Wow, 201st first ko na itey! Salamat sa lahat ng nagbabasa, salamat sa lahat ng bumabalik, salamat sa lahat ng nagse-share, salamat sa lahat ng andun sa gilid at nag-subscribe hihihi, at salamat shempre sa lahat ng kabaklaan na binigay sa kin ni Lord. Without this, malamang wala akong blogelya nowadays. Hemingway, opening salvo para sa Blogelya Number 201... The ultimate showbiz encounter of my 2011... Light topic muna para madaling isulat. Slowly, gogora akez ulet sa mga hard na ekzema hiii. For now kalandian muna ha.
Habang sinusulat ko toh eh nakatayo ako sa harap ng mrt. Paghinto ng train neng, nalukaret ako sa kagwapuhan nung nasa loob! Halata lang ang hasang ko kasi pagkakita ko sa kanya napanganga sabay ngisi na may pagnanasa at eye contact agad ang bakla. Natawa din sha. Kaso puno na ang tren, hindi bumukas ang pinto!
Umandar ulit paalis sabay announce sa PA na sa susunod na tren na lang sumakay! Taena! Andun na ang future ko eh! Buset na mrt to hinadlangan pa ang pagtatagpo namin! Napa "i believe na ikaw lang at ako..." na lang tuloy ako! Lakas maka-sassy girl ni kuya!
Ang kalurqui ng taon: October 29, 2011. Super shugality ng post na itey, kasi naman nabalahura ang sistema kez divine? Kaya delayed forecast lahat ng blogelya ng baklita. Lakas maka-Manay Zeba! So isipin nyo na lang, October 29 pa lang ngayon.
Tonight is the night! This is it! No other beki can achieve this. Ako na! Kine-claim ko ako na talaga! With confidence and sheer determination, sure na sure na ako, as in hindi lang sha confirmed... confeeeermed sha! Akin ang gabing to. At kahit umatake pa ang "bandang huli phenomenon" I'm sure maililigaw ko sa parang at ilang ang kung ano mang kamalasan na yan. And as usual sa mga blogelya ng beki, tenenen... May flashback...
Alam nyo naman kung gano ko kamahal si Mario Maurer, also known as Tong at P'Shone. Ang über twink of my life, the ultimate hearthrob, the bidabest kembularific bonggaluric extravaganza! At dahil sa marami na kong kaagaw sa lolo mo nowadays, sinubukan kong manatili na lang na isang tagahanga from afar. Kaso mejo di ata kaya ng malandi kong kalooban na di ko man lang masulyapan kahit batok at ngala-ngala ni Mario. Eh di ko naman keri ung fan conference chararat kasi limang kiyaw ba naman worth of Penshoppe products ang peg nila! Ay wit! Eh nalaman ko ke Mykiru na rampadora the explorera daw ang otoko sa Phil. Fashion Week...
Hmmm naiisip mo ba ang naiisip ko BiEm? Sa palagay ko nga JaBo! Operation Mangga! Shout sa wall, tweet at text brigade agad ang bakla. Yun lang naman ang keri ko bilang wala naman akong clout sa kahit sino sa showbiz madam! Apparently Lady Luck was on my side. Gold ang reply nung isang leprechaun kez. Si Aj me stylist na friendship. At ieeksena daw nya kami ng backstage pass sa hall 2 ng smx. Yes! Wait for me Mari-oh!
Eh di confident na si Bakla kasi pasok na ko sa likod ng banga, for sure keri ko ng masulyapan ang lolo Mario nun davah?! Excited much ang feg! Kung may makakaalis ng pagka-wet ko sa upcoming event, malamang si Jigs lang!
Eto na... October 28, Friday, napanaginipan ko pa ang lolo mo. Fancon na that day mam. Biglang may tweet ang meg ko -- text him daw paggising ko may problematize daw kame. Super beys agad ang kabog ng dibdib kez teh! Boom buroom boom boom buroom boom beys! Parang may masamang pangitain!
Nakumpirma ketch ang masama kong hinala nung nakausap ko na ang baklush.. Si stylist daw nagka-raketaru bigla kaya wit na sha gogora sa penshoppe event. Ay mam wititey na ang pangarap kong backstage pass!!! This can't be happen! I told you you! Akala ko ba, from there, there you are! Bat biglang naging from there, there you go?! Sadness tuloy akez buong Friday.
Nanikluhod na ko sa lahat ng kakilala ko na me access. Lahat talaga ng pwedeng tanungin, pati Guardo Verzosa ng SMX ineksenahan ko pa! In-offer ko pa ang kamura-mura kong katawan! Kaso mo waley talaga mam! Kaya sugod akez sa penshoppe cubao kasi nagpromo sila na pag naka-1k ka worth of tokneneng, fried isaw at rica's hotdog, eh ticket ang gibsung nila sayey. Kaso mo si shubao brans waley din pala so kelangan talaga gumora sa moa. Sa sobrang sadness kez naghanap ako ng kembular at nabili ko si AC... Alberto Cristiano, my new baby. Isang napaka-shalang sangkalan. iSangkalan ang peg!
Kinabukasan, Saburdey na wititit pa rin akez nakakahanap ng paraanchi. Forgetchina ko na siguro, move on na lang beks. Nagka-ticket un sis ko kaso show ng The Ramp Crossing. Hmpf gora akez sa moa pero di rin ako nag-enjoy hmpf. "I want Mario! I want Mario!!!" Sabay dabog ala Bureche.
Alas otso ang show mam, alas syete ng gabi nagtext ulit si Aj. Si Bryan daw na frendship namin me backstage pass! Asst kasi sha ni Veejay Floresca kaya id ang meron si baklush! Kasalukuyan akong stuck sa traffic sa edsa. One hour na lang! Timer starts now!
Baba si vakla ng jeepangga at shumakbo pagora sa mrt. Sa ayala kembular, habal habal ang kinuda ko at umangkas na parang wala ng bukas sa Manong na pang-constru ang karakas! Kasi mam nasa balur ni Bryan ang id eh taga-prc delpan pa ang beki kaya dun na ko lumipad agad. Si kuya habal ginawa ko ng service vehicle mam! Pagkakuha ko ng id bigla akong naging asst ni Veejay Floresca ng wala sa oras! At me crash course pa si friendship: brisk walk, act busy, don't stop, be confident, BELONG.
Para nga naman walang magkwestyon sa presence ko sa backstage! Impernes ke Cristine Reyes wala naman nakahalata na isa akong impostora sa likod bahay! Tinanggap ng lahat na parte ako ng pamilya zaragoza! Open arms ang mga stylist, mukap artist, at mowdels kay BM! Ewan ko ba bakit mejo shunga ako, nasa backstage na eh gumora pa sa gilid ng stage at pinili na dun manood. Eh di ko rin naman masight si Mario kasi nga me VIP room ang lolo mo, at ang mga bantay mam, parang kalabaw na nagkatawang bouncer!
Imbis na magpaka-stalker akez sa backstage eh nanood ako ng pagrampa ng mga otoko sa gilid. Sakto pwesto ng bakla kasi para kamo akong nasa -- uhmm, gilid hehehe.
Pagkatapos bumaha ng mga mowdels, oras na para tumili. Di ko talaga napigilan magwala nung lumabas na si Mario. It was so unbecoming of a faux assisstant to an absentee stylist! Choz! Posh naman yung tili ko neng, falsetto much na mejo baritone hehehe. Halos bilangin ko na bawat steps ng lolo mo sa sobra ko lang kaadikan. Ilang beses sha kumaway at ngumiti, ilang beses sha umikot sa runway, ilang beses sha nag-pose, quarter turn, pati na kung anong suot nya mula hair gel hanggang cuticle remover!
And then he was gone. Nung wala na sha sa stage, shempre me mga rumampa uli, ibang damit naman, ibang formation, ibang tugtog. Bilang may mga gwapo din naman, inenjoy ko pa rin ang second set. I was wrong. I should've went back sa backstage para sana nakita ko ang pagrampa ni Mario sa likod. But no. Shunga ko talaga.
Bumalik naman sha ulit, kasama ang owner ng Penshoppe, si VJ Utt, at yung lahat ng mowdels for the customary clapping, kaway-kaway, confetti, at ang final walk. This time, bumalik na ko sa likod at nanood sa kanilang paghuhubad, este pagpapalit ng damit. Oh, who am I kidding?! Shempre yung paghuhubad ang pinanood ko! Bird watching kaya hobby ko sa yearbook namin! I'm just staying true to my words hehehe.
Backstage, di ko rin naman nakita ang lolo mong gwapo. Pano nung palabas na sha ng private room surrounded by BIG bouncers, mega sigaw yung adelantadang beki ng "labas na po lahat, lahat, LAHAT!!!" sabay tantrums na parang... Adelantadang beki. Harumpf! Nasulyapan ko naman yung built, batok, pisngi, balikat, kanang kamay, tsaka tenga ng lolo Mario. Dumaan ba naman sa harap ko eh. Kaso natulala ata ako, at natabig ng walangyang BIG bouncer. Sadness... Wala akong picture with him. T_T
Still, happiness pa rin for me. Bago ko umuwi, naki-pose pa muna sa ibang mga mowdels, at habang naglalakad paalis ng venue (Quirino Grandstand nga ba? Di ko na maalala...) parang may spring lang ang sakong ng beki. To cap the night, waltz waltz lang akez sa MoA para gumora sa sakayan. Lo and behold, nakasalubong ko ang aking current flame. I'm a big fan (pa rin...)
When it rains, it's two lang pala, not four. Mario and Kerbie. Siguro kung three, si Mart Escudero yung isa. My celebrity triumvirate hehehe.
Kahit last year pa nangyari ang gabing to, writing about it tonight made me remember the wondeful feeling I acually felt that time. It was a night to remember, not just because I saw my two ultimate showbiz crushes, but more because reminiscing reminded me that I'm ormally redundant (hehehe) and that despite all the hardships, there is still this one great thing in the life of a fan.
Meet and Greet.
1st, nag aadik kasi ako sa blogelya mo teh eh...
ReplyDeletegusto ko ung part ng crash course... :) Belong na Belong ka teh! havey and eksena! ^ ^
ReplyDeletewaa.... kerbie. ako siguro pag si adam young na yan, mapapraning na ako.
ReplyDeletebm gawa ka uli ng entry ni budwire,,tapos lagay ka ng picture na pls..thank you.
ReplyDelete