This is a tell-all blog post. Dahil 2nd blog anniversary ko, I'm gonna open the closet, skeletons and all. I'm warning you, I'm no Imelda. You won't find shoes in there. I was supposed to write this blog for March 7, the actual birthday of BM. Kaso, di ko pa keri. Makirot pa, choz!
Winarla aketch ng friendship kong si Mamaru, ayun ngumalngal ang bekla, di na nakapagsulat. Kung bet mo talagang malaman ang eksena namin ni potah, read on. At kung piliin mong magpaka-judgemental pagkatapos nitong napakahabang post ko, it's your call.
*************
Muntik na kong magpakamatay.
It all started after kong maholdap -- twice on the same night. After kasi ng joldapan blues, waley na kez anda kundi sampung piso. Walkathon akez papuntang sakayan ng Anonas, sa Circle kasi naganap ang karumal-dumal na krimen. Walklaloo akeiwa towards East Ave. para pumara ng jeepelya. On my way eh may sumitsit sa king malaking lalaki.
Ampotah, holdap thrice in a row?! Kaloka...
"Boy, anong oras na?" ask ni Manong. Nag-evaporate ang kaba kez. Wai namang time preference ang mga nyoldaper davah? Ay madaling nyoraw na palanchi, sige tomorrow na lang ako mangjoldap ulit. Me ganitembang ba? Eh waley akez relo, wai ring nyelpown. Deadma na lang sa tanong ng manong, basta waiting for the jeepney houston na lang akengkay sa malapit sa kanya.
Habang nakatayo eh nagka-chance akez na makilatis si Manong. Around 25-27 years old, at ang mata, syet! Piercing at fierce! Bumbayin-look with the balbas to match, jersey shorts at sandong bench, waway na cap, relong mukhang mamahalin, at running shoes. Kundi ba naman papansin, me relo nagtatanong ng oras?!
Wafu sha kung bet mo mga mature na daddy na yuppy type. Eh ganun ang bet na bet ko nung panahong yun. I also noticed, panay ang basa nya ng labi nya. Gusto ko na ngang mag-suggest ng lip balm eh. Ting! Witchiririt sha nyoldaper number 3! Straight tripper versa top bottom bi-curious galore sha! Isang nilalang na giniginaw at naghahanap ng init. Isang higad na kinakati at naghahanap ng tagakamot.
Nawala na ng tuluyan ang kabang nerbyos ko, napalitan na ng kabang malinamnam. Excitement, kuribdib, libog, at kung anuano pang pakiramdam na mararamdaman mo lang kapag me ina-anticipate kang maku-kuracha. Ang galing kasi pag beki sa beki eh, noh? Automatic, waley ng usap-usap. Alam na... Siguro part pa rin ng adrenaline rush ko sa kakatapos lang na holdapan, lumakas na rin ang loob ko. Binasa ko na rin yung labi ko. Nag-send akez ng signal sa mother ship. Take me home...
"Me place ka?" ask ni otoko. Hello, sa edad kong toh, nage-expect kang me sarili na kong bahay na pwede akong magdala ng lalaki?! Wit! Anong place naman ang maipo-provide ng isang nene at bubot na katulad ko?! Umiling na lang ako. "Dito na lang!" ispluk nya na nagpaloka lalo sa kin.
"Huh?!" sagot ko, sabay linga sa paligid ng Elliptical Road. Clueless ako. Nasa gilid kami ng kalsada, puro mga punong pabaliktad ang dahon ang nakatanim. Ayon sa research ko Indian Tree daw ang showag sa mga itey. Ni walang mapagtaguan, kasi after ng puno, pader na. "Saan?!"
Pumasok sha sa pagitan ng mga puno. Presto! Instant pwesto! The trees completely hid him from my sightsung. Madilim pa so invisibility cloak talaga itu. Sumunod ako sa lolo mo, and we did our business. Walang kyeme akong nakipagbongkangan sa anino ng mga dahon. Keber na sa bagansya. The things we do when we were young! Hay! Spell shunga to the highest level di bah?! Ni waing proteksyon, waley inspeksyon, wit sa apprehension. Ang plenty lang sa min, injection at insertion! Kaya ayun, a week later ang nakuha kez... infection.
After a week, ang katimora ng pechay kez. Medyo may kirotlaboom yung tangkay, itchyness ang malunggay. Di ko ma-explain, pero there's this nagging feeling na di ko mapa-shush-kebab. Basta, makati. Nabubuang na ko sa kakaisip. I went to the person I trusted the most: si Aveno.
Pero pano ko sasabihin sa kanya yun?! Ni hindi nga nya alam na beki akez. Ilang buwan pa lang kami magkaibigan, almost a year pa lang. Pano ko ikekembular ang takot ko? Anong sasabihin ko sa kanya?! Tol, samahan mo ko, me tutoot ang tutoot ko! Ganitrax?! Bahala na...
Di ko na maalala kung gano ko kangatal habang nagtatapat ke Aveno. Yun na ata ang pinaka-nakakalokang moment sa buhay ko. Ang hirap kayang umamin na beki! Mas mahirap sabihin na pakiramdam mo eh "I'm horribly sick" at "There's something inside of me..." Kailangan ko ng kasama. In fairness to Aveno, mahal nya talaga ko. Sabay kaming umiyak, habang pinagagalitan nya ko, at the same time eh nashoshokot sha para sa kin.
Sugod kami sa Madocs. Sha pa kamo nag-paysung sa talent fee ni Doc. Napa-hum na lang ako ng dis guys in lab wid u paye, habang nakahilig sa balikat ni bez. As usual, hindi cinematic ang dating ng doktor. Kaswal na kaswal, binigyan ako ng reseta at pinayuhan.
"Wag muna kaung mag-sex ang babata nyo pa! Isipin nyo mga magulang nyo na nagpapakahirap para sa inyo! Mga baklang to!" sabay walk-out si Doc. Natulala na lang si Aveno. At pagkabasa nya sa reseta, sabay kaming tumambling: canesten cream! Pak! Anu yun, allergy?! Pantal?!
Pagkauwi, showag akez ke Shame. Kung me mga friendships man ako other than Aveno na pwede kez mapagkatiwalaan, hayskul barkada ko yun. Fresh na fresh pa kaming lahat from hayskul, barely legal ang mga lola mo. Kaya mega pour my heart out ang drama ko kay Shame. Ang lukaret na walang pakundangan, naka-threeway pala ke Tholits. Maya-maya pa, buong IV1 na ata ang nakakaalam. Me sistema na kasi kami kung sino ang tatawag kanino. It all starts with "Ate, alam mo ba....."
Nagpulong-pulong kami sa balur nila Mama Yda sa Sampaloc. Cry-cry akez sa aking mahal na barkada. It was the darkest moment of my life. Feeling ko, katapusan na ng mundo. I couldn't even tell Bibiana! Yung psychological aspect, siguro yun ang pinaka-tough. Kasi di ka makatulog, di ka makakain, di ka maka-kandirit man lang. Lampayatot si bakla, kala mo eh natalo sa sakla.
It was terrible, but it was a relief to talk about it. Sa piling ng mga ate ko (at ilang kuya), I was able to release all the fears and anxiety. Nagpaka-Nicos talaga ako, as in "Sige lang beki, ibuhos mo!" I'd trust these guys with my life. Napagkasunduan namin na kumembot sa San Lazaro. Kaka-paranoid pala dun! Feeling mo, pumipirma ka pa lang sa logbook, nasentensyahan ka na ng Aida Macaraeg. More than the checkup, may counseling din si Doc, tsaka reminders, mga dos and donts at ilang things to bring. And then we went home.
Bakit ko kinuwento ito? Hindi dahil sa recently lang nangyari to sa kin. You see beki, it happened in 1999. More than a decade ago. Yung super dark na pinagdaanan ko, ibinaon ko na sa limot. Waley nakakaalam ng eksena, except for a few trusted friends. I'm writing about it now, kasi naungkat sha ng bonggang bongga last week. The night I was supposed to post an anniversary blog kemerot, nakipag-warlahan ako sa isang kaibigan.
Gento yun. After namin magpa-check up at maiayos ang lahat, I moved on. I healed, I got better, I became more careful. Eventually, naging private joke sha ng mga ate ko sa kadenang bulaklak. Knowing them, makakakita talaga sila ng katatawanan sa lahat ng eksena. Nung una eh
nakikihagalpak lang ang BM. Hanggang sa napansin ko, aba teka, parang wit na ito joke time. Parang ouch na. Konting kibot, tulo na. Konting kamot, suyod na. Konting kati, kuto na.
Dahil drama queen at confrontation goddess naman akez, I passed a bill about it. Naging taboo ang mga words na may kinalaman sa aking "previous sickness". No one mentioned them anymore, kasi nga I felt really offended na parang ikinahon nyo na ko, di nyo na ko hinayaang itama ang mali ko. Hayaan nyo naman akong mag-move on...
Nagpatuloy ang buhay. Close pa rin kami ng kadena. Madalas andun kami sa haus ni Mamagan at naglulumandi. O kaya naman eh gora sila sa bahay na pink, na naging bahay na baby blue, na naging House of Sonya, na nalipat uli sa Tore ni Totong, at etong huli nga, ang bahay na walang kulay. Sa bawat lamyerda, landian at kuda session eh nauso ang refer-a-friend at suggest-a-friend. Kami ni Mamagan, me sariling mga market. Me set of boys sha, me sarili akong set. Si Mamaru, waley. Hand me downs at pahiram ng ligaya ang eksena nya.
Kinalaunan, si bakla, di na nakuntentong manghiram ng mga nakaw na sandali, sinimulan nyang i-violate ang lahat ng rules sa The Beki Code. Spell-galema talaga, as in nalulusutan kami ng biik sa kalandian kaloka! Una pa-text text muna, ia-add sa FB, gagawa ng account gamit ang picture ni Mamagan, maninilaw ng pera, o kaya naman eh kinembot na ng isa, papaliguin nya lang at kekembutin din nya. Eeeww, hugas lang ang katapat.
Naiirita ka na ba sa haba? Sensya na, naipon eh. Mabalik tayey, last Friday, nadulas si Mamagan. Ispluk ko kasi, si Marvin winner sa size. Kuda ni bakla, "Oo nga, malaki daw sabi ni Mamaru." Napataas ang kilay kez, sabay usisa ng "Pano nya nalaman?!" At dun na nagkalabasan ng mga bomba. Aparently, last year habang nasa retreat akez, iba pala ang nire-retreat ng Mamaru. Kinembot pala ni Medusa si Marvin, my kulakadidang.
Na-irita avila akez. Kasi nga, beki muna bago lalaki di ba? One-week rule, lalaki lang yan rule, magpaalam, respeto, etsetera, etsetera. Nabuset talaga kez, kasi ilang buwan nilang kinimkim ang lihim ng diary. Bat di pa nila sinabayan ng pagpapasabog ng bomba sa katawan ko, sabay tawa ala-Selina Matias?! So dahil iritation galore ako, ispluk ko "Wag mo munang ipapakita sa kin si Mamaru baka mawarla ko lang sha.
Kinabukasan, swim-swim akez with my kababata. Ang Tena, Summer Special The Reunion. Go kami sa Antipolo. Habang kumukuda akez sa mga childhood desires ko, aba mega showag ang Mamagan at on the way daw sila sa balur ng beki. Ay waley akez sa haus, wit kayo gumora! And besides, di ko nga feel makita si Mamaru. Go away mga beki, I'm busy. Ang mga bakla, nagpilit. Ayun, napauwi kami ng maaga para lang sa dalawa kong friendship na mahadera.
Pag arrival ketch, beso-beso, kuda-kuda. Express yourself si bakla: "Bakla, me kasalanan ka pa sa kin. Tae ka pati si Marvin kinuda mo. Waley ka na talagang respeto sa mga ate mo. Lalaki lang yan teh, pwedeng arborin basta magpaalam."
Eh imbyernadet sembrano na talaga akez, kasi ang taktika ng bakla eh maang-maangan. "Ako? Ate wala akong alam jan. Anu yun? Wala naman ah. Di ko alam. Hindi ah. Wala yun. Ako? Wala." Si bakla, binabakla pa ko eh pareho naman kaming green ang palikpik. Sige gusto mo bardahan ha. Battle gear, activate!
"Bakla, kulang ka na kasi sa respeto. Ewan ko ba. Lalaki lang yun, bat di ka magpaalam?! Tas nagsisinungaling ka pa. Hay naku, hangga't di ka nagso-sorry, hangga't di ka nagbabago, di ka welcome dito sa bahay ko. Umuwi ka na nga! You're not welcome here." Sabay alis ako ulit at uminom sa beer house sa labas. Andun pa kasi sila kababata.
Pagbalik ko sa hauslaloo, um-exit na daw si Mamaru, walkout ang drama. Nasaktan daw sha, kasi napahiya daw sha sa ginawa ko. Me trauma na kasi si bakla pag pinapalayas sha. Nung bata kasi madalas ganun ang gawin sa kanya, kaya nung professional na eh isinumpa nya sa sarili nya na wala ng makakapagpalayas sa kanya ever. Di ko lang sure kung lumuhod din sha sa putikan habang kumikidlat at sumusumpa sha sa langit.
Wa ako care. Nagtext-text muna kami. Ang point ko kasi, mag-sorry sha. Kasi naiirita ko na parang dahil lang sa lalaki, kelangan nyang magsinungaling sa kin. Eh di ko naman bowa yun, so bat di na sabihin. Kung gusto nya eh di kanya na. Kasi nga, di ba, lalaki lang yun. But no! Mag-sorry muna sha.
Si baklang Mamagan, gatong talaga. "Beks, mag-online ka sa YM, basahin mo status ni bakla." So online naman si bakla. Ang bumungad sa kin eh gentong status. "Respeto? You couldn't even respect my password." Dedma. Di ako guilty. Kasi yung Tagged Account ni bakla, naiwan nyang naka-login. Pinalitan ni Mamagan ng picture, at pinagme-message lahat ng lalaki ng mahal na kita, magsama na tayo, sayo na lang ako, kunin mo na ko, ikaw ang lalaki para sa akin, at kung anu-ano pang kabalbalan. Dahil di ako ang gumawa, keber.
Eto na... Maya-maya nag-iba ang status. "I have a new password. Hint: K_T_" Dun na nagpanting ang tenga ko. Taena! Ilang taon na yun! Kung maari nga ibaon ko na sa baul, alam nya na nasasaktan ako pag ginagawa nilang katatawanan yung nangyari, kasi it was a difficult time for me. Gano ba kahirap psychologically, emotionally yung pinagdaanan ko?! I went through hell! Tapos, gagawin nya lang katatawanan?! He'd make it a punchline to hurt me?
I exploded. Galit na galit ako! Tangina talaga! Pinagmumura ko sha sa text. All I was asking was his apology! Mali ba ko? Was he angry enough to use it against me? He was way out of line. It was one of the darkest days of my life, and I chose to share it with them. Even writing this now is difficult for me! How easy is it to admit that you had STD?! Even if that was more than a decade ago, it was a part of my life that I chose to divulge to them, and I told that to them in confidence. And for him to make fun of my trust was unforgivable.
Nagpalitan kami ng masasakit na salita. Kung maldita ako, nagulat ako kasi mas maldita sha. And he was so angry at me. Lahat na ata ng mura nagamit ko sa isang tao. It was a first. Di ako mahilig magmura, lalo na yung mura na I really meant it. Usually pag nagmumura ako, taena, potah, syet, pakyu. Murang gaguhan lang. This time, I meant every word that I said.
Lahat ng putang ina mo, gago ka, tarantado ka, sasapakin kita, paduduguin ko yang bunganga mo, ahas ka, malibog, bobo, baboy, fuck u, lahat na ng pwedeng mura na sabihin, sinabi ko na.
Eto naman ang mga sagot nya.
"Putang ina mo rin! Gago ka rin at yang mga kuto mo gago! Di baleng bobo wag lang kutuhing bakla. Hindi mataas ang lipad ng kuto, wag kang ambisyosa. Di lang kuto bagay sayo animal ka! Gupitin mo ulet yang ulo mo at bulbol mo baka may natira pa! Dapat sayo lapain ng isang higanteng kuto! Di lahat alam mo gagong bobong kuto! Ano paduduguin mo bibig ko? Subukan mo papatayin kita!"
"Yung medal mo sabit mo sa katawan mong puno ng kuto! Ako pa walang breeding? Kaw nagumpisa magmura tarantado kang gago ka! Tanong mo sa sarili mo kung saan galing galit ko! May medal ka di ba?! Tanong mo sa medal mo o sa kutuhing katawan mo! Ako basura? So kapag ikaw nagmura kaw ang may breeding? Palibhasa dog breed ka! Anong breed ba ng kuto meron ka?! Cold blooded! Demonyo ka! Pacheck up ka at dayain mo para pumasa ka sa medical. Ie-email ko sa lahat ng embassy dito sa Pinas name at kuto mo!"
I was so hurt. It was one time of my life. Isang beses lang akong nadapa. And I asked for their help, for their friendship, I needed their strength, I relied on my sisters. Tapos ngayun, ginamit nya yung masakit na karanasan kong yun para saktan ako ng paulit-ulit. I'm not innocent sa away naming to, pero I was so hurt, I was ready to kill myself.
Nabasa ko sa blog ni Boy du Jour na walangya, dapat pag magsu-suicide ka, nasa hot tub, upright position, at para wag mag-clot ang dugo dapat mainit ang tubig. Nagpainit ako ng tubig, pinuno ko ang bath tub, bumili ako ng blade. Then I wrote my suicidal letter. I was not committing suicide because I felt bad for myself, or I was having a bout of self-pity. I was just so angry, I even wrote in the letter that I killed myself because of him, and he is to blame. I was crying all the while I was writing my letter, and I was in front of my laptop looking at my friend's list at facebook.
Dahil likas naman talaga akong emotera, I was saying goodbye to the pictures and friends that I was seeing. I was imagining what it would be like when I die. Sinong pupunta sa burol, sa libing, sinong iiyak, anong kanta patutugtugin, anong isusuot ko, makakauwi kaya si Bibiana. I was so selfish. Nasa ganun akong state, ng mag-message si Caipanget.
Si Caipanget eh friendship ni Waldo. Siguro emotera lang talaga ako, pero di ko rin naman kayang ituloy ang pagpapakamatay ko, nag-emote ako ke Caipanget. Sa kanya ako nagsabi ng gusto kong gawin. Habang nagcha-chat kami eh ngalngal ako ng ngalngal. He was more than comforting me, he was actually asking me to "postpone" it for another day. Di lang kasi sha makapunta sa bahay that time, pero bukas daw pwede na sha. "I'm expecting to see you in one piece. Dapat may makita akong BM bukas ah! Miss ko na yun eh." were his last messages.
Nagkita naman kami kinabukasan, and I told him everything. I postponed my plan. For good. I wasn't that selfish. And I decided to move on. Kaya nga nakaka-blog na ko ulit eh. Nag-inom na lang ako every night of this week. Nagpaka-busy sa school requirements. Got my diploma sa masteral last Wednesday! Comprehensive exam sa isa pang MA sa linggo. Gumawa ng narrative reports, case reports, case studies at take home final exams. Gradually, I felt better, and that was when I got to write this loooooong post.
Nung lasing na ko sa Amarula at Jose Cuervo, nag-sorry si Mamaru pero di ko tinanggap. More than the pain of being betrayed, mas masakit yung feeling that I've lost a friend. I've lost a sister. He's dead to me.
At wala na kong pakialam kahit malaman ng buong mundo. After all, it happened ng napakatagal na. It's time to move on. Siguro kaya big deal pa sha sa kin hanggang ngayon, kasi kinimkim ko yung takot, and I chose the wrong people to tell it to. And yes, maaaring maling tao na naman ang makabasa nito, at may manlait, magtawa, mandaot, or may manlibak na naman sakin because of what I wrote. Care ko?! Di naman ako care bear.
Telling this carefully guarded secret to this blog frees me from all the pain and hardships. I hope people reading this learns a thing or two. Maging safe. Maging protektodo. Never do it with someone you don't know. And never do it in the Elliptical Road.
I wanna be a lesson, not a punchline.
your a stronger person now.....bm
ReplyDeletepast is past ang nkaraan ay ituring mung aral.... ang mga nkasakit sayo ay isipin mong pagkain sa katawan na pag na-digest itatae mo n lng....
sabi nga sa ibang mga blogs at mga quotable quotes, the past will haunt you. The good thing about your experience is that you learned a valuable lesson.
ReplyDeleteAbout the friendship na nasira. Its like a breakable glass. You can attempt to mend and fix it but in the end, there are some specs that you will no longer bring back. May lamat na, may crack na. It will never be the same.
LOL @ Care ko?! Di naman ako care bear.
ReplyDeleteBM, wag ka magsuicide, okay?! we love you! mwah mwah! :)
Carrier din ako ng Infection like yours b4, at dahil hndi ako aware sa health ko yun ang dinulot ng aking kalanturan. Nagsilbing aral at di na mauulit pa. Lakasan lang tlga ng loob na humarap sa Doc at magpagaling coz it'll cause of your death pag di naagapan.
ReplyDeleteBe strong beki!
The Show Must Go ON .. (.--)
teh bm,lahat tayo dumadating sa punto ng buhay natin na gusto ng sumuko,pero sana wag mo sayangin ang buhay mo,the way I see it e mabuti at masayahin kang tao,at madami kang naiinspire na beki.Pray ka lang at malalampasin mo din kung ano pinagdadaanan mo ngayon.God bless:)
ReplyDeletehindi maluwag sa dibdib ang me galit sa puso. just forget the "deed" but dont forget the person. its a test and u passed, eto lang ata ang matagal mong naipasa kasi you kept it so long. good luck!
ReplyDeletenaku, huwag na huwag mo nang uulitin yan, bakla ka. lahat naman tayo nagkakamali... nadadapa. bangon lang dapat at huwag magpapatalo sa mga pagsubok sa buhay. luvyah, mare. ingat always. :)
ReplyDeletenever let all your hard works to be the person you are right now be put to waste by ending your life just like that. bring it on beks.. xoxo
ReplyDeleteBM, na miss kita, mga posts mo. at least you have come to know who your real friends are.
ReplyDeleteyou'll be good...and you are a wonderful person... :)
hugs hugs BM. kaya mo yan. isipin mo na lang, Mamaru needs you more than you need him. hahahaha. maldita.
ReplyDelete:D
ReplyDeleteYou will always be more than what meets the eye
Happy Blogsary!
yan ang isa sa pinakamasakit na parte ng buhay, ang masira ang tiwala at mawala ang pagkakaibigang matagal na inalagaan.
ReplyDeletewhen i broke up with my ex, the most painful part is losing the best friend i had for more than 3 years.
sad but true. anyway, what is important is we learn from the things in the past and look forward for the things in store for us in the future. :)
i want to send a you a private message. pleaaaaaaaaaaase i beg of you reply to this.
ReplyDeletehaaaaaaaaaaay BM...
ReplyDeletenagiging multo lang ang nakaraan pag hinayaan mong takutin ka nito...
kaya i'm happy na malaya ka na sa multo ng nakaraan mo....:)
teng, may mas malalang STIs at STDs ang iba nating kapatid. Hold on. good to hear you're all well.
ReplyDeletehttp://akosicinderella.wordpress.com
Glad to hear you didn't push through with killing yourself.
ReplyDeletePlease spread the word. If there's anything I can do to stop a suicide, I will. I'm not encouraging it.
Hi BM, ngayun lang ako nagpost dito, But I've been an avid reader of your blog since 2009 pa..
ReplyDeleteWag kang susuko.... Kaya Mo yan.. ang sabi nga, hindi tayo bibigyan ng pasang krus kung alam ng diyos na hindi natin toh kakayanin..
I can relate to your situation.. Lahat naman tayo may mga pasts na pilit natin kinakalimutan pero lagi naman tayong hino-haunt.. Maswerte ka kasi finally pinakawalan mo na rin ang sarili mo sa nakaraan mo. Siguro blessing narin yung nangyari... Magpakatatag ka... magtiwala ka lang sa diyos... : )
Remember BM: There can be no rainbow without a cloud and a storm.
ReplyDeleteKilling yourself won't be the answer, and it will never be.
God gave the heaviest burden to those who can carry its weight. And god know you are strong to carry it thats why he gave it to you. :)
wala kang dapat ikahiya..!and i know that it took so much courage to share this loooong story..but i admire you for doing that..!it makes me realize so many things and i thank you for that too..!we are just human..we are created to make mistakes,,mistakes that will make us a better person at the end..!so keep it up BM and Godbless you teh!
ReplyDeletewelcome back from the brink...sayang naman ang mga lalaki na darating pa. at hindi pa ako nakapasyal sa iskwater..
ReplyDeleteCLAP CLAP CLAP CLAP CLAP CLAP CLAP CLAP
ReplyDelete(standing ovation pati)
for both sa life experience-always be strong and hold on, life is never easy, you just have to live it and love it and sa literary juice- winner ka teh, to savor the anger, the pain, the love as well as the happiness sa iyong looooooooong story! Brilliance!
Basta past is past... nawala man sila.. o nasira man kayu... ang importante yun commitment mo sa sarili mo... dapat un ang panalo... yun ang lagi sa titulo mo... ang maging totoong tao sa lahat ng kakilala mo!
ReplyDeleteUr still BM..... even without him!
Anong gamot sa kuto?
ReplyDeleteBM panindigan mo ang pagkakamali mo. Wag mong takasan. Ang mahalaga natuto ka. Natuto ka nga ba?
Hay naku... minsan naisip ko na rin yang gawin. isip lang ha... di ko ginawa. Pero di ko na kailangan pang lumayo at maghanap para makita ng ang mga pinoproblema ko ay sobrang walang kwenta kumpara sa mga problemang dinadala ng ibang tao sa paligid natin. Lumingon lingon ka lang sa paligid at makikita mo sila. Na kahit gaano kalaki at patongpatong and problema't paghihirap nila... nagpipilit pa rin silang mabuhay.
Pag nakikita ko sila, nasasabi ko sa sarili ko... ang swerte ko pala.
First time ko nabasa blog mo, gumulong ako sa katatawa! hahaha! Keep on posting! at sana ma-meet din kita ng personal one day. Ang galing mo! :D
ReplyDeletereading all your blogs..cant resist to turn it off..funny and eally works of brilliant mind! keep it up!
ReplyDelete