1.30.2012

200

It's a Heartbreak.



Hindi ko man lang namalayan, pang 200 na pOst ko na toh. Mashado akong nalunod sa kasawian. I never realized I was wallowing in a dark place, until I saw an old episode of Will and Grace. And another episode... And another episode... Naloka na lang pinsan ko kasi isang linggo akong nakakulong sa kwarto at lumalabas lang para mapabili ng barbekyung isaw at atay. One week. Ok fine, oa na yun. Mga Saturday to Tuesday lang. Me pasok ako ng Wednesday to Friday eh.

Nung time na yun, ipaglalaba ko ng buong taon at ipagpeprayover ala-KC-to-Piolo kung sinoman ang makikipagpalit sa kin. Yung feeling na ayoko ng maging bakla. Gusto kong magpa-pray over kay lola Judiel ng Agoo, o kaya eh lunurin ang sarili ko sa agua bendita, magpabitin ng patiwarik sa mga adik, magpapaddle sa mga frat para lang may i-hazing sila, pati na mag-planking sa tapat ni Cong. Winson Castelo. Can you blane me? I was mending a brokenheart.

Sabi ko sa dati kong blog na kinuda ko lang ke Rose Tan, walang exempted sa kasawian. Lahat ng tao, kahit gano pa kayaman, katino, kaganda, kasariwa, kamaton, o kabakla, eh dumadaan sa kasawian. Kahit si Mario Maurer nga, pinagtaksilan ni Gudgib di ba? Kung si Ninong Kamao nga kunwari Ninong eh pero sha pala ang tunay na paderakka. Si Mo nga at si Rhian eh gera talaga, nagdemandahan pa. Ako pa kaya ang ma-exempt.

Masakit lang kasi yung kahit guilty sha, mas pinili pa rin nyang saktan ako para maging masaya sa piling ng iba. At mas masakit ung masabihan ka na wala kang karapatan masaktan kasi hindi naman naging kayo. Sa dinami dami ng lalaking minahal ko at nireject ako, wala pang nag-kwestyon kung bat ako nagiinarte at nagbibitter. Lahat ng mga yun, binigyan nila ko ng karapatang masaktan, maghilom, at bumitaw.

I must admit, yung latest was a big deal to me, lalo na at wala naman kaming closure. According to him, I was never in love with him. All I wanted was Kerbie, my blog, my music, my book, my limelight. Not him. I fell for the limelight, the attention, not him. Sabi pa ng lolo mo, "I dont't need your forgiveness. Come on... Chill..." in which I believe my appropriate response was "Mag-chill kang mag-isa mo!"

Dapat pala nagkunwari muna akong walang alam, sabay niyaya ko silang dalawa na mag-dinner sa bahay at umeksena ala-Christine Reyes.

"Maba-Baliwag siguro akengkay pag na-knowsline kez may beki sha. Baka ma-tegi onor ko yung other beki. Silang duwa, acshuali." Sabay lingon sa dalawa... "Alam mo kasi ang m2m relationship, parang iskwater's village. Kailangan mong bantayan para wititit makajosok ang mga taga-village!"

"Uhmm, Meg... I’m not a mistress. I never was and I never will be one. Di pa naman kayo davah?! You can call me anything you want: anaconda mayora, bitchesa dukesa, other beki. Kesehoda! Witchikels akez magiging kembutera, tumblingera, carthweelerang  beklush."

Nawa'y magkita kami before ako mategi onor. I already forgave him kahit hindi nya hiningi. Shempre pati si Meg. Matitiis ko ba si bakla? In fact nagkita na kami uli. Di rin sila nagtagal, two weeks lang ata. And no, hindi ako nagdiwang nung nalaman ko yun. But maybe, knowing na hindi sila tumagal prompted me to finally start my healing process, and eventually forgive them.

Nung una, shempre naman. Masakit. Di sha madaling i-explain eh, kasi ano bang masakit sa pag-ibig? Is it physical? Is it psychological? Is it emotional? Is it spiritual? Minsan sa sobrang sakit, yung heartbreak eh nagiging literal. Alam mo yun, yung tipong pag kumanta ka ng kahit anong kanta, feeling mo eh ikaw ang pinatutungkulan. Yung kada eksena sa primetime bida eh nakaka-relate ka. Yung ultimo balita sa TV Patrol eh umiiyak ka. Yung pinagtyagaan mo na yung pagmumukha ni Willie kasi sya na lang ata ang nakakaintindi sayo. Yung pinagdiskitahan mo lahat ng pusa sa iskwater pag nakakasaluong mo sila. Yung iiyak ka na lang, sabay tanong sa sarili ng "Panget ba ko?! Dahil ba balbon/malaki tyanenat/bigotilyo/balbas-sarado/masama ugali ko?!"

It brings out your deepest fears, your worst nightmares, your hidden insecurities, every horrible side of your existence that you've kept under the rug... Or inside the closet.

Napa-look back tuloy ako sa -- fifteen or so -- heartbreaks ko in the past. Nanjan na yung nagtapat ako sa pamamagitan ng mahiwagang diary. Yung isa eh sinusulatan ko pa using the code name Chloe Sullivan, at shempre pa addressing him as Clark Kent, at ako mismo ang nagde-deliver para kunwari eh pinapabigay lang sa kin. Meron din na nagpaka-yaya ako sukdulang i-shoe shine ko yung sapatos nya, at nagtapat ako sa bus pabyaheng Maynila. Pinakanakakaloka nung minsan sa camping, nalaman nya lang nung hawak hawak ko na hehehe.

Twice, sa office ako nasawi. Different companies, different persons. Yung una si team leader yung kinahuhumalingan ko. Yung isa naman eh si team captain dun sa account na tine-train ko. Resign-resignan na impromptu, sakit na psychosomatic, pagkahilo, pagsusuka, pagtatae. Oh di ba, literal na masakit. Ke TL, para makaganti eh naglagay na lang ako ng patibong na mga bala ng stapler na in-stretch, sinuksok ko sa swivel nya. Boom! Kaso mo gumanti, nilagyan naman ng alambre ng paper clip yung upuan ko. Ke TC, naglasing ako kasama si Soulmate Kong. Ayun, naparambol naman kami. Ako na talaga ang Maton!

Yung iba di ko na alam kung anong exact na steps ang kinembot ko para lang magtapat, mabigo at mag-moveon. Dalawang beses na kong muntik mabaliw sa isang cyber lover. First was si Prince Caspian. Ang talino kasi ng lolo mo, kaso naglaho na lang sha bigla at natigil na ang emails. Eh kasi naman si kuya nakakulong pa rin ata sa Narnia. Then there's My Fifteenth. Super sweet naman kasi ng boylet na to. As in. Napapa-eop nga ako lagi pag kausap yun eh. Ayun, deactivated na rin yung fb account nya. Last time na nagkausap kami, he was on the process of healing himself sa pagkamatay sa sunog ng ex-gf nya. I wonder where these two men are, musta na kaya sila, heartbreak din kaya ang naidulot ng pagkawala ko sa mga buhay nila? Ma.

Meron ding wala kang choice kundi ang umusad at ituloy ang buhay, kasi wala na sha. Like yung Koreano na dati kong pagibig, at yung ungas na lumipad pa-Australia. Ano, sundan ko?! In case lang na pumunta sila uli ditey, mitetang. Andami na rin ng paraan na ginawa ko to cope with the pain of loss (choz!) Anjan na yung tequila-a-day regimen ko. Tsaka yung be with friends kemerot. Sumulat ng kanta, kumatha ng tula, gumawa ng blogelya.

Para maka-move on dun sa pagiging ama nung gwapong magbubukid, nilandi ko lahat ng tropa nya. Dinala rin nila ako sa manggahan, sinigwelasan, sampalukan, at damuhan. Landeeeehhhh!!!

Pag naman si Totong ang pag-uusapan, semi-moving-on lang ang peg. Sheeerrrryyy! Pakyut na sorry lang hehehe. Magagawa ko lang sigurong mag-move on ng bongga ke Totong kung umalis na ko ng tuluyan sa Iskwater.

Si Daduds, di rin clear ang line ng paglimot at ng pagibig. Kasi palitaw ang lolo mo. Si Ka-te nga fan daw ng team up naming dalawa eh. Team Budwire ang lola mo, gusto nya eh sa bandang huli, kami rin ni Budwire ang mag-aampon at magsasama habambuhay. Ay churi, nalihis, napunta sa pangarap, nawala sa heartbreak.

My point is, andaming beses na kong nasugatan, nasaktan at iniwan. Anong kaibahan ngayon? Why wallow?

"When I'm feeling like there's no love coming to me and I have no love to give. When I'm feeling separated from the world and cut off from myself. When i'm feeling annoyed by every little thing because I'm not getting what I want, I'll remember that there is infinite love available to me, and I'll see it in you. I'll remember that I'm complete within myself so I'll never have to look to you to complete me. And most of all, I'll remember that whatever I need I already have. And whatever I don't have will come to me when I'm ready to receive it."

After hearing this reading from Will and Grace, I believe I have found the answer to the universal question every beki might have: why am I alone. Now I know why. Yes my soul was broken, but only because I'm not ready YET to be the other half of a beating heart.

When I can safely, freely say that I'm complete within myself and I'll never have to look to someone else to complete me. When I am the best beki that I can be. When I'm ready to find that other half of my heart. When I am the best version of me.

I will find my prince.

6 comments:

  1. napaka agang depression naman ito... hintay lang ng hintay, darating din yan. Enjoy the single life muna para kapag nakita mo na yung match mo, you can share with him all the happiness you found ngayong magisa ka :)

    ReplyDelete
  2. and I know he's on the way to find you too ;)

    ReplyDelete
  3. kagabi, i heard this song. somewhere somehow ang title, forget na kung sino ang kumanta. all i can remember is this:

    somewhere, far beyond today, i will find a way to find you.

    bagay na bagay ito sa post mo.

    dont fret, darating din un. :)

    ReplyDelete
  4. i love this entry blog of all that you have made! it showed the real BiEm!

    ReplyDelete
  5. yeah, you'll find your prince! in the right time ateng!

    ReplyDelete
  6. kulang sa punchline ang ending.anyways very much liked nmn ang plot ng story.keep up writing for us.you just dont know how u help us.-Norman@kuwait

    ReplyDelete