message sa kin si Baby sa FB, calling me "my baby Jabo" na miss na miss na nya. At nung nakita ko sa xmas party si Bhie na titig ng titig sa kin na kala mo eh kinakabisado ang aparisyon na baka bigla na lang mawala. Sabay yakap pa ng yakap at ngiti ng ngiti. Nakakakilig. Nakaka-flatter. Nakakawindang.

Last Saburdey nga, imbis na si Budwire ang kasama ko, yung tatlo ang nasa bahay. At eto ka ha, kumapit ka sa bakal, kasi yung isa, si Bhie seryoso daw sha.

BM: Weh?
Bhie: Kala mo naman to pinapaasa. Wala ka bang tiwala sa ganda mo hehe...
BM: Aba, kala mo sa kin kaladkarin? Manligaw ka muna. (pakipot?!)
Bhie: Eh di manligaw. Pakipot.
BM: (halata ba?) Kumuha ka ng number sa guard.
Bhie: Meron na. Kelan pa ba kayo ng bowa mo?
BM: Last month lang.
Bhie: Pwede pa yan...
BM: ?! (clueless si bakla, mukhang cartoons na nakanganga at luwa mata)
Bhie: Basta.

Ang ending, sabay kaming naligo. Walang nalaglag na sabon. Shampoo lang.

Kung gano ko ka-attached dun sa tatlo ngayon, tsaka dun sa lider nila na parang nagiging best friend ko nowadays, ganun naman ako ka-detached ke Budwire. Sa 15 messages nya, tatlo lang ang reply ko. Sa inuman namin, tulog ang ending. At nung last na dalaw pa nya sa bahay, pancit canton lang pinakain ko sa bowa ko.

Meron kasi kong gut feel na me mali eh. Merong something na di ko ma-explain. Me "someone" na di ko kilala. Gento kasi yun...

Me nagtetext sa kin gamit ang phone nya. Nung una ang akala ko si Budwire un. Kasi pag pupunta sha sa haus yun ang gamit nya. Nung minsan na tumawag ako, sumagot naman sha. Pero nung minsan, magkasama kami, nagtext sa kin yung number tinatanong kung kumusta na ko at kung kumain na daw ba ko. Eh kasama ko nga sha!

Tinanong ko ang lolo mo, sabi nya "Mama ko." Wow. Kumusta naman yun. Ang sweet naman ng mama mo. Nung lasing na sha, pinsan naman daw nya yung nagtext. At kinabukasan eh kapitbahay daw nila yun, nakikigamit lang sha ng phone.

The only time na nagkembutan kami, it was not what I was expecting. It wasn't explosive. Wasn't even sweet. Parang he was just going through the motions, for the sake na magkembutan kami kasi gusto ko. It wasn't memorable. Wala lang.

I know this doesn't give me the right na maging unfaithful. Kahit pa anong sabihin ko na feeling ko eh me tinatago sha, still I shouldn't cheat on him. I'm wrong. Pero kasi, sa pagkakakilala ko sa kanya, kung pag-uusapan namin to and I'll explain yung mga gut feel ko at mga kutob ko, isa lang ang sasabihin nya. “Basta wag kang magselos."

We never had a meaningful conversation. Hindi bagay sa kanya eh. Feeling ko di nya ko maiintindihan. Di sa ina-underestimate ko lolo mo ha. Ganun lang talaga.

Feeling ko minsan, ako si Melay kasi di ako makapaniwala. Sha ang Jason ko. Di kami bagay. Minsan naman para kaming si Kimmy Dora. Ako si Kimmy kasi andami kong ineexpect sa kanya, sha naman si Dora kasi para shang... si Dora! Anu ba itu... Kaya mga mare, napapakanta talaga ko ng "Sweet dreams or a beautiful nightmare..." Sobrang gandang panaginip ko pa sha ngayon, pano kung maging isang haggard na bangungot sha balang araw?

What's it gonna be? Dreadlocks or cornrows? “Too good to be true” or “some good things never last”? “Together forever” at “Never gonna give you up” ni Kuya Dick? Or “I love you goodbye” ni Mareng Celine?

Whatever it's gonna be, one thing is for sure. Kung anuman ang mangyari, this time, wala akong karapatang mag-inarte.

12.20.2009

Fides the Unfaithful (Part 1)

I just changed my status in facebook from "single" to "in a relationship"...

Then I cheated on my boyfriend.





Backtrack tayey mga beki ha...

Sa shugal ng pag-a-updeyt ketch ditey, baka forgetsung nyo na ever si Budwire my Budwire... Sha yung kembot ketch na winner sa paggigisa ng noodles.. Na nasabit sa "budwire", me uncle na me "bulltroop vest"... At favorite song "ekshushuner"... Kras nya si "Anne Cortez -- anak ni Rex Cortez... At gusto nyang uminom ng GSM blue at "kubra".

Me mga bago sha impernes..

Kuya nya raw member ng Philippine team sa bunong braso (meron bang ganitey?) at ang kuch (coach) nya eh si Pridi Wib, tatay ni Hobert Wib, yung nakakulong.

Napag-alaman ko na kung anu ba ang namesung nya sa prenster na wiririt nya sinasabi before.. Nagpagawa kasi sha ng new account, nung tinanong ketch anung shungalan ang type nyang isulat, sabi nya si Mr. Pak daw. Ask ng bakla "Anu ispeling?" Yung sa pakyu... Gusto ko apelyido "Yu"... Joray, fil-chinese ampotah... Mr. Pak Yu...

Gusto nya eh "Dadoods" ang tawagan namen. Wichikels ko knowings why oh why ganitech ang shuwagan namenchi.. Pero pag nagtetext ang lolo mesh, laging "Dadodz, oh kaya minsan eh shala naman, me "h", as in "Dhadodz" oh khayha eh "Dadhodz".. O dhi bha?!

Lagi daw shang kinukuyog ng mga supesor sa school. Buti na lang magaling shang umiwas.

Tuwing nagkukwento yan, he refers to himself as the "beda"... Kala ko dati dun sha nag-aral... Yun pala beda sa pelikula ang meaning nya... Ako kaya ang leading lady? Ewan ko ba, feelingerong akshon istar ata ang bowa ketch, kasi laging me konek sa baril, at basag-ulo, at rambol, at granada ang kwento ng "beda". Tapos, yun nga, 3rd person ito lagi:

Tang-ina, di nila kaya ang beda. Uubusin ko lahi nila.

Tinadyakan nung isang tambay ang beda, tapos nung nakasalubong ko sha, tinanong sha ng beda, ayun humingi ng pasinsya.

Kahit kasama ng beda ang syuta nya, pag me away, dapat wag aawat ang syuta. (Ako ata yung tinutukoy nya, pero neve rpa kasi ketch tinawag ninuman na syuta kaya witchiririt ko alam.)

Tapos, kumusta naman ang soundtrack namin pag umiinom: kung kailangan mo ako, kidrock, ako ay nagbalik, slapshock, lenken park, dis-tur-bed (tinanong nya na ko pano i-pronounce toh kaya tama na sha), the speaks, MY WAY, at suskopongmahabagin... Willie Revillame medley. *trip lang naman daw -- three times na shang nagtitrip sa playlist na toh*

Inuna ko na yung mga bloopers, kasi yun ang super daling ikwento. Yung mga susunod na part, malamang eh ikabuset mo na. You won't like me after this. I know. I don't like me nowadays either.

November 29, sa gitna na naman ng umaatikabong tagayan ng tequila at lemon, di na ko nakatiis. Nagtanong na ang bakla: "Ano ba tayo?" Di lang yun dala ng alak, dala na yun ng malanding espiritu na sumanib sa pagkatao ko. Ate Beth, isdatyu?

Sagot ng lolo ko, "Ikaw lang naman iniintay ko eh. Anu ba gusto mong maging?"

"Gusto kong maging supesor." ay mali. "Gusto kong maging tayo."

"Eh di tayo na. Baka lasing ka lang?"

"Di pa ko lasing," sagot ng bakla. "Ilan ba kami?" mabuti nang malinaw.

Kung pano nya sinabi yung "Di naman ako bayaran" nung first time ko shang makilala, ganun din yung expressions nya nung sumagot sha ng "Wala ka namang kahati."

"Sa kin me kahati ka. Pano yun?" tanong ko uli.

Parang natigilan ang lolo mo. Sabay sagot ng "Wag ka lang papahuli. Gugulpihin ko lalaki mo." Arrraaaaayyyyy.... Natapakan mo hairlaloo ketch!! Bakla paa mo!!!

Di ako gullible na tao, at sigurado kong mautak pa ko sa mga magugulang at madudupang sa kanto nyo. Kaya pag napaniwala mo ko, kundi ka nagsasabi ng totoo, panalo kang mamburaot kasi napasakay mo ko.

Sumakay naman ako. Or naniwala.

Ewan ko pa.

Basta that day, officially, mag-syuta na kami ni Budwire...

On that day as well, I started cheating on him.

12.13.2009

Status Updates

Pasinsya na po mga dakila kong fans (tatlo na kayo: Bibiana, My at Estrella) hihihi.. Andami! Kakaloka! Churi churi kasi witchikells akeiwa nag-a-update. Update! Update! Puro na lang update!Najejebs ako! Najejebs ako! Hehehe *Kimmy Dora mode*

Anyhoo, mega ia-apdeyt ketch kayonchi. Now na!


Three weeks ago:

Ahaha mabibinbin muli ang pagkembot ko ditey... Kasi naputulan akeiwa ng interwarlanet kaya waiting for porerber lang ha mga beki... Dami ko kwentu.... Shoutout sa FB:

Di nagbayad sa BayanDSL. Goodbye intechuvanet. See you soon.


Apter a few days:

Sus mio, naikabit na intergalacticnet ko wiririt pa rin makasulat ang beki.. Busy sa paghimas sa pechay baguio.. Kinikilig ampotah! Kaya mega apdeyt ng status ang bakla:

I'm SOOOO back! I missed you manong intercheneznet.


Two and a half weeks ago:

Binabalahura ako ng prof ko sa iskulilet. Paulitin ba ng lahat from scratch! Wrong wrong daw lahat. Kumusta naman, ang layo ng tinalsik ng kilay ko. Ayun, nakareklamo na sha sa CHED. Hihihi... Shempre adik sa FB, kaya:

Reglabelles mode: ACTIVATE!


Month-end ng Nobyembre:

Friday pa lang, Pansol-bound ang kipay ng BM... Team chorvah namen sa opis... Umeksena ng bonggang bongga. Mga madaling araw, nawala at mabuhay na mag-uli bago sumikat ang Dakotang Araw. Naghanap ng wifi spot at nagwika:

Having a blast with my team. Ang OC ko lang.


Saburdey ininjan akeiwa ni Budwire. Dapat 9pm nasa haus na pink na ang lolo mo, walang naganap na pagdating. Paghihintay lang. Kaya ang shout out ng bekbek:

Love is such an overrated thing. I get it now.


Eh kinabukasan, Linggo. Sumulpot sha bigla sa pinto ng haus ketch, me pasalubong na ngiti at halik. Nagbago ang ispluk! Naging:

BM is inlove. Parang lang...

Naging "in a relationship" din ang kipay ko.. Kasi that day, officially, me bowa na ko uli.


Makalipas ang isang linggo uli:

Team building ng org namen sa charch. Yesterday, isa akong maharlikang ipokrita.. Ahmm, di naman, knowings naman nila na silantro ang beki mae.. Basta tama daw ang pamumuhay, kahit beki keri lang. Lab lab pa ren akeiwa ni Papa Jesus. Sana lang tama nga ang landas ko pag di ko sila kasama davah naman?! Aktibo bigla ang FB, daming new friends to add, new kembots to nourish.

Sobrang ispeysyal ng experience ko ditey, me tatlong magpipinsan pa kong naging babies: si babes, si bhebhe ko, at si bhie... kaya me separate blog toh mamaya.. Hehehe... At ang update ko ke budwire, mamaya rin hehehe... Shempre update na rin sa bloopers nya hihihi...

Walang status-status. Puro emote. Kasi matapos kong sumaya ng bonggang bongga sa team building, super na-depress naman ako kasi pagdating ko sa bahay... Empty. Mag-isa na naman ako. Isang linggo akong bangag, me hangover ng dumaang team building. Napasulat tuloy akeiwa ng blog ulit... hihihi!


At ngayon nga:

Kakauwi lang ni budwire... Este, Dadoods pala. Yup, yun na ang tawagan namin. And, yeslaloo... Sumuko na rin ang Bataan... Ahihihi... Status:

Tiis-Hapdi.