7.02.2011

Ang Huling Sayaw

Eto na po ang ending sa Post na Bitin. Kasi naman bitin din kayo sa comment! Bat ba kakukuripot nyo ha?! Depressed ako ngayon -- on an entirely different matter, indi dahil kay Payat na dinadaot nyo hihihi -- kaya please naman mejo pasayahin nyo naman ako.

Comments will definitely be my prozac for the night. Most bloggers ask for comments to increase their traffic. Ako, I ask for comments to feel pretty. Ahihihihi! Kamown bekilandia! Make BM feel pretty tonight... Love love love!

Magawa ngang nakakalibog tutileyting tong post na to para ganahan naman kayo mga beking ipinaglihi sa laing (tnx for that line DH -- o di ba nagbabasa din naman ako ng blogs nyo!)...


Ang nakaraan...

Pauwi na sina BM, ang kanyang dalawang gwapong kamag-anak (na suuuuuper layo na!) at ang dalawang bilat mula sa maghapong paglaklak ng apat na long neck na empi lite at tatlong litrong Colt 47, habang nakababad sa umaagos na ilog at nag-acquire na rin ng sakit sa baga at santumpok na lumot.

Takipsilim na nung nagsikembot kami pauwi. Yung ilog kasi, dadaan ka muna sa kaparangan (field?) tapos mga puno, may pababa na maputik at madulas, saka ka palang darating sa ilog. So nung pauwi, paakyat muna sa putikan, tapos mga puno, then un ngang parang.

Shempre fall in line eksena kasi madulas at mejo madilim na. Kapit kapit sa mga ugat ng kalikasan. Nauna ung dalawang bilat, tas kami ni Dondon, at si Pinsan to the second degree eh naiwan pa sa ilog. Me isang character pa actually - si Benjie na tall at dark lang, kinulang sa adjective.

Pagakyat namin, nawala si isang bilat. Si Ameng. Baka naman nag-finger este juminggel lang. Aba si isa pang bilat panikera na. Dun sa may mga puno at sa parang, mega sigaw kami sa nawawala. Nalibot na namin ang batibot, di pa rin nakatawa ang langit sa amin. Nung una naiirita pa ko maghanap. Shempre ngenge na nga ako sa empi lite at lumot di vah?! Tas paguwi maghahanap pa kami ng nawawalang pechay?!

Si gwapong sekan cuz, inabutan na kaming litaw ang litid at tinggil kakasigaw. Maya-maya eh natanaw ko ang lola mo na andun sa may entrance. Nakatayo lang sha dun sa may papasok sa kakahuyan na akala mo eh tulaley at nakatira ng dragon katol na dinurog at kinanaw sa zonrox, saka hinithit sa ilong. At ang sabi pa paglapit namin:

"Sino gang hinahanap nyo? Bat ga kayo'y sigaw na sigaw diyan?"

Yung utak ko nag-sound effect bigla ng spring na biglang umigkas. Toing! Tanga lang teh?! Pero nun tinitigan ko si Ameng, taka talaga sha. At nung nalaman nyang siya ang nawawala at hinahanap namin, kunot noo pa ang pukengkay sabay sabing "Ang mga are naman, ako'y ginagalaw."

Ay teh, wala akong balak! Saka ko na-realize na ang "ginagalaw" nga pala dine sa Batangas eh "inaasar". Explain kami kumbakit kami sigaw ke sigaw sa kakahuyan at sa kaparangan. Natakot ang lola mo kasi di naman daw sha nawala. In fact, kasabay pa nga daw nyang umakyat si Gwapong Sekan Cuz sa maputik na hagdan.

Huh?! Eh nauna pa nga sha sa kin! At si Distant Cuz eh nakihanap din sa min. So me doppelganger sha ganun?! Stunt double nya lang yung maarteng muntik ng madulas sa putik?! Eh sino yung Gwapong Sekan Cuz kona nakihanap din sa min?! Hay kaloka!Maliligo nga ako sa ginataang malunggay mamaya. Pantanggal ng sapi!

Kinilabutan ako ng slight, pero dahil nga shenglot na akez, deadmeat na sa engkanto at laro-laro ng mga anito. Eh ilang beses ko na ngang ginawang Anito at Victoria at Sogo ang mga kapunuan dito, di naman ako namatanda! Ni walang dumobol sa kin sa bawat stunt ko at pagtulay sa miswa! Ni hindi nga namaga man lang ang boobs ko! We decided to forget about it at umuwi na para maka-ready sa sayawan at diskuhang bukid. So lakad uli kami.

Biglang na-realize ni isang bilat na nawawala si MP4 na sound source namin sa ilog. Hanapan kami uli sa nearby areas. I tried locating the gps tracker I installed in the MP4 but it didnt work. Char! GPS ka jan Beki! Dapat GSP! Gapang sa putikan! Heniwei, kapa-kapa uli sa lupa pero madilim na kaya pantay na yung shade ng putik sa tae ng kalabaw. Para ma-differentiate eh aamuyin mo pa.

"Lupa ata to."
"Hindi, tae ata." (inamoy)
"Lupa ba?"
"Oh amuyin mo..."
"Putek! Tae to eh!"
"Alam ko! Alangan namang ako lang umamoy!" he-he-he!

Di namin nahanap si MP4. Tulad ng di namin pagkakita kanina kay bilat. Ending, nauta din kami kakakapa sa putik/tae ng kalabaw, kaya sabi ni gwapong sekan cuz, babalikan na lang nya sa umaga yung mp4... Nahuli kami ni sekan cuz sa likod, kakakapa sa linshak na MP4 na yan. Pabor din naman. Di ko naman kasi nasolo ang lolo mo maghapon! Kaya nilandi, este kinarir ko na ang gwapo.

"Anu ga yun, wala man laang tayong moment eh." maktol ko kunwari. Shempre puntong Batangueno din ako.
"Ano gang moment pa ang hanap, ay di ga nga'y nag-date na tayo sa ilog." patol naman ang ungas.
"Di ga'y kasarap ngang maligo at magbarik. Pero mas masarap pa ring manguha ng santol."
"Ay sha, hindi ga tag-santol dine." maang-maangan muna para di naman halata.
"Pwede rin namang sinigwelas eh." hard-selling si bakla.
"Ah, ah. Pagkakaliit naman ng gusto mo. Isang bungkos ga?" hmmm, innuendo na yun ah!
"Nahan ga? Patingnan naman!" pipitas na sana ko ng sinigwelas ng biglang tumili ang isang bilat.

"Tiliiiiiiiiiiiiiiii!!!!!"

Malapit na kami nun sa kalsada, at me blink blink kembular na blue light sa damuhan. Paglapit namin, surprise! Si MP4 nauna na sa min. Nagkatinginan na lang kami ni pinsan. Tutal lasheng pa naman akez, wit na bigyan ng kulay! Siguro nung nawawala si Ameng, ipinuslit nya yung MP4 sa malayo tas pagbalik nya eh patay-malisya si bilat. Siguro yung mga pro-beki na jengkanto dun sa kakahuyan eh hindi favor na me kasama akong bilat sa aking ilog adventure kaya nagwewelga sila. Siguro yung MP4 eh nainip sa kashugalan naming maglakad. Ah basta! Lasheng na ko kaya di na ko kinilabutan. Ngayun na lang uli na sinusulat ko itey.

Eh pwede ba namang pigilan ng lakwatserang possessed na MP4 ang kalandian ko?! Di ako usually ganung kagarapal sa lalaki. Subtle ang style ko eh. Parang crocodile na hati ang tingin. Nakalutang ng slight para kita ang ibabaw ng tubig, at the same time eh nakalubog para kita rin yung ilalim. This time, I was feeling reckless and bold. Nagpahuli ako uli sa tabi ni sekan kaz, luminga-linga, sabay dakma. Nanlaki ang mata ng lolo mo, sabay ngisi, hawak sa kamay ko, idiniin ng konti, sabay tanggal. "Mamaya, sa sayawan. Banlaw muna tayo..."

Gora home na at banlaw banlawan sa banyo. Naglumot na yung panty ko sa kakababad ahahaha. Kelangan magready shempre kasi dance revo na uli mamaya. Ewan ko ba, laki naman ako sa manila, pero bet ko talaga ang diskuhan ditey sa bukid. Kaya matapos kong i-kuskos-piga ang katawang lupa ko eh proceed na sa indianan, este sa sayawan. Bumili muna pala ako ng toothbrush sa isang tindahan. Bigla kamong may lumapit na lalaki sa kin sabay bitaw ng nakakalokang linya na: "mas malaki pa toothbrush ko jan!"

Buhay na naman ang hasang ng bakla! Andaming magbubukid kaloka! At me nag-aalok pa ng toothbrush! Shempre ang unang hinanap ng mga makasalanan kong mata eh si Utoy. Absent sha d whole bukid experience ko eh. Baka saving the best for last ang mga friendship kong jengkatoers na pro-beki ahehehe.

Kahit 4-5 times lang ako umuuwi sa bukid, at home pa rin. Sayaw baliw to the maxipeel si beki, kasayaw ang Dondon at ang mga friendship nyang mga rakista din. Dance the night away talaga. Mula shalala hanggang like a g6, chacha hanggang makarena, at kahit stupid love/pyramid na remix pinatos namin. Bigla kamong intro si Jovit ng "hiway ruuuun....!" Ang nga ulupong na lalaking kasayaw ko, kanya-kanyang takbo sa mga bilat at nagsipaghiritan ng "pwede ka gang isayaw?"

Cue exit na muna ako sa gilid. Me gin booth dun eh, as in mga magbabarik na tumitira ng gin tubig. Eh maton nga si beki, nakisawsaw na sa nomo. Kung nasan ang umpukan ng mga otoko, kahit mga lasenggo pa yan, asahan mo andun ang beki.

Nakatabi ko si kuyang toothbrush. This time, natitigan ko na ang lolo mo. Me itsura naman pala. Not the starstruck or star circle na karakas, more on gwapong barker sa paradahan, or poging tagalinis ng ulbo. Pero based on his claims regarding his toothbrush, potential energy ang lolo mo. Magawa ngang kinetic... La-la-la-la-laa... After a few songs, pearly white na ang teeth ko hihihi! At isa na namang puno ng kakawate ang naging piping saksi sa kalandian ko.

Uwi muna ko para mag-sepilyo. Yung totoong version. Then, balik na kami sa venue. Rock na uli ang tugtog. I mean, fast na uli yung beat. Dun kasi sa min, dalawa lang yan, sweet o rock. Pag rock na, open for all na ulit. Dance na ako ulit with rakista ang his friends. I whipped my hair back and forth. Todo sa bengga si beki. Umiikot-ikot pa sa mga lalaki. Buti na lang at di pa uso ang beki sa min! Mga dayo pa lang, kaya wit pa sila at home lumandi.

Enter ang poging pinsan (na malayo na ha!) sabay bulong... "Nasan ga yung pinsan kong talandi? Nakita mo ga? Andito laang yun eh, at ako'y magpapasama sa ibaba." Ibaba as in south. Yun kasi ang tawag sa min: silangan, kanluran, ibaba at ilaya. Shet, iba na to! Me indecent proposal na naman ako! Fiesta nga talaga! Shempre kahit wet and wild na ang kili-kili kez, gora pa rin. Aba, malakas ang loob! Kaka-toothbrush ko lang eh!

Habang naglalakad, "pinsan" pa rin ang tawagan namin hehehe. Naloka ko sa pinagdalhan sa kin ng lolo mo. May kubo na parang headquarters ng Pinoy Beer Brother, kasi puro basyo ng alak! Pero mas naloka ko sa pinaggagawa namin sa kubo. Basta, daig pa namin ang mga ogmeme kung magharutan. Kung ano yung ogmeme, malalaman nyo rin sa susunod kong post.

Let's just say na kung ili-liquify ang kalandian ko ng mga oras na yun, baka napuno namin lahat yung mga basyong bote! Keber na sa ungol, malakas naman yung sounds sa diskuhan. Keber na rin sa yugyog at lindol ng papag, malakas din naman yun g vibration ng mga speaker. Keber lalo sa BPS -- beki positioning system! Tinalo ko na ata lahat ng gymnasts sa sobrang ka-stretchable at ka-flexible ng mga kasu-kasuan! Basta we did the deed, indeed!

After did-ding the deed that we did indeed, back to home base: diskuhan. Tapos na ulit ang compulsary sweet dance na request ng mga makakati. Dance till u drop na ulit. Para maiwaksi naman ang natitira pang potential energy na na-convert ko sa kinetic energy, humataw na lang kami ng pogi kong kakuyangyangan kanina. Ganun ata ang pinaka-the best na cover story kapag pawisan galing sa talahiban: magsayaw nang magsayaw.

Matapos ang sayaw-baliw na pauso ko, balik ako sa gin booth. Yung talandi-meter ko, papaubos na, ng bigla akong ma-full charge ulit. Ang hombre-radar ko, biglang nag-beeeeeep beeeeep beeeeeeep! Kasi biglang may umakbay sa kin sabay halik ng may halong pagsimsim ng bangong amoy-makasalanan at pagsamyo ng halimuyak ng elizabeth kembot kong amoy-green lumot. Di pa ko lumilingon, alam ko nang si Utoy yun. Swear, mamatay na lahat ng sinigwelas at indian sa batangas, nilanghap talaga nya leeg ko. Naiwan tuloy sa esophagus yung gin na nilalaklak ko!

Kumawala ako. Itinulak ko sha palayo sabay takbo papunta sa kalsada. May rumaragasa at matulin na pison na paparating. Nakakasilaw ang liwanag! At biglang... natawa ako sa eksenang naisip ko. Pison matulin?! Me headlights?! Yung totoo, ipinagdiinan ko pa ang pisngi ko at ikinawit ang braso sa beywang ng gwapo. Saka sabay kaming nagpa-sway-sway sa saliw ng "huling el bimbo" na kasalukuyang sinasayaw ng "sweet dance" sa gitna.

Di kami nag-usap. Namnam lang talaga. May pattern ako kapag nalalapit na ang pakikipaghihiwalay. Havs kami ng moment na walang salitaan, kahit subtitle na chinese o chavakano wala. Wala ring sign language interpreter na nasa oblong na insert sa gilid. At walang idiot board sa unahan. Ayoko rin ng eye contact. Ayokong makita sa mga mata niya ang katotohanan na pagkatapos netong gabing to, relyebo na lang ako sa buhay nya.

Kumustahan, asaran, komprontahan. "Buntis na daw?" sabi ko lang. Ngiti lang ang isinagot ni Utoy sabay tango. Boom! Feeling ko eh nabiktima ako ng kaingin at naubos na lahat ng puno ng indian mango at sinigwelas sa buong mundo. Yung pakiramdam na alam mo naman na, tinatanong mo pa, hoping na baka magbago ang sagot. Yung pag-asam na bume-Bea... sana ako pa rin... sana ako na lang... sana ako na lang ulit...


"Sayaw tayo, Ineng..."

Pumunta kami sa likod ng stage nung live band. Ayaw ko sa gitna ng sawayan. Magiging center of attraction lang kaming dalawa, mawawala yung moment. Dun sa likod, amin lang ang bukid. Ni hindi ko maalala kung ano yung kanta. Basta sa isip ko, ang nagpe-play eh "where do i begin the love story of how great a love can be..." Sa ihip ng hangin, pakiramdam ko, bumulong sa kin si Angel... Cedes? Huling sayaw mo na ba to?


Ilang songs din ang pinalagpas namin. Ayokong bumitaw. Sinusulit ko ang bawat indak ng bewang, ang bawat dagundong ng dibdib at amplifier, ang bawat kembot, ang bawat hugot ng hininga. "Ang tagal mo kasi eh. Nainip ako..." He was trying to explain pero hindi ko na pinatapos. Instead, my lips found his, and we shared what would be our last kiss.

After that, I just leaned on him. And after half a song, we broke the dance, and in effect, I lost my chance. I didn't feel any regret, or pain, or anything. I felt... contented. I knew this would end tonight. Like what I firmly believed when I was in college, when my mind wasn't this jaded yet, "At least I had you, even for a while." The kiss that we shared is enough.


Three seconds.

One second for my fears. One second for my happiness. And one second for the memories. Three seconds which would cover for all the lost dance. Three seconds which would last a lifetime through this blog. Three seconds which I preserved in my mind and in my heart. Three seconds which is the start of another "moving on phenomenon".

And move on, I did... again.



29 comments:

  1. Panalo! I could imagine, parang si Cedes lang...hehehe!

    ReplyDelete
  2. Award winning. no.1 ka BM. Ikaw na... the best ka!

    ReplyDelete
  3. laing ga ulam mo? ang kati-kati! bwahaha!pica pica naman teh nila sekankas at utoy!

    ReplyDelete
  4. Well done BM, iba ka talaga... clap,clap,clap... Ang sarap talaga sa kabukiran... hehehe...

    -dock

    ReplyDelete
  5. BM ako ba yun? wow. flaterd ako. ahihihi(kinikilig lang?) o assuming lang. hahaha. baka mamaya hindi naman ako yun? pakipromote naman ng blog ko. hahahaha... manggagamit b a? love yah

    ReplyDelete
  6. ang tagal mo kasi mag-post. kaluka ka ateh! bwahaha, demanding?! chos! sa dami ng boys mo, parang wala kang karapatang ma-depress ever!

    ReplyDelete
  7. ayan! nagko-comment na kau mga beks! di na mga tamad! oi me K rin naman ako ma-depress noh... sabi ko nga, on an entirely different matter!
    @dock salamat sa laging pagbisita...
    @DH yup sau ko un nabasa, with ur adventures as Agatha ahahahaha... ganun din kami mag-text ng mga ate ko minsan eh...

    ReplyDelete
  8. sarap naman dyan sa inyo...
    ikaw na nga tlaga hihihi...

    ReplyDelete
  9. Love the last paragraph, BM!

    One of my favorite entries here! Keep it up and write more often.

    ReplyDelete
  10. sana may motmot pictures :)

    ReplyDelete
  11. as always, di nawawala ang paghanga ko sa yo, at di ako nagkamali na nasabi ko sa blog ko, na isa kang matalino na manunulat, ang blog mo ay laging nagpapangiti, nagbibigay saya sa akin, salamat BM

    ReplyDelete
  12. nice plot... ganda rin ng twist.. pero dapat ang title e...


    "tatlong segundo"

    diba?

    ReplyDelete
  13. you already BM.!

    ReplyDelete
  14. I've been reading your posts for the longest time. This, so far, for me is the best. This experience has resonance to all readers. I hope you write more.

    ReplyDelete
  15. May kembangan ga sa ulbo? Kaganda nareng ending mo. Kababayan pala kita, neng. Anla ay tayo mamute ng indyan! Chorls!

    ReplyDelete
  16. Ganda ng plot ha... malungkot pala ang dulo.... kakaloka! tatawa ka muna tapos iiyak ka.. ang galing!

    ReplyDelete
  17. lande mo teh! hahaha

    ReplyDelete
  18. we really need to learn the art of letting go :/

    ReplyDelete
  19. ang ganda ulit parang In The Name of Love + One More Chance + Kimmy Dora + Tron 2 lang ang kuwentong pampelikula, napasaya mo na naman kami BM at nakapagbigay ng muni-muni sa kuwentong pag-ibig...

    ikaw na! ikaw na ang Ms. Department of Tourism ng gabing iyon :D

    sabi nga sa Temptation Island, walang tubig, walang pagkain, magsayawan na lang tayo!!! :D

    ReplyDelete
  20. next time ilink mo ang picture ng mga cast para sa aming bagong followers mo. winner post!

    ReplyDelete
  21. how i wish sana may pictures kahit yung place lang para makita namin or mavisualize ang eksena

    ReplyDelete
  22. Ganda ng kwento. Congrats!
    Agree ako sa ibang comments... Next time sana may pix... :)
    More power!

    ReplyDelete
  23. Salamat naman at tinapos mo itong bitin mong post. At least di na ko bitin. - Ana

    ReplyDelete
  24. bm, tagal nmn ng nxt post mo ang dami na kaya naming nagaabang..

    ReplyDelete
  25. if i know ang mga nag hahanap nang pictures...
    hahahahha secreto na lang yan.
    kasi ako nag hahanap din ! hehehe

    ReplyDelete
  26. anung meaning ng motmot?

    ReplyDelete
  27. "Lupa ata to."
    "Hindi, tae ata." (inamoy)
    "Lupa ba?"
    "Oh amuyin mo..."
    "Putek! Tae to eh!"
    "Alam ko! Alangan namang ako lang umamoy!" he-he-he!


    Epic line....grabeh tawa ko dito...lovveeee eeetttttt.

    ReplyDelete