11.17.2011

Ginusto Ko To

Dahil nasa isang napakagandang lugar ako ngayon sa aking buhay-beki, napag-isip-isip kez. Ang saya lang maging bakla noh? Dahil jan... Lilybeth! Pakipasok nga yung sarcasm folder, nasa loob nung bitterness file! Isabay mo na yung pessimism report!



Masaya maging bakla. Dinadaan sa mukap. Pag may pileges ditey, pag present ang peklatchina doonchi, pag havs ng laughlines at crow's feet, pag sadness ang aura power, pag may Louis Vouitton sa jilalim ng mata, pwede kang magdrowing sa fezlaboom mo mars ng jisang giant lips na parang clown, at presto! Naka-smile ka na! Pero kahit alam mong mukha mo lang ang nakatawa, at hindi ito umaabot sa mata, sige lang, tuloy mo lang. Ginusto mo yan eh.

Masaya maging bakla. Yung iba, umaariba talaga sa katapangan na nahiram nila kay Kakeru at Blink, fly papuntang Thai at dun magpapapukelya! Ikaw na! Ikaw na ang may pipti kyaw at kering magpapepe sa noo! Vagina monologue ka mag-isa mo. Pag feelingera ni ate eh gurlaloo sha, trapped in a balbon man's bodeh, boom, wax! Pag bettinolla ni nini na magbra at panty sa isang lingerie at pajama party, pak, dianne! Pag boobing talaga pero pang araw araw lang na rampa, teh me silicon bra at masking tape ka lang, plunging! Instant cleavage! Pag dramarama ng photoshoot lang naman at back to normal na uli mamaya ang eksena, boog, wigaloo! Pero kahit alam mong di ka talaga magiging tunay na babae, sige lang, tuloy mo lang. Ginusto mo yan eh.

Masaya maging bakla. Kahit gumawa ka ng eskandalo at kahihiyan, kahit magwala ka at manugod sa kalye, di magugulat ang mga tao. Kahit pa may sitsitan kang poging lalaki na naglalakad at bet mong mag-jada-pinkett-smith, bidding starts now agad mam starting with a minimum bid of 150! Nasanay ka nang makarinig ng mga synonyms sa salitang "sumpa" at "malas" at pag sinasabihan ka ng ganun, inuunahan mo na sa pagsasabing "di bale ng sumpa, maganda naman." kahit alam mong hindi ka talaga kagandahan. I-claim mo na, sige lang, tuloy mo lang. Ginusto mo yan eh.

Masaya maging bakla. Pag may sumisigaw na bata (o minsan matanda) sa kalye ng "bakla!" at alam mong ikaw lang naman ang naka-pechay shorts na kumekendeng sa vicinity, sigaw ka na lang din ng "chupa!" o kaya eh "Oo! At paglaki mo magiging bakla ka rin!" ala Zombadings, baka makagawa ka pa ng indie film dahil dun. Ang saya kaya mabastos, ibig sabihin nun tumatatak ka sa kanila. Naaapektuhan sila sa presensya mo, ganda! Pero kahit alam mong ang talagang term ni mareng merriam webster sa nagaganap eh "discrimination" at "inequality" kebs na! Ikembot mo pa, sige lang, tuloy mo lang. Ginusto mo yan eh.

Masaya maging bakla. Wititit ka pwedeng petiks petiks lang neng. Dapat havaianas ka ng workaloo at IGP (income generating projectionationess) tulad ng factory ng sabon at sumbrero. Witchiririt ka allowed maging bum equipment geng kasi required ang ROI sa bawat eksena. Waley kang karapatan maging um-um at hikahos kasi maraming nakasandal mam. Pag beki ka, dapat pader ang dibdib mo di lang dahil sa mga dauterang sambayanan, kundi dahil rin kelangan ka ng pamilya zaragoza at ng villa quintana. Importante ang akinse at katapusan madam kasi jan nakasalalay ang silbi mo sa lipunan, kaya yang pagko-kolbeks mo sa kol sener, sige lang, tuloy mo lang. Ginusto mo yan eh.

Masaya maging bakla. Sabi nga ni Odette Khan, they bring joy, peace and laughter everywhere they go. Kaya kahit sinaksak ng ilang ulit si Ricky Rivero ng jowa nyang na-meet nya sa FB, at me isang kaapelyido ko na dinedlak ng dalawang bagets na nakilala lang dahil sa piktyurakka nila sa digimon camera, tawa lang tayo beks. Pag maguuwi ka ng sholbam, mega bilin ang friendships: oh maingat ka ha baka ma-direk ricky ka. Pero di ba we bring laughter everywhere we go? Bat may saksakan na ganap? Duda ako kung ginusto pa rin ba ni direk na maging SOCO project ang shutawan nya at gawing praktisan ng saksak-puso-tulo-ang-dugo portion ng mga mahilig sa langit-lupa. Pero ikaw na sholbam ka, sana mahuli ka, at kundi man, bahala na si Inang Carmi sayong shutaninamels ka. Kung makulong ka man o mabitay, ikaw naman rereypin jan mam, bilibid-china ang ending mo broda, kaya sige lang, tuloy mo lang. Hindi ang pagpatay ha, yung pagpapa-bottom. Para masabi naman nun beking sinaksak, chinukchak, shinoktan, o ninenokan mo na sha pa rin ang nagwagi sa bandang huli. Ginusto mo yan eh.

Masaya maging bakla. Masayang magmahal ng straight eh. Masaya yung may mahahanap kang lalaki na magpapaligaya sayo. Masarap yung may makikilala kang otoko na ipapakilala ka sa family galore pag may okasyon. Masarap yung may matatagpuan kang boylet na bebeybihin ka, aalayan ka ng buwan, bituin, galaxy, comet at asteroid. Masarap yung may maiitadhana sayong affam na handang iharang ang sarili sa isang tribo ng mga gutom na cannibal, o kaya eh ng sibat at pana ni Badjula, o para mas recent eh ipagtatanggol ka sa mga tweet ni @superstarmarian at @krisaquinoSTD para walang dumaot sayo. At mas masaya yung may huhugutin ka lai para di lang ikaw ang masaya, pati sya. Kundi man, Kaya itodo mo ang pagpapakababae (at paggastos) para tuloy lang ang pagsintang inaalay ni Kuya, sige lang, tuloy mo lang. Ginusto mo yan eh.

Masaya maging bakla. Kasi kundi mo bet ang tunay, puro at busilak na straight guy, maraming bisikleta, silantro at bayola jan sa tabi-tabi. As in literal, andami nilang showag sa sarili nila, bet atang kumpetensyahin ang lahat ng gulay sa bahay-kubo, nanjan lang sila sa paligid daig pa ang linga mam. May bi-curious, bisexual, straight-curious, straight-perpendicular, bi-diagonal, transvestite-anatomical, at ang pinaka-makamandag -- bi-anaconda. Aba bahala kayong malito kung ano ba ang definition nyo sa sarili nyo, basta sige lang, tuloy nyo lang. Ginusto nyo yan eh!

Masaya maging bakla. Ang kaso mo, sa dami nila (este ninyo kasi I'm sure plenty sa mga nakikibasa ditey eh balabay) eh ang hirap ng crowd control mam! Kahit kasi sabihin ng lipunan na tanggap na ang pagka-beki, sandamukal pa rin ang mga feeling maganda, mapagmaganda, at maganda talaga, na nagwa-war freak kapag kabaklaan ang pinag-uusapan. Sinuwerte lang akez na galing ako sa buena familia ng iskwater, kaya malaya akeiwa. Sabagay, ganun-chi din naman akez dati. Pero kung nagkataong di ako ganitong katapang, malamang isa akez sa mga nagtatago ng kanilang kabaklaan, or mas pinipiling tawaging "bi" kasi shempre "gawin mong light"... Mas magandang term, mas katanggap-tanggap, mas madaling i-process sa gray matter. Kaya silang mga bi-kembular, sila-sila na mismo ang mahilig na magkembangan. Tipid-sulit na nga naman, isang tukaan lang sa bar, ayos na buto-buto teh, in an instant jowa na ang peg. Malas nga lang nung iba, minsan na nga lang sinubukang kumembot sa bayola, na-pakakak pa ng lagapak na katotohanan. Di ba nga, sila-sila nagkakariran? Eh di ayun, ang friendship na bi, at ang karir na bi, nagkatuluyan. Ang masaklap pa, ang press release sa CNN nung isa eh wititit naman naging kayo beks, so why be bitter? Parang personal toh ah hehehe. Pero ganun talaga, may mga bi-yot na walangya. Kaya itodo nyo na, humayo kayo at magpadami ng lahi, sana tumagal kayo mga ulupong! Sa ayaw at sa gusto ko, sige lang, tuloy nyo lang. Ginusto nyo yan eh!

Masaya maging bakla. At pag ayaw mo na, eh di lalaki ka na uli. Maghanap ka lang ng gurlaloo na pwede mong imadjinin na lalaki, o mukhang lalaki, at subukan nyong ma-inlove sa isa't isa. Baka ma-feature pa kayo sa Rated K o sa Wish Ko Lang. Mas plunging ang neckline kung sa MMK. Aba, meron naman talagang mga bakla na natututunang magmahal ng babae eh. Pero marami rin ang mga shupatembang natin sa pananampalataya sa haring etits, na nananatiling nakakubli sa likod ng marriage contract at wedding ring nila. At least di sila mag-iisa. May safety net na, may investment, may aasahan silang masasandalan sa pagtanda. Kung anuman ang dahilan ng mga baklang may asawang babae, I commend you. Sila talaga ang bumali sa norms ng lipunan, kasi dalawang rule ang binaliko nila -- ang rule ng pagkalalaki, at ang beki code. Kayo na, kayo na ang doble sa katapangan, kaya sige lang, tuloy nyo lang. Ginusto nyo yan eh!

Masaya maging bakla. Yung nilalang rin, pero bakla. Yung may gumawa sayo, hindi yung sumulpot ka lang sa mundo. Yung alam mo na may pinanggalingan ka, may pinagdaraanan ka, at may patutunguhan ka. Yung pag bumaha ng 40 days and 40 nights eh isasakay ka rin sa arko ni Noah. Yung isasali ka rin sa mga may karapatan sa habambuhay na kaligayahan. Porke bakla, impyerno agad, di ba pwedeng purgatoryo muna? Payag na nga ang karamihan sa ikatlong lahi na sa rainbow lang magpadulas poreber eh, ayaw pa rin ng mga moralista?! Me deed of sale ba kayo sa langit? Kung makamkam nyo naman ang pearly gates, wagas! Por sure anak rin kami ni Papa Lord noh, ano kala nyo sa mga beki, freak of nature, mutant?! Xmen ang peg, ganun?! Kaso mo, maiipilit ko ba ang pagtanggap nyo sa sangkabaklaan? Normal pa naman sa mga tao sa simbahan ang judgemental. I should know, I'm one of them. At dahil naniniwala akong mahal ako ng Dyos, sige lang, tuloy ko lang. Ginusto ko toh eh!

Araw araw, nakikipaglaban para sumaya ang mga bakla. Sa sobrang saya, minsan nakakaumay na rin. Parang required na pag bektaz ka, me sense of humor ka. Parang pre-requisite na pag vahkler ka, di ka marunong sumuko. Parang standard na ng lahat na pag beki ka, mahati man pati kaluluwa mo, dapat nakatawa ka. Noon, ngayon, kahit hanggang next milenya. At kahit anong araw pa, kahit gunaw na bukas, for sure ang mga beki makikipaglaban pa rin para sa karapatan nila na kinuha ng lipunan, the moment they came out of Narnia

Kung kagustuhan lang ang maging bakla, at pwede ka namang magdesisyon na "wag na, ayawan na, lalaki na ko uli"... siguro matagal ko ng pina-revoke ang BIN (bakla identification number) ko at nagpaka-borboli na lang ako uli. Sinong matinong nilalang, na may choice naman pala, ang gugustuhin na maging ganito kasaya araw araw?!

Kung pwede naman palang maging kasing-lungkot ng mga normal na tao, magiging malungkot na lang din ba ako?!

Hindi rin.

Ginusto ko toh eh, might as well maging masaya ng totoo.

Ikaw bakla, masaya ka ba?

Hubarin mo na yang suot mong maskara.

26 comments:

  1. ang galing galing naman!! ahahah!!

    natamaan ako dun ah!!

    haha!!:D

    fb ko

    lei_heart21@yahoo.com

    ReplyDelete
  2. super like BM!!!!


    --JANJAN

    ReplyDelete
  3. ay!
    i wish people come to terms with themselves, at the very least, at their own time.


    hagas ang pagIngles. hahaha

    ReplyDelete
  4. ai, i feel for you madam!

    hahaha bi-anaconda FTW!

    iloveyouinaplatonicwaylangpramissss! hehehe <3

    ReplyDelete
  5. ang ganda naman nito BM! may kurot sa puso eh. ginusto natin 'to kaya papanindigan natin! :D

    ReplyDelete
  6. Masaya maging bakla. Masayang magmahal ng straight eh..... PAK!

    ReplyDelete
  7. honghabaaaa pero tinapos ko infairness!hahaha

    naaliw at nag nose bleed at naantig naman ako sa post na ito...galing. sapul! swak na swak!

    ReplyDelete
  8. isang malaking CHECK ng pink na ballpen mam! XD

    ReplyDelete
  9. PAK NA PAK MAM!
    ikaw na talaga...

    "Kung kagustuhan lang ang maging bakla, at pwede ka namang magdesisyon na "wag na, ayawan na, lalaki na ko uli"... siguro matagal ko ng pina-revoke ang BIN (bakla identification number) ko at nagpaka-borboli na lang ako uli. Sinong matinong nilalang, na may choice naman pala, ang gugustuhin na maging ganito kasaya araw araw?!" oo nga naman ....

    ReplyDelete
  10. in just 3 days halos naubos ko nang basahin ang mga blogs mo, its my first time to read a gay blog at sobrang four thumbs up ako nakaka aliw at di bored basahin...

    kudos BM... im the new fun of yours...

    ReplyDelete
  11. OUCH!
    ... pero oks lang, ginusto ko 'to eh.

    Astig mo BM. Mahal na kita. :)

    -> boynxtdoor

    ReplyDelete
  12. masaya naman talaga...

    Love this!

    ReplyDelete
  13. Agree. Masaya maging bakla.Together with our rainbow colored personalities, we can paint the whole town with whatever color we want.

    I love this, kasi ginusto ko to.

    ReplyDelete
  14. Mahusay! Keep on writing BM!
    Sabi nga sa Ladlad, "Hindi na nila tayo mabubura."

    ReplyDelete
  15. Panalo as always! We share the same standpoint with a lot of things BM...I almost always say the same things in the conversations I've had with a handful of narrow-minded people na nakilala ko.

    ReplyDelete
  16. bkt evreytime na nalulungkot ako mula ng kaladkarin ako ng alikabok sa Bacoor eh blog mo una kong pinupuntahan?

    lupet nitong isa na 'to ha...one of my faves :)

    announcement: babalik nko sa tore ng iskwaterya teh! wag ka muna lumayas, isa ka sa reinforecement aka support system ko! gudlak!

    -- Rogue

    ReplyDelete
  17. Nakakatuwa namang basahin ang blog mo kong araw araw kong gawin ito ay baka pati mga words mo magaya ko na ganon ba talaga. - Ana

    ReplyDelete
  18. teh. hehehe. next post na! busy lage ah!

    ReplyDelete
  19. Good job Bi-em!

    Marz sa chez ka pa rin ba?

    ReplyDelete
  20. Masaya ang araw ko.. hehehe araw-araw akong magbabasa nang blog mo.. para laging masaya.. hahahha

    ReplyDelete
  21. This is your best entry so far BM. Nakakatawa, nakakatuwa, nakakalungkot, may kurot. Mixed emotions. Haayyyy...ginusto ba talaga natin to mga becks o wala lang tayong choice?

    ReplyDelete
  22. Pwde na isali sa Book of BM. Napakagandang entry to. I love it!!!

    +100 ka sakin ateh!

    ReplyDelete
  23. Hello po. Pwede po bang humiram ng ilang mga linya dito para lamang po sa aming shortfilm? we'll definitely give credits po :) Thank you po! :)

    ReplyDelete