6.18.2011

Post na Bitin

Tag-fiesta na naman sa kabukiran. As expected, goraboomboomlei ang beki mae sa Broken Land para maki-flores at maki-disco. Sabi nga ng mga tyahin ko super active daw ako ngayun sa pagluwas sa bukid. Di na raw ako anti-social. Wititit nila knows, nahihilig kasi akeiwa sa pangunguha ng siniguelas!



Mag-isa lang ako umuwi nung Friday afternoon. Halos 8pm na ko dumating sa bukid, mejo haggard magbyahe kasi gabi na konti na lang ang mga jeepelya na nadaan. Pagpasok na pagpasok ko sa pinto ng bahay, nabungaran ko si Tita Corazon...

"Oi BM anjan ka na pala... Si Reymark nakabuntis!"

Wala talagang pasakalye?! Walang "Kumain ka na ba? Kain ka muna. Kumusta byahe?" Basta pagtuntong na pagtuntong pa lang ng nagmamaasim kong flipflops sa kusina slash batalan ng balur, bomba nukleyar agad ang pambungad na pasabog ng tiyahin kez. Sabay ask sha ng "Kumain ka na ba? Kain ka muna. Kumusta byahe?" Ayun naman pala, nahuli lang... Eh sa welcome remarks pa lang nabusog na ko. Kaya imbyerna na sa lafang, gora na lang sa landi.

Nagpalit na lang ako ng national costume. From tattered jeans to white pechay shorts. From loose shirt to plaid pink top na inarbor ko sa isang malanding bilat. From havaynanas flipflops (ganun talaga un spelling neng, havaynanas!) to white sho-es. From 3210 to Yvonne na isiniksik ko sa limang balumbon ng medjas. (iwas holdap daw un ayon sa alamat--ishogo ang valuables sa medjas)... From gupit haggard to gupit beki with volumizer na mousse. Tenen! Mukha na kong aatend sa sayawan ng bukid!

Pagkembot ko sa venue ng tuklong, supplies! Walang sayawan! Karaoke challenge ito neng! At live band! Betinolla patani! Shala shalahan na ang Sirang Lupa mam! Gumegento na! So ang lulu mae, sway sway pa at mega wave ng lighter sa side. Kaso mo wala akong bet sa mga kalahok. Ang na-sight ng bakla kong puso eh ang judges. Ay winerva ung isang judge mam! Hmmm esep-esep... Eeksena ba ko sa board of regents?! O iiskyerda ng birit-baby sa karaoke challenge?! EKS!

Buti na lang di ko pinakinggan ang tawag ng libog, este damdamin. Nakilala ko si judge. Si Dondon na anak ni Citas. Na pamangkin ni Lolo Timi. Na pinsan ng kung sino sa pamilya ko. In short kamaganak ko na naman si Dondon. The good thing is super blurred na ng dotted lines sa genealogy namin, di na kami considered as relatives. Hehehe!

Me dalawa pang daot na emcee, mga beki na standup comedians. Eto lang ang naalala ko: "put-put-put ang sabi ng puke kong umuutot"... Kaya ko sila naisingit, kasi pinaakyat si Dondon para maki-jam at makikanta. Syet! Di lang sha cute, maangas pa sa stage! At ang boses, talo pa ang karakas ni Macario na tropa ko sa Cannosa! Syet talaga!!!

Matapos ang eksena ng banda musika na may malalanding vocalist, nomo kami sa isang kubo. Di ko pa rin natatanaw ang gwapong magbubukid imperview. Inumaga na kami sa pag-a-acquire ng sirrhosis sa atay. Yung pinagnanasaan kong pinsan, dumaan saglit para makishot at magyaya sa ilog. Kaya after ng inuman at makatulog naman ako ng hanggang alas dos ng hapon, gorabella naman kami sa infamous ilog ng aming bukid: fave hangout ng mga kabataang nagpu-puwitan ahehehehe!

Anim kaming nagpicnic at -- anupavah-- uminom. Pagdating namin eh me grupo na sa unahan na mga kabataang naka-brip lang. Pagkakita sa min, mega suot sila bigla ng shorts. Yell naman ang bakla: Magsipag-hubad kayo ulit! Di ako maninilip pramis! Susulyap lang! Takte, sarap mangapa ng dalag neto mamaya! Dalag na pumapalag!

Sa ilog adventure namen, kasama ang dalawang bilat, si gwapong sekand cuzin, at si bokalistang hot. Normal na normal ang inuman namin. Hindi sha rom-com, wala ring action scenes o heavy drama, hindi rin naman pang-documentary ang dating. Normal na normal ang maghapon namin. Simpleng piknik sa ilog. Wala kaming eksena habang naliligo... Kasi ang eksena pala ay nasa pag-uwi.

Sensha na mga beki at bitin...kasi naman ang pumindot di va?! Wala pa kasi ako laptop kaya bear with me muna mga bekilandia orayt?

Itutuloy...

4 comments:

  1. ay, gusto ko itey! sa bukid ang setting. aabangan ko ang karugtong. :)

    ReplyDelete
  2. Ay trulili, sa kabukiran walang kalungkutan. Ahihihi!

    ReplyDelete
  3. sa bukid walang papel.... tahahhaha ingat wala din yatang puno ng mangga o maasim na sampalok...

    ReplyDelete
  4. winnur ang mga eksena ni BM!

    ReplyDelete