Everyday, I'm gonna be the best beki that I can be.
Bilang may doctorate degree na ko sa pagmu-moveon, I started living my life to the fullest... Ulet. Gento ang eksena ko nung mga nakaraang buwan...
Nung katapusan ng November eh birthday ni Vivecka este Alison pala. Tradisyon na namin na pag araw ng kadiliman aka Nov. 29 eh magse-celebrate kami together. Dati, nag-starcity kaming dalawa. Minsan naman eh gaybar, nung minsan eh naghunting ng baklaan spa sa araneta avenue, at last year nga eh nasa KL kaming dalawa. This year eh kasama na namin si Sailor Mars, aka Angelie, aka Lenita the garison belt expert. Since wala kaming maisip gawin, nagpa-Linggam massage na lang kami sa Espada Spa sa Shuvao.
Actually kanya kanya kaming pili ng package -- bawal gumaya. Nauna ko pumili kaya akin yung pinakamahal. Shempre ako nanalo sa AllStars eh. Napili ko yung Linggam massage cum body wash. Sumunod si Alison, sa kanya naman yung may scrub at masahe galore. Si baklang Lenita, wala ng mapili kaya kinuda na lang yung foot spa, foot scrub, facial at massage. Si bakla pinakyaw lahat masabi lang na mahalia fuentes din yung kanya hehehe. Pero bilang Alison is always pushing for fairness and equality, at tutal sha naman ang paysung sa lahat ng package ng mga pukengkay, gora na kaming tatlo sa iisang package, yun ngang Linggam slash body wash.
If you haven't heard of Linggam massage, eto yung mamasahehin ka ng bongga sa kembang mo. As in masa-shock ka kasi kakalantariin talaga ng husto ni kuya ang nakabuyangyang mong dingdong. Una eh papaliguan ka sa kama, kukuskusin ultimo kasingit singitan ng pagkababae mo, sabay caress sa pagkabeki mo, at haplos sa pagkalalake mo. Multi-dimensional Mam! May tuwad portion at tagilid portion din habang "minamasahe" ang tangkay ng pechay. Kaya kung conservative ka ning, paglabas mo ng spa eh nahasa ka na sa pagkapokpokita at pwede ka nang rumampa sa greenbelt havana!
Matapos kaming molestyahin ng walang kalaban-laban ng mga masseur na yummy din naman, juwetiks na sa balur na waley color. Shades of Semento ampotah. At dun namin inawa ang ritwal naming tatlo: exchange notes. Kung sinetch ang magaling pumindot, lumamutak at lumapirot. Kung siney ang Needs Improvement, Poorita Bragante, at sinong maguuwi ng Kokak Award!
Kinabukasan naman, umuwi na si Sailor Mars at niyaya ko si Sailor Pluto aka Medusa aka Phoebe aka Xyriel aka Alisson Harvard para rumonda sa Shuvao Gaywey at kiligin sa movie ni Sasa at Gege... Nang naka-heels wahahaha! Stilleto talaga ang peg ko habang napapapadyak ako sa kakatawa. Si bakla hindi kinaya ang eksena ko. Pano, balbas sarado, balbon ang braso, sabay naka-bellbottom girlie jeans from herbench, at black stilletos.
Para parusahan ako sa kalandian ko, sige ng paglalakad ng mabilis ang maldita. Pag nasa escalator eh run beki run din ang hitad! At ang mga nakakasalubong namin, una mapapatingin sa mukha, sabay baba sa eksenadorang takong, sabay mulagat na sulyap uli sa mukha, then iwas ng tingin habang nagtataka, o natatawa. Meron pa atang nasusuka. Bakit ba?! Bet ko to eh!
To further torment me more, derecho kami ng bar. Beki bar hehehe. Para kalabanin ko daw ang mga boogie wonderful tulad ni Mami Jackie Rice ng Dreamboyz at Mother Selena Gomez ng Ultimate. Syet, sa sobrang kadiliman di napapansin ang sho-es kez! Rampa ditey rampa doonchi nga ang kembular ko. Pag may nagpapa-erya na otoko tinatapakan ko ng takong para lumayo. Ending, imbyernadette rivera mga bilbil dancers sa ming duwa, napagkamalan pa kaming mag-jowa! Ay dedma! Saka na kami magtetable pag me abs na kau!
Sunod na lakad namin ni Medusa, sa Divine Soria naman kami rumampa. Para lang bumili ng outfit nyang mala-Lovers in Paris for their Xmas Party. Sinuyod namin ang 168 at 170 (meron na pramis!) para makakita ng boots with a fur. Fur lang ng Askal yung nabili ni bakla, at yung jacket nya eh parang jacket lang ni George Estregan sa Asiong Salonga. Keri na. Loss pa rin naman sha sa outfitan kasi yung friendship nyang manager, binili sa auction yung gown ni Cess Quesada, este Kim Chiu. Anong laban nya dun?! Ayun, tiniis kong maging tagabitbit ni bakla para ilibre nya ko ng lunch hehe!
Last week of December naman, BekiTboli Xmas Party. Tatlong tomboy, dalawang beki, isang boylet. Nagkitakits kami sa Tides sa Quezon Ave. Inuman yun mam, pero meron kaming program. Kami lang ata nagiinuman dun na nag-Pinoy Henyo, nag-white elephant gift, at nag-exchange gift. Pag di nahulaan ang word, di mo make-claim ang regalo. Masaya naman kahit biglang brownout sa venue. Taenang Tides yan, andaming costumer lagi, walang pambili ng generator! Bongga yung nakabunot sa kin, mashado daw mahal ung wishlist ko, tumawad ba naman ng 200! Ang lolo mo, pumayag na nga ako sa tawad, wala pa rin nabili! Pera ang havs para sa kin nung event na hmpf! Despite the brownout and the antok, masaya pa rin ang eksena. Of course, i was wearing my legendary stilletos, and later on eh mukap session naman sa baang coffee. Umuwi akong baangag!
Ay, di pa pala muna ko umuwi. Kahit madaling araw, gumora akez sa spa at nagpa-bodyscrub. Ako na! Ako na ang nagpapatanggal ng libag sa alas-tres ng madaling araw! Walang matinong beki ang tatawag sa lalaking may asawa ng madaling araw, pero pwedeng magpa-scrub! Oh, eh di umuwi akong makinis at malasutla ang kutis!
New year naman, countdown kami ni Gwendolyn aka Mamagan sa Eastwood. Nag-iinarte pa ko nung una, kasi wala akong anda. Kaya angpalusot ko, dapat kasama ang pamilya, delikado lumabas, walang masakyan, and so on. Eh irita na si bakla kaya ang text sa kin, "Sige na sagot ko na lahat. Yun ang gusto mong marinig diva? Taena neto oh pinapainit mo ulo ko." Sagot mo naman pala lahat, eh di go na ko, hehehe.
Not so fetch ang mga restoran lahat punuan kaloka. Nakatyempo naman kami sa Thousand Cranes. Shabu-shabu ang peg. Natanga pa k, di ko alam ano iluluto nyahahaha... Buti na lang adelantado yung waiter. Kung cute sana yun, kumpleto package na eh. Sarap magpakabusog sa gitna ng putukan.
Habang mega-nood kami ng countdown at concert sa Eastwood Mall, me singiterang babaita na maganda sana, kaso humarang ba sa mismong harapan ko, eh ang tangkad ni potah. Tuwing may dumadaan nga sa tai ko, tinatabig ko ang babaeng binti. Tae neto, mega tiis na nga ako sa outfit kong all-black plus red scarf ala Red Butterfly, harangan ba ko?! Ayun, ilang beses shang muntik malaglag sa elevated steps, hanggang di na sha nakatiis at lumipat ng pwesto.
Ang pinaka-dikokayatoh moment ng taon, nung nagmumukmok pa ko sa aking brokenhearted girl status, eh nagsumbong ako sa mga common friends. To cheer me up, ang bet ng mga bakla eh pakudain ako ng bongga. Mga hanap kami ng otoko, at ang ending, si Gwen eh me "contacts" daw na nasa balurchina. So kaming tatlong beki, goramucho sa Rosario. Only to be disappointed by a scheming beki bitch.
You remember Mamaru? My not-so-fetch sister. Andun pala si bakla, at pinagtagpo kami ni Mamagan para magbati. I was caught off guard, but was actually grateful. Niyakap ako ni bakla while saying sorry, and... My heart just melted. Bakla ako, hindi ako bato.
Ang dillema ko ngayon, walang lalaki sa balur ng lola mo. Pano ang mga kasama kong kinakati? Choz! So lumipat kami sa bahay ko, san pa ba. Attention Junior Canton Boys! I have visitors! Formation! Pulutong, kad! Kadyot, gad! Kaliwa, bakla, kanan, kangkang, kaliwa, beki, kaliwa! Harap sa bakla, rap!
Nood sine, kain sa burger machine, dayo sa other brans ng Iskwater, maggoto sa madaling araw, dance-dance sa Republic or sa pyesta, nomoan sa daan, photoshoot sa bath tub using Mercedes and Brianna, magpamasahe sa legit na spa, dumayo sa Pampanga, ngumawa sa tono ng Breathless, Raining Men, Viva Forever, at Superbass!
Although di ko masasabing "best beki" ka pag marami kang lalaki, or marami kang gimik,or marami kang anda, I can safely say na best beki ka, when you do all these things with your beki friends. I may be alone, and sometimes yes, I am lonely. But with these friends of mine... hay... Mabubuti silang kaibigan, masama nga lang minsan ang ugali hehehe. They keep me happy, they allow me to be me, and they embrace that bitchy, mean, ugly part of me.
The easiest way to be happy is to be with friends who bring out the very best in you. Friends who would die for you, and yes, friends who sometimes want to kill you. Friends who would still go out with you, heels, wig, mukap and all. Friends who trust you, and who can be trusted. Friends who know you inside, out, and all the spaces in between.
Pag matetegi na ko, no regrets. I can honestly say...
I have been the best beki that I can be.
shala!
ReplyDeletefriendship is built wt trust.good 2 hear uve got friends like them. again id enjoy reading ur sentiments...
ReplyDeleteanong kembeLar ba to? haha.. tag'emo?? drama atei:)) ano twitter account mo??
ReplyDeleteTama! Go lang ng go =)
ReplyDelete