3.25.2011

Triquetra

Awat naman sa mga lalake -- mga frendships ko namang beki. Lagi kong nababanggit ditey sa blogelya kez sina Galema at Medusa. At shempre, akengkay si Valentina. Kumusta naman, ginawa ko tong draft na to Dec. 25 pa! After 3 months natapos ko rin. It's actually a tribute to my two girls: Sailor Mars and Sailor Pluto.





Kaming tatlo ang laging magkakasama sa mga gimik-badet ng aking adult life. College classmates ko ang dalawang beki, at impernes friendship for life na to, sure ako. Lahat ng mga eksena na pang-tatlong tao inaangkin namin.

My Valentine Girls kami nung isang araw habang umoorder sila sa Chowking at bumibili naman ako sa Mercury Drug.

"Miss chao fan nga at pork lauriat." ispluk ni Galema.
"Sige po sir i-serve ko na lang. Ano pong name?"
"Solenn. Solenn Heusaff."
Biglang humabol ng order si Medusa.
""Miss ako rin Sweet and Sour Pork Lauriat."
"Sige po sir. Ano pong name?"
"Rhian. Rhian Ramos."
"Yung isa naming kasama bumibili pa ng gamot eh."
"Sino po sir? Si Lovi Poe?"
"Ay hindi, si Eugene Domingo."

Potah ako pa naging si Uge!

Originally talaga eh Charmed Ones kami. Kasama si Piper na nasa Dubai na ngayon, kaming apat ang Haliwell Sisters. Ako si Prue, si Medusa si Phoebe, si Galema si Paige. Minsan habang umiinom or lumalafang, biglang io-orb ni Paige yung mga lalaki, or magkaka-premonition si Phoebe. Wala na kong pwedeng gawin kasi patay na raw ako, season 3 pa lang. Pakshet!

Pag news anchors naman sa TV Patrol, si Galema daw si Chesca Litton; si Medusa daw si Phoemela Barranda, at -- potah -- ako daw si Karen Davila, ngayon naman ako na daw si Korina.

Sa tuwing magkakasama kami, sharing of knowledge kami lagi. Mula pa nung college, talagang kopyahan galore kaming duwa ni Galema, si Medusa kasi competitive. Once lang yun nangopya sa kin, sa finals sa logic. Ampotah mataas pa grade nya sa kin after nya mangopya -- 92 sha, ako 87 -- madami daw kasi akong absent. Si Galema kuntento na sa 82, nangongopya lang naman sha araw-araw eh.

Nung college me tropa kaming borboli. Si Madam. Madam ang showag namin sa kanya kasi sha ang Madam President ng Tiboli Gang. Mejo close naman kami, me ginawa pa nga akong tula para sa kanya na sinali ko sa writing contest sa school. "Ayan na, ayan na, papalapit na sha, lumalabas-labas pa ang dila. Sssssss... Parseltoungue si Madam!" Natalo ko sa contest, di kasi sila naka-relate. Kaming tatlong beki lang ang natawa, saka pala yung iba naming tropa na sila Anntot Dumdum, Rica Papaya, Puto Panes, Divine Slowvenia at Piper the Kundoktor Magnet na ka-join force ko sa Bangkokak.

Pag magkakasama kaming tatlo, laugh trip talaga lagi. Mas masaya kung kumpleto ang tropa, shempre naman. Pero mas madali kasing yayain tong dalawang beki. Basta lunod sila sa aircon sa bahay, at me DVD na mga indie films, gora na sila pareho. SIla ang mga kasama ko sa panunuyod sa mga beki bars, beki spas, at beki shops sa loob at labas ng Anonas.

After namin kumuda, compare notes pa kami lagi. As in, no holds barred. Lahat ng eksena share-share kaming tatlo, just like before. I have a lot of circle of friends, may iba-iba kaming ginagawa pag magkakasama. Basta pag silang dalawa ang kasama ko, asahan mo nang puro kami tawa.

Si Medusa. Sha si Amiel. Sha si Phoebe Halliwell. Sha si Kati-mora. Sha si Beki Mae. Sha ang brains. Sha rin ang top sa aming tatlo. Laging naka-fitted shirt. Kung sa Encantadia, sha si Alena. Kung sa mga child stars, sha si Momay -- Xyriel Manabat! Kung sa matatandang child stars, sha si Cathleen Go Quieng. Kung sa fantaserye, siya si Lyka Ortega. Plangak, Angel Locsin! Kung sa mga shows ni Thalia, sha si MariMar. Kung sa mga lactum endorsers, sha si Claudine.

Si Galema. Sha si Eskey. Sha si Paige Matthews. Sha si Kati-rina. Sha si Beki Lou. Sha ang brawn. Sha ang versa sa aming tatlo. Laging naka-loose shirt. Kung sa Encantadia, sha si Danaya. Kung sa mga child stars, sha si Trudis Liit -- Jilian Ward! Kung sa matatandang child stars, sha si Lady Lee. Kung sa fantaserye, sha si Diosa Agua. Naks, Ann Curtis! Kung sa mga shows ni Thalia, sha si Rosalinda. Kung sa lactum endorsers, sha si Carmina.

Shempre si Valentina. Si BM. Ako si Prue Halliwell kasi ako ang pinaka-bratinella. Ako si Beki Ann. Shempre ako ang beauty. Ako ang true-blue botomesa hahaha. Ako rin ang laging naka-puke shorts. Kung sa Encantadia, ako si Pirena. Kung sa mga child stars, ako si Mutya Orquia! Kung sa matatandang child stars, ako si Analuna. Kung sa fantaserye, ako si Darna. Lumulunok?! Kaw na! Kaw na Marian Rivera! Kung sa mga shows ni Thalia, ako si Maria Mercedes. Kung sa lactum endorsers, ako si Juday.

Etong panghuli nga, kami naman daw ang mga Powerpuff Girls. Naging Tito, Vic and Joey na rin. Tsaka naging Mara, Clara at CG (nauna na ko sa Clara, bahala na silang mag-decide) and worst, naging Bella Flores, Luz Fernandez at Odette Khan na rin.

Along with my sisters sa tropa, the level of friendship cannot be measured. Iba lang yung eksena naming tatlo, kasi nga puro kami beki. Basta loves ko yung mga yun.

Amiel and Eskey. They are two of my best friends. They don't need to tell me I'm theirs. I just feel like we're a team and I love doing things with them. They're a big part of my Bekihood, and life would never be the same without these two pink weirdos.

In life, I never got where I wanted to go. But with them, there's always a great story.



Pic nila na nai-post ko na 2 years ago hehehe...
Wala akong makitang pics namin together.

9 comments:

  1. Sobrang tawa din ako sa descriptions mo sa kanila. hehehe

    ReplyDelete
  2. ang kukulit lang ng description. :D sa matandang artista, lady lee (yung dtaing child actress?)

    wakokokok.

    Natawa ako sa prue, deds agad sa season 3.

    ReplyDelete
  3. happy for you bm...

    sana di na lang naimbento ang bf o gf

    dahil meron na namang tayong friends

    ReplyDelete
  4. Sa tawanan, iyakan, kapalpakan at landian, masayang kasama ang mga kaibigan! =)

    ReplyDelete
  5. kung sa triplets, i wonder kung sino-sino sa inyo sina sheryl, kristina at manilyn.

    at kung sa softdrink beauties, sino-sino naman kaya sina coca, pepsi at sarsi. :)

    ReplyDelete
  6. hello mare, salamat sa pagbisita..sure register ka dito

    http://www.mylot.com/?ref=catycat1985

    sa mylot yan, just included my username for referrals, then when u registered check their available tasks. Ill give you some strategies how, to achieve such amount.

    ReplyDelete
  7. Nakakatawa xa but it made me cry. I miss you so much girls..I hope Pheobe get to read this, hope it makes her smile... I miss my sister Paige too, too bad we didn't get to meet wen I was there..nwei there's always next time...

    ReplyDelete
  8. "si galema kuntento n xa s 82,nangongopya lng nmn xa araw-araw eh!" hahaha!it's soo eskey!pro senyong 3, ikw yta ang late bloomer s pg out!

    ReplyDelete
  9. wow naman iba na ang may mga kaibigan talaga...
    maswerte ka. at syempre mas maswerte sila.

    :-))

    ReplyDelete