Bago ang lahat, luma muna ehehehe. Waley sa intro! Tnx sa mga bagong followers. Lalo na kay payat na ginulantang talaga ako, pag-open ko ng FB FanPage at makita ko na ni-like nya si BM. Impernes ke Pa, supportive ang lolo mo at nagtatampo na dahil wit ko na daw sha bina-blog. Pinagpalit ko na daw sha kay Papa El. Ayan ha, Pa, na-blog ko na un latest. Bekilandia, u know naman my definition of mamaya, davah? Hihihi!* Pero dahil kay Payat ako nangako, nagkatotoong mamaya na to. =)
Actually mas nauna ang pangako ko kay Medusa na ikekembot ko rin ng blog ang eksena ni Lenita kaya here it is. Ang epic na garrison belt eksena. Mga ning, some scenes are graphic and are not suitable for minor readers. Parental guidance is advised.
Some kembots ago, as usual overnight sina Lenita at Medusa sa balur. Pero sa text while papunta sila, asaran na kung sino daw ba ang handa ko. Kinakati kasi si Lenita. Eh ilang beses ng zero si bakla sa bahay na walang kulay. Kahit kasi nagge-gay bar kami before, laplapan lang eksena nila. Kaya si beki nakikiusap na kung pwedeng madiligan naman ang uhaw na lupa.
So i promised to do what i do best... Outsourcing! Somebody call 911 ang drama ng bakla kina red one at green two. To the rescue naman ang mga pokpok na kalalakihan ehehehe.. Since tatlo kami, sabi ko dapat tatlo din sila.
Pag gento kasi, sinasamantala ko na ehehehe.. Tutal sa haus sila matutulog, request galore na ko ng alak at pudang mez pag ganunchi. Shoping shoping kami sa hitop supermarket at mega panic buying: kropek at butong pakwan cum empi lite for da boys, lays at doritos slash tanduay ice for the bekis. Aplis pag anditrax (andito) sila eh wala akez gastos davah naman madam charo!
Nung papunta na kami sa haus gulantang kami kasi si Jepoy nasa kanto rin. Kajoin force na rin sha kasi sha nga nagpakilala sa mga ombre db? So no choice baka magtampo pag nalaman na di sha imbayted. Eh di isama na sa haus para wala ng eksena.
Eto na, habang inuman, tama bang magpaka primadonna ang hindi naman invited?! Ngayun kasi, si Jepoy eh mega extra extra na sa mga syuting-syuting at teyping-teyping ng mga tv shows. Extra pa lang naman ang lolo mo. Kaya sobrang naloka kami kasi kada kuda ng lolo mo, "me shooting kami sa gento, nakasama ko si gentong artista, me linya ako sa Mara Clara, me agent ako sa gentong show, sa gentong kontest, sa gentong pageant, etc etc..." kuda ng kuda si potah. Naumay na kaming lahat on how "sikat" his co-stars are, to think na hindi naman actually sha ang sikat... Di nga sha matawag na bit player eh. Dahil imbyerna ako sa attitude nya, EKS! Isa shang malaking EKS! Ekstra! Crowd! Estudyanteng naglalakad sa background. Parte ng mob. Ni walang linya, kaloka!
Tapos mega babad pa sa bath tub. Keri lang naman mga nini, kaso mo sakit sa kidney ang inabot ng mga pantog namin! Maligo ba ng tatlong oras!!! Timecheck, its now time to go home! Nalurkey talaga akengkay at ang mga ate kong ihing ihi na! Sige lang ariin mong iyo ang banyo. Maya maya siguro nakahalata na di kami enjoy sa mga flex flex at pa-fireworks ng ombre, may i go out at yoyosi daw sha. Di na bumalik after that. Yes! Sa wakas!
Kita mo? Kahit hindi about him tong post na to, sa dami ng eksena nya eh nakain na nya ung half ng post. Hmpf! Kung nakita nyo kung pano ko na-highblood habang kinukunsumi sa kanya, kamukha ko na si Barbara Tengco!
Heniwei Marcos Hiway, on with the "fun" inuman... Di ba nga tatlo ang mga 'pulutang buhay' ng mga beki? May-i-categorize naman kami ng kung ilang case ba ang kailangan naming laklakin para masikmura naming magpahinete sa mga ombre.
Si red one, winner na yan. Kahit isang tagay lang sa shot glass ng tanduay ice, pasok na sa fetch na banga yan. Si green two absent. Me misyon kasama si Peebo. Si blue three, isang boteng redhorse stallion, gagwapo na sa paningin ko.. Winner sa height, mejo winner din sa bagang, parang layered. Pero cute na ring maituturing. Eto na, si import. Nun ko lang nakilala tong si Gabriel (pronounced as gey-briel pa yan ha!) Eh wiz ko naman bet magpaka-Via Perreira dahil may Raymart na nga ako sa Batangas di ba? Mga isang case siguro para pumayag akong pakembang sa lolo mo. Isang case ng emperador! Hehehe. (impernes nakasalubong ko sha kanina, kalahating case ng empi lite lang naman pala kapag maliwanag)...
As expected, si Lenita bet si red one. Eh dahil madamot si BM, di sha makaporma.. Kaya matapos nilang lumaklak ng tig-isang tanduay ice at maginarte ng nahihilo, gora na sila upstairs sa pretensyosa kong sekan plor. Ang mga otoko naman eh sige ng laklak ng empi lite at banlaw ng tanduay ice nga. Hanggang sa umarte na rin silang nahihilo at sumunod sa mezzanine (yun pala ang check na term)...
So siksikan kami ngayun sa sekan plor. Nabanggit ko na bang pretensyosa sha?! Masikip! Tabi-tabi kami ngayun shempre. Imagine this: isang single size na foam, tatlong makating beki, tatlong talong este tatlong belt na pwedeng ipangkamot. Garrison belt pa yung sa isa mam! Yung kay Geybriel. Tapos since mezzanine nga lang sha, hanggang luhod lang pwede, di na uubra tumayo.
Sa foam sa tabi ng dingding si Medusa. Pero pabaliktad ang higa nya, so paa nya ang kahilera ng mga ulo namin. Tapos si Geybriel. Then si madam Lenita. Tas ako sa lapag na ko. Katabi ko si red one na malapit na rin sa dingding. Si blue three nasa ulo namin, sa ilalim ng erkon. Eh di sleep na kuno kami. Ako eh tumalikod na ke Lenita at lumingkis na kay red one. Agaw-tulog na ko sana, eh ang baklang gayot (kulang) sa dilig, kilos ng kilos akala mo eh sinusundot sa pwet.
Eh di napasilip ako sa side nila. Me kumot kasi silang tatlo. Aba si Medusa nanlalaki ang mata na akala mo eh flashlight. At me sinesenyas ang mga pupils at iris ng beki mae. Napatingin tuloy ako sa dalawa kong katabi. Aba mam! Windang festival!
Ang garison belt biglang tumunog. Kalas sinturon gang talaga si Lenita mam! Pati zipper na bumababa rinig na rinig ng inosente at dalisay kong mga tenga! At ang ulo madam, umaandar ng pa-sideview! Shempre patagilid ang drama nila kasi nga masikip! Wala naman kaming narinig na mga higupan at plok-plok na sound effects, to give Lenita some credit. They really tried to make it discreet, mahirap lang talagang itago yun sa ganung lugar, at sa mga kaibigang tulad namin..
Patigil-tigil sila kasi nga gumagalaw-galaw kami ni Medusa. Magkatext na kasi kami ni beki lou at may exchange of knowledge and pov na kaming duwa sa text. Maya maya, humarap ako ke Lenita. Nakapikit ang bakla at arte-artehang borlogs. Di na ko nakatiis, inangat ko ng slight yung blanket. Pag-angat ko, binaba ko agad. Sabay tingin sa mukha ni Lenita. Sakto namang nagmulat sha ng mata. At nung magtama ang mga paningin namin... Sabay kaming natawa ng bonggang bongga.
Si potah, binabarena! Habang katabi kami! Kundi ba naman talagang pinaglihi sa construction site, nakuha pang magpa-piko at asarol ng bakla sa pwesto naming yun! Hinahalukay ube na pala si bakla, binabayo na pala ang nilupak ng hinayupak!
Tumalikod na lang ako ulit at yumakap ke red one. After a few minutes eh bumaba si Medusa, at sumunod si Jessica Alfaro, este ako pala na feeling star witness dahil sa aking nasaksihan.
Effort talaga tumawa ng pigil noh?! Yung tawang mauutot ka na sa pagpipilit na humina lang pero di mo pa rin mapigilan.. Kasi naman eksena talaga si bakla. At pwede naman silang bumaba at pumuwesto sa banyo! Nagawa nga nyang buksan ang garison belt mam! Na pagkahigpit higpit! Anu ba naman yung kaladkarin nya pababa si Geybriel di ba?!
Ang siste, di na kami nakatulog kasi ilang attempt talaga sila kaso di raw natutuloy. Parang gusto pa ni bakla eh bumaba kaming lahat para makatapos na sila. Belat, bitin! Mga mahahalay! Mga imoral! Mga baboy! Mga talipandas! Mga makati pa sa fungi! Hanggang sa lumiwanag na lang at nakatulugan ko na ang pageespiya.
I had to leave them to meet a student. Kaya nagbilin na lang ako na pakainin ang mga otoko, bigyan ng talent fee na pang-laborer si Geybriel for the ey-fort, at pamasahe sina red one at blue three. Mama Sang na Mama Sang lang si BM davah?! Eh friendships naman kami ng mga otoko, kaya alam kong waley silang pamasahe pabalik sa kabilang branch ng Isakwala Lumpur.
Eto na. Paguwi ko, mega reklamo ang mga otoko sa fb chat. Naglakad daw sila pauwi. Di raw sila binigyan kahit donation man lang ng beki lyn. To think na fab na fab ang eksena nila nung madaling araw. Parang paint me a picture lang ng road repair, yung may nagbubutas ng kalsada. Tas pag may lilingon sa kanila or may kikilos sa katabi nila, 'freeze'! Masama tuloy ang loob ng mga outsourcing rangers.
Naguluhan tuloy ako. Pag di ka nasiyahan at mejo bitin ka, waley bang paysung yun dapat? O dapat eh gib lab on krismas day ka pa rin kasi the deed has been done. At tsaka its not the destination, its the journey! Its not the talsik and putok, its the ungol. O dapat customer satisfaction is guaranteed? if we fail to give you a receipt, it's on us! Ay ambot. Naguluhan lang ang malandi kong utak.
My two cents on this, hindi magpapakembot ang Bioman unless may kakaharapin silang mga mecha gigans at mecha clones.. Di sila magpapakembular unless may kelangan silang i-buysung na mga arsenal at gadgets para sa bio robot. Di sila magpapakuyangyang unless may pangangailangan sila. Yan ang kalakaran sa Iskwater, me DTI representative pa yan! Kaya ako naguluhan.
Its either gandang-ganda si Geybriel kay Lenita, o kating-kati lang talaga sha. Di ko na inalam kung which is which. Basta ang sure na sure na sure na sure ako... Sunog na ang blanket!
i love this entry. keep it up BM!
ReplyDeletepak! haiz ang buhay bakla nga naman
ReplyDeletei can sooooooooooo relate to this. hihi
ReplyDeletei so love this entry. kabogera!
ReplyDeleteahahaha!
hindi ko kineri ang barenahan. haha!