Showing posts with label kabaklaan. Show all posts
Showing posts with label kabaklaan. Show all posts

9.09.2013

My Own Vincent


 I've got my own Vincent, and -- his words -- it's Chris and he's just enjoying himself.



The HUSBAND...











The LOVER...









And the WIFE...









The three of them tell a story.

Some of you are familiar with it.

Some of you are curious.

Some of you are cynical.

Some of you will be unforgiving.

But none of you matters.

Because this is THEIR story.



The Husband. The Lover. The Wife.



8.05.2013

Phoenix



Pangungunahan na kita. Hindi ito review ng My Husband's Lover. More on react. Mas tungkol to sa akin at sa mga pakikialam ko sa palabas hihihi. I just love the show, kinailangan ko talagang bumangon sa hukay mula sa aking pagkakahimlay. Kinailangan kong i-resurrect si BM dahil sa tingin ko, boses nya lang ang may kakayahang kumuda ng tungkol sa MHL. And I'm seriously thinking of making a comeback choz! Pero dahil ilang dekada na since my last post, di na ko makabuluhan magsulat ngayun. So kundi ka maka-relate sa kuda ko today, wehano?! Basta mabasa to nila Suzette, Carla, Dennis at shempre ni Mang Tomas, keri na. Kung mabasa rin ni Rodjun, mas bongga! Oh, intro lang yan ha... Yung susunod mong babasahin, i-play mo muna tong kanta ni Kuh para ma-feel mo talaga yung blogelya.


3.14.2012

A Happiness of Gays

Shrewdness of apes. Congregation of alligators. Unkindness of ravens. Battery of barracudas. Piteousness of Turtle doves. Flamboyance of flamingoes. Yung pinakahuli siguro ang pinakabongga. Napaisip ako ng semi-malalim. Pano sa grupo ng mga bektaz?

2.01.2012

Bite Me

Magpapakagat ka ba?

Eto isa pang nakabaon sa baul. Wala ng social relevance pero kalkalin ko na rin para mabawasan ang drafts ko davah?! October 30 pa ata tong premiere night na to hehehe... Wag na umangal, gusto ko mag-movie review eh hihihi... This will just be a prelude to another blog I'm working on... Ang buhay pag-ibig, sa perspective ng Aswang sa buhay ni Biem. Exciting!

11.17.2011

Ginusto Ko To

Dahil nasa isang napakagandang lugar ako ngayon sa aking buhay-beki, napag-isip-isip kez. Ang saya lang maging bakla noh? Dahil jan... Lilybeth! Pakipasok nga yung sarcasm folder, nasa loob nung bitterness file! Isabay mo na yung pessimism report!

8.02.2011

Witchiririt: Ang Pagtanggi ng Beking Tiririt

Ala-Mary Alice sa Desperate Housewives tong eksena ko ngayun.

Voice over: Isa sa pinakamahirap gawin sa buhay beki ay ang tumanggi.. Sa isang kumpare na kinulang sa pambayad ng motor... Sa isang gwapong bagets na gustong magpakembang... Sa dalawang magkaibigan na para may matulugan eh willing magpalingkis... Sa papabol na ka-chat mo sa fezbuk na gustong makipag-seb...

Minsan, ang pinakamahirap tanggihan...ay ang sarili mo mismo.

7.02.2011

Ang Huling Sayaw

Eto na po ang ending sa Post na Bitin. Kasi naman bitin din kayo sa comment! Bat ba kakukuripot nyo ha?! Depressed ako ngayon -- on an entirely different matter, indi dahil kay Payat na dinadaot nyo hihihi -- kaya please naman mejo pasayahin nyo naman ako.

Comments will definitely be my prozac for the night. Most bloggers ask for comments to increase their traffic. Ako, I ask for comments to feel pretty. Ahihihihi! Kamown bekilandia! Make BM feel pretty tonight... Love love love!

Magawa ngang nakakalibog tutileyting tong post na to para ganahan naman kayo mga beking ipinaglihi sa laing (tnx for that line DH -- o di ba nagbabasa din naman ako ng blogs nyo!)...

5.26.2011

Angel Locsin!



Dahil kakanood ko lang ng In the Name of Love na bonggang bongga naman talaga, naalala ko bigla yung kalurkey na kwento ni Angel Locsin sa Toy Kingdom.


5.08.2011

Export Tool

Narito na naman ang isang pagkahaba-habang post ng Bakla. At dahil buraot pala mag-moderate ng comments, lifted na ang ban ahahaha... Mandaot na kayo kung bet nyo, kadali namang mag-delete ng comment ng mga mandirigmang bakla davah?!


5.01.2011

Mr. Commitment

Wow, overwhelming naman ang response at galit nyo kay Letter Sender. Tama si Kane, I knew him personally. Mas masakit nga yun eh. At sa nandadaot na commenter na ako daw yun nag-email sa sarili ko, anu ko baliwag?! Kelangan ko pa ba gumimik sa sarili kong blog?! Shunga ako teh? Ahahaha... Kung kelangan ko ng gimik sa blog na to, all I need to do is post regularly, tama?! Don't worry, pag baliwag na ko talaga at ini-email ko na sarili ko, i-cc kita ha.

Mabuti pa, magkwento na lang ako ng mga pangako kong anshugal ng napako. Aba, kaya nga may martilyo, pambunot davah. This is one of the few drafts na naisulat ko at di natapos. I still have ten posts left bekilandia. After that, eat pray love muna ang drama ko ha. Expect nine more posts this week. And then we'll see...

4.11.2011

Outsourcing


Bilang natawa ako sa blog ni Arki-Torture na puro daw boylets ang laman ng blogelya ko eh di boylet na nga ang i-blog tonight. At bilang dumugo rin ang utak ko sa mga comments nyo sa atake sa puso ni Juvelon, ibahin natin ang topic. Dami ko na ba utang mga beki? Aba mangilin naman tayo!


3.28.2011

Virtual Kilig



May blogelya-belya akez na pagkahaba-haba kay Papa El eh. Mga chat chatan namin gabi gabi... Yung mga kilig moments na umeeksena sha at ninanamnam ko ng fab na fab! Kaso mo, pakakak na laughtough itey, di na-save. Tae talaga... kaya eto ulitan si bakla. Mejo indi na juicy, pero keri na. Hihihi...

3.25.2011

Triquetra

Awat naman sa mga lalake -- mga frendships ko namang beki. Lagi kong nababanggit ditey sa blogelya kez sina Galema at Medusa. At shempre, akengkay si Valentina. Kumusta naman, ginawa ko tong draft na to Dec. 25 pa! After 3 months natapos ko rin. It's actually a tribute to my two girls: Sailor Mars and Sailor Pluto.


3.17.2011

My Utoy


Kung ang Mara Clara ang Ina ng Philippine Teleserye, si BM naman ang ina ng Iskwater. Mara, Clara, Via, Selina, Mutya, Agua, Bendita, pati na Kris at Korina, rolled into one. Hihihi...

Impernes, feel na feel ko lang talaga ang Mara Clara. Nakikiiyak ako sa bawat ngalngal ni Mara, nakikibunyi ako sa lahat ng kamalditahan ni Clara, gigil na gigil ako sa pagka-gullible ni Alvira, touched na touched ako sa pagka-ina ni Susan, bet na bet ko ang kabaklaan ni Aling Lupe, suklam na suklam ako sa kademonyohan ni Gary, at kilig na kilig ako sa ka-kyutan ni Christian.

Oh di ba, affected na affected ako ng Mara Clara. Kesa mag-emote ako sa sarili kong buhay, makiki-emote na lang ako sa dalawang batang ipinagpalit ang tadhana.


2.24.2011

On Beki Bars

Feb. 15 pa dapat tong post na to. Isipin nyo na lang, kunwari Valentine's Day kahapon. Hihihi. Churi...

*******************************************

Dalawang gabi na kong nakakakita ng maraming etits. As in. Winawagwag at dinudukdok pa kamo sa mukha ko. Winawagayway na parang nagpapadakma at nagpapatakam. Eh pano ba naman, dalawang gabi na kaming nagpupunta ditey sa isang beki bar sa Anonas. Sa haus kasi bumorlogs since Sunday sina Galema at Medusa. Impernes, lagi ko silang nababanggit ditey sa mundo ni BM, kaya next time eh sila naman ang ibibida ko.

Heniwei Gokongwei na meari ng Robinson na may anak na may kakambal na anaconda na nakakulong daw sa basement ng mall (daw lang ha). Ang haba ng anyway ko noh?! Heniwei, ayun na nga, gora kami nung Monday night sa beki bar. Araw ng mga Pechay di ba? At dahil tuyot na ang mga talulot ng aming mga pechay, napagkasunduan naming lumandi pasumandali at mag-watchtower sa mga buhay na nota. To appreciate art in its purest form. Art yan ning. The art of nudity. The human body. All the way. Me nakasabit pang ice bucket sa art na yan minsan.

Nakapunta na kami ditetchiwa dati. Nung January yung unang goraboomboomlei namenchi, havey factor! Mega search akeiwa sa google ng mga "popular gay bars in quezon city philippines" at andaming hits ning. Si baklang Medusa read talaga ng mga review para daw alam nya kung saan sulit ang bawat erya. Me nakita naman ang baklita, somewhere along Aurora Blvd. Winner daw ang mga shows, pasok sa banga ni Galema ang presyo, at mapapa-clap-clap ka daw sa mga produksyon numberlaloo. Go ang mga hitad. Napakanta nga lang kami ng "dito ba?" kasi muntik na kaming maligaw.

Kaloka, punong puno ang beki bar! Saburdey kasi, big night kemerlou daw sabi ni Mommy Jackie Rice. Sha yung nakatokang floor manager sa mga rebekla. Waley ng jupuanstra kaya bog na bog kalabog! Kinabog! Ang mga rich na suki ng beki bar kabog sa tatlong beki mae. VIP kami dumerecho. Lipat na lang daw pag me available ng table. Sa loob ng VIP kemerot eh malaya kaming nakisayaw sa mga giling at shembot ng mga kalulurkihan.

Me search for a star in a million for a night double up edition pa silang pakulo kaya busog na busog ang mata ng mga garutay. Me bet si Galema, si K na winner sa fez, ala Bruce Quebral. Pero wit nya nai-table kasi snobbish muna ang eksena naming tatlo. Wag silang umarte, nasa VIP kami. Tsaka high-end high-endan si K kasi 5k daw ang bawat kembang ng lolo mo. Ay, wichiririt ng ibong tiririt! Wititit! Wala akong natipuhan sa mga macho dancer na nakakaburaot. Entrance + compulsary na duwang drinks + jisang platitong mani = bill namin. Pasok sa budget!

Nung araw nga ng mga pechay, since waley kaming mga date with a star, hinintay namin ni Medusa na matapos ang shift ni Galema at sumugod kaming muli sa beki bar, kesehodang 230 am na kami um-arrival area doonchi. Hewan ko ba, kung kelan araw ng mga pechay, saka naman waley ang mga talong. Aba naman, lilima ata silang nagsasayaw. Lahat ng high-end na art exhibit eh nagsi-dayoff daw. Mga hinayupak na tamad! Pinagtyagaan na lang naming tatlo ang mga kalahi ni Bajula na mga dancer.

Aba, me cuteness na sumayaw. Si E. Mejo bata pa, twink ang lolo mo, pasok sa category ko! Pero bet din sha ni Galema kaya nagparaya ako uli. Tsaka loss ang wallet ko nowadays, ikaw na maging 5 months na unemployed. Kaya give-way ang baklang maton. Landian Lane uli ang duwa, pero wai ng macho drinks kasi pauwi na kami at pasara na ang beki bar. Kinuha na lang ang number ni Otoko at text-text na lang later.

Maghapon silang magka-text kinabukasan. Si Galema lang naman talaga ang katimora sa aming tatlo nung araw na yun, kaya bet talaga nyang bumalik sa beki bar kinagabihan para makuda na nya ng bonggang bongga si E.

Eh di yun na nga, nung gabi na, garutay lang talaga kaming mga pinaglihi sa alakdan, ayun matapos uli ang shift ni Galema, pakakak! Gora kami uli sa beki bar sa jaurora julevard. Ay kaloka kasi kahit Tuesday kembular ngayunchi, me show ang bar. Kundi ba naman shungakers ang management, kung kelan konti ang mga parukyano, saka naman sila nagpa-jontest ng Jubad na Chupido. Eng-eng lang madam?

Pero, pero, pero... Present na si E at K. Me usapan na sina Galema at E davah? Hagalpakan kami ng tawa, kasi pagka-jupo pa lang namenchi sa table na nasa sulok ng daigdig (para free si Galemang manglingkis) eh biglang sulpot agad si K at humimas-himas na sa anak ni Zuma. Shempre si Galema, likas na mahilig manuklaw, kaya hinimas-himas nya rin ang python ng lolo mo.

Habang kinakalantare nya si K, bigla kamong sumayaw si E. At huling huli nya ang textmate nyang me ibang ulupong na kadutdutan. Si Galema kasi, kinulang sa Caladryl nung bata. Di tuloy makatiis sa kati. Ayun, pagkakita ni E, inasar namin si bakla. Itineybol ni Medusa si E para maloka na ang Galema. Eh di sila naman ang "wholesome" na naglandian sa tabi ng baklita.

Ako na lang ang loss. Waley pa akez partner in crime for the night. At dahil di cooperative ang wallet ko, tiis-ganda si BM, alang-alang sa aking tuition fee. Eh si Medusa, she's always after fairness. Kaya para fair daw, getchina akez ng sarili kong macho dancer para mabigyan ng MD -- macho drink. Ay, wiz ko type ang mga MD na kung lumingkis eh kulang na lang ipasuka sa yo ang yaman ng angkan mo. Si Galema nga, kakahimas ni K, nakabili ba naman ng APAT na macho drink! Ampotah, 1200 din yun ha.

This time, me na-crush-an na ang pihikan kong puso. Si J. Pero kahit kakambal ko na ang kakatihan, pinaglihi naman ako sa mga buraot na nilalang. Kaya sya ang ginetching kong ka-table. Kasi si J, waiter! Cutie na waiter. Pwede naman daw silang ma-kyeme eh, di gora. Di pa kasi nya keri magsayaw, payatola pa ang cute na ombre. Pero game din naman so pasok na pasok ang choice ko sa banga.

Habang nanonood kami ni J, at nagtutuklawan na rin, namukhaan ko yung isang kumukuda sa stage. Around four to five summers ago, nakasama ko na ito. Nung panahong wild at shunga pa ko, habang nakikipagtagisan ako ng libog sa bahay ng isang frend kong matrona, sa isang O-party. Oh em gee! Si BM, nakikipag-orgy! Dati pa yun, nung college.

Meron akong bet na bet na di ko malapitan, kasi nga cute ang lolo mo. Mejo hawig ke Joross. Si Peter. Di ko na sha nakita ulit dun after mahuli ni mamu na ninenenok nya ang mga antigong rebulto ng santo. Puro santo kasi yung bahay na yun, mejo nakakatakot ngang lumandi eh. Ni minsan, di ko man lang nalawayan ang lolo mo, eh bet na bet ko pa naman ang gago. Wit na kami nagkita uli.

Until now. Ang hayup na yun, anu kayang nangyari? Bat sha bumagsak sa ganitong trabaho? Anung nangyari sa pagaaral nya? Pano sha nagsimulang mag-perform? Andaming tanong sa jutak ko, kaya after nya sa stage, kinorner ko ang hinayupak sa gilid ng CR.

"Hoy! Natatandaan mo pa ba ko?" kuda ko.
"Oo nga, parang namumukhaan kita. Kanina pa kayo?" sagot naman nya.
"Mga 2am na kami dumating. Kelan ka pa dito?"
"Mga 1 year and 3 months na rin. Ano nga uli name mo?"
"BM. Nakalimutan mo na ba?" tanong ko naman.
"Mejo matagal na kasi yun. San nga ba kita nakalaban dati?" usisa naman nya uli.
Nakalaban talaga. Taray! "Sa San Andres tayo nagkakilala. Remember?"
"Ah oo. Ako yung nanalo dun eh. Anong award ka ba nun?"
Nalilito na ko. Award?! Imbento na lang si bakla. "Ano, congeniality."
"Ay tama ikaw nga yun. Sayang, sana kasi nag-Snooky ka na lang."
Snooky? ".... Huh?" Blank-look na yung mukha ko.
"Naku BM, sumali ka sa Miss Bago-Bantay sa Sabado, kakilala ko yung judge."
This time, clueless na talaga ko. "San ba tayo nagkakilala?" tanong ko.
"Sa pageant nga di ba, sa San Andres. Oi chikahan tayo mamaya ah, me number pa ko ulit."

Yup. Si kuyang naka-O ko noon, pero di ko natikman, isa nang super-proxy. Impersonator na si bakla ngayon, ang galing tumina-turner at mag-whitney houston ala dulce ng lola mo! At napagkamalan pa kong byukonera. Byukonera -- as in sumasali sa mga byu-kon: beauty contest! Snooky pa daw ako, ampotah. Bat di na lang Rosa Rosal? Eh di ba "kapwa ko, mahal ko"? O kaya... "Eto po si Serena Dalrymple na nagsasabing... isa pa, Papa. Isa pa!"

Di ko alam kung nagde-deny lang si bakla o di talaga nya ko maalala. Ang alam ko, umuwi kaming masaya. Walang kumuda sa ming tatlo. Basta masaya lang kasi me dumaan agad na taxi, di na kami nag-"wait of shame" sa tapat ng beki bar.

At nung nasa haus na, habang mega diskusyon kami sa mga nagastos, nakuda, nahaplos, at na-poach naming mga wildlife, napagkasunduan naming lagdaan ang isang memorandum of agreement para sa susunod naming pagkembot sa beki bar.

Hubad na Kupido Memo

1. Mag-budget ng gagastusin.
2. Wag bigay ng bigay ng tip sa mga nagpapa-erya.
3. Pag me lumapit sayo, hawakan na ang nakahain na grasya, sabay turo sa katabi: "Ay di ako pwede, sha na lang."
4. Wag matuwain sa mga bakla. Tandaan, bakla ka rin.
5. Kilalanin ang mga hustler. Iwasan.
6. Kaibiganin ang Mamasang.
7. Go for the waiter. Mas tipid.

At nung napagkwentuhan namin si impersonator, sabi ni Medusa. "Sis, take it as a compliment. Napagkamalan kang sumasali sa byu-con. Nagmumukha ka nang babae."

To you, Petra... I'm flattered. *wink* I know what you did last, last, last, last, last summer...

2.16.2011

Crazy Little Thing Called Cyber Love

Do you remember friend? As in si My Fifteenth. My Swing-and-Top-of-the-Building-Cyber-Lover with the sweetest messages and the cutest declarations of love.

I just noticed winaley na nya yung account nya. Winaley literally. Binonggal. Chinukchak. Tinegi. Dinedlak. Kinembular. Dinedmalaysia. In-erase-erase.

DELETED.

Nag-start kaming magpalitan ng mga iskyembular nung December 27. Mejo nahihiya pa noong una, naging pa-sweet, hanggang sa nagpahaging na ang lolo mo, at ng lumaon eh tumodo na at nagpakilig ng bonggacious na bonggacious sa tigang kong puso.

Sabi pa nya nga di ba, "when someone leaves, it is because someone is about to arrive." At nung sumagot ako na "a lot have arrived but none of them stayed. will you? that's the tricky part." mas lalo akong nangisay sa reply nyang "if i will, will you let me?" kaya sumagot ako uli ng "Someday..."

The sweet messages kept pouring in. Pinakinggan ko ang Pachelbel's Canon in D the Canon Flamenco version, pati na yung Canon Rock by Mattrach. Nag-alay pa ang lolo mo ng mga haiku kasi bet na bet nya daw ang mga japanese poems na iteiwa. Me kwento pa nga bago nya sinabi yung haiku. Me eksena pang ganitey:

Isa daw shang well-known Samurai warrior at mega journey to the woods ang drama ng lolo mo para mangaso at mapag-isa. May nadaanan shang isang ilog at dun nya nasilayan ang napaka-gorgeous at napaka-stunning na si BM. At nang palapit na sha sa akin para hawakan ang aking mala-kandilang mga kamay ay biglang umeksena ang mga sundalo ng kabilang kaharian at sapilitan kaming kinaladkad na parang mga beki na nagkamali sa fashion statement. Harsh! Mega-kulongera ever kaming duwa sa magkaibang bartolina, at tumaghoy na parang mga pusang ngumingiyaw sa pangungulila sa isa't isa.

Sa kanyang dusa't pighati, ay naisulat nya ito sa dingding ng kanyang kulungan.

"Is there a color called love in this world?
Yet why is it,
That my heart is completely dyed with it?"

Kung san sha nakakuha ng pang-vandal sa dingding, wit ko alam. Ang alam ko lang, madalang na shang nagme-message kasi exam week daw nila at kailangan nyang i-resist yung urge na mag-jinternet at ma-distract. Isa daw akong distraction sa kanyang hectic na iskedyul. Isang tukso.

Naintindihan ko naman na di na sha kadalas mag-message gaya ng dati. Basta nagre-react pa rin kami sa isa't isa. It would take days, minsan weeks bago sha makareply sa message ko. At ang huli nga eh nung February 9.

Tapos ngayon babatiin ko sana sha ng belated Happy Valentine's day, ako ang na-belated. Walang sabi-sabi, walang anu-ano, basta nawala na lang yung account nya sa Fezbuk. Di ko alam kung na-block ba nya ako, kung nakalimutan nya yung password, o kung binura nya totally. Basta wala na sha. Ni hindi ko alam ang tunay na namesung ng lolo mo. Ni hindi ko rin nakuha kung anu bang number nya, address, suking tindahan, pati na proof of purchase! Syet!

Sabi ko sa mga previous blogs ko, may 15 chances tayo sa bawat buhay natin na makahanap ng mamahalin at magmamahal sa atin. 15 chances na maging masaya. 15 chances na ma-inlove at mag-inlove ng paulit-ulit. Sha na sana ang pang-15 ko. He could have been "the one". Ang kaso mo, cyber lang ata ang meron sa amin. Andaling mag-logout.

"Someday, I would give you my heart." That was a promise I intended to keep. When we're both ready, right? Panu na yan? Di ka na nag-extend. Kahit man lang half hour. Kahit fifteen minutes baga. Not even five minutes. Di ka man lang nag-babye. Wala man lang pagbabadya, basta ka na lang na-offline.

"Sorry, na-DC ako. GTG."

You pushed me off the edge, man. Ni hindi mo man lang ako sinalo, deym!

Loving is indeed the scariest thing you'll ever attempt. It's like jumping off the cliff, not knowing whether someone's gonna catch you, or if you're falling for nothing. What matters is how you took a chance. If no one catches you, don't mourn love. Remember it, celebrate it, seek it... For love comes back. And if your heart is ready, love stays. For good.

Owen, you may not be my Fifteenth Chance. You may not be the one. Still, thank you for making me feel soooooo special and loved. You will always have a special glittery spot in my right ventricle. And when I'm ready, I will love again, and again, and again. Sabi nga ni Mother Teresa, "give and give until it hurts no more".

Go lang ako ng go sa love. Kasi, the juice is worth the squeeze.

2.08.2011

100K

Wow! Nawindang naman ako! According to Stats kemeot ng Google Analytics, limang kembular na lang 100k na ang bumibisita na sa blogelya kez! Yey! Napapa-whistle naman akeiwa ng bonggang bongga! At dahil di ko naman keri mag-whistle na parang dolphin eh naghanap na lang ako ng me kakayahan.

Presenting my new friend: ALEI MUCH. Hay naku ihanda nyo na ang mga clap-clapey nyo. Winona Rider talaga ang voice ng Alei na itey...

Click mo ditey pra ma-watch mo mga videos nya. Di akeiwa marunong mag-grab eh hehehe...

Salamat mga beki sa inyong pagsubaybay sa buhay bakla ni BM.

Salamat sa mga likes sa jino-join force-an kong jontest. I-like nyo pa. Hihihi.

Salamat sa mga Fabcasters at sa pagsali sa akeiwa sa peborit nilang 15 blogs of 2010.

Salamat sa mga baklang walang sawang magbasa.

Salamat kay Mandaya na kauna-unahang nag-comment EVER sa blogelya kez na itey.

Salamat sa mga dautera na nakikisawsaw sa lovelife ko.

Salamat sa mga Power Rangers na nag-follow! Nakaka-250 na ko! Ang shala!

Salamat din sa mga nag-like sa Fezbuk Fan Page ng bakla! More more more!!!

Salamat sa mga barkada, tropa, iskwater citizens at mga kapamilya kez na nakikibasa.

Salamat sa blogspot dhil libre mag-blog ditey!

AT salamat sayo. Oo, ikaw na bakla ka. Wag mo ng takpan yung monitor, alam kong beki ka rin Inday, kasi anditey ka. Salamat sa suporta Rebekki.

Para sa mga Beki Mae, Beki Lou, Beki Ann, Beki Lyn, at Bekilicious! Mwahugs!

Bekilandia... from the bottom of my escabeche... SALAMAT!

2.03.2011

B. Y. A.

Habang MIA (as in missing-in-achuchuchu) si My Fifteenth, sinendan nya akeiwa ng link na itey. Sumali daw akeiwa sa pa-jontest ng blogelya kyeme, at ng magkamal ako ng limpak-limpak na salapi. Gusto daw nyang manalo ako. Na-tats nga ako kasi na-imagine ko ang lolo mo na naka-cheerleader outfit at humihiyaw ng "Go BM, go BM, go! B! (clap clap) A! (clap clap) K! (clap clap) L! (clap clap) A! (clap clap) N! (clap clap) G! (clap clap) M-A-T-O-N! (clap clap clap clap) BI-EM!" Sabay taas ng pompoms na pinkaloo.

At dahil Chinese New Year ngayonchi, naisip kong eskyemperduhin ang calendar of activities ketch ditey sa Baklang Maton. Kumbaga, planning mode at deliberation ekek ako ngayon. Tsaka introspection na rin. Masarap kasing kudain ang sarili bago pa bumitaw yung isang hibla ng katinuan sa jutak kez. Naalala ko tuloy... Tinining-tinining... Ang nakaraan...

Nakaupo ang bakla sa harap ng dagat at nangangarap. Malalim ang iniisip, nage-emote, humuhuni-huni ng Canon Chemberlain, at nagpapraktis ng pagtulo ng luha sa kaliwang pisngi. Biglang lumapit si Mudak at hinaplos-haplos ang buhok nyang green.

"Mutya, may problema ba?"

"Wala po Mudak, nag-iisip lang po."

"Ay nag-iisip pero ume-emote? Bakit ka umiiyak?"

"Naisip ko lang po, sana hindi ganito ang buhay ko."

"Mutya, hindi ka ba masaya?"

"Masaya naman po."

"Oh anong problema?"

"Gusto ko pong magka-paa, Mudak."

"Huh? Mutya hindi ka naman pilay. Nakakalakad ka naman."

"..."

"Kanina nga nagte-ten-twenty pa kayo nina Gayzilda at Bekirella."

"Ay oo nga po pala, hindi ako sirena."

"Oh eh ano ba talaga ang problema?"

"Mudak... Sana po, magka-pechay na ko."

"Hay naku kanina isda, ngayon naman gulay. Mamaya mo nyan eskabeche na gusto mong maging. Ewan ko sayo. Andami mong kuda, Mutya!" Nag-walkout na si Mudak. Di kinayanan ang pagiging ambisyosa ng unica hija nya.

Ilang taon na ang nakakalipas mula ng maganap ang usapan na yun sa pagitan namin ni Mudak. Matagal ko ng natanggap na wala akong buntot. At yung magka-pechay eh isina-puso ko na lang at di ko na isina-katawan, baka kasi itakwil na ko sa rainbow na paraiso ng mga na-dedlak na beki. Nahanap ko na rin ang nawawala kong boses, at di ko na alintana ang makalyo kong paa. Kumbaga, buong-buo na ang self-confidence kemerlalou ng bakla. Kaya ako nag-blog. Segway!

Sinimulan kong magsulat, project sa iskulilet. Kelangan kasi ng scrapbook sa Developmental Psychology, with matching piktyurakka, mga notes at reflections, at mga eklaboo. Gumawa ako ng mga essay-chenez na parang blogelya ang dating sa bawat milestones ng buhay kez. Yung mga "significant others", yung mga "past, present and future", pati na yung mga "somewhere, somehow, someday" ko, nadawit sa kalandian. Ang resulta? Uno. At nag-enjoy naman ang mga friendships ko sa nabasa nila. Nag-enjoy din ako sa pagsulat. I found my niche. Sa lahat kasi ng ginagawa ko, madalas mediocre ang dating. Walang A for eyfort, puro B lang for basta na. Basta nakapagpasa, basta nakagawa, basta nakatapos, basta nakabigay, basta nakakembot. Sa pagsusulat, na-eureka ko na kering keri ko palang magmaganda at magmagaling.

Dahil sa pagba-blog, natutunan kong yapusin ang aking pagkatao. Di ko lang niyapos, kinadena ko pa sa sarili ko. Dito ako nagsimulang kumuda, esta makakita ng mga nakakatawa, nakakainis, nakakaiyak, nakakalibog, at nakakabakla na mga eksena, kaganapan, nilay-nilay, at emosyon. I learned to express myself while impressing others. Shempre narcissistic din ang bakla, gusto ko ring malaman na may mga natutuwa pala sa bawat kembang ko. Ang taba-taba ng puso ko sa bawat reaksyon at komento ng mga beki, babaylan at occasional na lulurki sa bawat chararat ko. Mas natatapos ko pa kamong isulat ang blogelya entry kesa sa thesis ko!

Ang blogelyang itey din ang naging daan para magising ako sa katotohanan. Iba kapag bakla ka. Ibang landas ang tatahakin mo. Hindi lang sha matinik at mabato, makyontot pa with matching whispers ng mga taong maraming kuda sa buhay. Ibang saya ang pwede mong idulot sa mga taong mashadong emotera. Iba ang ine-expect sayo ng lipunan, at iba lalo ang paraan para makita mo ang sarili mong maligaya. Kailangan mong patunayan ang sarili mo ng paulit-ulit, hanggang sa mawalan ka na ng paki sa sasabihin ng iba. Sabi nga sa nabasa ko sa horoscope ata, ine-expect ng lipunan na isa akong kahihiyan, ayoko silang biguin.

Naging salamin ang webpage na ito sa mga saloobin at salabasin ng isang BM. Isang Baklang Maton. Isang bakla. Period. Napa-tumbling nga ako ng makita ko kung gano kadami na pala ang bumibisita ditey araw-araw. Humigit kumulang na! Syet! Pagkaminsan tinatamad na rin akong ipagpatuloy ang pagkuda ditey sa blogspot. Wai namang sweldorific ang bawat post, wit ding career na pwedeng iuwi, waley ding lulurki na pwedeng gawing bufra mae. Pero pag naiisip ko na eto ang tulay para makilala ko talaga ang sarili ko, at maipakilala na rin sa mundo kung ano ba talaga ang tunay na mukha ng mga bakla, napapabulong ako sa hangin. It's all worth it.

So, what's next for BM? Para sa kin -- para sa kin lang ha, wag kayong kumontra. Para sa kin, sa pagiging BM ko maipapakita ang iba't ibang maskara sa likod ng bekilandia. Baklang Maton, baklang mahirap, baklang mayaman, baklang maarte, baklang makuda, baklang malibog, baklang mayabang, baklang maliit, baklang mataba, baklang malandi, baklang mahinhin, baklang maldita, baklang matanda, baklang makulit, baklang mapanlait, baklang mapagmahal, baklang makabayan. Baklang dakila. Hindi lang basta bakla. Lahat ng bakla.

Pano ko maa-achieve itey? Sa bawat tipa, sa bawat titik, sa bawat salita, sa bawat pangungusap, sa bawat talata, sa bawat katha, sa bawat likha, sa bawat gawa... sa isip, sa salita, sa kilos, sa pananalita... Sa utak, sa katawan, sa puso, sa kaluluwa... Sisiguraduhin kong may kabuluhan, may sense, may kembot, may pupuntahan. Sa bawat post, para sa Bekilandia. Promise!

Who knows, dito magsimula ang pangarap kong BYA. Beki Youth in Action. Oh di ba? Hay 2011, ready or not, here I am!