Here is the full version of my "Bitaw" photoshoot hehehe. Sino kaya pwede tumulong sa video shoot? Ehem!
Pano ba lumakad ng palayo?
Pano pigilin ang luha sa pagtulo?
Pano ba iwan ang isang pangako?
Pano ba?
Pano nga ba?
Kaya ko bang baklasin ang pagkapit?
Kaya nga ba ng puso kong nahahapit?
Kaya kaya kahit sobra nang sakit?
Kaya ba? Kaya kaya?
Upang di mo madama pagyao ng alon
Wag kang bibitaw, wag kang lilingon
San man makarating, iiwan ang... ating kahapon
Bat di muna subukang humimlay?
Pikit ang puso kong sanay na mamatay?
Bumalong ang luhang wala ng buhay
Hanggang kaylan? Hanggang saan?
Kaya pa bang tiisin ang pait?
Kaya pa bang abutin ang langit?
Kaya kaya dahil sobra nang sakit?
Kaya ba?
Ayoko na.
Upang di mo marinig paglisan kong tugon
Wag kang bibitaw, wag kang lilingon
San man maglayag...
Iiwan ang...
ating kahapon!
Dahil di ako bibitaw sa hamon ng mundo
Mahati man pati kaluluwa ko
Di na bibitaw, di na lilingon ako
Di na lilingon
Wag kang bumalik
Di na babalik
Bibitaw na rin...
Sa ating...
Kahapon...
Superbonggadera mo tlga bm. Naluha ako dto.
ReplyDeleteMay naalala kse ako. As in tinblan ako dto.
Kakasad yung eksena.:
Swak na swak saken to ngayon.
ReplyDeleteomg... wala na akong masabi. ang ganda. ang sakit. :(
ReplyDeleteheartfelt... ang galing!
ReplyDeleteganda ng photoshoot ah. kilala ko ba???
ReplyDelete