Bitin ba yung last post? Hehehe... Side story muna ha. Para yung pagkabitin, ma-extend ng konti.
Log-in nga po, open time...
Matapos kong i-post ang Withdrawal, ka-chat ko si Payat the following night.
"Pa, nabasa mo na yung blog ko sayo?"
"Uu."
"Bakit di ka nag-comment or nag-react?"
Dead air. Mejo natagalan bago sha sumagot. Basta nakalagay sa gilid ng name nya, yung sign na "writing". After a few minutes, sumagot din. Ako naman ang na-dead air.
"Ang lungkot eh." sabi ni Payat. "Di ko alam anong sasabihin ko."
Napaisip tuloy ako. Malungkot ba?
Halos lahat ng comment nyo dun parang ang bigat-bigat nga ng dalahin ko. Kahit yung friends ko na alam kong hindi pala-react, napatawag sa kin kung okay daw ba ako. Parang super sad daw kasi ng latest post ni BM. Sabi nga ni Ka-te, I sounded like I'm in misery.
I never intended that post to be like that. Ni hindi ako malungkot habang nakiki-type kila Joma. Pero siguro yung stress at haggard ko sa mga ginagawa ko ngayun, at sa sinusubukan kong i-achieve, nag-surface sa post kaya nagmukha akong miserable.
Nagkuwentuhan pa kami ng kung anik anik na nabasa nya dun. Comment ni gento, react ni genyan. Dapat daw eh i-redeem ko sha sa readers ng blog. Maya-maya, dead air ulit. Sabay airstrike at holy hand grenade na naman ang nilaglag nya sa kandungan ko.
"Nanganak na ang aswang kanina."
"Wow. Congrats!"
Nag-usap pa kami ng konti. Kelan nanganak, saan, anong oras. Tao ba? Hehehe. Wala naman daw pakpak. Kamukha din nya. Nangako naman shang hindi ako kukuning ninang, kasi mga kagawad daw ang kukunin nya. Mabuti naman. Para sa mga constituents hehehe.
Offline. Log out.
Hindi na basta dead air. Nag-logoff na ko ng tuluyan. Time na kasi.
Masaya ako for him. At tanggap ko naman yung sitwasyon. Kasi, sabi nga ng kanta -- "Oo nga pala, hindi naman tayo." At dahil father's day, nagsulat ako ulit about him, para magkaroon naman ng redemption si Payat.
Kanina lang andito sha sa tore at nagtatawanan kami. Inuutangan ko rin silang mag-ina kasi ibebenta na nila yung truck na elf. Panay ang kindat ni Mokong, nakikisabay tuloy ang menudensya ko sa sama ng panahon. Tumawag pa kami kay Bibiana via magicjack, at nag-usap pa silang mag-byenan.
"Wag po kayong mag-alala, inaalagaan ko naman anak nyo."
"Opo, ingat kayo jan." Oh di ba ang sweet nilang magbyenan? Nagpaalam na rin sha at nag-babye na rin. Shempre naka-ilang halik din muna ako bago ko sha tuluyang binitawan pababa ng tore.
Maya-maya eh nagchikahan na ang mag-balae: Si Emerita at si Bibiana. At yung sinabi ni mudra na saglit lang, inabot ng 40 minutes. Kaloka. Siguro naman by now alam nyo na kung kanino ako nagmana pag sinabi kong mamaya...
Yung last part ng chat namin ang talagang di ko makalimutan.
"Bakit naman ganun, parang kontrabida naman ako dun!"
"Huh? Bat ka naman naging kontrabida?"
"Eh kasi dahil sa akin, kaya hindi ka masaya."
I'm trying.
No worries, Pa. I'm getting there.
First time co mag-comment at first din ako. Siguro I don't have the right to judge your situation pero BM, natapos ko na basahin lahat ng post mo at hanggang ngayon deads na deads ka parin sa payat na yan na nagpapahirap lang naman sa damdamin mo. Alam mo BM, bakla ka. Ang bakla, matalino. Hindi nagpapa-agrabyado. Sayo narin mismo nanggaling, talo ka sa laro niyo ni payat at ni asang kasi may pamilya siya. You deserve better bakla. If you can't have him only for yourself, better not to have him at all. Parang hulugang pautang kasi ang love story niyo ni payat. Laging installment. Again, I'm not judging you. I just wish maka move on ka na. Naiiinis kasi ako pag may baklang nagpapaka-tanga sa lablayp. Uulitin ko, matalino ko, you deserve so much more than just an installment love life. Keribels? More power to you and keep safe.
ReplyDeleteay papa BM, ang lungkot. nakakahawa at sumasabay pa sa patak ng ulan.
ReplyDeletenakikidalamhati lang
ReplyDeleteewan ko lang ha, pero hindi ko nakikitaan ng pagkalungkot ang mga post mo. may mga issues (issues daw o!) pero you take it very lightly--parang gaya lang ng bading! LOL! And you have a way with words!
ReplyDeletePag nagkaharap siguro tayo, kahit na anong laki ng problema ko, tatawanan ko lang, kasi hindi ko maintindihan ang mga terms mo! LOL! nafo-focus ang attention ko sa pag-arok ng mga salitang bading mo. Hahaha.
BM, I understand where you are coming from. No one can make your situation a bit lighther aside from yourself.
ReplyDeleteJust let the rain do the crying for you.
I guess we are on the same boat, punyemas na ticketing booth yan, malas. haha. if it makes you feel better, naka installment plan din ako - 8 years na. walong taong naglalaan ng pagmamahal, at nag aasam baka isang araw ay mahalim din naman, hindi pahapyaw lang.
ReplyDeletewala ako magawa eh, mahal ko. hindi ko mahanap sa iba ang sayang dama ko pag kasama ko sya. ito na yung taong alam kong kapareha ko sa The Greatest Love Story of all time.
tinamad lang ang author na idevelop yung story. At yun ang nakakalungkot don.
Uyy BM follow mo ako sa site ko ha ... iniisnab mo kasi invitation ko eh he he he ... thank you ...
ReplyDelete