I am having a hard time to write. As in wala akong matapos. Kaya hinayaan ko muna ang aking inner beki na manahimik at wag mag-blog. Para naman mapahinga ang pagal at kamura-mura kong katawan. Beki pa rin naman ako inside and out, pero di ko muna tina-translate sa salita. For almost two months, i was just a normal beki, i wasnt the blogger beki.
Buti na lang, nanjan si Papa El... Dahil sa recent naming eksena, di ko kinayang hindi magsulat... Hay Blink! Binigyan mo na naman ng tapang si Kakeru...Ü
Boom-buroom-boom-boom time na naman sa Pandacan! Tis the season to be beki! Its the annual ati-atihan slash Papa El festival! Of course kakayanin ko bang mag-abstain sa pamimyesta? Knowing na baka last ko na toh, ay mega set na ko agad ng appointment kay Tita Valentina at gumora sa Beata.
Simula nung natuklasan ko ang aking angking kakapalan ng mukha masquerading as assertiveness, super text naman akez kay Papa El at kumuda akez December pa lang ng ganitey:
Ako: Papa El maligayang pasko! (text ko sa sun number nya)
0915----: Papasko ko? (ibang number)
Ako: Hus dis? (maang-maangan)
Papa El: Papa El.
Ako: Uy Papa El! Sige papasko mo protein powder...Ü
Papa El: Weh? Number ko to.
Ako: Wala na yun sun mo? Sige pagpunta ko jan iaabot ko sayo.
Papa El: Active pa rin, dun ka nga nagtext di ba? I-cash mo na lang hahaha.
Ako: Ahehe oo nga pala. Pano ko icash di nman tau nagkikita (pahaging)
Papa El: Ayiiiiiieee... Pahaging pa!
Ako: Hahaha. Yan ang gusto ko sau eh di ka slow. Siguro naman sa fiesta makakainuman na kita.
Papa El: Oo naman for sure yun.
Ako: Cge malamang sa fiesta na kita lalandiin ulit hehehe...miss ka na ng mga baklang readers!
Papa El: Talaga manglalandi k na naman? Di ba may boypren kna, bat lumalantod ka na naman? Haha.
Ako: Hahaha wala na akong bowa, hayup na yun ayaw daw sa bakla ang gus2 bisexual lng..kala mo nman me difference! Kaya pwede na ko manglandi uli.
Papa El: Nyahahaha ok yun ah. Hehe.. Bat nga pla naiba ung usapan? Ung pamaskong cash pinaguusapan naten knina ah.
Ako: Ahahaha uu nga pala pamaskong cash topic mo...wag na nga cash! Protein powder nlng!
Papa El: Ayaw ko na kasi mag protein powder kung di rin naman aq lagi mkakainom kpg naubos un... Dapat dire direcho.
Ako: Ayun lang. Sige cash wampipti.
Papa El: Takte kulang zero.
Bakit pag si Papa El ang blog ko, ang sipag ko lang magtranscribe ano? Bongga script with matching dialogues!
Acshuali last year pa ko me gift dun. Nun nag-jong kong kami ng mga friendships kong beki at tiboli, me nabili kaming sale na shirts sa Giordano. Dapat sa kanya ko ibibigay kaso naisuot ko na di pa kami nagkikita. Kaya sabi ko instead na protein powder eh shirt na lang uli. May bilin pa ang gwapo: f&h classic tee size 2. May etchoz pa na ike-claim nya daw in person. Chusero!
Impernes sa hunk na yun, super greet nung Christmas eve, at me disclaimer pa: hindi GM ang text nya. Aplis umangat naman level namin. Textan na rin kami, at minsan sha pa nauuna. Nun buysung na akez ng shirt, walang blue, green lang kaya grab ako uli ng oportunidad na makatext sha. Bet naman nya ang green kaya waldas na agad si beki para may giftlaley sa pogi. After a few hours: "Shirt ko? Red ha!" Madaling araw magiiba ng kulay?! Ano babad ko muna sa jobus?! "Napagtanto ko bat ako pumayag sa green hahaha!" Sinamantala ko na para magpa-cute.
"Burahin mo na nga ako sa contacts mo!" kuda ko.
"Ha? Bakit naman?" reply ng macho.
"Para i-save mo na ko sa puso mo!" hihihi... Banga! Three points!
Ang kapalit ng hinihingi nya eh fansign hehehe. Dati pa ko nanghihingi ng fansign jan eh. Kalevel nya sila Kerbie at Mart sa pagka-celebrity sa paningin ko. Bet ko nga rin sana video habang magkaakbay kami at reenactment ng sweet moments ala telenobela. Di ko na maalala pano kami humantong sa shirt kasi ang alam ko boxers dapat yun. Boxers kasi sabi nya minamanyak ko daw sha dati kahit high school pa lang sha. Lagi kasing naka-boxers lang! Sakit sa apdo!
A week after nga ng fiesta eh nakasakay ako sa troli papuntang Pandacan, text akez ke Papa El. "Papa El! Papunta ko jan sa Pandacan. Nawa'y masilayan ko ang kakisigan mo!" Eh kakashopos pa nga lang ng fiesta nun kaya kakasilay ko pa lang lately. At antagal magreply ng lolo mo, andun na ko sa tapat ng balur nila nung magreply sha.
"Nasilayan mo na nung fiesta ah! Bayaan mo next year ulit!"
Saktong lingon ng pogi sa gawi ko. Natawa pa sha sa pagkakangangey ng beki mae. Kulang na lang bumulwak ang waterloo kez sa 8th wonder of a Beki's world! Pano ba naman, nakahiga ang Papa El sa couch, shorts na brown lang ang suot, topless! Macho, makinis, maputi, and let me reiterate, TOPLESS! Sinong matinong bakla ang di mapapanganga nun. Gusto ko ngang kunan ng picture eh kaya lang baka sabihin minamanyak ko na naman sha sa tingin.
Mayamaya nawala ang mokong nagtago na ata sa banyo. Yun pala eh naghihintay nga na maka-cr kasi kaninang nadatnan ko sha eh may tao pa. Pero keri na kahit saglit lang ang exposure nya, sulit na sulit na, mascot na lang chickenjoy meal hot and spicy na! Forget the gravy! Langhap-sarap affordameals! Yung eksena nyang nakahilata sa terrace na topless eh habampanahon nang nakaukit sa aking frontal, parietal, temporal at occipital lobe! Pati na rin sa lahat ng glands, nerve cells at organs sa buo kong shutawan. Kung sha ang mabubungaran ng mga foreign investors, malamang na mag-17th nga ang economy ng Pinas sa 2050! It's more fun in the Philippines indeed, not to mention it's more hotness and sexiness at lahat na ata ng adjectives na tutukoy sa pagiging "kanasa-nasa" ng isang lalaki.
Yung fiesta, nagsimula sa "Oy! Upo ka dito, Ganda!" saya na sana kaso di si Papa El ang nagbitaw ng linya. Pero hotness din in a katutubo way yun bumati, si Reggie. Kababata ni Papa El pero cross my heart hindi ko yun pinagnasaan dati... Uhmm ngayon lang!
Mejo magulo ang jinuman na yun kasi nakiumpok lang ang mga otokiz sa mga friendship nung shupetbahay naming borbs - itago natin sha sa namesung na Jovit the Obit. Duwang lamesachinchin ang nakahatag, para sa mga otoko, sa mga feeling otokiz at sa mga tropa nila na girlilets.
Bilang mga true-blue riles boys, shempre mga aktibo ang hasang ng mga boylet. Lapit yung isa at feeling Patrol ng Pilipino kaya piktyuaka ditey, snap snap doonchi, flash kembular galore, me bilin pang smile, cheese at wacky! Hala naloka na lang akengkay nung nagwala si Jovit the Obit.
"Daddy! Nakaka-BV eh! (baka bad vreath?!) Kuha ng kuha sa mga kasama ko, ayaw nga magpakuha! Ayaw nga oh, sinabi ng wag kunan nangbi-BV pa rin eh! Alam mo naman kung saan nag-aral tong mga to! Di sila sanay sa ganyan!"
Ay neng, nagpanting talaga tinggil ko. Pero behave lang ang beks, kasi baka maturnoff ang Papa El. Kasi naman, Day, look around. Sa sidewalk ng riles kami nakapwesto, dating bahay yun nung kapitbahay namin na nadamay sa road-widening kaya demolished ang balur nila at ngayun eh tambayan ng mga sinampay, tandang at bugambilyang tuyot. Sa eksenang yun ng pinagnonomoan nila, at kasagsagan ng fiesta, mag-iinarte ng ganun?!
At nung napag-alaman ko kung san nag-aaral, ang potah tumambling na lang ako. Basta ako, sa state university nag-aral kasi wonderful ang neurons ko, kering ipasa ang entrance exam. Obit na to, pagkayabang-yabang. Sarap ipasagasa sa tren ng 5:30 in the morning! Kala ata eh binabastos mga katribu nya. Maya-maya eh mega announcement sa madlang riles ang Papa El, at prinoclaim na gf nya yung isa sa mga nilalait ko. Yung natatanging babae dun na may itsura. Konting usapan sa side, konting bulungan sa bench, konting simpleng lait sa mga maaarteng obit. Natigil din ang usapan, at hinayaan na lang namin ang mga kupal na ngumawa ng ngumawa sa mic.
Impernes ke Gladys Reyes, akez eh pretty in pink -- cool na cool lang. Ine-enjoy ang pagkakadais ng aming mga tuhod at hita. Ina-absorb ang pasimpleng pagpapa-kyut nya na walang takot kong aangkinin at sasabihing sa kin nya lang (sana) ginagawa. Para bang sinasabi ko sa pagkaka-kuyakoy ko na "Papa El, sa kin di ka mapapaaway, ever! At ako pwedeng piktyuran, anytime!" Op kors hindi tumalab ang mga orasyon ko sa hangin, so nakikanta na lang akeiwa ng "With a Smile" ng Eheads.
Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
Now it's time to kiss away those tears goodbye
(Too doo doo...)
Let me hear you sing it
(Too doo doo...)
Nung todo birit na ko, sa part ng too doo doo at ayiii ahhh haaaa.... Tumayo ng slight yung mga patilya ko sa left side, meaning may nakatitig sa kin. So slowly lumingon ako, and sakto nakatitig nga si Papa El, sabay biglang ngumiti, umiling-iling, at bumulong sa sarili.
Hindi ako assuming, hindi ako ambisyosa, at lalong lalo nang di ako marunong umasa sa wala. Mashado akong realistic, praktikal, at radikal. Pero di rin naman ako ipokrita na kinikilig na eh idedeny pa. Basta yung ibinulong nya, ninamnam ko lang, dinamdam hanggang pagtulog, kinipkip ko sa dibdib, binigyan ng kulay, ininterpret ng may malisya, at shempre kinilig ako ng bonggang bongga! Sabi nya...
"Hay naku, Franklin. Hay naku ka. Hay naku!" sabay iling-iling, napapangiti ng alangan sa sarili, at saka nagbawi ng tingin. Ako naman eh naiwang -- anu pa ba -- nakanganga. Sa eksena nyang yun, buo na ang gabi ko.
Hay naku, Papa El. Ikaw talaga ang Blink ng pagka-Kakeru ko. Kilig provider indeed! Ano nga ulit height mo? Ahh 5'10...
Pano ka ba nagkasya sa puso ko?!
Ang sipag mag-transcribe ah! In fairness, kinilig ako. Hahaha!
ReplyDeletekakatuwa, nasilayan ko na naman ang pagsintang pururot ni BM.Kada binabasako tong blog mo at c Papa El ang topic, parang kinikilig na rin ako eh...haha
ReplyDeleteHave a nice day, BM!!!
Imperness mei ichura nmn tlga c Papa El..kht member aq ng tboli gang e kinilig aq s knya!haha!bkt d q nppancin n mei gnyan pla kgwapo s riles?!:p
ReplyDeleteang hot talaga ni papa el. kaso taken na. tsk tsk.
ReplyDeletepara syang si yael ditembang bm.
ReplyDeleteBoom!
ReplyDeletesaan to sa pandacan ha ehehhehe
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletetaga pandacan ka rin pala hahaha
ReplyDelete