Do you remember friend? As in si My Fifteenth. My Swing-and-Top-of-the-Building-Cyber-Lover with the sweetest messages and the cutest declarations of love.
I just noticed winaley na nya yung account nya. Winaley literally. Binonggal. Chinukchak. Tinegi. Dinedlak. Kinembular. Dinedmalaysia. In-erase-erase.
DELETED.
Nag-start kaming magpalitan ng mga iskyembular nung December 27. Mejo nahihiya pa noong una, naging pa-sweet, hanggang sa nagpahaging na ang lolo mo, at ng lumaon eh tumodo na at nagpakilig ng bonggacious na bonggacious sa tigang kong puso.
Sabi pa nya nga di ba, "when someone leaves, it is because someone is about to arrive." At nung sumagot ako na "a lot have arrived but none of them stayed. will you? that's the tricky part." mas lalo akong nangisay sa reply nyang "if i will, will you let me?" kaya sumagot ako uli ng "Someday..."
The sweet messages kept pouring in. Pinakinggan ko ang Pachelbel's Canon in D the Canon Flamenco version, pati na yung Canon Rock by Mattrach. Nag-alay pa ang lolo mo ng mga haiku kasi bet na bet nya daw ang mga japanese poems na iteiwa. Me kwento pa nga bago nya sinabi yung haiku. Me eksena pang ganitey:
Isa daw shang well-known Samurai warrior at mega journey to the woods ang drama ng lolo mo para mangaso at mapag-isa. May nadaanan shang isang ilog at dun nya nasilayan ang napaka-gorgeous at napaka-stunning na si BM. At nang palapit na sha sa akin para hawakan ang aking mala-kandilang mga kamay ay biglang umeksena ang mga sundalo ng kabilang kaharian at sapilitan kaming kinaladkad na parang mga beki na nagkamali sa fashion statement. Harsh! Mega-kulongera ever kaming duwa sa magkaibang bartolina, at tumaghoy na parang mga pusang ngumingiyaw sa pangungulila sa isa't isa.
Sa kanyang dusa't pighati, ay naisulat nya ito sa dingding ng kanyang kulungan.
"Is there a color called love in this world?
Yet why is it,
That my heart is completely dyed with it?"
Kung san sha nakakuha ng pang-vandal sa dingding, wit ko alam. Ang alam ko lang, madalang na shang nagme-message kasi exam week daw nila at kailangan nyang i-resist yung urge na mag-jinternet at ma-distract. Isa daw akong distraction sa kanyang hectic na iskedyul. Isang tukso.
Naintindihan ko naman na di na sha kadalas mag-message gaya ng dati. Basta nagre-react pa rin kami sa isa't isa. It would take days, minsan weeks bago sha makareply sa message ko. At ang huli nga eh nung February 9.
Tapos ngayon babatiin ko sana sha ng belated Happy Valentine's day, ako ang na-belated. Walang sabi-sabi, walang anu-ano, basta nawala na lang yung account nya sa Fezbuk. Di ko alam kung na-block ba nya ako, kung nakalimutan nya yung password, o kung binura nya totally. Basta wala na sha. Ni hindi ko alam ang tunay na namesung ng lolo mo. Ni hindi ko rin nakuha kung anu bang number nya, address, suking tindahan, pati na proof of purchase! Syet!
Sabi ko sa mga previous blogs ko, may 15 chances tayo sa bawat buhay natin na makahanap ng mamahalin at magmamahal sa atin. 15 chances na maging masaya. 15 chances na ma-inlove at mag-inlove ng paulit-ulit. Sha na sana ang pang-15 ko. He could have been "the one". Ang kaso mo, cyber lang ata ang meron sa amin. Andaling mag-logout.
"Someday, I would give you my heart." That was a promise I intended to keep. When we're both ready, right? Panu na yan? Di ka na nag-extend. Kahit man lang half hour. Kahit fifteen minutes baga. Not even five minutes. Di ka man lang nag-babye. Wala man lang pagbabadya, basta ka na lang na-offline.
"Sorry, na-DC ako. GTG."
You pushed me off the edge, man. Ni hindi mo man lang ako sinalo, deym!
Loving is indeed the scariest thing you'll ever attempt. It's like jumping off the cliff, not knowing whether someone's gonna catch you, or if you're falling for nothing. What matters is how you took a chance. If no one catches you, don't mourn love. Remember it, celebrate it, seek it... For love comes back. And if your heart is ready, love stays. For good.
Owen, you may not be my Fifteenth Chance. You may not be the one. Still, thank you for making me feel soooooo special and loved. You will always have a special glittery spot in my right ventricle. And when I'm ready, I will love again, and again, and again. Sabi nga ni Mother Teresa, "give and give until it hurts no more".
Go lang ako ng go sa love. Kasi, the juice is worth the squeeze.
kakasad naman sir si pang piptin mo. double check, baka may mali kang nabilang at malay mo, pang tertin pala sya o portin point payb. :D
ReplyDeletesadness naman...
ReplyDeletepero sabi mo nga, go lang ng go sa love, kya gogogo sago..
dugo. dugo ang pinangsulat niya ng tula. chos.
ReplyDeleteganyan dapat! positive-thinker!
walang konsiderasyon... di man lang nag-message bago mag-delete ng account...
ReplyDeletec owen kim ba yan? naku mukhang poser nga ung tao..hehehe..friend ko rin sya sa fb pero wala na ngaun..die hard fan ni ronaldo un d b? move on ka na teh!
ReplyDeleteaww.. ramdam na ramdam ko yung emotions mo habang binabasa ko tong entry mo.. ramdam na ramdam ko yun hurt.. parang naiiyak ako.. pero baka nga namali ka lang ng bilang.. baka hindi sya si fifteen baka pang fourteen palang sya.. wag mawalan ng pag asa.. unpredictable ang buhay.. malay mo.. bukas meron na uling bagong lablayp
ReplyDeleteEto na ang pinka favorite kong article mo BM. Ingats ka palagi. Miss ka na namin.
ReplyDelete"And when I'm ready, I will love again, and again, and again."
ReplyDeleteGood Vibes.
Para sakin screw the "15th curse"! Para kasing nililimitahan natin ang Powerlinda of Lovelaloo niyan. Lovelaloo lang ng lovelaloo. Kung ung iba hanggang 15th lang ang limitation i dont think it applies to u ateng BM. Ikaw fah vah? Ure extra ordinary teh hindi lang 15th ang limitation mo.
ReplyDeleteMay mga ganyang tao na nagpapaasa lang. But who knows baka talagang may pinagdaanan lang din sha kaya niya ginawa un. Pero right now di pa natin masasabi but someday we'll know or someday the answer wont matter anymore...
Kaya alay ko sayo ang kantang "Proud Mary"
While waiting for that someday, let's keep on rolling! ahahahah =)
<--Diamond-Will-->